Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sperm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sperm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
Naghahanda si Lucky ng pamalit niyang damit nang mag-ring ang kanyang telepono, lumapit siya sa kama at kinuha iyon sa loob ng bag na dala niya nang mag-shopping sila ni Genesis kanina. Tumatawag ang ina niya.
"Hija, kailan ka bibisita sa amin? Miss na miss ka na namin ng iyong daddy," bungad na tanong ni Carol ng sagutin ni Lucky ang telepono.
Umupo si Lucky sa gilid ng kama. "Ma, pasensya na busy lang ako nitong nakaraan na mga araw kaya hindi kita natawagan. Hindi pa ako sigurado, pero baka magkaroon ako ng free time, uuwi ako sa bahay ngayon weekend."
"Isasama mo ba si Genesis?"
Isang malaking buntonghininga ang pinakawalan ni Lucky. "Pwede naman po, pero kung maari lang sana ma... Lubayan niyo ang kaibigan ko."
"Ito naman... Alam mo namang gustong-gusto ko si Genesis para sayo anak. Bakit kasi hindi nalang kayong dalawa ang magpakasal? Pati ang Tita Beth mo ay hinihintay nang mahulog kayo ng unico-hijo niya sa isa't-isa."
"Mama, magkaibigan lang talaga kami ni Genesis kaya sana'y tigilan niyo na kami."
"Bakit ba? Eh, sa ship namin kayo. Kahit ang daddy mo ay boto d'yan kay Genesis."
Lucky clicked her tongue. "Ma, huwag na kasi kayong makulit. Hindi magugustuhan ni Genesis kapag nalaman niyang umaasa pa rin kayong magiging kami. Bakit nga pala kayo napatawag?"
"Right! Kung balak niyong bumisita dito sa bahay ngayong weekend ituloy niyo na, nagkasundo kasi kami ng Tita Beth mo na mag-bi-bake dito sa bahay. Tumawag ako kasi gusto niyang makita ka, tamang-tama lang pala ang plano namin."
"Parang ayuko nang pumunta." Sumimangot si Lucky.
"Bakit naman!"
"Eh, ikaw pa nga lang na-i-stress na ako, paano pa kaya kung dalawa na kayo ni Tita Beth ang mangulit sa amin. Baka mamaya n'yan magalit na si Genesis at madamay ako."
"Pambihira ka namang bata ka, pumunta kayo ni Genesis. Sasabihin ko sa Tita Beth mo. Sige ka, sasama ang loob nun kapag hindi ka dumating, alam mo man. . .mahina ang puso ng Tita Beth mo, hindi dapat siya binibigo."
Umikot ang mata ni Lucky. "Fine. Ang galing mo talagang mangumbinsi."
"Okay! See you this weekend!" Napailing si Lucky nang mamatay ang tawag. Ibang klase talaga ang mommy niya. Hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto, parang siya lang din.
Dumako ang tingin ni Lucky sa brown envelope na nasa ibabaw ng kama. Kinuha niya iyon at binuksan. Napabuga siya nang hingin nang mabasa ang buong pangalan ni Genesis. Hindi niya pwedeng ipakita sa magulang niya ang documents na ito, kailangan niyang magpagawa ng ibang documents na ipapakita sa parents niya bilang proweba ng IUI na pinagdaanan niya. Mali din niya, pumayag siyang ilagay ni Dra. Caladieae ang impormasyon ni Genesis. Hindi na bali, mabilis lang naman ang magpagawa ng pekeng dokumento kapag may pera ka.
Inilapag ni Lucky sa kama ang papel at naghanap ng pamalit sa closet, nang makapili ng damit, pumasok na siya ng bathroom para maligo. Mabilis lang din siyang naglinis ng katawan. Nakasuot na ng damit si Lucky nang lumabas ng bathroom, ngunit gulat siyang natigilan nang makita si Genesis sa loob ng kanyang silid. Hawak ng kaibigan niya ang papel na kanina lang ay binalak niyang itapon.
"Genesis, w-what are you doing here?"
"What is this?" tanong nito sa kanyang hindi pa rin inaalis ang tingin sa papel.
Tinambol ng kaba ang d*bdib ni Lucky. Nanlamig ang mga kamay niya at bigla na lang nagdilim ang paningin niya, ngunit bago pa siya matumba ng tuluyan, nagawa niyang hawakan ang hamba ng pinto upang alalayan ang sarili.
"Gin, bakit basta ka nalang pumapasok sa kwarto ko?" Galit na hinablot ni Lucky ang papel sa kamay ng kaibigan at itinago sa kanyang likod. D*mn it! Nasanay siyang hindi nag-la-lock ng pinto, nakalimutan niyang labas-masok si Genesis sa kwarto niya.
Samantala, si Genesis ay parang nakalutang sa hangin, ano iyong nabasa niya? Nakita niya ang pangalan niya sa papel. Hindi lang iyon, naroon din ang buong pangalan ni Lucky at Caladieae.
"Ang alam ko ay may bago siyang customer. May illegal IUI operation siya nitong nakaraang linggo lang."
Bigla na lamang naalala ni Genesis ang sinabing iyon ni Nathaniel sa kanya, at napagtagpi-tagpi niya ang lahat. Ang pangungulit ni Lucky sa kanya, ang bigla nitong pagpapakita sa bahay niya nang gabing iyon, ang hawak nitong maliit na cooler, ang pag-iwas ni Lucky sa tuwing gusto niyang samahan ito sa doctor. Ang lahat ng mga kakaibang ikinikilos ng kaibigan niya, ngayon lang na-realize ni Genesis ang lahat.
"What the hell did you do? What the f*ck, Lucky!?"
Napaigtad si Lucky sa malakas na sigaw ni Genesis. Hinuli nito ang magkabilang braso niya kaya napilitan siyang salubungin ang nagbabaga sa galit na mata ng kaibigan.
"Why? Bakit ba hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko sayo? Bakit ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko na sayo hindi ba? I don't want you to be the mother of my child! What the f*ck is wrong with you!" Galit na turan ni Genesis sabay yugyog sa dalaga. Sa sobrang galit hindi na niya napansin ang mariin na pagkakahawak sa braso ni Lucky.
"Gin, nasasaktan ako!" Itinulak ni Lucky ang lalaki.
"What have you done?" frustrated na nahilamos ni Genesis ang sariling mukha. "Bakit kailangan mong ipahamak tayo pareho?"
"Pwede bang tumahimik ka?" Tiim bagang na nag-angat ng tingin si Lucky sa kaibigan. "Alam kong mali ang ginawa ko, pero ayukong marinig ang mga salitang 'yan mula sayo."
"Bakit? Ano ang gusto mong maging reaksyon ko? Gusto mong matuwa ako?"
"No! Hindi ko sinabing matuwa ka. Kung inaalala mo ang baby, sinabi ko na sayo hindi ba? Hindi mo siya kailangan panagutan-"
"Sinabi ko rin sayong ayukong magging donor mo pero hindi ka nakinig!"
Hindi nagsalita si Lucky. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Totoong matigas ang ulo niya.
"Bakit hindi ka nakinig? Bakit ako pa? Marami namang lalaki d'yan na willing maging ama ng batang dadalhin mo. Bakit kailangan ako-"
"Dahil gusto kita, Gin!" Lucky blurted out. Nagsasawa na siya sa mga tanong nito. "Gustong-gusto kong magka-anak, pero ikaw lang ang gusto kong maging ama ng magiging anak ko. Alam kong kalabisan ang ginawa ko," umimiyak nang pag-amin ni Lucky sa kaibigan. "Anak mo lang ang gusto kong dalhin sa sinapupun ko, Gin."
Sunod-sunod na umiling si Genesis. "Sorry, pero ako, hindi. I don't want you to be the mother of my child." Tinuro ni Genesis ang sinapupunan niya. "Abort that child..."
Nang mamatay ang ina ni Ari dahil sa isang malubhang karamdaman. Hindi nagdalawang isip ang mag-asawang Chaeyoon at Renoir dela Vega na amponin siya. Ang pamilyang ito ay matagal ng pinagsisilbihan ng kanyang ina. Itinuturing silang tunay na pamilya, at dahil hindi nakilala ni Ariana ang tunay na ama, wala rin siyang kilala na kamag-anak ng ina. Pumayag siya sa adoption na ina-alok ng mayamang mag-asawa. Hindi naman nagkamali si Ariana sa naging desisyon dahil minahal at itinuring siyang tunay na kadugo hindi lang ng mag-asawa maging ng triplets nitong anak at buong angkan ng mga dela Vega. Masaya at kuntento si Ariana sa piling ng bagong pamilya. Naibibigay ng mga ito ang lahat ng pangangailangan niya sa material, ang pagmamahal na hindi niya naranasan sa sariling ina, ang magkaroon ng butihin at maalagang mga kuya, at higit sa lahat ang pakiramdam na may matatawag siyang ama. Bunga kasi siya ng panghahalay sa kanyang ina kaya hindi niya naramdaman ang pag-aalagang dapat ay binibigay sa kanya. At swerte nga sigurong maituturing ang pag-ampon sa kanya ng isa sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Ngunit, biglang magbabago ang lahat nang minsan niyang hayaan ang sarili na tangayin ng nakakabaliw at nakakagumon na sandali kasama ng isa sa triplets niyang step-brother. Magugulo ang buhay ni Ariana, magtatalo ang isip niya at tawag ng laman, ngunit mas hahamunin siya ng kanyang mapanlinlang na puso. Magawa pa kaya niyang gawin ang tama kung maging siya ay hindi malabanan ang tukso na dulot ng isang Brian Gil dela Vega.
WARNING: R[18]: STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Dahil bawal ang kanilang pagmamahalan naisipan nina Vincent at Isla na magpakasal ng lihim upang hindi na magkalayo kailanman. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang isang insidente na kahit sa panaginip ay hindi nila inasahang pwede pa lang mangyari. Gamit ang pera nito ay binayaran ng ina ni Vincent ang ama ni Isla upang ilayo ang dalaga sa binata isang araw bago ang kanilang kasal. Gumuho ang mundo ni Isla dahil sa nangyari. Pero muli silang nagkita ni Vincent, at kahit suklam ito sa kaniya sa hindi niya malaman na kadahilanan ay sinabi sa kaniya ng binata na sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya itong pakasalan, kung hindi ay mawawala sa kaniya si Matthew, ang kanilang anak.