Get the APP hot
Home / Romance / Dela Vega Series: Troublemaker
Dela Vega Series: Troublemaker

Dela Vega Series: Troublemaker

5.0
5 Chapters
101 View
Read Now

About

Contents

Nang mamatay ang ina ni Ari dahil sa isang malubhang karamdaman. Hindi nagdalawang isip ang mag-asawang Chaeyoon at Renoir dela Vega na amponin siya. Ang pamilyang ito ay matagal ng pinagsisilbihan ng kanyang ina. Itinuturing silang tunay na pamilya, at dahil hindi nakilala ni Ariana ang tunay na ama, wala rin siyang kilala na kamag-anak ng ina. Pumayag siya sa adoption na ina-alok ng mayamang mag-asawa. Hindi naman nagkamali si Ariana sa naging desisyon dahil minahal at itinuring siyang tunay na kadugo hindi lang ng mag-asawa maging ng triplets nitong anak at buong angkan ng mga dela Vega. Masaya at kuntento si Ariana sa piling ng bagong pamilya. Naibibigay ng mga ito ang lahat ng pangangailangan niya sa material, ang pagmamahal na hindi niya naranasan sa sariling ina, ang magkaroon ng butihin at maalagang mga kuya, at higit sa lahat ang pakiramdam na may matatawag siyang ama. Bunga kasi siya ng panghahalay sa kanyang ina kaya hindi niya naramdaman ang pag-aalagang dapat ay binibigay sa kanya. At swerte nga sigurong maituturing ang pag-ampon sa kanya ng isa sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Ngunit, biglang magbabago ang lahat nang minsan niyang hayaan ang sarili na tangayin ng nakakabaliw at nakakagumon na sandali kasama ng isa sa triplets niyang step-brother. Magugulo ang buhay ni Ariana, magtatalo ang isip niya at tawag ng laman, ngunit mas hahamunin siya ng kanyang mapanlinlang na puso. Magawa pa kaya niyang gawin ang tama kung maging siya ay hindi malabanan ang tukso na dulot ng isang Brian Gil dela Vega.

Chapter 1 UNANG KABANATA: Ang Adopsyón at Kumprontasyón

WALANG mapaglagyan ng tuwa si Ariana pagkatapos niyang permahan ang kontrata na nagsasaad na isa na siyang ganap na dela Vega. Kalilibing lang nila ng kanyang ina noong nakaraang linggo at isang magandang balita agad ang dumating sa kanya.

"Me and my wife decided to adopt you, Ari."

Iyon ang eksaktong sinabi ni Renoir dela Vega sa kanya. Ang padre de familia ng pamilyang pinagsisilbihan ng kanyang namayapang ina. Hindi niya inasahan ang alok ng mag-asawa kaya tumanggi siya. Ngunit, nang makombensi siya ng mga ito ay pumayag din s'ya sa bandang huli at heto na nga. Hawak na niya ang kasulatan na nagpapatunay na isa siya sa mga anak ng mag-asawa at ganap na siyang membro sa angkan ng mga dela Vega.

"I'm excited. I now have a lovely daughter of my own." Hindi maitago ang mga ngiti sa labi ni Chaeyoon. Labis-labis ang kanyang kasiyahan, sa wakas ay nagkaroon din siya ng isang anak na babae. Ito ang palagi niyang pinagdarasal sa panginoon, isang anak na babae na makakasama niya sa mga lakad niyang pambabae. Palagi na lang kasi siyang tinatanggihan ng kanyang triplets kapag inaaya niya ang mga ito.

"Kung alam mo lang kung gaano kami kasaya, Ariana. Matagal na naming gusto na magkaroon ng anak na babae." Maging si Renoir ay hindi nawala ang mga ngiti sa labi.

Alam ni Ariana na matagal nang gusto ng mag-asawa na magkaroon ng anak na babae. Pwede namang mag-anak ang mga ito, ngunit hindi isang daang porsyento na magiging babae ang ipagbubuntis ni Chaeyoon. Bukod doon delikado na kay Chaeyoon ang magbuntis muli dahil sa pagsilang nito sa triplets na anak nila ni Renior. Hindi kasi nito nalaman na tatlo pala ang batang nasa sinapupunan nito at nagulat na lamang sila nang triples ang iniluwal na sanggol ni Chaeyoon.

"Matagal ko na rin po'ng pinangarap na magkaroon ng magulang na mag-aalaga at magmamahal sa akin ng tunay," Mangiyak-ngiyak na saad ni Ariana sa mag-asawa. Dahil bunga siya ng panghahalay sa kanyang ina noong kabataan nito, hindi naranasan ni Ariana ang magkaroon ng isang tunay na pamilya. Lumaki siya na hindi nakilala ang tunay na ama at hindi siya binigyan ng importansya ng kanyang ina, kaya naman uhaw siya sa pagmamahal at pag-aaruga ng isang magulang. "Hindi n'yo lang po alam kung gaano ako saya na magkaroon ng mga taong pwede ko'ng matawag na mama at papa."

"Mommy and Daddy, ija," pagtatama sa kanya ni Chaeyoon. Nagtawanan silang tatlo at agad naman n'ya itong sinang-ayunan.

"Oo nga po pala, sosyal tayo," biro niya kaya mas lalong natawa ang mag-asawa.

"So, this is all settled now, Mr. and Mrs. Dela Vega."

"Yes, Atty. Guerrero, maraming salamat sa tulong niyo." Nagkamayanan ang dalawang lalaki.

Si Atty. Fourth Guerrero ang nag-asikaso ng lahat-lahat sa adoption ni Ariana, magaling ito at talaga namang mabilis magtrabaho. Heto nga't membro na si Ariana ng pamilyang ni sa panaginip ay hindi niya akalaing kabibilangan niya.

Pagkatapos ng kaunting pag-uusap ni Atty. Guerrero at ng kanyang Daddy Renoir, ay lumabas na sila sa office ng ama dito sa bahay ng mag-anak na dela Vega. At pagkatapos nilang ihatid sa labas ng bahay ang attorney nagulat si Ariana nang bigla siyang yakapin ng mag-asawa. Bumuka ang bibig niya ngunit wala siyang salitang nabanggit. Hindi siya makapulot ng tamang salita para sabihin sa mga ito, kaya ang ginawa na lang niya ay gumanti ng yakap sa mga ito.

Nang matapos ang makapag damdamin nilang eksena sa sala, nagpaalam si Ariana na papasok ng school. Late na siya para sa first subject ngayong umaga, pero makakaabot pa siya para sa second period.

"Isasabay ka na namin ng daddy mo. Ihahatid ka muna namin sa school bago kami magpunta sa office ng Lolo Klimt mo." Nakakapanibago pero natutuwa si Ariana sa mga naririnig niya mula kay Chaeyoon. Kung iisipin niyang mabuti hindi lang siya nagkaroon ng mommy at daddy. Meron na rin siyang Lolo, Tito, Tita, mga pinsan at syempre mga kapatid. Biglang natigilan si Ariana. Nawala ang ngiti sa labi niya nang maalala ang isang tao.

"Gusto kita!" Ang mga huling salita na sinabi sa kanya ng lalaking iyon bago ang araw na ito. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Brian sa oras na mabalitaan nito na legal na silang magkapatid? Magiging bully pa rin kaya ito sa kanya? Mula kasi noong mga bata sila ay binubully na siya nito, at nagsimula iyon pagkatapos niyang i-reject ang confession nito. It's not really a rejection but more like advice to him.

"Pero bata pa tayo para sa mga ganyan. Hindi ka pa nga nagpapatuli eh... saka na lang iyang crush-crush Kuya Brian pagmalaki na tayo at natuli ka na." Hindi niya makakalimutan ang naging tugon niya noon sa lalaki. Para sa kanya wala namang masama sa mga binitawan niyang salita. Hindi nga niya maintindihan si Brian kung bakit after nang araw na iyon ay lagi na siyang inaaway, hindi niya tuloy alam kung biro lang ang sinabi nito noon na gusto siya nito.

"May problema ba ija?" Napukaw siya mula sa malalim na pag-iisip sa tawag ng ina.

"W-wala naman po."

"Kung ganun tara na. Hinihintay na tayo ng Daddy mo sa sasakyan."

Hindi pa natatapos ang first period nang makarating si Ariana ng school pero hindi siya nakatanggap ng punishment dahil hinatid siya ng Mommy Chaeyoon at Daddy Renoir niya sa kanyang classroom, ang mga ito ang kumausap sa kanyang subject teacher at nagpaliwanag kung bakit siya na late. Pagkatapos kausapin ng mga magulang niya, bumalik sa loob ng room ang kanilang guro. Tinawag nito si Brian Gil na classmate niya at sinabing pinatawag ito sa opisina ng school director.

"Mr. dela Vega, you're excused. Please proceed to the school director's office now."

Nang makaalis si Brian, nagpatuloy sa pagtuturo ang kanilang guro hanggang sa mag-ring ang school bell, tanda na tapos na ang first subject at oras na para sa susunod na klase. Ngunit, nang makabalik si Brian sa kanilang classroom ay patapos na ang third period.

"Okay, class. Dismiss!"

Agad na nagligpit ng gamit si Ariana at nang matapos ay lumabas na siya ng classroom. Hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng room nang may humawak na sa kamay niya at hinatak siya kung saan. Hindi niya nakikita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa kanya at hila-hila siya ngunit nakasisiguro siya kung sino ito.

"Brian, ano ba!" Winaksi niya ang kamay at nabitawan siya ng lalaki mula sa pagkakahatak sa kanya. They're now standing face to face sa lugar na sila lang ang tao. "Ano ba ang problema mo?" tanong niya sa dito matapos ng mahabang oras na nakatayo lang sila doon.

Hindi ito sumagot, bagkus ay mariin nitong ipinikit ang mga mata, tila nagpipigil at pilit pinakakalma ang sarili sa kung ano man ang naging problema nito.

"Bakit basta ka na lang naghihila?" muli siyang nagbato ng tanong. Nagdilat ito ng mata at malalim na nagbuntong-hininga.

"I advised you to reject their offer, didn't I?"

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Ano ang sinasabi mo?"

"I told you to reject them. But you still accepted the adaption! Malinaw naman ang pagkakasabi ko sayo 'di ba? Ayaw kitang maging kapatid. Damn it!" Parang hinampas ng bato sa mukha si Ariana sa mga sinabi ni Brian. Naalala niyang nagsabi ito sa kanya na huwag niyang tanggapin ang adoption, ngunit sa pabirong paraan kaya akala niya ay nagbibiro lamang ito. Ngunit, ngayon ay alam na niyang seryoso ito sa mga sinabi nito. Ayaw siya nitong maging kapatid.

"I- I'm sorry," 'yon lang ang tanging nasabi ni Ariana. Sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha at automatiko siyang nag-iwas ng tingin kay Brian. Ayaw niyang makita ni Brian ang mga luha niya. She's just too lonely and hopeless, dahil sa pagkamatay ng kanyang ina kaya konting pagkumbinsi lang sa kanya ay napapayag siya ng mga magulang nito. Earlier, she's really happy! Sa wakas ay magkakaroon siya ng bagong pamilya na magmamahal at magpaparamdam sa kanya ng totoong pagkalinga ng isang tunay na magulang. But know, lahat ng pag-asa niya ay biglang nawala, pakiramdam niya ay pinaasa lamang siya.

Nagtangis ang bagang ni Brian habang pinapanuod ang paghikbi ni Ariana sa kanyang harapan. Hindi man n'ya nakikita ang mga luha nito–ang mukha nito. Alam niyang umiiyak ito dahil sa sunod-sunod na pagyugyog ng mga balikat nito. He's not trying to make her cry. Siguro nga hindi niya dapat sinabi ang mga 'yon kay Ariana, pero hindi niya na pigilan ang sarili niya. Sobrang disappointed s'ya at sobrang na galit, kaya niya nagawang makapagbitaw ng ganung mga salita sa dalaga. Alam n'yang iniisip ni Ariana na ayaw niyang magkaroon sila ng malalim na relasyon sa isa't-isa. Marahil tumatakbo sa isip nito na galit at hindi siya sang-ayon sa adoption, pero ang totoo ay ayos lang sa kanya. Matagal na kasi n'yang alam na gusto ng kanyang mga magulang na magkaroon ng anak na babae, ngunit hindi na safe para sa kanyang ina na magbuntis muli at dahil iyon sa kanilang magkakapatid na triplets. Brian would welcome having a younger sister, but he never thought it would be Ariana Kate. Hindi niya ito gustong maging kapatid ang dalaga. Damn it!

"Don't cry," iritableng pagpapatahan ni Brian sa dalaga. Hindi sa naiinis siya dito, more like naiinis siya sa sarili dahil pinaiyak niya si Ariana. He doesn't want to come off disrespectful. Pero mukhang ganun ang naging kinalabasan ng sinabi niya dito.

"I'm sorry." Muli ay nagpupuyos sa galit si Brian. Wala na ba itong alam sabihin kundi "sorry"? Sawang-sawa na siyang marinig ang salitang ito kay Ariana. "I am really sorry."

"Could you please stop saying sorry? Damn it! I hate that word!" Mula pa kaninang kinausap siya ng mga magulang sa opisina ng kanyang Lolo Klimt panay ang sabi sa kanya ng ina ng "sorry" at banas na banas na siya sa salitang ito!

"H-hindi ko alam ang sasabihin ko kaya sorry." Napasinghap siya nang mag-angat ng mukha si Ariana sa kanya. Nakita niya kung paanong nagbagsakan ang mga luha mula sa mga mata nito. "Alam kung malaki ang pagkadisgusto mo sa 'kin pero tapos na, nangyari na ang nangyari at ngayon ay legal mo na akong kapatid. S-sana kahit hindi mo ako matanggap ay respetuhin mo ang pagiging magkapatid natin sa papel, Kuya." Napamaang si Brian nang talikuran siya ni Ariana matapos magbitiw ng mga salita. Gusto niya itong habulin at magpaliwanag pero ayaw gumalaw ng kanyang mga paa, tila ba dumikit iyon sa sahig.

"Hindi ka dapat nagbitiw ng masasakit na salita sa kanya." Marahas na nagbuntong-hininga si Brian at nilingon ang lalaking nagsalita sa likod niya.

"Bakit ba bigla-bigla ka nalang sumusulpot kung saan-saan? May lahi ka sigurong kabote, no?"

Malokong ngumiti sa kanya ang kausap. "You aren't supposed to tell her those things. Noong nakaraang linggo lang natin inilibing ang nanay niya, and I'm sure, hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin si Ariana. Pareho nating alam kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan niya. Sa ating lahat, ikaw dapat ang mas nakakaintindi sa kanya."

"I know...."

"Yeah... sure."

"Anong ginagawa mo dito sa building namin?"

"Take this." May inabot sa kanyang kapirasong papel ang pinsan.

"What is this?"

"Pinabibigay ni Marco."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Brian. "I told him already. Wala akong balak na sumali sa frasority ni'yo X."

"Just take it." Napipilitan na kinuha ni Brian ang papel na inabot ng pinsan.

"Kukunin ko pero hindi parin ako sasali sa grupo ninyo."

"Okay..." Kibit balikat na sagot ni Xander sa kanya. "'Yan lang ang pinunta ko dito." Nagpaalam sa kanya si Xander. Si Brian naman ay tinungo ang hagdan at umakyat ng rooftop. Wala siyang kaibigan dito sa school at hindi niya sinubukan na magkaroon. Madalas kasi na ang mga kapatid at mga pinsan lang niya ang kanyang kasama at kung wala naman siya sa mood na sumama sa mga ito ay dito siya sa rooftop tatambay instead na sa tambayan nila.

Continue Reading
img View More Comments on App
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY