Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / Stop Looking Back
Stop Looking Back

Stop Looking Back

5.0
36 Mga Kabanata
52 Tingnan
Basahin Ngayon

Tungkol sa

Mga Nilalaman

Masunuring anak at sibilyan si Trudy. Hindi kailanman maririnig itong humindi sa ipag-uutos ng ama o kahit ninuman. Para dito, rules are rules. Ngunit sa hindi inaasahan, nakilala niya si Mercle Magdaluyo. Kriminal, party animal. Alam niya, dapat siyang lumayo rito, lalo na noong una nilang pagkakita ngunit nagulat siya nang malulong sa masarap nitong nga halik at malunod na sa sistema ng lalaki hanggang sa hindi na niya namalayan, nasa tabi na siya nito. Wala nang lingon-likod na kasama sa bawat gawain, sinisira ang mga patakarang dapat sundin.

Chapter 1 Prologue: The annulment

"'Wag kang lalapit," nanginginig ang mga tuhod ni Trudy habang hinahakbang ang sarili palayo sa nakaraan na nagpupumilit na muling pumasok sa kaniyang kasalukuyan.

Hindi, hindi niya maaaring papasukin itong muli at makahanap na naman ng paraan upang sirain ang buhay niya. Nagbago na siya, hindi na siya kagaya ng dati. Kung may taong mang mangahas na muli siyang manipulahin ay nasisiguro niyang hindi iyon magtatagumpay. Pero sa pagkakakakita muli sa lalaking nasa harap sa kaniya ay binabalik sa kaniya ang lahat ng nakaraan.

Ang sakit ng nakaraan, ang alaala ng pinaghirapan at pinagdaanan niya mula sa nakaraan. At sa pagbalik ng nakaraang iyon, tila ba nararamdaman na rin niya ang pagbabalik ng dating siya. Hindi maaaring mangyari iyon. Kailangan niyang tatagan ang sarili niya at kontrahin lahat ng nais na pamamanipula sa kaniya ng lalaking ito.

Mas nanginig ang tuhod ni Trudy at lumakas ang kabog ng dibdib niya nang maramdaman sa kaniyang likuran ang dingding. Naghanap siya ng makakapitan, ngunit mas lalo lamang lumakas ang pagkabog ng kaniyang dibdib nang magkaroon ng realisasyon na wala na siyang makakapitan pa at nararapat na lamang tanggapin ang kaniyang kapalaran.

Ngayon, nasa gitna na siya ng dingding at ng lalaki. Damang-dama niya kung paano magtaas-baba ang dibdib nito na nakadikit sa kaniya. Alalang-alala niya, ganitong-ganito sila magkalapit. Dibdib sa dibdib, pinapadama sa isa't-isa ang lakas at bilis ng pagtibok ng bawat mga puso habang nagpapakalunod sa mainit na tensyong bumabalot sa kanilang mga katawan.

Kailanman ay hindi niya kinalimutan iyon, nakatatak pa rin sa kaniya kung papaano nito ilapit ang mukha sa leeg upang bigyan siya ng maliliit na halik at pagsipsip. Para bang bampirang hindi lang uhaw sa dugo kun'di pati na rin sa init ng kaniyang pakiramdam at matatamis na halik. Sa pagpasok ng mainit na sandaling iyon, ramdam niya ang pagkibot ng kaniyang pagkababae at pagdagsa ng mainit na likidong paunti-unting lumalabas doon.

Napalunok siya nang maramdaman ang paninikip ng lalamunan. Nararamdaman doon kung paano ang dating gawi ng lalaki na sensuwal na haplusin ang leeg bago ipulupot doon ang kamay habang pinapadama sa kaniya ang pagiging maawtoridad nito pagdating sa kama.

"Bakit Trudy, natatakot ka ba sa akin?" Nakakapang-uyam na ngisi sa labi ang sumilay sa mukha nito.

"Layuan mo na ako, Mercle..."

Mahinang napasinghap si Trudy pagkarinig ng kaniyang boses. Hindi na nga siya makapaniwalang siya 'yon. Malalim, puno ng sensuwalidad, at paanas ang paraan ng pagkakasabi. Ganoon lamang ang nagiging tono ng boses niya kapag siya'y nalulunod na sa mainit na pagtatagpo nila. Oh, jusko, para bang ungol ang pagkakasambit niya ng pangalan nito.

Ang pangalan nito na matagal-tagal na rin bago naglarong muli sa kaniyang dila. Parang kamakailan lang ay iyon ang paulit-ulit niyang sinisigaw at hinahalinhing habang ito ay marahang gumigiling sa ibabaw niya.

"Bakit naman, Governor Trudy Nuez? May mangyayari bang masama kapag nilapitan kita?" pilya pa nitong dagdag.

Tumikhim si Trudy. Oo nga pala, isa na siyang ganap na politician. Isang Governor ng pinakamalaking city ng Panaraqa, ang posisyong inaasahan ng kaniyang ama na makakamit niya. Ngayon ay nagtagumpay ito sa kagustuhan at ginawa niya. Kaya ngayong Governor na siya, dapat niyang ipakita ritong hindi siya nasisindak sa presensya nito. Tumayo siya ng tuwid at ginamit ang dalawang kamay upang itulak ito.

Hindi naman ito nagpatalo. Tiningnan siya nito sa mga mata. Nagkita ang kanilang madilim at matiim na paraan ng pagtingin. Kinuha nito ang dalawa niyang kamay at itinapat sa matitipuno nitong dibdib, hindi pa rin inaalis ang mga mata sa kaniya. Pinapadama sa kaniya kung gaano kalakas ang tibok ng puso nito at kung gaano karami ang pawis na bumubuo sa mabuhok nitong dibdib dahil sa mainit na pagkakadikit ng katawan nila.

"Ramdam mo?" bigla ay tanong nito.

"A-Ang alin?" Batid sa tono ng boses niya nahihirapan na makapagsalita dahil sa pagkakaipit no'n. Ayaw niyang lumabas ang mga salita sa kaniyang bibig bilang ungol o anas.

Binasa nito ang labi gamit ang dila bago nagsalita, "'Wag mong i-deny, Trudy, alam kong ramdam mo pa rin 'yon!"

Umawang lang ang labi niya habang hindi mapigilan ang impit na ungol na lumabas sa kaniyang lalamunan. Dahan-dahan, pakimkim niyang kinikiskis ang katawan sa katawan nito. Mas lalong lumalala ang apoy at kumakalat na iyon sa kaniyang ari. Nararamdaman niya kung gaano pa rin kalaki ito at katigas para sa kaniya.

"Putangina," mahina nitong mura bago hindi na nagpapigil pa. "'Di ko na kaya, Trudy, tangina. Mahal na mahal kita, Trudy."

Gamit ang isang kamay, ipiniid nito ang kaniyang braso sa ibabaw ng ulo. Nakadikit ang buo niyang katawan sa pader at inaatipasyong ilapit ni Mercle ang mukha nito sa kaniya. Ngunit nangyari ang hindi niya inaasahan, walang pasabi nitong inangkin ang kaniyang labi habang mariing hinawakan ang bewang niya para idikit pa lalo rito ang katawan.

Hindi nagtagal, pinasok nito ang dila sa loob na nakipag-espadahan din sa kaniya. Nagsalo ang mga laway nila, nag-away ang kanilang mga dila. Walang tigil nilang ginalugod ang bawat parte ng kanilang mga bibig bago marahas na kinagat ni Mercle ang kaniyang ilalim na labi. Nagtagal iyon doon, paminsan-minsang sinisipsip hanggang sa malasahan niya ang tila metal na lasa ng dugo.

Doon nagising si Trudy. Malakas niyang naitulak si Mercle dahil sa gulat. Bago pa maghiwalay ang kanilang mga labi, dinilaan nito ang bakas ng dugo sa pang-ilalim na labi niya bago tuluyang lumayo. Nakatitig din sa kaniya nitong ninamnam sa bibig. Bakas na bakas sa mukha ni Trudy ang gulat at hindi pagkapaniwala. Samantalang si Mercle naman ay puno ng pagkapilyo at yabang ang ekspresyon. Walang pinagkaiba sa mga pangyayari noon.

Humugot ng malalim na hininga si Trudy bago inayos ang damit at mabilisang dumistansiya kay Mercle. Umupo siya sa pinakamalapit na sofa at mariing pinikit ang mga mata.

"Pinatawag kita rito dahil may kailangan akong ayusing gusot ko na involve sa 'yo. Enough with your tactics, alright?!"

Ngunit imbes na mangatog ang tuhod at tumayo ang balahibo sa katawan kagaya ng inaasahang reaksyon ni Trudy, ngumisi lamang ang lalaki na tila ba hindi man lang nakaramdam ng pagkatakot.

"Meron akong tictac sa motor, kung 'yan ang pag-uusapan." Lumapad ang ngiti nito. "Naalala mo pa ba ang adventures natin sa motorsiklo?"

"Mercle, hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Kung pagtitripan mo lang ako, save it. Marami pa akong kailangang gawin, 'yong mga bagay na mas mahalaga pa."

"Like what? 'Yong kasal mo?"

Nag-angat siya ng tingin dito. Kunot ang noo at puno ng pagtataka ang mukha. "Paano mo nalaman ang tungkol kay Liam?"

"Local news, Sweet girl, local news."

Sweet girl. Mapait na napangiti si Trudy nang maalala pagtawag sa kaniya ng lalaki. Tuwang-tuwa pansiya no'n nang una siya nitong tawagin ng gano'n. Pero napakalayo na niya masyado kay Sweet girl ngayon. Isa na siya sa mga "Most trusted politician" ngayon, nakikipag-resbakan na sa eleksyon.

"Hindi ko naman inaasahan na bababa pala ang standard mo nang iwan mo ako."

Trudy scoffed. "Baka nakakalimutan mo ako ang iniwan mo. Makikinig ka ba sa akin o hindi?"

"Okay." Umupo ito sa tabi niya, umusog naman siya palayo.

"I want to annul our marriage."

"Ayoko," sabi nito saka muling tumayo.

Natulos sa kinatatayuan si Trudy sa kaniyang narinig. Alam niya naman na isang araw ay darating ang araw na ito, pero hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng kirot at pagkahina.

Pinagkrus ni Trudy ang mga braso sa harap ng dibdib. Hindi sinasadyang napataas ang isang kilay. Inikutan naman siya ng mata ni Mercle. Hindi pa rin pala ito nagbabago, isa pa ring gago. Tama nga sila, old habits die hard.

"What do you mean no? Matagal na tayong walang communication, Mercle, para saan pa itong pagmamatigas mo?"

"Dahil kahit sa papel lang, masasabi kong akin ka pa rin. May tayo pa rin."

Sandaling nanuot sa isip ni Trudy ang mga lumabas sa bibig ng dating kasintahan. Mabilis niyang iniiling ang ulo at tumikhim.

"Wala na, Mercle. Simula noong tinalikuran mo ako, tumigil na ang pagtibok ng puso ko para sa 'yo. Simula nang tigilan kitang mahalin, wala na tayo."

"Hindi 'yan totoo, Trudy. Alam kong mahal mo pa rin ako." Hindi iyon assumption ngunit isang statement. Isang statement na alam na alam ni Trudy na ay siyang totoo.

Pero hindi siya magpapatalo. Mahinang natawa si Trudy sa naging sagot nito. "No, you disgust me, Mercle."

Bumadha ang pait at sakit sa mukha nito. Namumuo ang luha sa gilid ng mata, bumulong si Mercle ng, "Kahit pandidiri man 'yon... at least may nararamdaman ka pa rin para sa akin 'di ba?"

Maririnig ang tila pagsakal sa boses nito pero hindi magpapakatanga si Trudy. Ilang beses na siyang nagpabilog sa lalaking ito, ngayon pa ba siya hindi matututo?

"Look, I don't have time for your games. Hindi na ako bata, save it to whoever young girl you can manipulate into believing they are having the best time of their lives, hindi sa akin na alam na ang pasikot-sikot ng sikmura mo."

"Ayoko."

"Mercle, stop being fucking stubborn and just agree! I will give you the amount of money you want, just let me be free..." Nanginginig ang boses niya sa huling salitang binitawan.

Kinailangan ni Trudy na kumapit sa dulo ng lamesa upang pigilan ang sarili na mawalan ng malay at maglumpasay ng iyak. Hindi, hindi niya papakitaan ito ng kahinaan na maaari na namang gamitin sa kaniya.

Nanlambot ang ekspresyon ni Mercle sa narinig. Pinanonood ng lalaki kung paano pigilan ni Trudy na lumabas ang ganoon ka-intense na emosyon na lumabas mula sa kaniya.

Ilang saglit lang ay muli itong nagsalita. "Fine." Nag-angat siya ng tingin. "Gagawin ko sa isang kondisyon."

"P'wede ka ng umalis, tawagan mo na lang si Ms. Cayaban. She's my secretary at p'wedeng-p'wede mo akong pagdalhan ng mensahe through her-"

"Isang kondisyon lang, Trudy. Aalis na ako, mawawala na rin ako sa buhay mo."

Humugot nang malalim na hininga si Trudy bago inilapag ang magkahugpong na kamay sa ibabaw ng lamesa. "Making me suffer isn't an enough condition for you, Mercle? Ang swapang mo."

Hindi naman pinansin ni Mercle ang pagsawalang pakialam ni Trudy. "Dalawang linggo lang, Trudy. Dalawang linggo lang ang hinihingi ko sa 'yo."

"No."

Nangangalit ang mga ngipin ni Mercle. Nawawalan ng pasensya. Maya-maya lang ay nilabas nito ang isang bagay na pamilyar kay Trudy. Ang bagay na kailanman ay hindi niya malilimutan dahil sa memoryang dindala nito.

At dahil na rin kung gaano makakasira sa kaniya kapag lumabas iyon sa media.

Dahan-dahan, nagkita ang kanilang mga mata.

"Dalawang linggo lang, Trudy. Gusto ko lang maramdaman na totoong naging akin ka bago ka mawala sa piling ko. Dalawang linggo, sa Kalibo, ikaw at ako lang."

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Chapter 36 The Realization   06-30 11:26
img
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY