Angel Claverine is dying and she only has 1 year left on earth. At first, she thought that it's fine because she used to be alone already. But her nerdy and secret hot driver, Roberto seems like doesn't want her to continue her monotonous life anymore.
Nasapo ni Clark ang noo nang madala ng kanyang sekretarya ang napakaraming folders at maipatong na sa harap niya, sa ibabaw ng kanyang mesa.
"This'll be the missions we need to do." Nahilot nya ang sentido nang mapansin ang kakapalan ng mga iyon.
"You may now go." Kinuha nya ang folder na nasa pinakaibabaw. Nakita nya palang ang pinakaunang page ay napatigil na sya. "But first, contact Rob." Tukoy nya sa agent na hawak din niya.
Tumango ang secretary niyang si Tarek bago lumabas ng pintuan.
Tiningnan nyang muli ang hawak na folder. Tungkol iyon sa misyon na ilang taon nang hawak ng kanilang agency, ang paghahanap sa nawawalang anak nina Mr. and Mrs. Keiklint. Limang taon na ang nakakalipas mula nang tinanggap nila ang misyon ng paghahanap sa 25 years nang nawawalang anak ng mga ito, iba't-ibang agents na rin ang naghanap pero ang lahat ay nabigo.
Hindi pa rin sumusuko ang mga ito kaya naman ang isa sa pinakamagaling na agent na ang balak niyang atasan sa gawaing iyon, si Rob. Halos limang taon na rin ito sa agency at mula nang magsimula ay nasa kanyang grupo na ito.
Tiwala sya sa kakayahan ni Rob dahil sa mahigit apat na taon nitong nagtatrabaho ay success lahat ng mga ginagawa niton misyon. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakadelikado ay umuuwi itong tagumpay.
Hindu nagtagal at muling bumukas ang pintuan ng kanyang office at pumasok si Rob na busangot ang mukha, palagi itong naiinis kapag pinatatawag sa umaga dahil madalas ay meron itong hangover mula sa pagtambay sa mga bar.
Padaskol itong umupo sa kanyang harap, as usual ay mukha pa itong nananaginip. Bakat pa ang higaan sa mukha nito at kinukurap-kurap pa ang mga mata na parang kahit anong oras ay pipikit.
"Yo." Bati nito saka naghikab.
Napailing-iling nalang sya dahil sanay na sya rito. Ang totoo ay hindi naman ito palging ganoon, sadyang hindi lang talaga ito morning person.
"I have a mission for you." Inabot nya ang folder na kanina pang hawak.
Unang buklat palang nito ay kita jiyang ang reaskyon nito ay parang reaskyon din niya kanina. Napangiwi pa ang lalaki saka inilapag muli sa mesa ang folder.
"Sir, are you serious? Akala ko sumuko na sila dyan." Mukhang stress pa ito kaysa sakanya at nawala na rin ang antok. "Twenty five years ago, they lost their daughter. Hinawakan mo na rin dati yan di ba? At hindi mo rin nakita? Bakit ako?"
"Actually marami nang humawak dyan at nabigo. Pero hindi naman natin pwedeng basta nalang sabihin sa mag-asawa na sumuko nalang. It's their only child. Isa pa, I chose you for this mission because I trust you."
Humalukipkip ito saka tinitigan ang picture ng 3 years old na batang babaeng nawawala. Nakangiti ito sa larawan at nakapink na dress. Ang saya rin ng mukha nito, mahahalata pa ang malalim na dimples sa magkabilang pisngi.
Sayang.
"Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay." Malungkot ang boses nito nang muling magsalita. Nakatitig pa rin ito sa larawan. "But twenty five years is long enough for them to accept the truth. Alam kong hindi lang dahil sa pinagkakatiwalaan mo ako kaya saakin mo binibigay to. Alam kong binigay mo na rin to sa lahat ng nasa grupo pero walang nakahanap sakanya. That picture is not enough. Ipina-televise na rin nila 'to non, right? Pero walang nangyari."
Nang magtama ang mga mata nila, alam niyang nakapagpasya na ito at kahit na anong gawin niya o sabihin ay hindi nya na ito mapapapayag pa. He has a point though he can't tell it to Mr. and Mrs. Keiklint.
Ang totoo, katulad sila ngayon ng iniisip ni Rob pero hindi nya pwedeng tanggihan ang misyon dahil utos na rin ng big boss nila dahil ang mag-asawa ay malaking investor ng kanilang agency.
It is really true that you can't have anything with money.
"Okay. Sa iba nalang siguro." Iyon ay kung meron pang tatanggap noon sa mga agent na hawak nya.
Tumayo ang kanyang kausap saka sumaludo sakanya at pabirong ngumisi. "By the way, I'll file a vacation. Sure ka ba na wala kang ibibigay na ibang misyon saakin? Parang awa mo na, kahit anong misyon maliban lang sa mga hanapan. Kaya nga binura ko cross word puzzle sa phone ko kasi di ako magaling dyan e."
"Oo na, ipasa mo nalang ang vacation leave form mo kay Tarek. Mukhang nag-eenjoy ka sa pagiging driver mo." Biro na rin niya habang inaalala ang trabaho nito sa nakalipas na mga taon.
Nagsisilbi itong driver sa isang mayamang negosyante na sinabi nitong naging inspirasyon dito mula nang maiwan itong mag-isa. Ayon kay Rob, ang babaeng boss nito ang syang nagbigay dito ng pag-asa na maging matatag ulit at nakilala nito ang babae bago ito nag-apply sa kanilang agency at nag-train.
"Oo nga pala, meron syang appointment ngayong 8 am sa hospital, shit."
Napakamot ito sa buhok bago nagmamadaling lumabas.
Napangiti sya nang magaan habang pinagmamasdan ito at inaalala ang laki ng pinagbago nito mula noong una. Sya ang pinakamatanda sa kanilang grupo kaya halos nakatatandang kapatid na syang ituring ng mga ito kaya naman masaya sya kapag nalalaman nyang okay ang mga ito.
Pero muli syang nanlumo nang mapaupo at mapatingin sa folders. Isinara nya ang folder na tinanggihan ni Rob saka ipinasok sa loob ng kanyang drawer.
"I'm sorry." Bulong nya sa kawalan bago muling pinagtuunan ng pansin ang ibang mission na ididistribute nya sa araw na ito.
Pinindot nya ang intercom.
"Sir?" Mabilis at alertong tanong ni Tarek.
"Tawagin mo ang pito pa sa Class S." Tukoy niya sa pangalan ng kanilang grupo. "Sigursduhin mong every 10 minutes bago sila darating isa-isa. I want to brief them one by one for their new mission."
"Copy sir. On it."
Napabuntong-hininga sya habang iniisip kung paano hahatiin ang mga gawain sa pito at kung anu-anong misyon ang dapat sa bawat isa.
For my own sake, I need to stop the CEO's wedding. For my reputation, I need to marry the CEO. That was years ago... Now, for my heart, I need to hide myself and my son to the CEO who's also his father.
Adam, the cold hearted company CEO met the naughty promdi girl, Jazlyn Bautista. She became his secretary and they became sort of 'enemies.' What will happen between this cold man who can't even get his old self back and this woman who wants him to find his worth? "When we get closer, I fell for you... Harder... deeper."
"Para hindi tangayin si Love ng sindikatong pinagkakautangan ng tatay niya ay kinailangan niyang magpanggap na bulag at mamuhay na isang bulag. Wala siyang oras sa pag-ibig. Malas kasi siya pagdating sa lalaki. Hindi na siya binalikan ng kasintahan niyang si Mitos na nag-abroad. Pero sa pagpapanggap niya ay isang lalaki ang laging nakakaagaw ng atensiyon niya. Binubuhay nito ang nahihimbing na puso niya. Isang misteryo para sa kanya ang pagpapanggap nito bilang Mitos kahit batid niyang “Cameron” ang tunay na pangalan nito. Ito ang sumagip at nag-alaga sa kanya mula sa mga sindikatong dahilan kung bakit muntik nang mapariwara ang buhay niya. Pinangatawanan nito ang pagpapanggap bilang Mitos at hinayaan niya ito. Hanggang sabihin nitong mahal siya nito kahit ang buong akala nito ay bulag siya. Mahal din niya ito kaya gusto niyang hilingin na ipakilala nito ang tunay na pagkatao nito at mahalin siya nito hindi bilang si Mitos kundi bilang ang totoong ito.
WARNING: R[18]: STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Dahil bawal ang kanilang pagmamahalan naisipan nina Vincent at Isla na magpakasal ng lihim upang hindi na magkalayo kailanman. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang isang insidente na kahit sa panaginip ay hindi nila inasahang pwede pa lang mangyari. Gamit ang pera nito ay binayaran ng ina ni Vincent ang ama ni Isla upang ilayo ang dalaga sa binata isang araw bago ang kanilang kasal. Gumuho ang mundo ni Isla dahil sa nangyari. Pero muli silang nagkita ni Vincent, at kahit suklam ito sa kaniya sa hindi niya malaman na kadahilanan ay sinabi sa kaniya ng binata na sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya itong pakasalan, kung hindi ay mawawala sa kaniya si Matthew, ang kanilang anak.