/0/27770/coverbig.jpg?v=c757f21317d41a6cf45805ef2326bc75)
For an ordinary girl like her, Harrietta did not dream for a fairytale-like story anymore, but an unexpected prince gets in the way with roses and rainbows in his hand. It became a cliché one, a typical story of a rich man who fell in love with an ordinary girl. Yeah, but who doesn't love cliché? But destiny was not on their side. With lack of trust and reliance, destiny totally antagonized their story and it pulls them to part ways.
This is the first installment of Villa Larra Series. A small town in Cebu. This is the story of Leandro Saavedra and Harrietta Serrano.
1. Leandro's Obsession
___________________________________________________________________
This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, places, event and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
____________________________________________________________________
Not suitable for 18 below, read at your own risk. It contains matured content.
PROLOGUE
Hindi ako mapakali habang nagrereview. May kung ano parin sa akin na gustong maniwala sa madre na nagsabing may kapatid pa ako. Hindi ko alam kung ano dapat ang paniwalaan. Nawala ang mga magulang ko dahil sa isang car accident nang nasa labing limang taong gulang pa lamang ako. Natatandaan ko pa ang masayang ngiti nila nang araw na yon. Hindi ko manlang alam na 'yon na pala ang huling sandaling makikita ko sila.
Saksi ako ng pagmamahal ni Papa kay Mama. Ni ang tumingin sa ibang babae ay hindi nya magawa kaya paano ako maniniwala na may anak si Papa sa labas?
"Harrietta!" Tawag ng isang binata sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko siya matandaan.
"Yes?"
Bigla syang umiling at namumulang iniwan ako doon. Napanguso ako. Lagi nalang ganyan. Sa tuwing may lalapit sa akin at tatawagin ako ay ganyan ang magiging reaksyon nila. Kapag naman babae ay tatarayan ako, pero kadalasan sa kanila ay ginagawan akong katatawanan. Bigla nalang ay may prank na baon. Minsan ay hinagisan ako ng palaka habang naghahardin kami.
Labing walong taong gulang na ako ngayon, nag-aaral sa isang unibersidad dito sa Manila. Nakatanggap naman ako ng scholarship at sapat ang nakukuha kong allowance doon para tustusan ang pangangailangan ko sa pag-aaral. Minsan ay nagsa-sideline at nasubukan ko na rin ang magpart time sa iba't-ibang fastfood chains.
Hindi pa rin ako makalimot sa sinabi ng isang madre tungkol sa kapatid ko. Dapat ko nga ba siyang paniwalaan? Hindi ba masyadong imposible yata na magkaanak sa labas si Papa? Wala na ngang iniwan sa akin si Papa tapos kailangan ko pang buhayin ang babaeng 'yon na hindi ko alam kung kapatid ko nga ba o hindi? Pero alam ko naman sa sarili ko na kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang makasakit ako ng tao, kahit pa nasaktan ako sa ginawa ni Papa. Hindi parin nga ako makapaniwala.
Sa totoo lang ay wala na akong kamag-anak. Mag-isang anak si Mama at Papa. Ang parehong lolo't lola ko naman ay wala na rin. Sino pa ang kakapitan ko? Ang mga pinsan naman ni Mama ay nasa Europe at wala na akong balita sa kanila. Ni nang ilibing nila Mama at Papa ay walang pumunta kahit sino sa kanila kaya sino pa ang aasahan ko, Kundi ang sarili ko lang.
"Harrietta, pakibigay kay Julio 'to" utos ni Ma'am Jelly sa akin. Ang amo ko sa cafe na pinagpapart time job ko.
Pagkatapos ng klase ay dumadaretso ako dito sa cafe para magtrabaho. Pangdagdag gastusin ko. Kahit na may scholarship ako ay 'di parin kaya ang gastusin sa paaralan, dagdagan pa ang mga pangangailangan ko sa bahay. I can provide whatever I need to survive. Hindi ko naman kailangan ng iba pang luho para mabuhay. Pagkain lang at matitirhan ay ayos na ako.
Kinuha ko ang ipinabibigay ni Ma'am Jelly. Naabutan ko namang naglilinis ng sahig si Julio. Iniabot ko sa kaniya ang isang brown envelope. Kumunot ang noo nya sa akin.
"Ipinabibigay ni Ma'am"
Tumango sya at kinuha din 'yon.
"Salamat"aniya na nahihiya pa.
Inalis ko sa isip ko ang dahilan kung bakit ganoon ang ekspresyon nya. May magandang mukha si mama na sinasabi ng lahat na namana ko raw. Maging ang maamong mukha ni Papa ay namana ko. Magandang puno raw ang pinagmulan ko, yan ang madalas na sinasabi ng iba. Nang nasa elementarya palang ako ay halos hindi ako gusto ng mga kaklase kong babae. Na akala nila kinukuha ko lahat ng atensyon at pagpupuri. Maging ang ibang anak ng kaibigan ni Mama ay nagagalit sa akin.
Kaya naman lumaki akong malayo sa ibang kaedaran ko. Dahil kung may lalapit man, malalaman ko nalang na may iba pa pala silang intensyon sa pakikipagkilala nila sa akin. Hanggang sa napili ko nalang na maging kaswal sa lahat, yong hindi ko na kailangang mapalapit pa sa kanila. Kahit isang tunay na kaibigan lang, masaya na ako. Yong hindi gagawa ng paraan para ipahiya ako.
"Ayusin mo ang trabaho,Harrietta"
Napabalik ako sa huwisyo nang mapansin ako ni Ma'am Jelly. Masungit sya sa akin. Iyon ang pansin ko. Lagi nya akong inuutusan kahit na hindi ko naman trabaho 'yon. Kailangan ko naman siyang sundin para hindi ako maalis sa trabaho.
"Opo"
Dali-dali ako sa pagpupunas ng window glass. Magsasarado na kami pero kailangan ko pang mag-over time para punasan ang salaming bintana kahit na ito ang unang gagawin ko bukas.
Napabuntong hininga ako pagkatapos magawa ang lahat. Naabutan ko pa sila Cherry at Kitty na nag-uusap ng seryoso sa counter. Nang mapagawi ang tingin nila sa akin ay inirapan nila ako. Ganyan ang laging reaksyon nila. Ayaw nila sa akin, halatang halata naman.
Akala ko talaga sanay na akong mag-isa pero kapag ganito ang treatment sa akin ng mga tao, parang nagsasawa na ako sa pagiging loner ko. Gusto ko rin ng taong mapagsasabihan ko ng problema, reklamo o hihingan ko ng payo. Yong makakabiruan ko at yong magtitiwala sa akin.
Pagkatapos nang trabaho ay nagyaya na silang umuwi. Nasa tabi lang ako habang masaya silang nagkukwentuhan. Si Ma'am Jelly ay sinasarado pa ang pintuan ng cafe. Abala naman sa pakikipagbiruan ang kasamahan naming mga lalaki. Napagawi sa akin si Julio at nagkamot ng ulo bago ako ngitian. Ngumiti ako pabalik sa kaniya pero ang sunod ko nalang narinig ay ang pag-ismid ni Cherry. Napabuntong hininga nalang ako at umiwas ng tingin.
Nakakapagod din.
Pagkarating sa bahay ay agad akong sumalampak sa sofa, umangat pa ang kaunting alikabok galing doon. Muli akong napatingin sa kabuuan ng bahay. Maging ang tahimik na kabahayan ay labis na nagpapapagod sa akin. Isinandal ko ang aking ulo sa sandalan ng sofa. Marahan akong pumikit at humiling na sana ay matapos na ang gabing ito para sa kinabukasan.
Ilang sandali akong nagpahinga doon pagkatapos ay tumayo na para maghanda ng makakain ko. Isang instant noodles ang aking inihanda at mainit na gatas. Nang matapos na akong kumain ay nagtungo na ako sa kwarto upang makapagpahinga. Mahabang araw nanaman ang kakaharapin ko kinabukasan.
"GOOD MORNING"
Napatuon ang aking mata sa bumati sa akin. Nakatayo sya malapit sa bulwagan ng orphanage na tinutuluyan raw ng aking kapatid.
Isang matamis na ngiti ang iginawad nya sa akin. May suot siyang puting-puting damit ngunit hindi ko matukoy kung isa ba siya sa mga madre doon. Bukod kasi sa puting damit nya ay wala na syang suot para sa kanyang ulo. Tuluyan na syang lumapit sa akin at nilahad ang isang upuan na malapit lang sa amin.
"Maaari kang umupo,Miss Serrano" aniya.
Napatingin muna ako sa upuan bago umupo roon. Lumipad ang tingin ko sa paligid, isang mahabang sofa ang nasa may gilid ko. May mga nakakulay light blue na uniform sa di kalayuan. Mukha silang nurse na dito nakabase. Mukhang hindi basta basta ang orphanage na ito. In fact, parang mayayaman ang narito. Wala naman akong pakialam kung anong klaseng orphanage ito. Ang gusto ko lang malaman ay kung ang babae bang tinutukoy ng mga ito ay tunay kong kapatid.
"Ang sabi nga ni Mother Superior ay darating ka" panimula nang babaeng nasa tabi ko ngayon.
"Ahm,opo"
Ngumiti muli ito. "Masayahing bata si Erriah. Mabait siya at ayaw na ayaw ang nakikipag-away. Magaling din siya sa paghahardin. Yon ang ginagawa niyang paglilibang na malaki din ang naitutulong sa amin" anito.
Erriah? Yon ba ang pangalan ng kaniyang kapatid?
"Gustong gusto siya ng mga nakatatanda dito" dagdag pa nito.
Napakurap-kurap ako. Parang ang weird sa pakiramdam habang pinakikinggan ito. Tila may kung anong humaplos sa dibdib ko. Ito ba yong sinasabi nilang lukso ng dugo kahit pa hindi ko pa naman ito lubusang nakikita.
Sawa na din ako mag-isa. Gusto ko naman ng makakasama. Pagod na akong pagmasdan ang ibang tao na may nakakasama sa buhay, yong may nakakasamang kumain sa Noche Buena o kahit sa regular na hapunan manlang.
Erriah, talaga bang may kapatid pa siya.
May iniabot itong envelope sa akin. Kunot noo akong napatingin doon.
"Ano po ito?"
Ngumiti sya at sinenyasan akong buksan 'yon. Binuksan ko yon at bumungad sa akin ang makapal na patong patong na papel. Inisa-isa ko 'yon hanggang sa mapadako ang aking tingin sa pangalan na nandoon.
Erriah Serrano, daughter of Ivan Serrano. Naroon din ang pirma ni Papa. Mukhang papeles lahat ito ng aking kapatid. Oo, walang duda, sya nga ay aking kapatid. Tumulo ang sunod-sunod na luha sa akin nang mapadako ang mata ko sa isang litrato. Litrato yon ng aking Papa habang may kalong kalong na sanggol na alam ko namang si Erriah yon.
Nanginig ang kamay ko habang hawak 'yon. Paanong nagawa ni Papa na lokohin si Mama. Tanda ko pa yong masayang pakiramdam sa tuwing naglalambingan silang dalawa sa harapan ko? Yong ngiti ni Papa kay Mama.
"Paniguradong nasa hardin nanaman si Erriah. Gustong gusto talaga niya ang pagtatanim" ngumiti siya ulit sa akin.
Pasimple kong pinunasan ang sulok ng aking mata. Gusto kong makita ang kapatid ko. Kahit na may pagkakamali si Papa, hinding hindi ko maaaring isisi yon kay Erriah dahil una sa lahat, wala siyang kasalanan sa nagawa ni Papa.
Nang makarating ako sa malawak na hardin nila ay agad na dumako ang aking mata sa babaeng masayang kumakanta habang nagdidilig ng mga halaman. Tila kinakantahan niya yong mga halaman.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Ang swerte ng mga halamang yan"
Natigil sya sa pagkanta at napalingon sa akin. Nang masilayan nya ako ay bigla na lamang syang napaiyak.
Nabigla ako kaya agad ko syang nilapitan. Umangat ang kanyang mga kamay para salubungin ako ng yakap.
Kilala niya kung sino ako. Dahil doon ay ramdam ko nanaman ang pamumuo ng luha ko.
"Bakit ngayon ka lang?" Yumugyog ang kanyang balikat dahil sa kanyang iyak.
Tuluyan na akong naiyak. Marahan kong hinaplos ang kanyang mahabang buhok. Kamukhang-kamukha niya si Papa. Gaya ni papa ay may maamo syang mukha at napakalambing ng boses niya.
Tumingin sya sa akin kaya pinunasan ko ang kanyang pisngi na basang-basa ng kanyang luha.
"Hinto na sa pag-iyak"
Pilit siyang ngumiti sa akin pero mas nangingibabaw parin doon ang pag-iyak niya.
"Huwag ka nang umiyak" pakiusapan ko. Ang akala ko ay ayaw niyang umiiyak pero bakit ngayon niya yata inilabas lahat ng luha niya.
"Sobrang saya ko lang talaga ngayon" banggit niya habang nakatingin sa akin ng diretso ang mga mata niya.
"Kilala mo ako?" Alam ko na ang sagot pero gusto ko parin malaman galing sa kanya.
Tumango siya sa akin at ngumiti. Ang kaniyang mga mata ay puno ng saya, hindi lang ako sigurado kung nasasalamin nun ang sa akin.
"Ikaw yong ate ko" singhot niya. "Mas maganda ka sa malapitan" nakangiti na nitong turan sa huling sinabi.
Napangiti ako. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Ikaw din, mukha kang anghel"
"Nagpapasalamat ako kasi nandito ka na. Hindi sa ayaw ko dito pero, gusto ko kasing makasama ang pamilya ko. Ikaw yon, ate Harrietta"
Napailing ako. "Hindi ko hahayaang manatili ka pa dito ngayong nandito na ako. Magkasama na tayo ngayon, Erriah" pagpapatahan ko sa kaniya.
PAGKATAPOS NG MAHABANG PROSESO ay makakasama ko na bukas si Erriah. Isang linggo din ang itinagal para makuha ko ang rights para sa kanya. Labis ang tuwa ko dahil sa kaalamang hindi na ako mag-iisa sa buhay. Nasa tabi ko na ngayon ang kapatid kong si Erriah at ipinapangako kong hindi na ako mapapagod sa buhay.
"Harrietta"
Napalingon ako sa pintuan ng aming classroom. Pumasok doon si Haxton at muli nanaman akong tinawag. Mag-isa ako sa room kaya napahawak ako ng mahigpit sa aking libro. Kilala kasi Haxton sa masamang pag-uugali nito at hindi ako nakatakas doon nang minsang mapansin niya ako. Kahit ang mga babae ay pinapatulan nya. Ang balita ko pa nga ay mayroon siyang sinuntok na isa sa mga prof namin kaya napatalsik sya sa eskwelahan pero nang mapagtantong nalusutan nanaman niya yon dahil nandito nga siya ngayon, kinabahan ako. Alam ko kasing may kapangyarihan ang kaniyang apelyido para gawin ang lahat ng gusto niya.
"Anong gusto mo?" Hindi ko pinakita sa kanya ang labis na kaba ko.
"Come with me" matigas na sabi nya. Nagsimula na syang maglakad papunta sa akin.
Hindi ko alam kung mapapanatag ba ako lalo na nang may pumasok na grupo ng mga classmate ko sa room o ano. Simula noon pa ay kinukulit na ako ni Haxton na maging girlfriend nya, simula pa noon ay gusto na nya ako. Sinabi niya pa nga yon sa harap ng maraming estudyante na syang lalong nagpatindi ng inis ng mga kababaihan sa akin dito.
Umiling ako at napangiwi lalo na nang hinawakan na nya ako sa kamay.
"Bitawan mo ako, Haxton" pinilit kong alisin ang kamay nya na mahigpit na humawak sa aking palapulsuhan.
"Not until you come with me" tumingin sya sa mga kaklase ko at ngumisi.
Ayoko ang klase ng pagngisi niya. Kahit kailan talaga ay hindi pwedeng hindi ako mangamba sa presensya niya. Isa siyang delikadong tao at ayokong madawit sa kaniya.
"Now,Let's go" hinila nya ako.
Gusto kong humingi ng tulong sa mga kaklase ko pero nang makita kung gaano rin sila takot sa lalaki ay ako nalang mismo ang sumuko.
"Haxton" tawag ko sa kanya pero patuloy nya parin akong hinihila.
"Just come with me,Harrietta"
Napaiyak na ako. Ayokong umiyak sa harapan nya pero hindi ko mapigilan. Natatakot ako.
"You remember what happened when you got stubborn?hmm?" Malamig niyang sabi. Parang dumilim lalo ang kaniyang mata, mas lalo akong tinatakot nun.
Sana ay huminto na siya.
"Please, Haxton"
"Behave,pretty. You know what I am capable of when I get mad. You don't want that, don't you?" Angil niya na sa akin, tila inis na sa pakikiusap ko.
Gusto kong sumigaw pero tila may bumarang kung anong bagay sa lalamunan ko. Sana ay may kung sino ang tumulong sa akin. Ilang beses na ba akong humiling ng tahimik.
"Haxton, hindi ako ang nangalat sa mga larawan nyo ni Ma'am Hanna,please. May gumawa nun pero hindi ako" sabi ko, alam ko naman kasi ang pangunahing dahilan niya kung bakit niya yon ginagawa.
"Oh come on, It's from your account"
"May naghack ng account ko" pag-iyak ko na.
"Hanna flew out of the country because of you!"
Ni minsan ay hindi ako nagtangkang manghimasok sa kahit na sino. Kahit makita ko ng harap-harapan ang kasamaang ginagawa nila ay nagbubulagbulagan ako. Ni ayoko ngang mapasama sa kanila.
"Haxton! Hindi nga ako! Pakiusap, hindi ako yon" Pakikiusap ko pero tila bingi sya.
Isinakay nya ako sa kanyang kotse. Mas lalo akong kinabahan. Ang iilang mga estudyante ay ayaw makialam. Marahil ay takot kay Haxton. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Baka kung ano pang gawin nya sa akin.
Umikot sya sa driver seat at agad na pinaandar ang sasakyan. Parang lahat ng dugo sa aking katawan ay nawala. Namutla ako.
"Haxton,please, may quiz ngayon sa Calculus. Kailangan kong mag-attend sa klase ko" pamimilit ko sa kanya.
"No!" Matigas nyang sigaw. "You're going with me!"
Nangilabot ako nang ngumisi nanaman sya. Si Haxton yata ang pinakamayaman sa mga estudyante dito kaya siguro malakas din ang loob niya na gawin ang gusto niya. Hindi ko ma-imagine kung anong gagawin nya sa akin. Kung kailan makakasama ko na ang kapatid ko ganito naman ang mangyayari.
"I already warned you that you should leave when I came back here! I warned you! I don't wanna see your face again! But you didn't leave!" Sumisigaw na siya. Mas lalong bumilis ang pagmamaneho nya.
Nanginig ang buo kong katawan. Itinigil nya ang sasakyan pagkatapos ay humarap sa akin. Ang kanyang matalim na mga mata ay tumuon sa akin at agad na bumaba sa aking katawan. Kilala din siya sa pagiging tarantad* niya at wala siyang sinasanto kahit na babae pa at alam ng lahat kung ano sila ng dating teacher namin na si Ma'am Hanna.
Kumurba paitaas ang kaniyang labi.
"You're always giving me a hard on" aniya na nagbigay sa akin ng kilabot. "It's time now for paying"
Ngumiti siya at saka lumabas ng kotse. Ang tanging naiisip ko nalang ngayon ay ang katapusan ko.
Oh boy, Zarrick is a forbidden one. Erriah knows that. At such a young age, she shall not think of any kind of obscene things pero masarap talaga ang bawal. Erriah ate the forbidden apple and she let herself be caged from the man she didn't want at first. She hates Zarrick the first moment she saw him. Sabi nga nila, ang mga bata ang mas nagkakamali. Kailangan ng gabay. Zarrick was there to guide her, but not to be a goody girl but to teach her the art of pleasure. It was too late for Erriah, she let him. So when the time came and cupid arrowed her with love. She lost it and Zarrick won.
A roller coaster ride to forever. Prince Cage Monteverde was known as a notorious playboy. He could make you his by his sugar coated words. Telling you sweet lies. Sending you to heaven by just using his fingers, yeah, he was also known at that field, a good f*cker. For Verra Quinn Perez, love could be magical. She believes in love from those fairy tale books. When the moment she learns that love could change a person, just like how the frog became a prince and just like how snow white came back from death. Ah, how magical love could be. What if, she can create her own fairy tale until she met this guy. A perfect person that fits her ideal prince. She can be snow white who ate a poisonous apple and died, or she can be Cinderella who left her one glass slipper before midnight strikes. She can also be sleeping beauty who went to the top of the tower, fell asleep because of a cursed needle and never wakes up. But, would she rather wait for her prince charming and get the happy ending? No, reality hits Verra hard that she would rather died because of a poisonous apple, hide the one pair of the glass slipper or rather sleep forever than believe in love. Fairy tale doesn't exist at all after realizing her stupid dream of having her own prince charming. Her boyfriend fooled her, so does fantasy. Will Cage could be his prince or he is just an another heartbreak who will crash her like reality?
Nadama ni Thea na hindi na siya magiging masaya muli pagkatapos niyang pilitin na pakasalan ang kasumpa-sumpa at misteryosong pilay, na tinawag sa pangalang, Mr. Reynolds. Nabalitaan na ang kanyang bagong asawa ay pangit at napakasama. Dahil dito, inihanda ni Thea ang kanyang sarili na tiisin ang kanyang malungkot na pagsasama. Ngunit nakatanggap siya ng isang malaking pagkabigla pagkatapos. Inulan siya ng buong pagmamahal ng kanyang asawa. Pinaramdam niya sa kanya na espesyal siya.
"Si Rena ay nasangkot sa isang malaking pagbaril nang siya ay lasing isang gabi. Kailangan niya ang tulong ni Waylen habang naaakit siya sa kagandahan nito sa kabataan. Dahil dito, ang dapat ay isang one-night stand ay umusad sa isang seryosong bagay. Maayos ang lahat hanggang sa natuklasan ni Rena na ang puso ni Waylen ay pag-aari ng ibang babae. Nang bumalik ang kanyang unang pag-ibig, tumigil siya sa pag-uwi, iniwan si Rena na mag-isa sa maraming gabi. Tiniis niya ito hanggang sa makatanggap siya ng tseke at farewell note isang araw. Taliwas sa inaasahan ni Waylen na magiging reaksyon niya, may ngiti sa labi si Rena habang nagpaalam sa kanya."Masaya habang tumatagal, Waylen. Nawa'y hindi magtagpo ang ating mga landas. Magkaroon ng magandang buhay." Ngunit gaya ng mangyayari sa tadhana, muling nagkrus ang kanilang landas. This time, may ibang lalaki na si Rena sa tabi niya. Nag-alab sa selos ang mga mata ni Waylen. Dumura siya, "Ano bang problema mo? Akala ko ako lang ang mahal mo!" "Keyword, mahal!" Napabalikwas si Rena ng buhok at sumagot, "Maraming isda sa dagat, Waylen. Tsaka ikaw yung humiling ng breakup. Ngayon, kung gusto mo akong ligawan, kailangan mong maghintay sa pila." Kinabukasan, nakatanggap si Rena ng credit alert na bilyun-bilyon at isang singsing na diyamante. Muling lumitaw si Waylen, lumuhod ang isang tuhod, at nagwika, "Puwede ba akong pumila, Rena? gusto pa rin kita."
Ang pagpapakasal ni Rosalynn kay Brian ay hindi ang inaasahan niya. Halos hindi umuwi ang asawa niyang si Brian. Iniwasan niya ito na parang salot. Ang masama pa, palagi siyang nasa balita para sa pakikipag-date sa maraming celebrity. Nagtiyaga si Rosalynn hanggang sa hindi na niya kinaya. Tumayo siya at umalis pagkatapos mag-file ng diborsyo. Nagbago ang lahat makalipas ang mga araw. Nagkaroon ng interes si Brian sa isang taga-disenyo na nagtrabaho nang hindi nagpapakilala sa kanyang kumpanya. Mula sa kanyang profile, masasabi niya na siya ay napakatalino at nakasisilaw. Huminto siya para malaman ang totoong pagkatao nito. Hindi niya alam na matatanggap niya ang pinakamalaking pagkabigla sa kanyang buhay. Kinagat-kagat ni Brian ang daliri sa panghihinayang nang maalala ang mga naging aksyon niya at ang babaeng walang kwenta niyang pinakawalan.
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Palaging tinitingnan ni Ethan si Nyla bilang isang mapilit na sinungaling, habang nakikita niya itong malayo at insensitive. Pinahahalagahan ni Nyla ang paniwala na mahal niya si Ethan, ngunit nakaramdam siya ng malamig na pagtanggi nang mapagtanto niyang hindi gaanong mahalaga ang lugar niya sa puso nito. Hindi na sinisikap na basagin ang kanyang panlalamig, umatras siya, para lang mabago niya ang kanyang diskarte nang hindi inaasahan. Hinamon niya siya, "Kung kakaunti lang ang tiwala mo sa akin, bakit mo ako itabi?" Si Ethan, na dating may pagmamalaki, ay nakatayo ngayon sa kanyang harapan na may mapagpakumbabang pagsusumamo. "Nyla, nagkamali ako. Mangyaring huwag lumayo sa akin."