/0/27070/coverbig.jpg?v=c23ed03df5f06d2694b50563fd1343fd)
Anong gagawin mo kong isang araw ay bumalik ang isang dating kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita? Sa halip kasi na matuwa ay mas lalo pang nagalit si Kenan Rey Santos matapos makita sa harap ng bahay niya ang bestfriend na si Caleb Roy Tan. Dalawang taon niya itong hindi nakita matapos biglang umalis papunta sa ibang bansa. Sa anong dahilan? Nang sinadiya nitong sirain ang pangarap niya. Na mapasali sa basketball team ng school na siyang daan para makapasok sa gustong University. At sirain ang relasiyon na meron sila ng babaeng matagal na niyang gusto at nililigawan. Sa muling pagbabalik nito sa buhay niya. Ano kaya ang gagawin pa nito para lang muling sirain ang maayos at masaya niyang college life.
KUMURAP ako nang medyo nanlalabo na ang paningin. Mukhang tinamaan na yata ako ng alak na iniinom kaya nilapag ko na ang hawak na baso sa table. Kumportable akong sumandal sa kinauupuan habang pumapadyak ang paa dahil sa naririnig na music. Sa ganda at sobrang sikat ngayon ng pinapatugtog ay nagsisitayuan na ang ibang bisita para sumayaw. Ang bongga ng birthday celebration na ito, sobra akong nag-i-enjoy.
"Ayos ka lang?" bulong ng katabi. Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ang hininga niya sa tenga ko. Bigla agad akong kinilabutan.
Hindi na ako sumagot at nag-thumbs-up na lang saka kinuha ang baso na may lamang alak.
"Oy, tama na 'yan. Lasing ka na," ang pigil niya sabay kuha ng baso.
Nairita ako nang ilayo niya pa para hindi ko makuha. "Hindi pa 'ko lasing! Nakikita ko pa nga nang malinaw ang mukha mo."
"Ang mas mabuti pa ay iuuwi na kita sa inyo." Sabay hawak sa braso ko para itayo.
"Nag-i-enjoy pa 'ko Felipe!" Nakipaghilahan pa ako sa kanya dahil gusto ko pang mag-stay.
"Ilang beses ko bang sasabihing 'wag mo 'kong tatawagin ng gan'yan. Ang bantot-bantot na nga ng Felix, mas lalo mo pang pinapabantot!"
Bigla ko siyang tinuro sa mukha. "Isusumbong kita sa Tatay mo." Ito kasi ang dapat niyang pangalan. Ang ama niya mismo ang nag-isip kaso hindi natuloy at sa huli ay naging Felix pero patuloy pa rin naman siyang tinatawag sa ganoong pangalan kapag nasa loob ng pamamahay nila. Kumbaga ay nickname niya ito pero ayaw na ayaw namang tinatawag ko siya sa ganoon.
"Lagi mo naman 'yang sinasabi." Pagkatapos ay hinila ako papunta sa gate. Hindi na lang ako nagpumiglas, kakapagod. Pero mayamaya ay bigla siyang nahinto, iyon pala ay may lumapit sa amin.
"Aalis na kayo?" ang tanong ng pamilyar na boses.
"Oo, mukhang lasing na kasi 'tong si Kenan," sagot ni Felix. Nasa kanya ang tingin ko kasi nakaharang siya kaya nang bahagya siyang tumabi ay tuluyan ko ng nakilala ang kausap niya.
Walang sabi-sabi ay lumapit ako. "Oy, Marlon. Sobrang thank you sa pag-invite sa 'min dito sa birthday party mo, nag-enjoy ako, sobra."
"Salamat din at nakapunta kayo pero 'wag muna kayong umalis. Nag-uumpisa pa lang ang kasiyahan, e."
Tinuro ko naman si Felix. "Gusto na akong iuwi, e." Ngumisi pa ko na parang binibigyan ng ibang kahulugan ang sinabi.
"Sira ka talaga," ang komento ni Marlon. "Dinudumihan mo utak ko." Pero nakikingisi rin sa akin.
"Matagal na 'yang madumi kaya 'wag ako."
"Tara na," singit naman ni Felix. "Sige, Marlon. Aalis na kami, baka bigla na lang 'tong sumuka ng kamanyakan."
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Sinong manyak? Ikaw lang kaya 'yun," pagkatapos ay niyakap ang sarili na parang kino-comfort. "Ang linis-linis ko kaya," sinadya ko pang magboses nakakaawa.
"Oo na," ani Felix pero halata ang sarcasm. Inakbayan niya ako sabay hila palabas ng bahay.
Sayang, gusto ko pa sanang mag-stay at baka bihira na lang kami magkita. Sa ibang University kasi ito papasok pati ang iba kaya paniguradong hindi na madalas magkikita ang buong barkada. Tanging ako at si Felix lang ang papasok sa same University.
"Kaya mo pa?" ang tanong niya nang makasakay na sa motor. "Yumakap ka para hindi ka mahulog."
"Kaya ko, hindi naman ako lasing na lasing." Pero sinunod ko na lang ang sinabi niya matapos masuot ang helmet.
Mabilis niyang pinatakbo ang motor kaya mas lalo kong hinigpitan ang kapit. "Bagalan mo naman!" ang sigaw ko dahil sa lakas ng hangin na sumasalubong idagdag pa ang ingay sa makina ng motor. Buti na lang talaga at may suot akong helmet kundi ay baka hindi lang tenga ko ang nasasaktan kung hindi ay pati na rin ang mukha. Tapos nahihilo pa ako sa bilis niyang magpatakbo.
"Uwing-uwi na kasi ako!" sigaw niya pabalik para magkarinigan kami.
Hindi na lang ako nagreklamo at sa halip ay pumikit. Nakakadagdag ng hilo ang ilaw ng mga bahay na nadadaanan namin. Saka ko lang minulat ang mata nang hininto na niya ang motor. Nasa may kanto kami kung saan ay isang bahay na lang ang layo sa mismong bahay ko. Ni hindi ko man lang napansin na nandito na kami sa subdivision sa bilis niyang magpatakbo. Kulang na lang isipin ko ay lumipad kami pauwi.
"Nandito na tayo sa inyo," aniya kaya bumaba na ako sabay sauli ng helmet.
"Salamat, sa paghatid."
Tumango lang siya at saka na humarurot palayo. Nang mawala na sa paningin ay saka lang ako tumalikod para umuwi. Mukhang nawala ang tama ng alak dahil sa pagpapatakbo niya.
Bago tuluyang makauwi ay may madadaanan muna akong isang malaking bahay. Madalas akong tumitingin dito kapag pauwi na, kumbaga ay daily routine ko na ito. Sa parteng ito lang din ang may ilaw ng poste dahil nasira noong nakaraang araw ang ilaw sa side namin pero ayos lang dahil maaaninag pa naman ang gate namin.
Bubuksan ko na sana ang gate nang mapahinto. May napansin kasi akong parang anino sa may gilid na nakasandal pa sa pader ng gate. Mabilis akong napaatras sa gulat at muntik pang mapasigaw sa pag-aakalang maligno na ang nakita kung hindi lang ito nagsalita, "Ba't ngayon ka lang?"
Umatras ako at hinanda ang sarili kung sakaling masamang tao ang kaharap.
"Sino ka? Anong kailangan mo?"
"Past ten na pero ngayon ka pa lang uuwi at lasing ka pa."
Pilit kong inaaninag kung sino ba itong tao na kumakausap sa akin. Isama pa na parang pamilyar ang boses.
"Sino ka ba?!" ang singhal ko na malapit nang tumakbo papasok sa bahay.
Bigla itong gumalaw at unti-unting naglakad papunta sa poste ng ilaw at doon ay tuluyan ko itong nakilala. Ang buhok niyang ni minsan ay hindi ko nakitang nagulo. Ang ilong niya na noon ko pa kinaiinggitan dahil sa sobrang tangos. At ang mga mata niya na daan-daang babae ang nabibihag dahil sa ganda at kayumanggi nitong kulay.
Sa isang iglap ay biglang sumikip ang dibdib ko kasabay ng isang emosiyon na matagal ko ng hindi naipapakita. "Anong ginagawa mo rito?!" Nagngingitngit ang ngipin ko dahil sa galit.
"Hinihintay ka?" sarkastikong sagot niya.
Hinihintay ako?! At bakit?! Nakalimutan na ba niya ang kasalanan sa akin?!
Lumapit siya at tinabig ko nang malakas ang kamay niyang akmang hahawak sa balikat ko. "'Wag mo 'kong hahawakan!"
"Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin? Ang tagal na no'n, 2 years ago na."
Nagtagis ang bagang ko sa narinig. "Kahit ilang libong taon pa ang dumaan ay hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa 'kin!"
"How many times should I say sorry to hear your forgiveness?"
"Walang katumbas na sorry ang ginawa mo!" mahina pero ramdam ang galit sa boses ko.
"Alam mo, kulang na lang isipin ko na nag-iinarte-"
Sa isang iglap ay kinuwelyuhan ko siya. "Tang*na mo!" malutong kong mura sa pagmumukha niya.
Ang kalmado niyang mukha ay biglang nagdilim. "Kailan ka pa natutong magmura?"
"Wala kang pakialam!" Sabay tulak sa kanya. Tumalikod ako para pumasok sa gate pero mabilis niya akong hinila at isinandal sa may pader. Napadaing pa ako nang tumama ang likod ko rito.
"Hindi pa tayo tapos," aniya habang iniipit ako sa pader gamit ang lakas niya. "Tapos lasing ka pa."
"Hindi ako lasing!" Kahit anong pagpupumiglas ay hindi ko magawang makawala. Kailan pa siya naging ganito kalakas?
Napasinghap ako nang ilapit niya bigla ang mukha at saka ako inamoy-amoy malapit sa labi. Mayamaya pa ay mabilis na tinakpan ang ilong. "Amoy alak ka, kaya lasing ka nga."
"Umalis ka na nga sa harap ko!" ang sigaw sabay tulak nang malakas. "Ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit na kailan!"
"Dahil lang ba do'n kaya kung pagtabuyan mo-"
"Dahil lang 'do'n'?!" ang pag-uulit ko sa sinabi niya. "Alam mong gustong-gusto kong maging member dati ng team dahil 'yon lang ang tanging paraan para makapasok sa varsity team at sa pangarap kong University. Pero anong ginawa mo? Sinadya mong hindi ako makapaglaro sa try-out," dinuro-duro ko ang di*dib niya. "Sa tingin mo 'yun lang ang ginawa mo sa 'kin, ha? Matatanggap ko pa sana kung 'yun lang pero ano?! Pati ang babaeng gustong-gusto ko, inagaw mo."
"Bakit, gusto mo pa rin ba siya hanggang ngayon? Hindi na 'di ba? Kaya ba't ka nagagalit?"
Kumuyom ang kamao ko sa sobrang pagpipigil na masuntok siya sa mukha. "Oo, tama ka, wala na 'kong feelings sa kanya. At matagal ko ng g-in-ive up ang pangarap na University."
Pero hindi naman iyon ang ikinagagalit ko. Ang ikinasasama ng loob ko ay ang ginawa niya... nang niloko niya ako at pinagmukhang tanga. Hindi ako nakapag-try out noon dahil inuna ko siya at ipinagpalit ang pangarap ko pero ano?! Malalaman ko na lang na sinadya niya palang magkasakit ng araw na iyon?!
At kaya pala ako binasted ng babaeng nililigawan ko ay dahil inaagaw na pala niya mula sa akin. Pero anong ginawa niya? Nagkunwari siyang walang alam at nakuha pa akong i-comfort.
Mariin akong pumikit para pigilan ang namumuong luha sa mata. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naiisip ang mga ginawa niya sa akin ay nagkakaganito ako. Nagiging emosiyonal at sobrang nagagalit. Gustong-gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa.
Nang magmulat ay wala nang bakas ng kahit kaunting luha ang mga mata. "Uuwi na ko."
"Kailan mo 'ko patatawarin?"
Nahinto ako sa may gate pero hindi na siya nilingon. "Bakit, humingi ka ba ng sorry? Sa pagkakatanda ko kasi... wala kang ginawa. Basta ka na lang umalis."
Tama, bigla kang nawala, umalis ng walang sinabi at nag-aral sa ibang bansa. Ikaw ang may atraso pero bakit pakiramdam ko ay ako ang naghirap ng mga panahong iyon?
"Sorry."
"Two years late na 'yang sorry mo."
"It's better than late."
"Hindi pa rin kita mapapatawad."
"Hanggang kailan ka ganito sa 'kin?"
Napalunok ako at sinabi ang mga salitang dapat niyang marinig, "Hangga't hindi ko na naaalala ang kasalanan mo sa 'kin."
"Para mo na rin sinabing imposible."
"Exactly, kaya 'wag ka ng umasa."
"Pero, Kenan... miss na kita. Hindi ko kayang ganito na lang tayo habang-buhay."
Hindi ko alam kung bakit nang sabihin niya iyon ay parang may kung anong kumirot sa di*dib ko at nahirapang huminga nang maayos.
"Alam mong ikaw lang ang meron ako, kapag nahihirapan ako na makisalamuha sa ibang tao. Ikaw lang ang nakakaintindi sa 'kin. Lagi kang nasa tabi ko ano mang oras. Hindi ba pwedeng bumalik na lang tayo sa dati?"
Tumingala ako sa langit at saka napabuntong-hininga. Pagkatapos ay nilingon ko siya sabay iling. "Hindi mo na maibabalik pa ang 'dati', bestfriend." Matapos ay tuluyan nang pumasok at sinara ang gate. Tuloy-tuloy lang ako kahit ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko.
Ako lang ang meron siya? Kalokohan.
Kung ako lang talaga, hindi niya ako tatraydurin ng ganito. Sinira niya ang tiwala ko. Lagi akong nasa tabi niya ano mang oras?
Oo, tama siya. Pero noon iyon at hindi na ngayon.
Pagpasok sa kwarto ay nahiga agad ako sa kama. Matutulog na lang ako nang-!
Bigla akong napadilat nang makarinig nang mahinang kaluskos pero agad ring nawala. Naghintay ako nang ilang sandali at muling narinig ang kaluskos.
Bumangon ako nang matiyak na nagmumula ang ingay sa labas ng bintana. Dahan-dahan ay inalis ko ang nakatabing na kurtina pero wala naman akong nakita, kundi ang bahagi lang ng bahay nila Caleb.
Bibitawan ko na sana ang kurtina nang biglang sumulpot si Caleb. Nahigit ko ang hininga dahil sa gulat.
"Buksan mo naman 'tong bintana," aniya sabay turo sa lock ng bintana sa may gilid.
Muli kong tinabing ang kurtina at bumalik sa kama nang mag-umpisa siyang tawagin ang pangalan ko.
"Ano ba?! Magigising mo sila Mama." Nang balikan ko siya sa bintana.
"Papasukin mo muna ako, please?"
Tinaas ko ang middle-finger. "Asa ka."
"Tita!" sigaw niya bigla kaya mabilis pa sa alas-kuwatro kong binuksan ang bintana at hinila ang ulo niya para takpa ang bibig.
"Papapasukin kita kung hindi ka mag-iingay."
Tinaas niya ang kamay habang naka-'okay' sign at saka ko lang siya binitawan. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa kama at mabilis na hinampas sa kanya ang unan nang akmang uupo sa kama. "Sinabi ko bang tumabi ka sa 'kin dito?"
Dahan-dahan naman siyang umalis sa kama. "Dito na lang ako sa sahig," at naupo nga pagkatapos ay niyakap ang sarili. "Ang lamig-lamig naman dito, giniginaw ako."
"Sira, summer pero nilalamig ka?"
"D'yan na lang kasi ako sa kama."
"Subukan mo," nakahanda na agad ang unan ko para tumama sa kanya. Binalik ko naman sa ayos ang unan habang nakaturo sa kanya nang hindi na siya nagtangka. "Maramdaman ko lang na gumalaw 'tong kama, humanda ka talaga," ang banta ko at nahiga na. Tumalikod ako sa direksiyon niya.
"Sweet dreams, Kenan."
Huli kong narinig bago tuluyang nakatulog.
***<[°o°]>***
Labindalawang taon nang magkakilala sina Claudia at Anthony. Pagkatapos ng tatlong taong pakikipag-date, itinakda na ang petsa ng kanilang kasal. Ang balita ng kanilang balak na kasal ay yumanig sa buong lungsod. Mataas ang emosyon dahil maraming babae ang nagseselos sa kanya. Noong una, hindi mapakali si Claudia sa galit. Ngunit nang iwan siya ni Anthony sa altar pagkatapos makatanggap ng tawag, nalungkot siya. "Nagsisilbi sa kanya ng tama!" Lahat ng kanyang mga kaaway ay nasiyahan sa kanyang kasawian. Kumalat na parang apoy ang balita. Sa kakaibang pangyayari, nag-post si Claudia ng update sa social media. Ito ay isang larawan niya na may isang sertipiko ng kasal na kanyang nilagyan ng caption na, "Tawagin mo akong Mrs. Dreskin mula ngayon." Habang sinusubukan ng publiko na iproseso ang pagkagulat, si Bennett—na hindi nag-post sa social media sa loob ng maraming taon— gumawa ng post na may caption na, "Ngayon ay may asawa na." Ang publiko ay naligaw.Binansagan ng maraming tao si Claudia bilang ang pinakamaswerteng babae ng siglo dahil siya ay nakakuha ng ginto sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Bennett. Kahit isang sanggol ay alam na si Anthony ay isang langgam kumpara sa kanyang karibal./Si Claudia ang huling tumawa noong araw na iyon. Natuwa siya sa mga gulat na komento ng kanyang mga kaaway habang nananatiling mapagpakumbaba. Inisip pa rin ng mga tao na kakaiba ang kanilang pagsasama. Naniniwala sila na ito ay kasal lamang ng kaginhawahan. Isang araw, matapang ang loob ng isang mamamahayag na humingi ng komento ni Bennett sa kanyang pagpapakasal na sinagot niya ng may pinakamalambot na ngiti, "Ang pagpapakasal kay Claudia ang pinakamagandang nangyari sa akin."
Dalawang taon pagkatapos ng kanyang kasal, si Ximena ay nawalan ng malay sa isang pool ng kanyang sariling dugo sa isang mahirap na panganganak. Nakalimutan niyang ikakasal nga pala sa iba ang dating asawa noong araw na iyon. "Maghiwalay na tayo, ngunit ang sanggol ay nananatili sa akin." Ang kanyang mga salita bago natapos ang kanilang diborsyo ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip. Wala siya roon para sa kanya, ngunit gusto niya ng buong kustodiya ng kanilang anak. Mas gugustuhin pa ni Ximena na mamatay kaysa makitang tawagin ng kanyang anak ang ibang ina. Dahil dito, isinuko niya ang multo sa operating table na may dalawang sanggol na naiwan sa kanyang tiyan. Ngunit hindi iyon ang wakas para sa kanya... Pagkalipas ng mga taon, naging dahilan ng muling pagkikita ng tadhana. Si Ramon ay isang nagbagong tao sa pagkakataong ito. Gusto niyang itago siya sa sarili niya kahit na siya ay ina na ng dalawang anak. Nang malaman niya ang tungkol sa kasal niya, sumugod siya sa venue at gumawa ng eksena. "Ramon,Namatay ako minsan, kaya wala akong pakialam na mamatay ulit. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong sabay tayong mamatay," siya sumigaw, nanlilisik ang tingin sa kanya na may nasasaktan sa kanyang mga mata.//Naisip ni Ximena na hindi siya nito mahal at masaya na sa wakas ay wala na ito sa buhay niya. Ngunit ang hindi niya alam ay nadurog ang puso niya sa hindi inaasahang pagkamatay niya. Matagal siyang umiyak mag-isa dahil sa sakit at hapdi. Palagi niyang hinihiling na mabawi niya ang mga kamay ng oras o makita muli ang magandang mukha nito. Sobra para kay Ximena ang drama na dumating mamaya. Ang kanyang buhay ay napuno ng mga twists at turns. Hindi nagtagal, napupunta siya sa pagitan ng pakikipagbalikan sa kanyang dating asawa o pag-move on sa kanyang buhay. Ano ang pipiliin niya?
Pagkatapos ng high school, tinraydor ni Horace ang kanyang ex-girlfriend sa ospital. Doon niya nalaman ang totoong pagkakakilanlan mula sa kanyang inang-ampon. Mula noon, nagbago ang kanyang buhay at umangat siya sa lipunan. Lahat ng gustong umapi sa kanya ay binigyan niya ng leksyon! Sa buong mundo, wala nang mas mayaman pa sa kanya. At doon, naiwan niya ang kanyang sikat na kasabihan: "Huwag mong subuking pantayan ang aking allowance gamit ang iyong taunang kita."
Pagkatapos itago ang kanyang tunay na pagkakakilanlan sa kabuuan ng kanyang tatlong-taong kasal kay Colton, buong pusong nangako si Allison, para lamang makita ang kanyang sarili na napabayaan at itinulak patungo sa diborsyo. Nanghina ang loob, nagsimula siyang muling tuklasin ang kanyang tunay na sarili—isang mahuhusay na pabango, ang utak ng isang sikat na ahensya ng paniktik, at ang tagapagmana ng isang lihim na network ng hacker. Nang mapagtanto ang kanyang mga pagkakamali, ipinahayag ni Colton ang kanyang panghihinayang. " Alam kong nagkamali ako. Please, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon." Gayunpaman, si Kellan, isang dating may kapansanan na tycoon, ay tumayo mula sa kanyang wheelchair, hinawakan ang kamay ni Allison, at nanunuya, "Sa tingin mo, babalikan ka niya? Mangarap ka."
Isang mahiwagang bato mula sa langit ang tumama sa isang hamak na binatang nagngangalang Darren Chu. Bigla siyang nagkaroon ng kakayahang sumipsip ng lakas at talino ng lahat ng uri ng mandirigma. Sa isang mundo kung saan ang lakas at talento ang nagdidikta ng kapalaran, si Darren ay nagsimulang sumipsip ng mga kakayahan, at ang kanyang lakas ay lumago nang walang katapusan. Dahil dito, nagkaroon siya ng pambihirang kakayahang umunlad at matuto nang napakabilis. Mula noon, ang buong mundo ng mga mandirigma ay nagulo, at isang makapangyarihang diyos ng digmaan ay unti-unting sumisikat. "Kapag ang aking kakayahan ay naging katulad ng isang diyos, pati ang mga diyos ay luluhod sa harap ko!" sabi ni Darren.
Si Kallie, isang pipi na hindi pinansin ng kanyang asawa sa loob ng limang taon mula noong kanilang kasal, ay dumanas din ng pagkawala ng kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang malupit na biyenan. Pagkatapos ng diborsyo, nalaman niya na ang kanyang dating asawa ay mabilis na nakipagtipan sa babaeng tunay niyang mahal. Hawak ang kanyang bahagyang bilugan na tiyan, napagtanto niyang hindi talaga siya nito inaalagaan. Determinado, iniwan niya siya, tinatrato siya bilang isang estranghero. Gayunpaman, pagkaalis niya, nilibot niya ang mundo para hanapin siya. Nang muling magtagpo ang kanilang landas, nakahanap na ng bagong kaligayahan si Kallie. Sa unang pagkakataon, nakiusap siyang nagpakumbaba, "Pakiusap huwag mo akong iwan..." Ngunit ang tugon ni Kallie ay matibay at hindi mapag-aalinlanganan, na pinuputol ang anumang matagal na ugnayan. "Mawala!"