Isang malayong bakasyon ang naisipan ng magkakaibigan, isang bahay bakasyunan na matagal ng hindi natitirahan. Hindi nila lubos akalain na ang masaya na bakasyon ay mauuwi sa madugong bakasyon. May makakaligtas kaya sa kanila? o mamatay silang lahat na walang nakakaalam sa kanilang mga sinapit.
EVONE
"Oh my gosh ang tagal naman nila, nagugutom na ako." reklamo ko at napaayos ako ng upo dahil nakasandal ako sa dibdib ni Cj ang boyfriend ko.
"Just relax, malapit na daw sila babe," halik niya sa noo ko.
"Kahit kailan talaga laging late ang grupo na 'yan." naiiling na sabi naman ni Jamie na katabi rin ang jowa nitong si, Rupert.
Habang nasa gilid naman si Lira na parang walang pakialam sa mundo dahil nakasandal lang ito sa sopa habang nanonod siguro ng movie.
"Whatever," irap ko at muling sumandal.
Narito kami sa paborito naming tambayan at kainan, masarap ang mga pagkain dito at maganda ang lugar dahil may privacy kayo dahil may harang. Pabilog na lamesa na kulay itim at paikot rin na malambot na sopa na kulay brown naman. Aircon rin kaya naman masarap talaga tumambay dito saka hindi masiyadong matao.
"Nandiyan na sila."
Napalingon ako sa sinabi ni Cj, nakita ko nga si Shara, Rachelle at Seth saka si James pati na rin si Michael. Mga nakangiti I'm sure alam nilang nainip na kami.
"Sorry guys, hinintay pa namin si Michael." nakangiting sabi ni Shara.
"Kaya nga, naiinis na nga ako ang tagal." sagot naman ni, Rachelle.
"Pasensya na guys, alam niyo naman ang mama ko." kamot sa ulong sabi ni Michael.
"Mabuti pa maupo na kayo dahil nagugutom na kami." naiiling sabi ni, Jamie.
"Wala namang bago sa inyo." inis na reklamo ko at nagtawanana lang sila.
Naupo na ang lahat at dinala ang pagkain namin, grabe ang sakit na ng tiyan ko. Kumain talaga ako at nagpabusog.
"Babe, nagutom ka talaga." mahinang bulong sa akin ni, Cj.
Iniripan ko lang siya habang busy ang iba sa pag-uusap, napatingin naman ako kay Lira na hindi na maisubo ang pagkain dahil sa nakatingin sa cellphone nito.
"Hoy! isubo mo kaya muna na 'yan?"
Takang napatingin rin siya sa akin at napalingon sa iba dahil nakatingin rin sa kanya.
"Ha? oo." natatawang sabi niya at naipaling na lang ako.
"Adik talaga 'to sa movies, kahit nasa klase nanonood." sabi naman ni, Rachelle.
"Pero nagtataka ako nakakasagot kapag tinatanong ni prof." natatawang sabi ni James at nagtawanan ang lahat
"Mabuti pa kakain na ako." nakangiting sabi lang ni Lira, at binaba ang phone na hawak.
"Siya nga pala ano na ang plano natin?" agaw atensyon ni, Seth.
"Tama pag-usapan natin 'yan." segunda naman ni Cj.
"Kung ganun ito may good news ako sa inyo. Naalala ko na may binili ang magulang ko na bahay bakasyunan sana, kaso isang beses pa lang sila nakapunta doon at hindi pa ako nakakapunta doon. Maganda siya at tahimik. Isa pa, magaganda raw ang lugar doon at mayroong malinaw na ilog at falls. " kuwento ni Rupert at pinakita sa dalang laptop nito ang mga picture na sinasabi niya.
"Maganda nga." Sabay sabay nasabi namin dahil nagandahan kami.
"Kung ganun sino ang tumatao diyan sa bahay niyo kung matagal niyo ng hindi napupuntahan?" Curious na tanong ni, James.
Napatingin naman ako kay James, at gusto ko rin malaman.
"May kinuhang tao si mama na titingin at maglilinis doon, binabayaran ni mama." Kuwento ni Rupert.
"Kung wala na tayong ibang makita pa doon na lang tayo sa sinabi ni Rupert, isa pa mukhang exciting doon." nakangiting sabi ni Rachelle.
"Doon na lang tayo para hindi na tayo mag-isip saka malayo na 'yun kaya talagang bakasyon na natin 'yon."
Napalingon ako kay Lira na nagsalita rin. Napatingin ang iba sa kanya at napatango-tango.
"Kung ganun game na tayo diyan!" Taas ni Cj ng baso niya.
"Okey, game ako." Sabi ko rin at tinaas ko ang baso ko, sunod-sunod na tinaas na rin nila ang mga baso nila bilang pag-sangayon.
"Kung ganun G tayo sa Saturday ng madaling araw." Taas muli ni Michael ng baso niya. Sumabay kami na mga nakangiti.
"Yung sasakyan ni mama na lang ang gamitin natin malaki 'yun kaya kasya tayong lahat." Suhestyon ni Rupert.
"Oo nakita ko yun kasya tayo doon para isang sasakyan lang tayo." Wika naman ni, Seth. "Puwede ko ba isama ang girlfriend ko?" Muli pang sabi ni Seth.
"Brod, sige na isama mo na para hindi ka mainggit sa amin." Natatawang tapik ni Cj sa balikat ni Seth, napapangiti lang kami.
"Ok na tayo. Seth, salitan tayo sa pagmamaneho." Pahabol pa ni Rupert habang katabi ang girlfriend nitong si Jamie.
Sa magkakaibigan si Rupert ang pinakamay sinabi sa buhay, sumunod si Seth. Kami namang iba ay sakto lang yung kaya naming mabili rin ang gusto namin. Graduating na kami lahat kaya ito na ang paraan namin para magkasama-sama kami, magkakaiba man ang mga kurso namin ay hindi naging hadlang para hindi maging matatag ang pagsasama namin.. High school pa lang kami simula ng maging magkakaibigan kami.
Kaya bago kami tumahak sa bagong direksyon ng buhay namin ay ninais namin na magkabakasyon na magkakasama.
Matapos namin kumain at konting kuwentuhan ay nagkaniya-kaniyang paalam na kami sa isa't-isa.
----------
Rupert
"Hon, nagpaalam ka na ba?" Baling ko kay Jamie, nasa kotse kami ngayon at ihahatid ko siya sa bahay nila.
"Yeah, noong una ayaw pa nila dahil alam mo naman one unica hija nila ako." Nakangiting humilig siya sa balikat ko.
"Don't worry, nandito ako lagi sa tabi mo at isa pa gusto kitang makasama ng matagal." Seryosong sabi ko dahil matapos ang bakasyon na ito ay magiging busy na ako hawakan ang negosyo ng magulang ko.
"I know hon, alam ko naman magiging busy ka na. Isa pa sabi mo naman para sa future natin,"
Tumango ako at dinampian ko ng halik ang ibabaw ng ulo niya. Mahal na mahal ko si Jamie, siya lang ang babaeng nagpatino sa akin noong panahong sobrang pasaway at rebeldeng katulad ko dahil sa magulang ko. Ngunit ngayon ay maayos na dahil gusto ko ng ayusin ang buhay ko.
"Bye hon, ingat sa pagmaneho." Paalam ni Jamie sa akin pagkababa niya.
"Pakisabi na lang sa kanila saka na ako bibisita ulit." Pahabol ko pa dahil kailangan ko makauwi ng bahay para makausap si mama sa ilang mga detalye sa lugar na pupuntahan namin sa sabado.
Pagdating sa bahay ay naabutan ko si mama na nasa sopa habang may binabasa na mga papel. Napatingin siya sa akin at binaba ang hawak nito, naupo ako sa tabi niya.
"Nandito ka na pala, kumain ka na ba?" Tanong nito sa akin at inayos ang suot na salamin.
"Tapos na ma, siya nga pala ma gusto ko lang magtanong ng ilang detalye doon sa bahay na nabili mo ma." Umpisang sabi ko at tiningnan niya ako.
"Sigurado ka talaga na pupunta kayo doon? Limang taon na simula ng huling punta namin ng papa mo doon. Hindi ko alam kung maayos pa ba ang bahay doon."
"Oo ma, hindi ba may kontak kayo sa naglilinis doon?" Tanong ko pa at hindi ko inintindi ang sinabi ni mama.
"Yeah," sagot lang nito at kinuha ang cell phone na nasa table, may hinanap siya doon. "Here, anak ang daming magagandang lugar bakit doon mo pa naisip? Saka ang layo no'n."
"Ma, yun nga ang gusto namin yung malayo para naman may thrill. Isa pa regalo na namin ito sa sarili namin dahil nakatapos na kami sa pag-aaral namin." Sagot ko habang sini-save ko ang number.
"Fine, pero tawagan mo muna si Mang Ilo doon bago kayo pumunta para masiguro niyo. Anyway, sa totoo lang ang ganda doon medyo malayo lang kaya hindi rin namin lagi mapuntahan, isa pa mura lang ang pagkakabili namin sa bahay na 'yon. "
Kuwento ni mama habang sinusubukan ko ng tawagan ang number, nag-ring yon kaya napatayo ako.
"Hello, puwede po ba kay Mang Ilo?" Tanong ko sa sumagot.
"Sino ito? Ako si Mang Ilo, anong kailangan mo?"
Napangiti naman ako dahil siya na pala mismo ang kausap ko.
"Ako ho ang anak ni Amelia Galardo," banggit ko sa pangalan ni mama at tiningnan ko si mama na nakatingin lang sa akin.
"Si ma'am Amelia, kayo pala ang anak. Bakit po kayo napatawag?" Muling tanong nito.
"Gusto ko lang ho malaman kung maayos pa po ba ang bahay diyan, balak kasi naming magpunta ng mga kaibigan ko para magbakasyon." Sagot ko.
"Maayos ang bahay dito dahil lagi kong nililinisan, ngunit..."
"Bakit ho?" Natitigilan na sabi ko.
"Sigurado ba kayo na magbabakasyon kayo dito?" Muling tanong pa niya.
"Oho nitong sabado ng madaling araw ang alis namin." Sagot ko at narinig ko ang buntong hininga niya.
"Ganun ba kayo ang bahala, malinis ang bahay kaya wala kayong magiging problema sa pagpunta niyo dito." Sagot ni Mang Ilo.
"Sige ho salamat." Paalam ko na dito at muling naupo.
"Ok na ma, maayos pa raw ang bahay doon." Nakangiting sabi ko kay mama.
"Kung ganun enjoy na lang kayo at mag-iingat. Huwag kayong magpupunta sa mga delikadong lugar, dahil probinsya 'yon." Paalala ni mama.
"Yes naman ma." Sagot ko at sumandal habang nag-iisip.
Bata palang noong magkakilala kami at sa batang puso namin may pangarap na kami sa bawat isa. Sa batang puso namin may kakaiba ng damdamin na nagpapasaya sa amin. Ngunit paghihiwalayin kami dahil sa hindi magandang pangyayari na tanging sarili lang namin ang nakakaalam. Sa muling pagtatagpo namin, ang dating maloko na batang si Si Duncan Patterson, na minsan ko ng napangiti at alam ko na mabait siya. Ngayon nagkamali ako pala ako. Dahil si Duncan Patterson ay isang Demonyong Gangster! ( A gangster Love Story) (Gangster)
Hindi makapaniwala si Kobe na sa isang iglap, biglang siyang ikakasal. Kasalukuyan na ini-enjoy palang niya ang pagiging malaya dahil sa kaka-graduate pa lang sa kursong kinuha nito. At wala pa siyang balak na pwersahin ang sarili sa trabahong binibigay ng kanyang ama. Isang hindi kilalang babae ang kanyang mapapangasawa, na ni minsan ay hindi pa niya nakilala. Hindi rin niya matandaan sa mga naging babae nito ang babaeng pakakasalan. Napuno ng galit ang dibdib pati na ang isipan lalo na ang malaman ang mga kasinungalingan ng babae, kaya para makaganti 'ay sasaktan niya ito ng labis
Dahil sa biglang pagkawala ng kumunikasyon ni Elisa sa kaniyang kinakasama na para sa kanya 'ay asawa na niya si, Francis. Ay napilitan siyang lumuwas ng Maynila upang hanapin ito, ngunit sa kaniyang paghahanap sa kaniyang asawa 'ay mag-iiba ang takbo ng buhay niya sa piling ng isang lalaki na aariin nito ang buong pagkatao niya. Makakaalis pa kaya si Elisa sa piling ng isang Mafia Boss? Kung hinahanap-hanap na niya ang bawat halik nito at ang bawat haplos sa kaniyang katawan? Lalo pa kung malaman niyang ang asawa niya ay nasa piling na ng iba?
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...