Get the APP hot
Home / Romance / Right Here Waiting For You
Right Here Waiting For You

Right Here Waiting For You

5.0
75 Chapters
428 View
Read Now

About

Contents

Nagluksa ang puso ni Nailah nang maglaho si Carson nang di man lang nito naibabalik ang pagmamahal sa kanya. But he stayed inside her heart for five years. Hindi madali para sa kanya na kalimutan ito habang ang lahat ay naka-move on na sa pagkawala nito. Ikakasal na ang dati nitong nobya sa kapatid niya. Subalit buhay pala ang binata at para maging madali ang transition ng buhay nito, kailangang magpanggap ang lahat na normal pa ang lahat - na ito pa rin ang mahal ni Andrea at di natuloy ang kasal ng kapatid niya. Di rin masabi ni Nailah dito na mahal niya ito.

Chapter 1 RHWFY: 1

Carson: Anong kailangan kong gawin para makuha ang Espada ng Kapayapaan?

Haring Sung Won: Kailangan mong gamutin ang mahal na Prinsesa Hanjin.

Isang magandang babae na may tuwid at mahabang buhok ang nasa tabi ng hari. Subalit walang kahit anong ekspresyon sa mukha nito. Nakatitig lang sa kawalan.

Carson: Anong nangyari sa kanya?

Haring Sun Won: Mula nang mamatay ang kanyang ina sa harap niya, nagkaganyan na siya. Ginawa na namin ang lahat pero wala pa rin siyang reaksyon. Di tumatawa, di umiiyak at di rin nasasaktan. Kung makakakuha siya ng reaksyon mula sa iyo sa loob ng dalawampu't apat na oras, mapapasaiyo ang Espada ng Kapayapaan.

Carson: At kung hindi ko magawa iyon?

Iginuhigit ng mahal na hari ang daliri sa leeg nito. Lumunok si Senyorito Carson. Paano ko matutulungan ang prinsesa? Hindi ako psychologist. Di ako magician. I'm dead.

Humagikgik si Nailah sa sitwasyong kinalalagyan ni Senyorito Carson, ang bida sa comics na iginuguhit niya. Ang pamilya nito ang tagapag-ingat ng mahahalagang historical artifacts sa pamilya. Subalit dahil sa pagtutol nito na bantayan iyon, kusang nawawala ang mga artifacts at kailangan nitong bumalik sa unang panahon para maibalik iyon kasalukuyan. Pero puro kapalpakan naman ang dinaranas nito.

Sinimulan niya iyon tatlong taon na ang nakakaraan mula nang mag-aral ng Anthropology si Carson sa UP Diliman. Na-inspire siya sa masasayang kwento nito kapag nasa site at sa mga natutuklasan nitong mga artifacts. Nag-take up din si Nailah ng AB History dahil na-inspire siya sa mga inaaral nito. She wished she could go in an adventure with him. Kaya kahit na weakness niya ang history at may alok sa kanya na mag-Fine Arts dahil pakiramdam niya ay mas mapapalapit siya kay Carson sa kursong pinili niya.

Siniko siya ng kaibigan at kaklaseng si Mingming. "Nailah, hoy!"

Napapitlag siya at galit itong sinulyapan. "Bakit ba?"

"Tawag ka ni Sir."

Bigla siyang tumingin sa harap kung saan nakatitig sa kanya ang instructor nila para sa German History. "Miss Valenzuela, kindly read the next paragraph."

Nakangiti siyang tumayo at bahagyang sinulyapan Mingming. Hindi niya alam kung ano ang susunod na babasahin. Kung ililipat niya ng page ang libro niya ay mahahalata siyang di nakikinig sa idini-discuss nito.

Pasimple nitong itinuro kung saan na ang babasahin niya. Saka niya kinuha ang libro nito. "On September 3, 1833, Benjamin Day launched the New York Sun. It catered to popular mass and captured the interest of readers through sensational topics. That's when newspaper started to sell like chocolates."

"Hotcakes, Miss Valenzuela," pagtatama ng professor niya.

"Ha?" Niyuko niya ang binabasa. Hotcake nga iyon at di chocolate. "Hotcakes," nakangiti niyang pagtatama. Nasundan iyon ng tawanan ng mga kaklase niya. Saan ba naman niya chocolate na iyon?

"Are you daydreaming, Miss Valenzuela?"

"Errr.. No, Sir!" tanggi niya.

"Hans, mukhang ikaw ang pinangarap ni Nailah! Bigyan mo nga ng chocolate mamaya," wika ni Steve, isa sa kaklase niya.

"Bibigyan ko talaga siya ng chocolate kahit di mo pa sabihin. Para naman sagutin na niya ako," mayabang na sabi ni Hans. "Matatapos na tiyak ang pagpapakipot niya kapag binigyan ko siya ng chocolate." Umugong ulit ang kantiyawan.

Matalim niyang tiningnan si Hans. Akala nito ay makukuha siya sa chocolate. Ilang beses na siya nitong niyayang mag-date pero lagi niyang tinatanggihan. Pag-aaral lang ang focus niya at di rin siya interesado sa ibang lalaki. Wala pa ngang sariling trabaho at paaral pa ng magulang pero love life na ang iniisip.

"Silence, class!" saway ni Dr. Soriano. "You may take a seat now, Miss Valenzuela. Mr. Nicholas, read the next one."

"Magpasalamat ka dahil nakalusot ka kay Sir," bulong ni Mingming sa kanya nang umupo siya. "Pero mukhang di ka nakalusot kay Kumander Yabang."

"Hayaan mo siya. Hanggang hangin lang naman ang ipagmamalaki niyan," sabi niya at nag-concentrate na sa lesson.

Hindi agad umuwi si Nailah matapos ang klase niya. May practice pa si Mingming at gusto nito na sabay silang umuwi. Nagmiryenda siya sa isa sa mga mesa sa paligid ng school ground kaysa sa university canteen. Mas tahimik kasi doon at mas makakapag-isip siya para sa susunod na eksena sa kwento ni Senyorito Carson. Kailangan na lang niyang pag-isipan kung ano ang solusyon ng bida niya sa panibagong problema na kinakaharap nito. Kapag ganitong pagkakataon at di kinakaya ng research, kay Carson siya nagtatanong.

Magugulat na lang ito kapag ipinakita niya dito ang mga nagawa na niyang graphic novels. Sa coupon bond lang niya iginuhit iyon at for personal use lang. Ireregalo lang niya kay Carson sa birthday nito at sa nalalapit nitong graduation.

"Nailah babe, mukhang mag-isa ka lang diyan. Sasamahan na kitang mag-lunch," sabi ni Hans at umupo sa tapat niya. Kasunod nito ang mga kabarkada sa likuran. May itsura naman si Hans at malakas ang dating. Nanalo pa nga ito ng Mister San Fabian at maraming kaklase niya ang may crush dito. Hindi lang talaga niya ito feel. Babaero pa ito kaya ekis agad ito sa kanya matapos siyang mauto, tiyak na ibang babae naman ang puntirya nito. Hindi siya uto-uto.

"Mas gusto ko na mapag-isa," mariin niyang sabi at kumagat ng banana cue. Sinadya niyang lakihan ang subo para madismaya ito sa katakawan niya at kawalan ng poise. "Mas okay na ako dito na mag-isa. Ayoko talaga na naaabala."

"May bagong bukas na restaurant ang tita ko. Masarap ang cake nila doon," sabi ng lalaki na parang nang-aakit.

"Salamat pero ibang babae na lang siguro ang yayain mo. May boyfriend na kasi ako," aniya at pilit na ngumiti.

"Sino? Bakit wala ka namang ipino-post sa Facebook mo?"

Itinaas niya ang noo. "Boyfriend ko si Carson Arellano."

Napanganga si Hans. "May boyfriend ka? Seryoso?"

"May magkakagusto pa pala sa kanya bukod sa iyo, Hans?" kantiyaw ng kaibigan ni Hans at si Gilbert. Kung makapuna akala naman ay kaguwapuhan.

Tumaas ang kilay niya. "Excuse me. Ano ako, charity case ng kaibigan mo?" Simple lang siyang mag-ayos pero di naman siya ganoon kapangit.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 75 RHWFY: Epilogue   03-06 11:55
img
1 Chapter 1 RHWFY: 1
11/04/2022
2 Chapter 2 RHWFY: 2
11/04/2022
3 Chapter 3 RHWFY: 3
11/04/2022
4 Chapter 4 RHWFY: 4
11/04/2022
5 Chapter 5 RHWFY: 5
11/04/2022
6 Chapter 6 RHWFY: 6
11/04/2022
7 Chapter 7 RHWFY: 7
11/04/2022
8 Chapter 8 RHWFY: 8
11/04/2022
9 Chapter 9 RHWFY: 9
11/04/2022
10 Chapter 10 RHWFY: 10
11/04/2022
11 Chapter 11 RHWFY: 11
11/04/2022
12 Chapter 12 RHWFY: 12
11/04/2022
13 Chapter 13 RHWFY: 13
11/04/2022
14 Chapter 14 RHWFY: 14
11/04/2022
15 Chapter 15 RHWFY: 15
11/04/2022
16 Chapter 16 RHWFY: 16
11/04/2022
17 Chapter 17 RHWFY: 17
11/04/2022
18 Chapter 18 RHWFY: 18
11/04/2022
19 Chapter 19 RHWFY: 19
11/04/2022
20 Chapter 20 RHWFY: 20
11/04/2022
21 Chapter 21 RHWFY: 21
11/04/2022
22 Chapter 22 RHWFY: 22
11/04/2022
23 Chapter 23 RHWFY: 23
11/04/2022
24 Chapter 24 RHWFY: 24
11/04/2022
25 Chapter 25 RHWFY: 25
11/04/2022
26 Chapter 26 RHWFY: 26
11/04/2022
27 Chapter 27 RHWFY: 27
11/04/2022
28 Chapter 28 RHWFY: 28
11/04/2022
29 Chapter 29 RHWFY: 29
11/04/2022
30 Chapter 30 RHWFY: 30
11/04/2022
31 Chapter 31 RHWFY: 31
11/04/2022
32 Chapter 32 RHWFY: 32
11/04/2022
33 Chapter 33 RHWFY: 33
11/04/2022
34 Chapter 34 RHWFY: 34
11/04/2022
35 Chapter 35 RHWFY: 35
11/04/2022
36 Chapter 36 RHWFY: 36
11/04/2022
37 Chapter 37 RHWFY: 37
11/04/2022
38 Chapter 38 RHWFY: 38
11/04/2022
39 Chapter 39 RHWFY: 39
11/04/2022
40 Chapter 40 RHWFY: 40
11/04/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY