Hindi makapaniwala si Kobe na sa isang iglap, biglang siyang ikakasal. Kasalukuyan na ini-enjoy palang niya ang pagiging malaya dahil sa kaka-graduate pa lang sa kursong kinuha nito. At wala pa siyang balak na pwersahin ang sarili sa trabahong binibigay ng kanyang ama. Isang hindi kilalang babae ang kanyang mapapangasawa, na ni minsan ay hindi pa niya nakilala. Hindi rin niya matandaan sa mga naging babae nito ang babaeng pakakasalan. Napuno ng galit ang dibdib pati na ang isipan lalo na ang malaman ang mga kasinungalingan ng babae, kaya para makaganti 'ay sasaktan niya ito ng labis
AN: Pasensya na diyan maraming aayusin pa, hope na magustuhan niyo ito. Love lots! 😌😘
___________________________________________________
=========================
THE MARRIAGE
=========================
KOBE
"What the hell! Mo'm? I do not know her, how can she get pregnant?" Mataas ang tonong reklamo ko dahil dito sa babaeng na sa loob ng opisina nang Papa kong siraulo.
"Kobe! Ako, nag-sasawa na sa mga kabastusang inaasal mo. Sa ayaw at sa gusto mo pakakasalan mo ang babae na 'yan!" nangagalaiting wika ni Papa sa akin.
Para naman akong binuhasan ng malamig na tubig o mabuti pa na patayin na lang nila ako. Napapailing na napatayo ako sa kinauupuan ko at masamang sinulyapan ang babae na ni minsan 'ay hindi ko pa nakita kahit na kailan sa buong buhay ko.
"Hijo, hindi na tama ito. Dahil ilang babae na ang nagpupunta rito para sabihin na nabuntis mo sila? At sobrang dami na ng kasalanan ko dahil sa pagpapa-abort nang mga nabuntis mo." singit naman ni Mama na dati 'ay kakampi ko.
Salubong ang kilay na tiningnan ko lang si Mama, dahil mukhang desidido na rin talaga siyang ipakasal ako sa babae na 'to. At hindi ko nga alam kung saang lupalop ito nagmula para lang gumawa ng ganitong kalaking kasinungalingan. Pansin ko na parang na-iiyak siya pero hindi ko ito pinansin.
Paano ko naman magugustuhan o titikman man lang ang kagaya niya? Saang probinsiya ba siya nangaling. At isa pa mukhang memyembro ata ito ng simbahan dahil sa puting kupas na bistidang suot nito. Mukhang hindi pa naliligo.
"Hindi ako magpapakasal, specially to that woman." sarkastiko ko na turan at tiningnan ko ng masama itong babae, sabay talikod at naglakad na ako papunta ng pinto.
"Kapag lumabas ka ng pinto na 'yan, asahan mo. Wala na akong anak at wala akong pakialam kung wala akong tagapagmana. Dahil maraming foundation na puwede kong lagakan ng lahat, kung sakali na mawala na kami." seryoso ang boses na wika ni Papa.
Natigilan ako sa pagpihit ng seradura dahil sa sinabi ni Papa. Nanginginig ang laman ko dahil sa mga binitawan na salita nito, parang gusto kung wasakin itong pintuan dahil sa galit.
--------
Wala akong nagawa sila ang nasunod at hanggang ngayon lutang ang isipan ko dahil sa biglaan na nangyari sa buhay ko.
Tahimik ako matapos ang pribado na kasalan namin ng babae na 'to at kasalukuyan na nasa reception kaming mag-anak at ilang pili na mga kamag-anak ng mga magulang ko. Sila naman may gusto nito kaya lahat ng bisita sa kanila, hindi ko alam kung pupunta yung dalawa kong kaibigan.
"Are you happy now? You ruin my my fucking life." pigil ang emosyon na mahinang sambit ko dito sa babaeng katabi ko.
"S-sorry," sagot nito na nakayuko.
Natawa ako ng pagak sa inasal niya. "Alam mo, hindi ko talaga alam kung saang mundo ka nangaling at bigla ka na lang sumulpot sa harapan ko para lang guluhin ang buhay ko. Kung pera lang ang kailangan mo bibigyan naman kita, hindi mo na kailangan pang sirain ang buhay ko para lang sa isang walang kwentang kasalan na 'to." mahina na may halong galit na bigkas ko, dahil konti na lang talaga gusto ko ng magwala dito. Gusto kong sipain ang table na puno ng mga pagkain at alak.
"Sorry." muling sagot niya sa naiiyak na boses.
"Fuck! Wala ka na bang ibang sasabihin kung hindi sorry? I don't remember that I have sex with you. So, how can you be pregnant?" tumataas na ang boses ko na kinalingon naman ng ilang bisita namin dito sa hotel na pag-aari rin ng mga magulang ko.
Napansin ko si Mama na papalapit dito sa kinauupuan namin nitong babae. Ayokong banggitin ang pangalan niya kahit na kailan.
"Kobe, what happen? Puwede ba anak. Huwag kayo dito magtalo? Nakakahiya sa mga bisita natin kaya umayos kayo diyan." mahinang sermon ni Mama sa akin.
"Pasensya na po," magalang na sagot naman ng katabi ko.
Tumayo ako dahil kanina pa talaga gustong sumabog ng dugo ko sa galit. At isa pa natanawan ko na rin ang dalawa kong kaibigan na pumasok na sa entrance.
"Kobe, saan ka naman pupunta? Iiwanan mo ang asawa mo dito. Ano ka ba?" mahinang tawag sa akin ni Mama.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglakad palapit sa mga nakangiti kong mga kaibigan. Si Nicko at Adrian.
"Brad, congrats lalo na sa pagiging tatay mo na." nakangising wika ni Nicko.
"Oo nga at syempre ano pa ba? Ninong kami. Dahil hindi mo man lang kinuha ang isa sa amin para maging bestman mo." natatawang sabi naman ni Adrian.
"Fuck you! Walang kwentang kasalan 'to, kaya hindi kayo nababagay na maging parte pa. Pero salamat at dinamayan niyo ako dito," napapangising sabi ko naman.
Tinapik naman nilang dalawa ang balikat ko at sabay-sabay na umupo kami sa may bakante na upuan na may mahabang lamesa, para mag-inuman. Napansin ko na sinama ni Mama 'yung babae sa mga kaibigan niya at talagang pinakilala niya na sa lahat. Niluwagan ko naman ang neck tie na suot ko dahil kanina pa ako naaalibadbaran.
"Yun ba ang asawa mo?" Nguso ni Nicko sa babaeng kasama ni Mama na nakasuot ng simpleng damit na pangkasal.
Pero ang halaga no'n hindi simple dahil halos kalahating milyon ito na pinagawa ni Mama sa isa mga kilala nitong designer.
"Yeah," walang ganang sagot ko.
"Hindi naman masama, pero ang payat niya lang. Pakainin mo ng pakainin ng sa gano'n 'ay magkalaman." malokong sambit ni Adrian na kinatawa naman ni Nicko.
Namataan ko naman si monster kong ama, papalapit siya ngayon sa puwesto namin. Tiningnan ko naman ang dalawa na sinabi ko na walang maingay na tingin.
"Kobe, huwag mo kaming bibigyan ng kahihiyan dito." bungad agad nito sa akin pagkarating sa puwesto namin.
Napangiti naman ako ng mapang-uyam. "Pa, hindi mo man lang ba babatiin ang anak mo? Sermon agad ang pambungad mo sa akin?" nakangising saad ko. Kita ko naman ang paggalaw ng mga muscle niya sa pagmumukha niya dahil alam kong galit ito at wala naman akong pakialam.
Bago ito tumalikod ay iniwanan niya ako ng may pagbabantang tingin. Tumawala lang ako dahil wala akong pakialam kung magalit siya dahil nagawa na nila ang gusto nila. Ang gusto ko lang ngayon 'ay i-enjoy ang masaklap na araw ko ngayon.
"Ano bang nangyari? Nagulat na lang kami sa balitang dumating. Na si Kobe Brayant nag-asawa na pala," natatawang simulang tanong ni Nicko. Tinawag pa ako sa paborito kong basketball player.
"Hindi ko alam, ang alam ko lang hindi ko kilala ang babae na 'yun. At isa pa hindi ko nga matandaan na tinra ko siya." naiiling na sagot ko sabay tung
"Paano naman nangyari 'yon? Baka naman nakalimutan mo lang dahil sa dami ng babaeng tinuhog mo." tawang sagot naman ni Francis.
"Gago! Kahit naman lasing ako minsan tanda ko ang mga babaeng nakakasama ko. Look at her, ganyan ba ang papatulan ko?" yamot na sambit ko sabay tingin sa kinaroonan nila Mama kasama ang babae na 'yon.
Saktong humarap naman ito sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Agad naman akong umiwas dahil sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya talagang umaangat ang dugo ko sa ulo ko.
"Pero maganda siya ah, kahit na simple lang ang ayos niya. At may korte naman ang katawan niya, kaya hindi na masama." seryosong wika ni Nicko habang nakatingin do'n sa babae.
Nakaramdam naman ako 'kay Nicko na parang na-attract ito.
"Uminom na lang tayo at magpakasaya." seryoso na sabi ko at tinungga ang alak na dinala sa amin.
Lumipas ang oras unti-unti ng nag-alisan ang mga bisita gayon din ang dalawa. Si Francis at Nicko, naiwan akong mag-isa dito sa lamesa.
"K-kobe, halika na umuwi na 'raw tayo." nauutal na aya sa akin ng babae na to.
"Ohh, you. My wonderful wife, sino ka nga ulit? S-sandali... Have we met?" mapang-asar na tanong ko sa kanya.
"Lasing ka na, halika na." aya muli nito sa akin na parang hindi naapektuhan sa sinabi ko.
Hinigit ko naman ang braso niya at nilapit sa akin, pansin ko naman ang pagngiwi niya pero hindi ko pinansin.
"Hayaan mo, paliligayahin kita ngayong gabi. Para naman masulit ang panlolokong ginawa mo sa akin," seryosong turan ko na may halong nakakalibot na tono.
Pansin ko naman ang pamimilog ng mata niya ng bitawan ko siya. Tumayo ako at umakbay sa kanya. Muntikan pa kaming matumba dahil sa biglang pag-akbay ko sa kanya.
"Kobe, be careful. Buntis 'yang asawa mo, baka nakakalimutan mo." sermon ni Mama na nandito na pala sa malapit sa amin kasama ang ama kong laging nakasimangot.
"Yeah, i will Ma. Of course, she's my wife at iingatan ko siya ng pagmamahal ko." natatawang wika ko.
"Halika na, magsi-uwi na tayo."seryosong wika naman ni Papa na nauna ng maglakad.
Inakay ko na itong asawa ko palabas habang nakasunod si Mama sa likod namin. Pagdating sa labas hinatak ko agad itong babae dito sa kotse ko at sapilitan na sinakay sa loob.
"Kobe, hayaan mo ng si Manong Tonyo ang mag-drive sa inyo pauwi. Baka mapaano kayo sa daan," awat ni Mama sa amin.
"I can drive, Ma. Kaya huwag mo kaming alalahin hindi pa ako ganon kalasing." asar na sagot ko at sumakay sa loob ng kotse ko.
Sunod-sunod naman ang katok ni Mama sa bintana ngunit hindi ko ito pinagbuksan. Pinaandar ko na ang kotse, dadalhin ko ito sa condo unit ko dahil dito ko ipalalasap ang parusa ko sa babae na to.
Itutuloy......
Isang malayong bakasyon ang naisipan ng magkakaibigan, isang bahay bakasyunan na matagal ng hindi natitirahan. Hindi nila lubos akalain na ang masaya na bakasyon ay mauuwi sa madugong bakasyon. May makakaligtas kaya sa kanila? o mamatay silang lahat na walang nakakaalam sa kanilang mga sinapit.
Bata palang noong magkakilala kami at sa batang puso namin may pangarap na kami sa bawat isa. Sa batang puso namin may kakaiba ng damdamin na nagpapasaya sa amin. Ngunit paghihiwalayin kami dahil sa hindi magandang pangyayari na tanging sarili lang namin ang nakakaalam. Sa muling pagtatagpo namin, ang dating maloko na batang si Si Duncan Patterson, na minsan ko ng napangiti at alam ko na mabait siya. Ngayon nagkamali ako pala ako. Dahil si Duncan Patterson ay isang Demonyong Gangster! ( A gangster Love Story) (Gangster)
Dahil sa biglang pagkawala ng kumunikasyon ni Elisa sa kaniyang kinakasama na para sa kanya 'ay asawa na niya si, Francis. Ay napilitan siyang lumuwas ng Maynila upang hanapin ito, ngunit sa kaniyang paghahanap sa kaniyang asawa 'ay mag-iiba ang takbo ng buhay niya sa piling ng isang lalaki na aariin nito ang buong pagkatao niya. Makakaalis pa kaya si Elisa sa piling ng isang Mafia Boss? Kung hinahanap-hanap na niya ang bawat halik nito at ang bawat haplos sa kaniyang katawan? Lalo pa kung malaman niyang ang asawa niya ay nasa piling na ng iba?
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...