Get the APP hot
Home / Romance / I Remember the Boy: Carrot Man
I Remember the Boy: Carrot Man

I Remember the Boy: Carrot Man

5.0
46 Chapters
348 View
Read Now

About

Contents

Nagbabantang ma-suspend si Paloma sa university matapos siyang masangkot sa pang-aaway ng kaibigan niya sa apo ng governor ng Mountain Province. Ang masaklap ay nilait-lait ng kaibigan niya ang mga Igorot dahilan para mas mabigat ang maging sa kanila. At para di sila magkaroon ng pangit na record ng kaibigan sa university ay kailangan nilang sumama sa cultural immersion sa Kadaclan - isang community sa Mountain Province. At si Jeyrick ang mag-a-assist sa kanya - ang kaklase niya na itinuturing na outcast ng grupo nila at nabu-bully ng mga ito. Nakasalalay dito kung makakagawa siya ng maayos na report para mabura ang di magandang record niya. Hahamunin ng kabundukan ng Cordillera ang lakas ni Paloma. Ang kamay kaya ni Jeyrick ang aalalay sa kanya para makatawid ng kabundukan o ang magtutulak sa kanya sa bangin ng pangarap niya?

Chapter 1 IRTB, CM (Prologue)

Excited si Paloma sa gig niya sa bar kinabukasan. Sa wakas ay pinayagan siya ng kaibigang si Fatima para hayaan siyang mag-perform ng original niyang kanta. Sa mismong bar na daw siyang mag-practice dahil gusto daw nitong marinig ang original piece niya. At excited na rin daw ang mga fans niya at ilan sa patron ng bar nito na marinig ang bago niyang piyesa.

Idinulot sa kanya ng waiter na naka-duty nang umagang iyon ang carrot juice. "Sabi daw po ni Ma'am Fatima, naipit po siya sa traffic. Ito daw po munang ang I-serve ko sa inyo. Iyan po ang paborito ninyo 'di ba?"

"Salamat, Paul. Alam na talaga ninyo ang paborito ko," aniya at natawa.

"Totoo ba na original mong piyesa ang tutugtugin mo mamaya?"

Excited na tumango ang dalaga at sumimsim ng carrot juice. "Oo. Dati kasi puro cover lang ang pine-perform ko pero ngayon sa wakas makakapag-perform na ako ng original na kanta. Sa wakas."

Anim na taon na si Paloma sa entertainment industry. She was a singer who became a finalist in a singing competition. Naging artista din siya.

Showbiz was a tough world. Kung gusto niyang tumagal ay kailangan niyang gamitin ang lahat ng talento niya. At ang pagko-compose ng musika ang isang aspeto na hindi pa niya naipapakita sa marami. Ilang beses na siyang ni-reject pati ng mismong recording company. Hindi daw marketable ang composition niya. Mag-cover na lang daw siya o mag-revive ng kanta. It was heartbreaking. Ilang beses na siyang muntik na sumuko.

Maswerte siya na may kaibigan siya na nagtiwala sa kanya para iparinig sa lahat ang kanta niya. She just wanted her soul to be heard. At last.

Luminga si Paul sa paligid. "Ma'am, tungkol ba sa break up ninyo ni Thirdy Concepcion ang kanta mo?" may kahinaang tanong nito.

Magaang natawa ang dalaga. "Itutulad mo pa ako kay Taylor Swift?"

"Iyon naman kasi ang uso, Ma'am. Tiyak na bebenta kayo at pag-uusapan ng mga tao. Bibili din ako no'n."

Kontrobersiya. Kasikatan. Maraming salapi. Iyan ang kaakibat ng relasyon nila ni Thirdy Concepcion. Tatlong taon din niyang naging boyfriend ang sikat na leading man at host. They looked perfect together. Akala din ng mga tao ay perpekto ang buhay niya kasama ito.

Walang ideya ang mga tao na ang perpektong buhay niya ay hindi totoo. Nagpapanggap lang siya. Gaya ng mahal siya ng dating nobyo na si Thirdy pero ang totoo ay palabas lang ang relasyon para pagtakpan ang tunay na preference nito at ang relasyon nito sa boyfriend nito.

But she wanted out. Kahit magdusa ang career niya. Kahit na hindi na siya maging kasing sikat nang dati. Gusto na niyang maging malaya. Ang maging totoong siya. She wanted to own back her life.

Di gaya ni Aling Taylor na nakakasulat ng kanta tungkol sa mga ex-boyfriend nito at ina-album pagkatapos, di siya ganoon ka-inspired pagdating kay Thirdy. Mananatiling lihim ang sekreto nito. Kung maibubulgar man iyon, tinitiyak niyang hindi manggagaling sa kanya. Gusto lang niyang mawala na ito sa buhay niya at di niya hahayaang pati sa musika niya ay magiging bahagi pa ito. Her music was the real her. Walang puwang ang pagpapanggap.

"My songs will be about my once young self, my little adventures, and my dreams," usal niya at pumikit. About her young love. A forbidden young love. A love she had lost before it even began.

Dumilat siya nang marinig ang boses ng isa pang waiter. "Pare, nakita mo na ba itong si Carrot Man? 'Yung kargador ng carrot. Baliw na baliw 'yung mga babae sa kanya. Samantalang tagabuhat lang naman ng carrot at magsasaka sa bukid sa Mountain Province."

Nangalumbaba si Paloma. "Ano naman kung magsasaka lang siya at tagabuhat ng carrots? Baka guwapo naman talaga siya."

"Mas guwapo pa sa akin, Ma'am?" tanong ng waiter na si Nico at nag-pogi pose. "Igorot lang naman iyon."

Ngumisi ang dalaga. "Huwag ninyong minamaliit ang Igorot lalo na ang mga taga-Mountain Province. Magaganda talaga ang lahi nila at mas makinis pa sa akin ang mga balat pati na ang mga lalaki. Mababait din sila at masisipag. Kapag napag-aralan ninyo ang buhay nila, hahanga kayo sa kanila katulad ni Carrot Man."

"Parang ang dami ninyong alam tungkol sa mga Igorot, Ma'am," sabi ni Paul.

"Sa Baguio ako nag-first year college. Doon din ako nag-audition sa You're A Star bago ako nag-settle dito sa Manila. Doon rin ako nag-compose ng pinakauna kong kanta. Di man ako Igorot pero mataas ko ang respeto sa kanila."

"E baka na-in love kayo sa Igorot, Ma'am," sabi ni Nico.

Isang lihim na ngiti ang sumilay sa labi niya. Inilahad niya ang kamay. "Pwede ko bang makita ang Carrot Man na iyan?"

Inabot ni Nico ang cellphone sa kanya. "Heto po."

Isang lalaki na nakasuot ng gray hoodie ang may sunong ng gray hoodie. Sunong nito ang isang kaing na carrot. Nakayuko ito at natatakpan ng mahabang wavy na buhok ang gilid ng mukha nito. Pero pumitlag ang puso niya nang makita ang pamilyar na tangos ng ilong nito.

A guy in a gray hoodie. Someone very familiar and close to her heart. "Carrot Man," usal ni Paloma. Jeyrick?

"Paloma, I'm sorry to keep you waiting," sabi ng kaibigan niya.

Tumayo siya at ibinalik sa waiter ang cellphone nito. "Okay lang." At hinalikan sa pisngi ang kaibigan.

"Doon tayo sa office ko," sabi ng babae.

Sumunod siya sa babae pero nasa isip pa rin niya ang lalaking may mahabang buhok na natatakpan ng hoodie ang mukha. Carrot Man. He reminded her so much of the man who made her heart sing.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 46 IRTB, CM (Epilogue)   03-06 11:55
img
2 Chapter 2 IRTB, CM 1
12/04/2022
3 Chapter 3 IRTB, CM 2
12/04/2022
4 Chapter 4 IRTB, CM 3
12/04/2022
5 Chapter 5 IRTB, CM 4
12/04/2022
6 Chapter 6 IRTB, CM 5
12/04/2022
7 Chapter 7 IRTB, CM 6
12/04/2022
8 Chapter 8 IRTB, CM 7
12/04/2022
9 Chapter 9 IRTB, CM 8
12/04/2022
10 Chapter 10 IRTB, CM 9
12/04/2022
11 Chapter 11 IRTB, CM 10
12/04/2022
12 Chapter 12 IRTB, CM 11
12/04/2022
13 Chapter 13 IRTB, CM 12
12/04/2022
14 Chapter 14 IRTB, CM 13
12/04/2022
15 Chapter 15 IRTB, CM 14
12/04/2022
16 Chapter 16 IRTB, CM 15
12/04/2022
17 Chapter 17 IRTB, CM 16
12/04/2022
18 Chapter 18 IRTB, CM 17
12/04/2022
19 Chapter 19 IRTB, CM 18
12/04/2022
20 Chapter 20 IRTB, CM 19
12/04/2022
21 Chapter 21 IRTB, CM 20
12/04/2022
22 Chapter 22 IRTB, CM 21
12/04/2022
23 Chapter 23 IRTB, CM 22
12/04/2022
24 Chapter 24 IRTB, CM 23
12/04/2022
25 Chapter 25 IRTB, CM 24
12/04/2022
26 Chapter 26 IRTB, CM 25
12/04/2022
27 Chapter 27 IRTB, CM 26
12/04/2022
28 Chapter 28 IRTB, CM 27
12/04/2022
29 Chapter 29 IRTB, CM 28
12/04/2022
30 Chapter 30 IRTB, CM 29
12/04/2022
31 Chapter 31 IRTB, CM 30
12/04/2022
32 Chapter 32 IRTB, CM 31
12/04/2022
33 Chapter 33 IRTB, CM 32
12/04/2022
34 Chapter 34 IRTB, CM 33
12/04/2022
35 Chapter 35 IRTB, CM 34
12/04/2022
36 Chapter 36 IRTB, CM 35
12/04/2022
37 Chapter 37 IRTB, CM 36
12/04/2022
38 Chapter 38 IRTB, CM 37
12/04/2022
39 Chapter 39 IRTB, CM 38
12/04/2022
40 Chapter 40 IRTB, CM 39
12/04/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY