(The CEO's Obsession is the original title of this story but Tubong Leyte si Danica, naive at may pagka-ignorante---sa madaling salita, probinsiyana. Walang pangarap at kontinto na lamang mamuhay sa bukirin kasama ng mga magulang. Tanging ang kaibigang si Lily at kasintahang si Andrie ang nakakasalamuha niya simula pa pagkabata. At nang dumating sa puntong kinailangang umalis ni Andrie para magtrabaho sa Maynila ay naging mahirap para kay Danica. Sobrang ma-mi-miss niya ito. Pero dahil sa may tiwala naman siya sa huli ay nagawa niya ring pumayag hawak ang pangakong babalikan siya nito. Pero paano kung mabalitaan niya na lamang na ikakasal na ito? Magagawa niya kayang ipaglaban ang kasintahan at isama pabalik ng Leyte O ibang groom ang kaniyang mabingwit?
BITBIT ang sama ng loob at hinanakit ay buong tapang na binuksan ni Danica ang malaking pinto. Hindi siya makahinga dala nang paninikip ng kaniyang dibdib. At anumang oras ay maaari siyang himatayin.
"Teka sandali!" ubod lakas na sigaw ng dalaga dahilan upang matuon sa kaniya ang lahat ng atensyon maliban sa groom. Muli ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Hindi niya mapigilan ang mga iyon at halos wala na siyang makita dahil sa panlalabo ng mga mata. "Pangga bakit naman? Akala ko ba ako ang gusto mong makasama habang buhay? Pero bakit ganito? Bakit ka magpapakasal sa iba?"
Walang pakialam si Danica kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao na animo'y kontrabida. Kahit pa tila tawang-tawa ang mga ito sa hitsura niya. Ano naman kung mukha siyang taga bundok, eh sa doon siya nakatira. Si Andrie ang kaniyang ipinunta at hindi sila. Kaya bakit siya mahihiya? Ano naman kung sobrang ganda ng bride? Siya naman ang mahal ni Andrie. At siya dapat ang nasa puwesto nito.
"Pangga, please huwag mo nang ituloy. Umuwi na tayo ng probinsya at magsimula ulit. Hindi ba sabi mo bubuo tayo ng sarili nating pamilya?" humagulhol na dagdag pa ng dalaga. "Sumama ka na sa akin, pakiusap." hindi na niya mapigilang takpan ang mukha upang pigilan ang emosyon. Tila hindi niya na kakayanin ang sakit sa iisiping hindi man lang siya kayang lingonin ni Andrie.
"What is going on, Dylan? Who is that woman?!"
Sandaling natigilan si Danica sa galit na boses ng matanda, at mabilis na tumingin sa unahan.
"D-Dylan?" ulit pa niya sa pangalang narinig. Agad siyang nahimasmasan.
"I am sorry, Lolo.."
Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang sa wakas ay masilayan ang mukha ng groom. Awang ang kaniyang bibig na isipin ang eksaktong address, araw, at oras ng kasal ni Andrie ayon na rin kay Lily. Tama naman. Pero bakit mukha yata siyang naliligaw?
Nanginginig ang mga kamay ay naipanalangin ni Danica na lumubog na lamang pailalim at lamunin ng lupa. Hindi niya kayang salubungin ang galit na mga mata ng bride.
"Ah, eh, k-kuwan, paumanhin!" abot-abot ang kaniyang kabang sabi. Sa isang iglap ay napalitan ng hiya ang kanina ay nagdadalamhati niyang damdamin.
Mabilis siyang nag-isip ng pwedeng gawin subalit sa huli ay pinili niya ring tumalikod na lamang na parang walang nangyari.
Malalaki ang mga hakbang na tinungo ni Danica ang pinto. Kailangan niyang makalabas ng simbahan bago siya mapatay sa loob. Ang laki ng iskandalong nagawa niya.
Subalit ganoon na lamang ang gulat niya at muntik pa siyang mapatalon nang biglang may humatak sa kaniya. Napatakbo na rin siya.
Pero bakit? Ano'ng kailangan sa kaniya ng groom?!
"MAAWA na po kayo huwag ni'yo po akong saktan..!" panay ang yuko ng ulo ni Danica habang humihingi ng paumanhin. Takot at hiya ang kaniyang naramdaman nang mapag-isa sila ng lalaki.
"And why on earth would I do that? Pasasalamatan pa nga kita, eh."
Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ng mukha si Danica. Noon niya lang napagmasdan ang mukha ng groom sa malapitan. Proporsyonado at perpekto ang hugis ng mukha nito; katamtaman ang kapal ng mga kilay, mala-pili ang kurba ng mata na 'di gaanong kalakihan ngunit hindi rin naman singkit, ang bilugang umbok sa maliit at matangos nitong ilong ay mas nagpag'wapo sa hitsura nito, idagdag pa ang hugis puso at mamula-mula nitong mga labi. Bigla tuloy siyang na-conscious sa kaniyang hitsura.
Noon niya lang din napansin kung nasaan sila, isang bus station.
"S-sorry po talaga."
"Drop that 'po'. You look like older than me." anang lalaki na tumingin sa suot na relo. "May pera ka diyan?" muli nitong wika na ibinalik ang tingin sa kaniya.
"Twenty Five pa lang ako." usal ni Danica. Hindi naman siya tinanong subalit gusto niyang bigyan ng hustiya ang akusa nitong matanda na siya.
"Really? You are a year younger but why does it looks like you are ten years older than your age."
Umirap si Danica dahil sa walang pakundangang pang-iinsulto ng kausap. Gusto niya itong sapakin para turuan ng leksyon ngunit nagpipigil lamang siya. Ayaw niyang madagdagan ang kasalanan niya.
"Hey..! Tinatanong ko kung may pera ka?"
"M-meron.. kaso..!" nag-aalangan niyang sagot. Ang totoo ibininta ng kaniyang Itay ang kaisa-isa nilang kalabaw para lang makaluwas siya ng Maynila. Halos mabaliw siya sa lungkot noong pumutok ang balitang ikakasal na si Andrie sa Anak ng boss nito. Kaya naman gumawa ng paraan ang magulang niya para lang kahit papaano ay mapigilan ang desisyon ni Andrie. Ipaglaban niya raw ito, na hindi siya uuwi nang mag-isa. At kailangan niyang ibalik ng Leyte ang kasintahan.
"Pahiram muna ako."
"P-pero.. k-kasi.."
"Ibabalik ko rin bukas. Wala akong dala."
Napakamot sa batok si Danica. Paano niya itong sisingilin kung hindi niya naman alam ang bahay nito. Ni hindi niya rin ito kilala.
"Ano hindi ka sasakay?"
"Uuwi ka na?" balik tanong niya sa lalaki na noon ay nakasampa na sa bus.
"I don't wanna die yet." umisnid na sagot ng lalaki bago tuluyang pumasok.
Bumuntong hininga si Danica. Tama ito. Malamang sa ngayon ay galit pa rin ang pamilya ng bride. Aminado siyang may kasalanan rin siya. Kung hindi siya umeksina ay hindi aabot sa ganito ang lahat. Subalit ang hindi niya maintindihan ay iyong pwede naman nitong ipaliwanang na isa lamang pagkakamali ang nangyari kanina ngunit hindi nito ginawa, bagkus ay nag-ala runaway groom pa ito.
Kusang humakbang ang mga paa ni Danica kasunod ng estranghero. Wala siyang mapupuntahan. Hindi niya rin alam ang pasikot-sikot sa Maynila.
"Dalawa ho, Sir?" tanong ng konduktor sa kasama niya.
"Yes please."
"One hundred ho."
Tumingin ang lalaki sa kaniya at ganoon din siya rito. Nang hindi siya tuminag ay ngumuso ito. Taranta siyang kumuha ng pera sa pitaka at inabot iyon sa konduktor.
Makalipas ang trenta minutos ay narating na nila ang bus station. Dahil nasa unahan sila pumwesto ay siya ang unang tumayo para buksan ang pinto. Subalit nakailang slide na siya ngunit hindi pa rin iyon mabuksan.
"Naka-locked yata." aniya sa pasaherong nakasunod sa kaniya. Natatawa ito na hindi niya maintindihan. Ganoon din ang iba pang pasahero na noon ay nag-umpukan na sa kaniyang likoran.
"Automatic po kasi 'yan, Ma'am." anang mamang driver na may kung anong pinindot. Noon ay bumukas ang pinto.
"Ay ang galing.." ngisi ni Danica para pagtakpan ang nararamdamang hiya. Subalit tila hindi iyon umubra basi na rin sa naging reaksyon ng mga pasahero idagdag pa ang nang-aasar na tawa ng kasama niya. Nag-iinit ang mga pisnging bumaba siya ng bus.
KABADONG napatitig si Danica sa nagpatiunang kasama nang pumasok sila ng mall. Ito tuloy ang napala niya. Mukhang gagawin pa yata siya nitong ATM card.
"T-teka..!" pigil niya sa lalaki ng aktong sasakay ito sa umaandar na hagdan. "Ano'ng gagawin mo sa itaas?"
"Obvious ba, bibili."
"May pera ka?"
"Wala. Ikaw meron."
"Ano?"
"Huwag ka mag-alala, kaya kong doblehin o triplehen lahat nang magagastos mo."
Sasagot pa sana si Danica pero tinalikoran na siya ng lalaki at sumakay sa hagdan.
"Come on!"
Umiling si Danica. Takot siyang sumakay at baka kainin ang mga paa niya. Nakakatawa, pero naiinggit siyang tingnan sa pag-akyat ang iba na parang ang dali-dali lang, ni mga bata ay tinatakbo pa.
"Ano ba? Aakyat ka ba o hindi?"
Makailang beses munang bumuga ng hangin ang dalaga bago napilitang tumapat sa hagdan. Mahirap na, baka bumaba ulit ang kasama niya at sakalin siya. Sa tono ng pananalita ng lalaki alam niyang nagtitimpi lamang ito.
Sandali siyang napapikit, kung alam niya lang na sasakay siya sa ganito, dapat sa Leyte pa lang ay nag-insayo na siya. Hindi sa walang mga mall doon pero literal na walang ganito sa bundok.
Napangiting nagmulat ng mga mata si Danica nang sa wakas ay nagawa niyang sumampa. Pero parang gusto niya ring magsisi. Unti-unti siyang naliliyad na hindi niya maintindihan kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkapit sa magkabilang side ng hagdan.
"Miss, huwag mong higpitan!" sigaw ng guard sa itaas na mukhang kanina pa siya pinagmamasdan. Samantalang iyong kasama niya ay hindi man lang nag-abalang tumulong at iniwan siya.
Mabilis na sumunod si Danica sa sinabi ng guard pero huli na. Nawalan na siya ng balansi. Pikit ang mga mata niyang sumigaw na lamang.
"My God, nakakahiya ka." bigla ang pagbulong ng isang tinig sa kaniyang tenga. Iyong lalaki.
Noon niya lang din napansin ang pag-angat niya. Kaya pala ito nawala.
"Saang bundok ka ba galing at ganyan ka kaignorante?" dag-dag pa ng lalaki habang buhat-buhat siya.
"S-sa H-hilonggos Leyte."
"Talagang sumagot pa, eh."
Hawak-hawak ang sling ng bag ay napayuko si Danica matapos ibaba ng kasama. Hindi siya makatingin ng diretso dahil sa kahihiyan idagdag pa ang narinig niyang palakpakan ng mga tao sa paligid.
"Huwag kang lalayo sa akin, huh. Baka mapahamak ka na naman." mahinahong wika ng lalaki. Hindi naman ito galit, at mukhang hindi rin natutuwa.
MATAPOS ang nakakapagod at nakakahiyang karanasan ni Danica sa mall ay nag-checked-in sila ng lalaki sa isang may kaliitang inn kinagabihan.
Pagod na napabuga siya ng hangin. Ni hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Hindi niya man lang nagawa ang pakay niya. Malamang ay ikinasal na si Andrie at naubos ang pera niya na walang nangyari.
"Hindi ka ba magbibihis?"
Igtad na naibaling ni Danica ang atensyon sa kasama. Suot nito ang sando at shorts na binili nila kanina. Hindi niya mapigilan ang pag-usbong ng inis para rito. Ang lakas ng loob nitong magturo wala namang pera. At ngayon magkasama pa sila sa isang maliit na kwarto.
"Ayoko. Baka kung ano pa'ng gawin mo sa akin." hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Huli na para bawiin.
"Loko ka. Mangilabot ka nga. Sinong abnormal ang papatol sa isang ignoranteng galing pa sa bundok? Iyong boyfriend mo lang yata. Iniwan ka pa."
"So masaya ka na niyan?" pagtataray ni Danica. Nasaktan siya sa sinabi nito.
"Oo. Go and change your clothes. Ayoko ko nang may mabahong katabi."
Umirap si Danica.
"Eh, 'di lumipat ka ng kwarto!"
"Ikaw ang lumipat. Ikaw 'yong may pera hindi ba?"
Asar na bumangon ang dalaga at kinuha ang paper bag. Isang kulay ubeng besteda ang laman niyon na ito ang pumili.
"You should dress such more often nang hindi ka ipagpalit ng boyfriend mo." komento ng lalaki na sinuyod siya ng tingin pagkalabas niya ng banyo.
"Walang pinipiling hitsura ang pag-ibig." hirit niya sa nang-iinsultong pasaring ng lalaki. Ngingiti na sana siya naudlot pa.
"Then I guess wala siya no'n sayo."
Muli ay umirap si Danica at tinungo ang kabilang side ng kama. Ang g'wapo sana nito bastos lang.
ALAS onsi na subalit hindi pa makatulog si Danica. Samantalang iyong kasama niya ay tila hinihili na ng mga anghel. Lihim siyang napalunok nang lingonin ito. Ito ang unang pagkakataong may katabi siyang lalaki sa pagtulog. Sa tatlong taon nila ni Andrie ni hindi nila ginawa ang magtabi. Humihingi ito ng isang bagay subalit ayaw niyang ibigay dahil sa nainiwala siyang sagrado iyon. Kaya marahil ay naghanap ito ng iba.
Lumapit pa siya nang kaonti sa katabi at maigi itong pinagmasdan. Ang akala niya talaga kanina artista ito. Ito 'yong tipo ng mga bidang lalaki na kadalasang nababasa niya sa mga novels.
"Dylan.." bulong ni Danica. Iyon ang pangalang narinig niya kanina. Nakatagilid ang mukha nito paharap sa kabilang side kaya malaya siyang kausapin ito sa malapitan. Isa pa, tulog na rin naman ito. "Hoy Dy---."
Tarantang napaatras si Danica at nagtalukbong ng kumot. Nagsimulang pumintig ng mabilis ang puso niya.
"Naku hindi, hindi! Hindi ko sinasadya..!" animo'y baliw na wika niya sa ilalim ng kumot. Mabuti na lamang at tulog na ito kundi patay na naman siya sa lait.
Para namang nang-aasar na sumiksik sa utak niya ang nangyari. Mula sa marahang pagkilos ng lalaki at tila slow motion'ng pagpihit nito. Hindi sinasadyang malapat ang mga labi niya sa mga labi nito.
TEASER Paano nga ba ma-in-love ang isang BADBOY.. With who has everything; wealth, looks, and popularity. A BADBOY who is certified cassanova yet a fussy one. A BADBOY who believes on his on point of view: “Women are just toys and for lust satisfaction only. No more, no less.” Pero paano kung magbiro si DESTINY, at siya ang mapagdiskitahan ni kupido? Magagawa niya kayang lunukin ang ego at sundin ang itinitibok ng puso? Find out how a CEBUANA Girl captured the hearth of a BADBOY, Byun Baekhyun.
TAHIMIK akong nakatingin sa kawalan. Tanaw ko mula sa veranda ang nagniningning na ilaw sa kabayanan. Napabuntong hininga ako. How I wish I could be one of them---isang ordinaryo na malayang mamuhay bilang normal. Ako si KEINTH LUCAS HARRISON, galing sa pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Monica. Wala akong kaibigan, and I used to be alone since then. Pero mas ginusto ko ang maging ganito, kaysa malaman ng ibang tao ang sekreto ko, or should I say.. SEKRETO ng pamilya ko.
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!