Get the APP hot
Home / Romance / I Live My Life For You
I Live My Life For You

I Live My Life For You

5.0
52 Chapters
178 View
Read Now

About

Contents

Matapos makaligtas sa paglubog ng bangkang sinasakyan sa Guimaras, nagdesisyon si Ratchelle na umuwi ng Isla La Carmella para ayusin ang relasyon niya sa magulang niya at pakasalan ang unang lalaking minahal niya na si Vic-Vic. Subalit sa gabing nakatakda na niyang sabihin kay Vic-Vic na mahal niya ito ay idineklara naman nito na ikakasal na ito sa kontrabida niyang pinsan na si Joanne Jean. Wasak na wasak ang mundo niya nang gabing iyon. At paggising niya kinabukasan ay katabi na niya ang mortal niyang kaaway na si Orion – ang gusgusin at mukhang di naliligong artist na itinatanghal sa buong La Carmella. Kunyari ay patay-malisya na lang siya at tinakasan ito para iwasan ang komprontasyon. Subalit di niya ito magawang takasan nang kumalat sa buong La Carmella ang tungkol sa isang gabing "pagkalimot" nila. Subalit paano kung di lang puri niya ang plano nitong ibangon kundi plano rin nitong hilumin ang sugat sa puso niya? Lalabanan ba niya ang nararamdaman o bibigay na lang?

Chapter 1 ILMLFY: 1

Umuwi ka na sa wedding anniversary nina Tito Fredo at Tita Maureen. We miss you already. I have something important to tell you. Please come home. I am waiting.

Bumuntong-hininga si Ratchelle nang mabasa ang text na iyon ng kababatang si Vic-Vic o Vicencio. Ito na ang nakikiusap na umuwi siya ng San Carlos kung saan naroon ang magulang na hindi niya nakikita sa loob ng walong taon.

Nasa isa siya sa munting isla ng Guimaras para sa island-hopping tour niya kasama ang mga kaibigan. Abala ang mga ito sa pagpapa-picture habang nagkasya na lang siya sa pag-upo sa buhanginan habang nakatitig sa text message sa kanya. Nag-message sa kanya si Vic-Vic matapos ang mahabang panahon. Mukhang mahalaga ang sasabihin nito sa kanya.

"Uy! Nagse-senti ka naman mag-isa dito," sabi ni Jaideelyn at umupo sa tabi niya. "Kanina mo pa tinititigan 'yang cellphone mo. May problema ba?"

"Wala," aniya at tipid na ngumiti.

Inagaw ni Che-Che ang cellphone sa kanya. "Uy! Text galing kay Vic-Vic." Binasa nito ang mensahe. "We miss you already. I have something important to tell you. Please come home. I am waiting."

"Sino si Vic-Vic?" tanong ni Armhine na siyang pinakamatanda sa kanila at mas maraming alam pagdating sa pag-ibig. Isa itong romance novelist kaya naman madalas ay dito sila nagtatanong pagdating sa love kahit na di rin maganda ang record nito sa pag-ibig.

Vic-Vic used to be her bestfriend. Ito rin ang first love niya. Pero nasira ang lahat ng pinagsamahan nila matapos siyang ibuko ng bruhang pinsan niyang si Joanne Jean na in love siya dito. Sinabi nito na mas gusto nitong magkaibigan lang sila.

Hindi lang si Vic-Vic ang nawala sa kanya mula nang dumating si Joanne Jean sa buhay niya. Mas naunang nawala sa kanya ang mga magulang niya. Siya ang nag-iisang anak nina Fredo at Maureen Ramirez. Sabi ng tatay niya ay may pagka-maton siyang kumilos dahilan para ma-frustrate ang nanay niya tuwing gusto nitong kumilos siya na parang babae.

Nang mamatay ang Tita Joan niya na kapatid ng nanay niya ay sa kanila naiwan ang anak nitong si Joanne Jean. Mas matanda si Joanne sa kanya ng ilang buwan. She was her exact opposite. While she was brainy and brawny, she was like a young lady. Kahit na di matataas ang grades nito sa school ay mas natutuwa dito ang mga magulang niya dahil magaling itong kumanta at sumayaw. Guwardiyado din ito ng tatay niya dahil ito ang maraming manliligaw. At sa huli ay lumalabas na parang siya ang etsa-puwera sa pamilya. May babalikan pa ba siyang pamilya kung wala na siyang halaga sa mga ito?

"Halika na! Baka maiwan pa tayo ng flight natin. Next destination na tayo," yaya sa kanila ni Yrene.

Pinilit niyang maging masaya sa mga sumunod na lugar na pinuntahan niya subalit bumabalik pa rin ang isip niya sa naiwang mahal sa buhay sa Isla La Carmella. Anong klaseng pagtanggap ang matatanggap niya sa pag-uwi niya? Ibibigay na ba ng mga ito ang pagmamahal na nararapat sa kanya bilang anak? Hindi pa rin niya alam. Hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso niya sa pag-reject ng mga ito sa kanya. Kailangan pa niya ng panahon.

"Babangga na tayo!"

Umangat ang mata niya sa sigaw na iyon ni Jaidyleen at sa mismong mga mata niya ay nakita niya kung paanong bumangga ang katig ng bangka sa malaking limestone na nakausli sa dagat. Nahigit niya ang hininga nang unti-unting lumubog ang bangka nila. Kinilabutan siya dahil ilang beses na siyang nakasakay ng bangka at lumaki sa tabing-dagat pero hindi pa niya naranasan na malubugan ng bangka. Ngayon lang.

"Walang bibitaw sa bangka!" narinig niyang sigaw ng bangkero. "Walang bibitaw!"

Tumili siya dahil pinasok ng tubig ang bangka at tumilapon siya sa labas. "M-Mamamatay na tayo!" narinig niyang sigaw ni Che-Che na hindi marunong lumangoy.

"It's okay. It's okay. May lifevest tayo," sabi ni Armine na bagamat kalmado ay umiiyak na. "A-Ayoko pang mamatay. May anak ako. Hindi ko pa tuluyang naihahanda ang kinabukasan niya. Ni hindi niya alam kung sino ang tunay niyang ama," narinig niyang sabi ni Armhine na mahigpit ang hawak sa kawayang tinatalian ng bubong ng bangka nila.

Pumikit siya at tahimik na umiyak. Lumaki siya sa tabing-dagat pero matagal na panahon na siyang di lumalangoy sa dagat. Di rin niya naranasang lumangoy kasama ang naglalakihang mga alon o malubugan ng bangka. Pakiramdam niya ay katapusan na niya.

Ayaw pa niyang mamatay. Hindi pa siya bumabalik sa pamilya niya sa Isla La Carmella. Kung mabubuhay lang siya doon ay ibababa niya ang pride niya. Babalik siya sa pamilya niya. Ipapakita niyang siya ang anak na ipagmamalaki ng mga ito. Sasabihin niya kay Vic-Vic na mahal niya ito. Tutuparin na niya ang pangarap niya.

Sana lang ay mabigyan pa siya ng pangalawang pagkakataon na mabuhay. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya iiwan ang mga mahal niya sa buhay.

HINDI magkandatuto si Ratchelle sa pagsasakay ng mga bagahe niya sa cart. Sa wakas ay tumapak na siya sa airport ng Calbayog, Samar. Nang huling manggaling siya doon sampung taon na ang nakakaraan ay mangilan-ngilan pa lang ang flight doon. Ngayon ay maganda na ang airport at ang mga facilities nito.

Katulad niya ang siyudad na iyon na sumasabay sa panahon. Marami na ring nagbago sa kanya. Hindi na siya ang dalagang umalis ng Maynila na ang tanging bitbit ay pangarap niya. Buo na siya ngayon at natupad na halos niya ang pangarap niya. She was home. Almost home. Ang kailangan lang niya ay sumakay ng bangka at sa loob ng apat na oras ay nasa munting isla muli siya ng La Carmella. Handa siyang patunayan sa lahat ng taong di naniwala sa kanya na naabot niya ang inakala ng marami na imposible.

Siguro naman ay maipagmamalaki na siya ng mga magulang niya. Isa na siya ngayong accounting head ng isang kilalang outsourcing company at nakapagbiyahe na rin sa abroad. Sa wakas ay maniniwala na ang mga ito sa kakayahan niya. Hindi na rin masasabi ng mga ito na malaking pagkakamali na umalis siya ng La Carmella para sa pangarap niya.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 52 ILMLFY: Wakas   03-06 11:55
img
1 Chapter 1 ILMLFY: 1
11/04/2022
2 Chapter 2 ILMLFY: 2
11/04/2022
3 Chapter 3 ILMLFY: 3
11/04/2022
4 Chapter 4 ILMLFY: 4
11/04/2022
5 Chapter 5 ILMLFY: 5
11/04/2022
6 Chapter 6 ILMLFY: 6
11/04/2022
7 Chapter 7 ILMLFY: 7
11/04/2022
8 Chapter 8 ILMLFY: 8
11/04/2022
9 Chapter 9 ILMLFY: 9
11/04/2022
10 Chapter 10 ILMLFY: 10
11/04/2022
11 Chapter 11 ILMLFY: 11
11/04/2022
12 Chapter 12 ILMLFY: 12
11/04/2022
13 Chapter 13 ILMLFY: 13
11/04/2022
14 Chapter 14 ILMLFY: 14
11/04/2022
15 Chapter 15 ILMLFY: 15
11/04/2022
16 Chapter 16 ILMLFY: 16
11/04/2022
17 Chapter 17 ILMLFY: 17
11/04/2022
18 Chapter 18 ILMLFY: 18
11/04/2022
19 Chapter 19 ILMLFY: 19
11/04/2022
20 Chapter 20 ILMLFY: 20
11/04/2022
21 Chapter 21 ILMLFY: 21
11/04/2022
22 Chapter 22 ILMLFY: 22
11/04/2022
23 Chapter 23 ILMLFY: 23
11/04/2022
24 Chapter 24 ILMLFY: 24
11/04/2022
25 Chapter 25 ILMLFY: 25
11/04/2022
26 Chapter 26 ILMLFY: 26
11/04/2022
27 Chapter 27 ILMLFY: 27
11/04/2022
28 Chapter 28 ILMLFY: 28
11/04/2022
29 Chapter 29 ILMLFY: 29
11/04/2022
30 Chapter 30 ILMLFY: 30
11/04/2022
31 Chapter 31 ILMLFY: 31
11/04/2022
32 Chapter 32 ILMLFY: 32
11/04/2022
33 Chapter 33 ILMLFY: 33
11/04/2022
34 Chapter 34 ILMLFY: 34
11/04/2022
35 Chapter 35 ILMLFY: 35
11/04/2022
36 Chapter 36 ILMLFY: 36
11/04/2022
37 Chapter 37 ILMLFY: 37
11/04/2022
38 Chapter 38 ILMLFY: 38
11/04/2022
39 Chapter 39 ILMLFY: 39
11/04/2022
40 Chapter 40 ILMLFY: 40
11/04/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY