Kiev Lazaredos was running away from trouble. Pumasok sa suite niya sa resort ang girlfriend ng pinsan niya at tinangka siyang i-seduce. Nang di niya ito patulan ay inakusahan siya nito na gusto niya itong gahasain. Wala siyang choice kundi tumalon sa terrace ng kuwartong katabi niya. Maswerte siya dahil bukas iyon at doon pansamantalang nagtago. Paalis na sana siya nang magising ang lasing na babaeng umookupa ng silid. It was Estefania Realejos. Brokenhearted ito dahil sinabihan itong boring at frigid ng dating nobyo. Akala nito ay siya ang gigolo na magtuturo dito kung paano maging babae. Kung malalaman nitong hindi siya ang gigolo na iyon, tiyak na maaakusahan na naman siyang rapist sa pangalawang pagkakataon sa gabing iyon. But if he wanted to save his ass, he must teach this innocent lady how to be a woman.
"Bendita, break na kami ni Pierre. Sabi niya parang hindi daw ako babae. Pakiramdam daw niya parang robot o computer ang girlfriend niya."
Napahagulgol ng iyak si Estefania. Wala siyang pakialam pinagtitinginan sila ng ibang mga guest nasa bar ng Sea Coral Beach Resort sa Bohol at palubog pa lang ang araw ay umiinom na siya. She should have done this a few days ago. Mahigit isang linggo na silang break ng nobyong si Pierre. Pero kinailangan niyang pigilin ang emosyon niya kasama na pati ang luha niya dahil ayaw niyang maapektuhan ang trabaho niya. Pero ngayong nasa bakasyon na siya ay pwede na siyang magwala kung gusto niya.
Tatlong buwan pa lang niya itong boyfriend. ito ang first boyfriend niya at matagal niya itong hinintay. Akala niya ito na ang lalaking pakakasalan niya at makakasama habambuhay. Kaya naman gumuho ang lahat ng pangarap niya nang sabihin nitong ayaw na nito sa kanya.
Binayo ni Benedicto Sangandaan aka Bendita ang mesa. Pa-girl ang bestfriend niya pero lumabas ang pagiging lalaki nito pagdating sa pagdepensa sa kanya. Nakataas tuloy ang kilay ng bartender dahil mukhang gusto nang manapak ni Bendita. "Ang kapal ng face ng Pierre na iyon. Pagkatapos mong mag-give way sa kanya para siya na ang maging head ng department ninyo dahil nga mahal mo siya at halos ikaw na ang gumawa ng trabaho niya, ito pa ang sasabihin niya sa iyo." Ipinilig nito ang ulo at napatungga ng vodka nang wala sa oras kahit bawal iyon dahil naka-duty ito bilang manager ng bar. "Hindi ko sukat akalain na magagawa niya ito sa iyo. Akala ko pa mandin maswerte ka dahil sa wakas napansin ka ng Prince Charming mo."
Magkaibigan sila ni Bendita mula high school. The nerd and the gay. Elementary pa lang kasi ay pumipilantik na ang daliri nito. Ito ang umaalo sa kanya kapag binu-bully siya ng ibang insecure na estudyante dahil matalino siya. Habang siya naman ang taga-depensa dito sa ibang tao pati sa pamilya nito nang sa wakas ay magladlad na ito. Kaya naman kahit nang sa Bohol na nag-settle ang pamilya nito at doon nag-aral ng college ay hindi naputol ang bond nila.
Si Bendita ang saksi sa pag-ibig niya kay Pierre. High school pa lang kasi ay crush na niya ito. Mas senior ito sa kanya ng dalawang taon. Matangkad ito, mestizo at laging ngumingiti sa kanya kapag nakakasalubong niya sa corridor. Pareho silang officer ng Science Club. Saksi siya sa mga nagiging crush nito at girlfriend at si Bendita ang iniiyakan niya kapag nakikita niyang may kasama si Pierre na iba.
Nang maka-graduate si Pierre ay nagawan pa niya ng paraan na makita ito dahil pinsan ni Bendita ang isa sa barkada nito. Kaya naman Computer Engineering din niya ang kinuha niyang kurso. At maswerte siya na mapasok din sa kompanya kung saan parte si Pierre.
Tatlong taon na siya sa kompanya nang sa wakas ay mapansin at ligawan siya nito. Isang buwan lang siyang nagpakipot dahil ayaw niyang isipin nito na easy siya. Masaya siya sa loob ng tatlong buwan na nobyo niya ito. She thought everything was perfect. Nangangarap na nga siya kung anong design ng wedding gown niya sa kasal nila.
Nagsimula lang ang problema nang gusto ni Pierre na maging mas intimate sila. His kisses became hotter and she was not comfortable with it. She told him that she needed more time to get used to it. Hindi naman kasi siya ang babae na sanay sa intimacy. She allowed him a few light kisses but she thought it was enough.
Nang gusto nitong may mangyari sa kanila ay lalo siyang nataranta. Doon na nagsimula ang matinding pagtatalo nila. She wanted to be a virgin bride. Iyon ang regalo niya sa magiging asawa niya. Pero para kay Pierre ay isang malaking kalokohan iyon. Wala na daw virgin bride sa panahong ito. At saka siya nito hinamon ng hiwalayan. Hindi daw nito matatagalan ang isang frigid na girlfriend. Pinagtitiyagaan na nga daw nito ang pagiging manang niya at nerd. Pati ba naman daw ang kaunting intimacy ay hindi niya ibibigay.
"Masakit kasi hindi naman ako ganoon kawalang kwentang girlfriend," wika niya at nagsalin ng vodka sa baso. Nanginginig na siya at nanlalabo ang paningin. "Ibinibigay ko ang buong suporta ko sa kanya. Sa trabaho at sa pamilya niya lagi ko siyang tinutulungan."
"Oo naman. Kulang na lang ikaw na ang magpaaral sa mga kapatid niya. Hindi ka na nga natutulog sa dami ng utos niya sa iyo. Sa totoo lang gusto kitang batukan kasi di ko sukat akalain na hahayaan mong gawin niya iyon sa iyo."
Ngumisi siya at itinaas ang baso. "Ikaw nga nagbibigay pa ng pang-tuition sa naging boyfriend mo. So I thought that's fine."
Hinatak nito ang buhok niya. Tumawa lang siya kahit halos mapunit ang anit niya. Sa palagay niya ay lasing na siya. Tumawa siya habang umiiyak. "Gagang-gaga ka talaga. Iba iyon."
"Walang ipinagkaiba iyon. Bading, babae, lahat nagmamahal. Hindi ko nga lang alam na ganito pala kasakit ang magmahal." At muling pumatak ang luha sa mata niya. Awang-awa siya sa sarili niya dahil sampal sa pagiging babae niya ang ginawa ni Pierre. Parang pinapatay siya. "Ibinigay ko naman ang best ko. Ang lahat ng pang-unawa ko kapag siya ang nagkukulang sa akin. Minsan mukha na akong alila niya pero okay lang. Bakit hindi sapat ang totoong ako at ang kaya kong ibigay sa kanya? Sobra-sobra pa ang gusto niyang hingin."
Akala niya ay okay lang dito na mabait, matalino, masipag at independent ang girlfriend nito. Iyon pala ay mas gusto nito ang mas maganda at mapagbigay na babae. Hindi naman siya ganoon.
"Baka naman may pagkukulang ka nga. Hindi mawawala ang intimacy sa isang relasyon. Walang spice ang isang relasyon kung walang intimacy. Hindi pwedeng hanggang titigan at kiligan lang ang pag-ibig. That's boring." Ginalaw nito ang salamin niya. May grado ang mata niya pero mas gusto niya ang salamin kaysa sa contact lens. "Look at you. Mukha kang hinukay sa baul ng lola ko."
Nagpunta si Yngrid sa Camiguin para mag-relax kasama ang mga kaibigan. Umaasa siya na sa loob ng tatlong araw na bakasyon ay may mababago sa kanyang boring na buhay. Kasama na sa misyon niya ang makatagpo ng isang hot at guwapong lalaki na magbibigay ng kulay sa kanyang monotonous na buhay. Enter Kenji Matsunaga – ang fashion model na crush na crush niya. Ito ang sumagip sa buhay niya matapos siyang malaglag sa pool. Those three days in Camiguin with him was perfect. Hanggang malaman na lang niya na si Kenji pala ang boyfriend ng mortal niyang kaaway na si Margaret Choi. Habang friendzoned lang ang ganda niya. Pero nang makita niyang umiyak si Kenji dahil kay Margaret, alam niyang gagawin niya ang lahat para di na lumuha pa si Kenji. At iyon ay sa piling niya. Ipaglalaban niya si Kenji kahit na nga ba hindi siya ang mahal nito?
Misyon ni Cattleya Bautista sa pagpunta sa Germany na kumbinsihin si Liam Aramis na pumirma ng kontrata sa El Mundo Football Club. Kung hindi niya ito mapapapirma ay huwag na lang daw siyang umuwi ng Pilipinas ayon sa pinsan niya na manager ng club na si Pierro Dantes. Pero di lang basta ayaw pumirma ni Liam sa kontrata. Hindi na ito iginalang ang pagiging assistant manager niya. Pinaghinalaan pa siya nito na handang ialay ang katawan at puri niya dito para lang makumbinsi itong pumirma ng kontrata. Sa huli ay wala na siyang mapagpipilian kundi hamunin ito sa isang beer-drinking contest. Kapag natalo siya, hindi na niya ito kukulitin pang pumirma sa El Mundo FC. And she also owed him a passionate night together. Sa kamalas-malasan ay natalo siya. Di na nga siya makakauwi ng Pilipinas ay nanganganib pa ang puri niya.
Jaidyleen realized that she was leading a boring life. Lumilipas ang panahon na wala siyang ginawa kundi magtrabaho at pagsilbihan ang kanyang pamilya. Pero nang maaksidente siya, saka lang na-realize ni Jaidyleen kung ano ang nami-miss niya sa buhay. Ang una niyang naisip gawin—magpakasaya sa isang football match at halikan si Angel Aldeguer, ang paborito niyang half Spanish-half Filipino football player. From a staid and serious woman, she transformed herself into a certified fangirl. Ang akala niya ay ayos lang iyon. She was just a girl having fun. Wala rin namang nakakaalam. Hanggang isang araw ay natuklasan ni Jaidyleen na isa si Angel sa magiging estudyante niya sa language class. Hindi lang puso niya ang namemeligro kundi pati ang trabaho niya at ang reputasyon na matagal din niyang iningatan. Pero paano niya mapipigilan ang sarili na ma-red card kung isang ngiti lang ni Angel sabay sabing, ‘matanda ka” ay off-side na ang puso niya?
Sworn enemies. Iyan ang taguri nina Zafira at Greco sa isa’t isa. Para kay Greco, hindi siya magandang impluwensiya sa kababata nitong si Charishma na matalik naman niyang kaibigan. Hindi daw maganda ang family background niya dahil ang ama niya ay isang sikat na archaeological looter. Kaya nga kahit minsan ay di sumagi sa isip niya na magustuhan ito kahit pa guwapo ito at matalino. Lalaitin lang nito ang pagkatao niya. Kaya nagulat na lang siya nang biglang i-anunsiyo ni Greco sa lahat na girlfriend na siya nito. Hanggang alukin siya nito na maging totoong girlfriend nito. Sasakay ba siya sa kalokohan nito o bibigyan niya ang sarili ng pagkakataon na maranasang maging totoong girlfriend nito?
Simple lang ang plano ni Jeremie sa pagsama sa cruise. Ang mag-relax bago siya bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga responsibilidad niya sa pamilya niya. Hanggang mapanalunan niya sa isang game ang isang date kasama si Lucian Montecillo, who was also known as the Pirate Lord. He owned Asia’s most promising cruise ship. Guwapo sana ito pero suplado at parang may allergy sa mga babae. Ayaw nito sa kanya and the feeling was mutual. Iginigiit nito na kagaya siya ng ibang babae na naghahabol dito na gusto itong akitin at siluin sa kasal. Sa gitna ng paglilitanya nito, she walked out on him. Hindi niya matatagalan ang kaarogantehan nito. “Hey, wait!” Nagulat siya nang humarang sa harapan niya si Lucian. “Yes?” “I am still your prize.” Hinapit nito ang baywang niya. Magkadikit na ang katawan nila at gayundin ang mga mukha nila. “Be my date.”
Masaya na si Aurora sa simpleng buhay niya sa Isla Juventus. Kahit na malayo sa sibilisasyon, walang kuryente, walang radyo o telebisyon ay kuntento na siya. Isa siyang mabait na anak na handang magpakasal sa lalaking pinili ng ama niya. Subalit nang dumating sa buhay niya ang guwapong estrangherong si Alvaro, parang naisip niya na parang may kulang sa buhay niya. Misteryoso ito at nagmula sa mundo na hindi kailanman niya binalak na puntahan – ang magulong lungsod ng Maynila. Nabuhay ang kuryosidad niya at kapag nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya, parang sasabog ang puso niya. Iniwan na daw nito ang magulong buhay sa Maynila at gusto na daw nito ng bagong buhay kasama siya. Subalit paano kung sumabog sa harapan niya ang misteryo ng pagkatao ni Alvaro at nakatakdang guluhin ang tahimik na buhay niya sa isla?
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...