Adam, the cold hearted company CEO met the naughty promdi girl, Jazlyn Bautista. She became his secretary and they became sort of 'enemies.' What will happen between this cold man who can't even get his old self back and this woman who wants him to find his worth? "When we get closer, I fell for you... Harder... deeper."
WOAH! ETO NA BA YON?
Nakanganga ako habang pinagmamssdan ang napakataas na building sa harap ko ngayon. Pinagpawisan ata ako nang malapot ah. Wew.
Naramdaman ko ang labis na kaba kaya sinilip ko ang oras. Exactly 8:00 am. Nakahinga ako nang maluwang. 8:30 ang simula ng interview at akala ko ay late na ako.
Nagmamadali akong pumasok sa loob at nagawa ko pang ngitian ang security guards. This is it. Magtatrabaho na talaga ako! Chos, apply palang.
Chineck ko kung may naiwan ako. Binulatlat ko ang hawak kong envelop. Resume, NBI clearance, Barangay clearance, bio-data at kung anu-ano pa.
First time kong mag-aapply ng trabaho sa ganto kalaki at hindi ko talaga alam ang kailangan. Sinabi lang ng kaibigan kong nagtatrabaho dito sa Le Veioumux na hiring daw tuwing first day of the month para sa iba't-ibang posisyon.
Grade 12 lang ang tinapos ko sa probinsya at katunayan, 1 month palang ako dito sa Maynila, naghahanap ng trabaho para na rin makatulong na kila mama sa mga gastusin maging sa pito ko pang kapatid na nagsisipag-aral din lahat. Iba-iba at wala akong makitang permanenteng trabaho sa one month ko rito.
Ako ang panganay, kambal na lalaki ang sumunod saakin, kasalukuyang 24 years old at kolehiyo na, graduating. Pareho silang may scholarship kasi matalino at masipag mag-aral. Kaya ko rin namang kumuha non pero paano naman ang kakainin namin? Hindi pwedeng iasa sa scholarship ang lahat, dapat may magsakripisyo. Ang pang-apat ay babae, 21 years old at 3rd year college naman, scholar din. Panglima ay 16 years old, Grade 11 student. Yung pang-anim ay Elementary ang bunso ay nasa pre-elem.
Matapos ang Senior high school ay nagtinda ako sa harap ng bahay namin ng kung anu-ano. Hindi nila afford na pag-aralin pa ako sa college since napakarami naming magkakapatid. Nagparaya na rin ako non, dinahilan ko nalang na mag-iipon ako kasi sabi ko ay sobrang mahal ng tuition ng napili kong kurso. Pero ang totoo ay ayokong dumagdag, sa halip ay gusto kong makatulong.
Nasa dugo na yata ng halos lahat ng panganay o nakatatanda ang pagpaparaya. Pagpaparaya hindi lamg para sa mga maliliit na bagay kundi pati na rin sa pag-aaral kung saan madalas na nakabase ang magiging future ng mga tao.
Wala naman talaga akong balak mag-Maynila pero ang nagtulak saakin ay nang ma-diagnose si mama ng stage 2 breast cancer last month din.
Nakakatawa dahil wala akong kahit anumang job experience sa kumpanya, hindi nagtapos ng college at bago palang sa Manila pero heto, dito ko naisipang mag-apply sa malaking kumpanya na to. Lakas nang loob lang ang puhunan ko. Hays. Pero sa totoo lang? May laban din naman ako sa usapang utak. Kaya nga maramig nanghinayang nang malaman ng mga kapitbahay na hindi ako magkokolehiyo noon. Kilala kasi akong masipag at matalinong estudyante. Graduate ng Valedictorian sa Elementary at pati na rin highschool.
Kaso dito sa Maynila, hindi naman iyon ang puhunan. Kaya pati lakas ng loob, tibay ng buto e binaon ko na rin.
Tumakbo ako nang mapansin na pasarado na ang elevator. "Wait po!" Sigaw ko para marinig ako ng nasa loob pero hindi ako pinansin o sadyang hindi lang ako nito narinig. Mabuti at mabilis ako kaya napigilan ko. Hinarang ko ang kamay ko saka nagmamadaling pumasok.
Hingal na hingal akong pumasok sa loob pero nagtaka ako nang pag-angat ng tingin ay hindi pa sumasara ang pinto. Ano yan, nung tinatakbo ko papunta rito, ang bilis pero ngayong nasa loob na ako, ayaw na?
Kaso, napasimangot ako nang makitang naroon ang kamay ng katabi ko.
"Excuse me, mejo nagmamadali po kasi-"
"Get out." Kinabahan ako nang marinig ang baritonong boses na iyon. Nilingon ko ang katabi ko at ganoon nalang ang pagkamangha ko nang makita ang napakagwapo niyang mukha!
Omg, parang siya yung mga bidang lalaki sa isang pelikulang bampira! Hindi sobrang puti ng kutis nya pero tila hindi iyon naaarawan dahil napakakinis talaga. Sobrang napanganga ako. Ang kapal ng kilay, seryoso ang mukha pero nakakaakit ang kulay green na mga mata, matangos ang ilong at mamula mula ang mga labi.
"Pwede bang... lahian mo ako?" Bulong ko sakanya na ikinakunot ng noo nya. Ah, oo nga pala, green eyes. Baka english speaking. "I mean, will you marry m-"
"Hindi mo ba ako narinig? I said get out." Natulala na naman ako. Nagtatagalog na green eyes. Final na talaga, parang gusto ko na talagang magpalahi!
"H-Ha?"
"You can't hear me? Are you deaf or just plain stupid? Give me your name." Maya-maya ay sabi nya matapos ang ilang minutong lumipas. Binitawan nya na rin ang pinto na parang alam na hinding hindi nya ako mapapaalis.
"Jazlyn."
At teka, ano raw? Pangalan ko? Type nya ba ako?
"Are you an employee here?" Umiling ako habang nakatitig pa rin. Kanina ko pa napapansin, bakit napakalamig naman ng tingin nya? Pati muka nya, parang tuod. Akala mo hindi mababanat ang labi para sa isang ngiti. "Why are you here then?" Malamig rin ang tinig nya na ngayon ko lang napansin.
"M-Mag... A-apply?" Patanong kong sabi. Wala syang anumang reaksyon. "Teka..." Hinawakan ko bigla ang pisngi nya at pinakatitigan. "May pimple ka ba?"
Pabigla nyang tinanggal ang kamay ko na syang ikinagulat ko. Grabe, di man lang naging gentle.
Tumigil ang elevator at nakita kong nandito kami sa 7th floor. Sabi ng kaibigan ko ay dito daw ako pumunta para sa pag-aapply ko. Sa floor na ito daw magpapasa mg resume at syempre ay deretso na ang interview.
Nagtitiwala naman ako sakanya dahil sya ang una kong naka-close dito sa Maynila mula noong magkasabay kami sa jeep at ipinagbayad nya ako dahil iisa lang pala ang destinasyon namin. Gayunpaman, never na ulit kaming nagkita. Nagkakachat nalang kami sa fb at fake account pa ang gamit nya, ni ayaw nyang sabihin saakin ang real name nya.
Naglakad na si pogi at nakasunod naman ako. Mahirap na, sobrang laki rin nitong floor. Baka maligaw ako. O kaya naman, magpasama ako sakanya sandali sa-
"What the fuck are you doing?" Huminto sya sa paglalakad at muntik na akong bumangga sa malapad nyang likuran. Tumingin din sya saakin at napakaintense ng dating ng mata nya.
"Gusto ko lang kasing m-magtanong..." Kinakabahang sabi ko. Hindi nagbago ang ekspresyon ng muka nya. Seriously, marunong ba tong ngumiti o ano? Bumuntong hininga ako. "Alam mo, maganda kahit sa lalaki ang ngumingiti. Nakakaattract yan ng good vibes." Kahit medyo nanginginig ay nilawakan ko ang ngiti ko para makita nya.
Napakislot ako nang magliyab ang mata nya at tila galit na galit syang nakatingin saakin.
A-Anong ginawa ko?
Hinawakan nya ang braso ko at padarag akong hinila habang mabibilis ang hakbang nya.
Hindi ko alam kung mas iintindihin ang takot na nararamdaman ko o ang pagtutol sa marahas na hawak nya dahil ang totoo ay nasasaktan na ako.
Nagbibiro lang naman ako huhu.
Mahilig lang talaga akong makipag-close at magjoke sa mga taong hindi ko man kakilala. Lalo na ang mag-appreciate sa looks ng iba.
Angel Claverine is dying and she only has 1 year left on earth. At first, she thought that it's fine because she used to be alone already. But her nerdy and secret hot driver, Roberto seems like doesn't want her to continue her monotonous life anymore.
For my own sake, I need to stop the CEO's wedding. For my reputation, I need to marry the CEO. That was years ago... Now, for my heart, I need to hide myself and my son to the CEO who's also his father.
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!