Get the APP hot
Home / Adventure / My Cebuana Girl (Byun Beakhyun)
My Cebuana Girl (Byun Beakhyun)

My Cebuana Girl (Byun Beakhyun)

5.0
5 Chapters
Read Now

About

Contents

TEASER Paano nga ba ma-in-love ang isang BADBOY.. With who has everything; wealth, looks, and popularity. A BADBOY who is certified cassanova yet a fussy one. A BADBOY who believes on his on point of view: "Women are just toys and for lust satisfaction only. No more, no less." Pero paano kung magbiro si DESTINY, at siya ang mapagdiskitahan ni kupido? Magagawa niya kayang lunukin ang ego at sundin ang itinitibok ng puso? Find out how a CEBUANA Girl captured the hearth of a BADBOY, Byun Baekhyun.

Chapter 1 Usa

Meghan's POV

KARANIWAN lang sa isang teenager lalo na sa mga babae ang mahumaling sa mga simpleng bagay na alam nilang magbibigay ng kasiyahan sa kanila; gadget, damit, k-drama, at kahit WATTPAD fictional characters. Hindi ko talaga lubos maisip at maintindihan kung bakit gano'n. Para sa isang tulad kong salat sa maraming bagay at maagang namulat sa pagbabanat ng búto, kahibangang maituturing ang mga iyan.

Ako si Meghan Moore De Chavez, dise Nuwebe anyos, at tubong Mandaue Cebu. Isang High School graduate at hindi nakapagkolehiyo dahil sa hindi kaya ng aking mga magulang. Isang mangingisda lamang si Tatay, at ang kaniyang mga huli ang itinitinda namin ni Nanay sa talipapa.

Sabi ng iba maganda raw ako; matangos ang aking ilong na bumagay sa hugis puso kong mukha, maputi at balingkinitan. Sa katunayan, Miss Anyag ako no'ng High School. Pero ngayon, Miss Anyag na lamang ako ng talipapa.

Mahirap ang buhay sa probinsya kaya makikipagsapalaran ako sa Maynila. Nagpasya akong sumama sa kaklase ko no'ng High School, si Kathleen. Pabalik-balik na ito sa Maynila, at ayon pa rito, madaling kumita roon. Iyong isang linggong pagtitinda raw sa talipapa ay ilang oras lang kikitain sa Maynila. Kinikita naman, marami na itong naipundar.

Minsan lang ang ganitong pagkakataon kaya sinunggaban ko na. Ayoko namang habang buhay na lamang kaming magtitinda ng isda ni Nanay.

"Anak mag-ingat ka roon, hah. Laging susulat," mangiyak-ngiyak na wika ni Nanay. Inihatid nila akong dalawa ni Tatay sa terminal. Ayoko pa sana dahil alam kung mahihirapan lang kami pariho subalit mapilit ang mga ito.

"Hindi na uso iyon, Maricel," singit naman ni Tatay at binalingan ako kapagkuwan. "Anak, kapag kumita ka na nang malaki bilhan mo na lang kami ng cellphone ni Nanay mo, hah."

Ngumiti ako bilang tugon. Talagang iyon ang unang-una kong bibilhin para lagi ko silang makausap. Sa liit nang kinikta namin sa pagtitinda, ni cellphone hindi kami makabili, sapat lamang para sa pang-araw-araw naming pangangailangan.

Maya-maya pa'y tumayo na si Kathleen, aalis na marahil ang bus na sasakyan namin.

"Mauna na ho kami," wika ni Kathleen kay Tatay at Nanay.

Tumayo na rin ako at yumakap sa dalawa. Nakakalungkot, nag-iisa akong Anak at ito ang unang beses na mahihiwalay ako sa kanila.

"Mag-ingat ho kayo palagi," pigil ang emosyong usal ko. Ito ang dahilan kung bakit ayokong magpahatid, mag-iyakan kami, at sa huli ay hindi ako matutuloy.

"Meghan tara na!"

"Alis na ako."

Nagsimula akong humakbang patungong bus matapos sabihin iyon. Sobrang bigat sa dibdib pero desidido na ako. Kailangan ko itong gawin para sa kanila.

"Ingat, Inday Meghan," pahabol ni Tatay. "may magbugalbugal ngani nemu didto, sukol baya, hah!" (Kapag may umapi sayo do'n, lumaban ka, hah!)

Naitawa ko na lang ang lungkot na nararamdaman dahil sa sinabi ni Tatay. Syempre ako pa. At alam naman nito ang ugali ko. May pagkaguerrera ako kaya walang sinumang nangahas na bully-bulihin ako no'ng High School, takot lang nilang mabugbog ko.

Kumaway ako kina Nanay at Tatay nang tuluyan na akong makapasok ng bus. Sa may bandang bintana ko napiling umupo dahil na rin sa ayokong palampasin ang mga tanawing makikita ko mamaya.

Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman ko ang pag-andar ng bus, hudyat ng aming pag-alis.

Paalam CEBU! Alam kong mangangapa ako pero gusto kong makipagsapalaran sa Maynila. Sana nga lang swertehin ako.

NAG-AAGAW na ang dilim nang makarating kami sa naturang Siyudad. Sumakay kami ng taxi ni Kathleen papunta raw sa tinutuluyan nito.

"Feel at home Meghan, hah," wika ni Kathleen habang binabagtas namin ang masikip na daan papuntang looban. Halos magkadikit ang mga bahay, may mga batang naglalaro, at mga nakatambay sa gilid ng kalsada habang nag-iinoman.

"Ang ganda naman ng kasama mo, Kath!" rinig kong wika ng isang lalaking nadaanan namin sa waitingshed. May mga kasama rin ito.

"Pakilala namin kami!" singit din no'ng isa pang lalaki. Wala itong pang-itaas kaya kita ang mga tattoo nito sa kawatan. Mukha itong ex-convict.

"Huwag mo silang pansinin. Walang datong ang mga iyan," wika ni Kathleen.

Hindi nagtagal ay huminto kami sa isang may kalakihang bahay na may dalawang palapag.

"Dito ka nakatira?" tanong ko kay Kathleen nang pumasok kami. Maraming babae ang nasa loob na kapwa abala; may nagkumpulan sa sala at nanonood ng T.V., may naglilinis ng kuko, nagsi-cellphone, at kung anu-ano pa. Lahat sila magaganda at nagmumura sa kaseksihan.

"Yeah. Boarding house kasi ito, kaya marami kami."

"Ah."

"Uy, Kath ang ganda niyang kasama mo, ah. Virgin pa ba 'yan?" tanong ng babaeng mukhang katatapos lang maligo, kalalabas lang nito ng banyo.

Masyadong tampalasan ang kaniyang bibig.

"Sisteret, mukhang tiba-tiba ka riyan, ah!" singit din no'ng babaeng naglilinis ng kuko.

"Tumigil nga kayo!" natatawang tugon ni Kathleen sa mga ito.

Hindi ko sila maintindihan.

Pumanhik kami ni Kathleen sa itaas at pumasok sa kwartong malapit sa hagdan. Maraming kwarto ang nakahilera katabi ng kwarto nito.

"Huwag mo silang pansinin," ani Kathleen, pumasok kami sa 'di kalakihang kwarto na may dalawang double deck, at sa gitna ay hindi kataasang kabinet. "dito ka lang, magpapaload lang ako saglit. May kailangan akong tawagan."

"Sige."

Ipinatong ko ang dalang traveling bag sa kabinet at pabagsak na humiga sa higaan. Napagod ako sa byahe. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko saka pinagbigyan ang namimigat kong mga talukap.

LULAN ng isang taxi kinaumagahan ay hindi ako mapakaling tingnan ang dinadaanan namin. Ewan ko ba, pero bigla akong nanlamig o dahil na rin siguro sa air-conditioned ang taxi'ng sinasakyan namin.

"Hello Mister Choi, Amera's Hotel? Oho, kasama ko na ho. Sigurado ho. Naku, talagang sulit ang ibabayad ng boss ninyo. Sige ho. Bye." Tila mapupunit na ang mga labi ni Kathleen sa pagkakangiti dahil sa kausap sa telepono.

"Saan ba tayo pupunta?" hindi ko napigilang itanong. "At saka ano ba'ng ipapagawa mo sa 'kin at kailangan pa akong ayusan at magsuot ng ganito?"

Dinala ako nito kanina sa isang salon at ipinaayos ang aking buhok. Mula sa simple at mahaba, naging styled iyon at pinkulayan ng ash blond. Ibinili niya rin ako ng damit sa mall. Iyon nga lang, parang wala na akong isinuot sa sobrang iksi.

Ba't hindi na lang ako nito pinaghubad?! Gumastos pa, eh.

"Chill Meghan. Basta sundin mo lang kung ano'ng ipapagawa sayo mamaya, hah."

"Sino?"

"Basta. Huwag nang maraming tanong. Isipin mo 'yong kikitain mo dito. "

Gusto ko pa sanang magtanong pero minabuti ko na lang na itikom ang aking bibig. Tama ito, para sa kikitain ko. Basta ba huwag lang akong pag-Ingles-in.

PUMASOK kami ni Kathleen sa isang napakagarang gusali na kadalasan ko lang nakikita sa t.v.. Nakamamangha ang disenyo sa loob, idagdag pa 'yong mga ilaw na tila mga kristal na kumikinang.

"Relax Meghan. Chin up, okay," kapagkuwan ay wika ni Kathleen na marahil ay nabatid ang kaba ko. "Gayahin mo ako," dagdag pa nito at sinabayan ng maarting paglakad.

Para namang nanigas ang leeg ko na ginaya si Kathleen. Ayokong tumingin sa paligid dahil sa hiya. At kahit hindi ko gawin 'yon ramdam ko ang mga matang nakasunod sa amin. Medyo napanatag lang ako nang sa wakas ay tumapat kami sa elevator at pumasok sa loob.

"HERE. Sobra-sobra 'yan," anang isang lalaki na galing sa kwarto na may numerong 204. May inabot itong sobre kay Kathleen. Magandang lalaki ito sa kabila nang halos namumuti na nitong mga buhok.

"Salamat, Mister Choi," nakangiting tugon naman ni Kathleen at binalingan ako. "Paano gurl. Galingan mo, hah! Diyan lang din ako sa kabilang room. May raket din ako. Bye for now!"

"T-teka sandali!" pigil ko sana rito pero hindi ako pinansin. Pumasok ito sa katabing kwarto.

"Pasok na tayo, ija," untag ng matandang lalaki na ikinalingon ko. Nginig ang mga kamay kong sumunod rito.

Mga nagkalat na canned beer sa sahig ang unang bumungad sa aking paningin. Lalo akong kinabahan. Ano naman kaya ang ipapagawa sa akin? Baka naman mag-iinoman kami?

"A-ano ho ang ipapagawa ninyo?"

Ngumiti ang matanda saka umiling. "Hindi ako. Iyong boss ko."

"Ho?"

"Good luck."

Nagawi ang tingin ko sa labas ng veranda nang mapag-isa. Mula sa kinatatayuan ay tanaw ko ang matatayog at magagandang gusali sa labas. Dala ng pagkasabik at pagkamangha, wala sa loob na humakbang ako palabas. Napakaganda.

"Ikaw ba?"

Awtomatikong napalingon ako sa loob. Isang lalaking matangkad, maputi at may kulay maroon'ng buhok, matangos na ilong, mamula-mulang mga labi, at singkit na mga mata ang bumungad sa akin. At mukhang katatapos lang nitong maligo dahil sa mamasa-masa pa nitong buhok. Nakabalot rin ng tuwalya ang parteng ibaba ng katawan nito.

Meyged, naiintriga tuloy ako sa bagay na tinatakpan no'n

"Didn't you hear me?!" may pagkairitang tanong uli no'ng singkit.

Saka lang ako natauhan. Pahiyang nag-iwas ako ng tingin.

"O-oho.."

"Look at me. "

Sumunod naman ako. Saglit ako nitong pinasadahan ng tingin saka muling nagsalita.

"Will you turn around," kapagkuwan ay utos nito na ikinumpas pa ang kamay.

Tahimik kong ginawa ang sinabi nito. Mahina ako sa Ingles pero nakakaintindi naman ako kahit papaano, basta huwag lang akong pagsalitain, at talagang mangangamote ako.

"Can I see your armpits?"

Madali lang naman pala ang ipapagawa, eh. Iikot tapos ipapakita ang kili-kili? Ano pa susunod? Dyahe, buti na lang hindi kampon ng kadiliman ang kili-kili ko.

"Good."

Mukha naman akong nakapasa dahil sa pgkakasabi nito niyon. Umupo 'yong singkit sa gilid ng kama at may kung anong pinindot sa remote na naroon. Maya-maya pa ay nabalot ng isang pamilyar na awitin ang buong silid.

[Now playing: VERSACE ON THE FLOOR by Bruno Mars]

"Start now..," dag-dag pa nitong pinagmasdan ako.

Paksh*t, nag-iinit ang mukha ko sa paraan ng pagtitig nito.

"H-ho? S-simulan ang ano?" naguguluhang tanong ko.

Umarko ang kilay nito na tila hindi makapaniwala sa tanong ko.

Er---sa hindi ko alam, eh.

"Dance."

Ayay! Napakamot ako sa ulo pero sumunod na rin. Sabi ni Kathleen sundin ko lang ang bawat ipagawa sa 'kin, walang magiging problema.

Baka naman pagtamblingin ako nito pababa ng terrace, eh talagang maloloka na ako.

"What are you doing?" rinig kong tanong no'ng singkit na ikinatigil ko.

"Sumasayaw?" nakangiwi kong tugon. Kahit ako hindi ko alam kung sayaw ba 'yong ginawa ko o kung fu. Dapat kasi 'BABY SHARK' na lang pinatugtog.

"Forget about it. Strip down and start seducing me."

Pakiramdam ko nahulog 'yong panga ko sa sahig. Napanganga akong napatitig rito.

"H-ho?"

"Show me your body."

Anak ng tinapa! Akala ko mga bombay lang ang gano'n.

"No Sir! No body show!" todo iling na tanggi ko. Hindi ko alam kung tama ba 'yong sinabi ko pero wala akong paki.

"Drop that crap. It won't work."

Bwesit! Itong trabaho ba na 'to ang tinutukoy ni Kathleen?! Pabibenta ng karne?!

"Baliw na yata ang isang 'to," mahinang usal ko at inirapan ito. Nakakaturn-off. Guwapo nga manyakis naman.

"Sorry?"

"Ambot sa imu. Buang ka!" (Ewan ko sayo. Baliw ka!) pabalang na tugon ko saka humakbang papasok sa loob at nilagpasan ito.

Humanda sa akin ang luka-lukang 'yon. Talagang tatamaan siya sa 'kin.

Subalit bago ko pa man marating ang pinto, mabilis nang naiharang no'ng tsinitong manyak ang sarili niya sa harapan ko.

"And where do you think you're goin'?"

"Umalis ka diyan," mahina ngunit may diin kong wika sa kaniya.

"Nah, not that fast, sweetheart. Not until I'm done with you."

Demontres! Talagang pinapainit ng lalaking 'to ang ulo ko.

"Mali ka nang iniisip. Hindi ako chararat!"

Sa pagkairita ko ay ngumisi ang lalaki at tila naaaliw na pinagmasdan ako. Humakbang rin ito palapit dahilan ng aking pag-atras.

"And do you want me to believe that?"

"Huwag kang lalapit!"

"Playing hard to get, hah. Gusto ko 'yan."

Sinubukan ko itong linlangin para makalusot na hindi naman ako nabigo. Konting-konti na lang sana, mararating ko na ang pinto nang maramdaman ko ang mga braso no'ng manyak na tsinito sa beywang ko at walang kahirap-hirap akong pinangko.

"Pakyu kang buanga ka. Buhi-i ko!" (F*ck you kang baliw ka. Bitiwan mo 'ko!) pagpupumiglas kong sigaw at pinagsusuntok pa ito sa likod. Pero hindi ito nakinig, ni hindi man lang nasaktan sa ginawa ko. Pabagsak ako nitong ihiniga sa kama saka dinaganan. Nanlaban ako pero agad nitong nahawakan ang mga bisig ko at ipinako sa kama.

"Bayad ka na. Sa ayaw at sa gusto mo, aaliwin mo 'ko buong araw."

Nahindik ako sa narinig. Mas lalo tuloy akong nanggigigil na makita si Kathleen. Ibinenta ako ng babaeng 'yon?!

"Wala akong---ammft."

Sh*t Hindi ito ang unang halik ko pero kakaibang sensasyon ang aking naramdaman. Halos habulin ko ang paghinga. Tila ba ito ay batang gutom at sabik na lantakan ang pagkain niya, habang ang isa nitong kamay ay pumaloob sa laylayan ng aking bestida, hinimas-himas ang parteng natatakpan pa ng pang-ibabang saplot.

Buset, anong tingin niya sa kabebe ko? Kuting?!

Hindi ako nito nilubayan ng halik. Pilit akong nanlaban pero higit itong mas malakas kaysa sa 'kin. At kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay walang nangyayari. Hanggang sa unti-unti akong nanghina.

Nagpupuyos ang kalooban ko. Buong buhay ko ngayon lang ako nilapastangan nang ganito. At wala akong magawa. Ang pagnanais kong makawala ay nauwi na lamang sa isang mahinang paghikbi.

Sa pagtataka ko ay bigla itong tumigil at saglit na inilayo ang sarili pero hindi naman ako pinakawalan. Bakas sa guwapong mukha nito ang pagkalito.

"P-pakawalan mo na ako please..," pagmamakaawa ko na lang sa pagitan nang paghikbi. Wala ring silbi kung manlaban ako.

"The heck with that old man..," igting ang mga pangang usal nito saka ako pinakawalan. Tumayo ito at may tinawagan. "Talo ako. Hindi ko nagawa."

May kinuha ito sa ibabaw ng wooden drawer matapos ang tawag at inihagis iyon sa direksyon ko, isang sobre.

"Leave."

Nanginginig ang katawan kong dinampot ang sobre at mabilis na nilisan ang silid.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 5 Lima   08-26 08:04
img
1 Chapter 1 Usa
25/08/2023
2 Chapter 2 Duha
25/08/2023
3 Chapter 3 Tulo
25/08/2023
4 Chapter 4 Upat
25/08/2023
5 Chapter 5 Lima
26/08/2023
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY