Celina Rose Montoya, the second princes of Montoya clan is desperately chasing to the man she crush on since she was young, Vincenzo Leonard Ferguson. A man who used her to avenge to her sister. And it too late for her to realize it when she was already drag into dark.
''Ang assumera mo naman, binigyan ka lang ng tubig tingin mo gusto ka na niya! Pwes itatak mo d'yan sa bobo mong utak na hinding-hindi ka niya magugustuhan dahil ako ang crush niya!'' Galit na sigaw ni Laira sa akin habang dinuduro nito ang noo ko.
''Kaya ito!!'' saad niya at mabilis na hinablot ang boteng tubig na hawak ko. Ibuhos nito ang tubig sa aking ulo na bahagya kong ikinatili.
Tumawa lang sila nang tumawa kasama ng kanyang mga kaibigan. ''Ayan para mahimasmasan ka sa kahibangan mo hahahaha!!!''
Hindi pa ito na kuntento dahil matapos ng kanyang ginawa at pinagsasabi saakin ay itinapon naman niya ang bote na wala ng lamang sa mukha ko bago sila tumalikod at lumabas ng banyo habang tumatawa parin.
Kinislot-kislot ko ang aking mata. Nararamdaman ko na naman ang panginginit ang gilid ng aking mata at pagkakaroon ng bukol sa aking lalamunan.
Sa ilang beses na ginawa nila ang ganoong pagtrato saakin ay hindi parin ako masanay-sanay.
Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko kay Laira at galit na galit ito sa akin. Nagawa pa akong isugod dito sa banyo matapos namin ng P.E class para lang gawin ang mga ganoong bagay.
Siguro dahil na naman iyon kay Soren, siya lang naman ang kadalasang kinaiinisan sa akin ni Laira.
Si Soren bilang isang magaling na basketball player sa buong campus. Maraming mga kababaihan ang nakakagusto rito at inaamin ko rin na isa ako sa mga humahanga sa kanya.
Kaya kanina sobrang saya ko ng bigla na lang niya akong inabutan ng tubig pagkatapos naming maglaro ng valleyball. Hindi iyon nakaligtas sa mata ng mga kaklase namin at agad na tinukso kami sa isa't isa.
"Oh, anong nangyari sayo? Umiyak ka ba?" Tanong ni Iya ng madatnan nito ang itsura ko na nakatayo sa loob ng banyo.
"H-hindi, ah." Tanggi ko kahit halata naman iyon sa aking boses.
"Sinungaling! Kung gano'n anong nangyari sa mata mong namumula? Nakadrugs ka gano'n? Tsaka bakit basang basa ka?" Sipat nito, tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba sakanya o hindi. Dahil tulad ni Iya ay kilalang-kilala ko rin siya. "Ano? Hindi mo sasabihin saakin?! Hello, nagtatanong kaya ako." Inip na sambit nito ng hindi ako sumagot.
"Si L-laira kasi," sumbong ko na parang siya ang aking mga magulang o guro.
"Aba't nagpapaapi ka na naman!" Inis na singhal nito sa akin at niyakap ako upang patahanin. ''Huwag kang mag-alala tuturuan natin ng leksyon 'yang bruhilda na 'yan." Saad nito habang tinapik tapik ang likod ko.
Sabi ko na nga ba, masamang magsumbong sa isang 'to.
Nanginginig ang mga kamay na dahan-dahan kaming sumilip ni Iya sa baba para tingnan kung nandoon ba ang aming target. Ang totoo hindi ko gusto ang ginagawa namin ngunit sadyang mapilit lang si Iya, kaya sinamahan ko na lang sa kalokohan niya, tutal para rin naman daw iyon sa akin.
At tama nga kami dahil kitang-kita namin mula rito sa taas ang mga pinaggagawa nina Laira sa baba o likod nitong paaralan. Hindi na ako nagulat ng makita silang nanonood ng kahalayan sa kanyang cellphone.
"Ang ganda naman ng tayming, saktong-sakto. Paniguradong naiinitan na ang mga iyan kaya kailangan natin silang bigyan ng pampalamig hahahaha." Mahinang tawa ni Iya habang nakadungaw sa tatlong babae sa baba.
Tiningnan ko muli ang dala naming balde na may lamang tubig at yelo ngunit ang tubig na pinagkuhaan ni Iya ay mula sa pinaglubluban ng isda kaya masangsang ang amoy nito. Ninakaw pa talaga namin iyon sa kusina ng canteen.
Napatakip na lang muli ako ng ilong at tiningnan si Iya.
"Sigurado ka ba dito, Iya? Parang sobra naman yata 'to." Tanong ko sa kanya.
"Loka! Ngayon na nga lang tayo gaganti sa bruhildang iyan makokonsensya kapa!" Inirapan ako nito at muling dumungaw.
Wala tuloy akong nagawa ng makitang hinahanda na niyang buhusan ang tatlo ngunit bago iyon ay tiningnan ko muna sina Laira na walang ka-malay malay sa aming gagawin at tuwang-tuwa pa sa pinanonood nitong porn.
"1, 2, 3, himasmasan time!" Aniya bago tuluyang ibinuhos ang tubig.
Isang matinis na sigaw ang aming narinig mula sa kanila kaya bago pa man nila kami makita ay mabilis na kaming tumakbo ni Iya mula sa pinakamataas na palapag ng paaralan pababa.
"Ang balde nga pala Iya, nasaan na?" Takang tanong ko ng makitang hindi niya iyon dala ng bumaba kami.
"Pinasunod ko na sa kanila." Kibit balikat na sagot niya.
"Ano? Tinapon mo rin sa kanila?!" Gulat na tanong ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya nang tumango lang ito.
"HAHAHAHAHAHA!!!"
Nang dahil doon ay mas lumakas pa ang tawa naming dalawa at halos gumulong-gulong na kami sa hallway, sumasakit narin ang tiyan namin sa kakatawa at halos kapusin na kami ng hininga.
Tumigil lang kami sa pagtawa ng biglang may tumikhim sa harapan namin. Kaya dali-dali kaming tumuwid nang tayo ni Iya.
"Good afternoon Mrs. Guillermo." Sabay na bati naming dalawa kay Mrs Guillermo, ang unang guro namin sa hapon.
"Anong pinagtatawanan ninyo?" Mahinang tanong nito.
Mahinang siniko ko si Iya senyales na siya ang sasagot sa tanong ni Mrs Guillermo.
"W-wala po ma'am, n-nagbibiruan lang kami ni Celina kanina..."
"Gano'n ba. Mabuti pa pumasok na kayo sa classroom niyo, pakidala na rin ito at may dadaanan lang ako." Habilin nito saamin ng librong hawak niya.
"Sige po ma'am." Sagot namin at mabilis na tumakbo sa loob ng classroom.
Kahit sa loob ng classroom ay hindi parin kami tumigil sa kakatawa haggang sa dumating si Mrs Guillermo at hindi namin inaasahang kasunod nito sina Laira.
Tuloy nangangamoy malansa ang buong silid kaya panay ang reklamo ng mga kaklase namin. Kahit pa nakapagpalit na sina Laira ng damit ay tila dumikit parin ang malansang amoy ng tubig sa katawan nila.
Habang ako at si Iya ay tahimik na bumungisngis sa dulo ng silid, tumigil lang kami nang sitahin kami ni Mrs Guillermo at tumingin ng masama sa amin sina Laira.
Natapos ang buong klase na puro reklamo ang natatanggap nina Laira sa mga kaklase namin dahil sa amoy nila, habang ang iba ay kunukutya sila na badjao o malansang isda.
Imbes na maging masaya ako dahil nakaganti din ako sa lahat ng ginawa niyang pambubully sa akin ay kabaliktaran no'n ang nararamdaman ko. Konsensya, yan ang naramdaman ko dahil alam ko kung ano ang pakiramdam nang nilalait at pinagtatawan.
Nang lingunin ko si Iya ay tahimik lang itong nakipagtarayan kay Laira sa pamamagitan ng kanyang pagtaas ng kilay at pag-irap dito.
Nang uwian na namin ay hinintay ko muna si Iya sa labas ng gate dahil may binalikan pa ito sa loob ng paaralan. Habang nagmamasid sa mga tao na nagsisidaan sa harapan ko ay nahagilap ng mata ko ang maliit na pusa sa gitna ng kalsada. Tiningnan ko muna ang magkabilang kalsada kung may dadaang sasakyan ba. Nang makitang wala naman ay mabilis ko itong nilapitan at kinuha.
Hinimas-himas ko muna ang ulo ng pusang itim na tila nawawala sa kanyang ina. Babalik na sana ako sa aking kinatatayuan kanina ng may bilang humablot ng kamay ko dahilan para mapasubsob ako sa dibdib ng taong humatak sa akin at kasabay no'n ay ang mabilis na pagdaan ng motor sa mismong kinatatayuan ko kanina.
Pinaghalong takot at gulat ang naramdaman ko ng mga oras na 'yon, halos hindi ako makagalaw mula sa pagkakayap ng kung sino mang taong nasa harapan ko. Ngunit mas lalo pa akong natulala nang pakawalan na niya ako at makita ko ang kabuuan ng mukha niya. Kasabay din no'n ay ang pagbabago ng naramdaman ko, tila hindi na ito takot o gulat dahil sa dobleng pagbilis nang tibok ng puso ko. Tumigil din ang pagkilos ng tao sa buong paligid at ang paghina ng tunog sa mga nagdaang sasakyan sa kalsada sa aking pandinig.
"Are you ok?" Tanong niya "Hey!" Pagtawag niya sa atensyon ko ng hindi ako sumagot sa kanyang tanong.
"O-oo." Utal na sagot ko habang tumatango-tango ngunit hindi ko parin maalis ang aking paningin sa maamo niyang mukha.
"Sa susunod huwag ka ng tatayo sa gitna ng kalsada." Pangaral nito na ikinatango ko lang ulit.
"Salamat," mahinang usal ko. Tumango lamang siya at ngumiti sa akin dahilan para lumabas ang dalawang biloy niya sa kanyang pisngi.
Lumagpas ang kanyang paningin sa likod ko. "Mama!" Masayang sigaw nito, dali-dali siyang tumakbo sa tarangkahan ng paaralan.
Tila mababali pa yata ang ulo ko kakasunod sa kanya ng tingin, haggang sa makita kong sinalubong ito ng yakap ni Mrs Guillermo.
"Hoyyy!" Inis na sigaw ni Iya ng makarating ito at ngayon ay nakatayo na sa harapan ko."Ano ba?! Hindi mo ba ako papansinin?kanina ka pa tulala d'yan!" Pagalit na sabi nito.
"Crush ko,'' nakangiting sambit ko habang tiningnan ang lalaking tumulong sa akin, imbes na sagutin si Iya.
"Huh? Sino? Si Soren?" Naguguluhang tanong ni Iya.
"Crush ko na yata siya." Pagpatuloy ko pa sa sinabi ko kanina. Sinundan ni Iya ang paningin ko hanggang sa pareho na kaming nakatitig sa lalaking tumulong sa akin.
At doon nagsimula ang lahat. Ang unang beses na nagkagusto ako sa taong ngayon ko lang nasilayan. Ang taong bumihag ng puso ko sa unang pagkakataon na hindi niya kailangan magpasikat para patibukin ng mabilis ang puso ko. Ang unang taong hinangaan ko sa simpleng pagsagip sa akin.
Crush at First sight yata ang tawag sa ganitong nararamdaman. O baka love at first sight.
"Ate, ate yung pusa ko po."
Doon lang ako nagising sa pagkatulala ng biglang may mahinang humila sa damit ko. Nang tingnan ko iyon ay isang batang babae na mukhang kanina pa nakatingala sa akin.
"Snatcher ka na pala ng pusa ngayon Celina," komento naman ni Iya.
Hindi ko ito pinansin at tiningnan ang bata na medyo maliit lang sa akin. Nakangiting ibinigay ko sakanya ang ang pusa niya.
"Salamat sa pusa mo." Pasasalamat ko dito na siyang ikinakunot ng noo niya dahil sa pagtataka.
"Di'ba po ako ang dapat na magpasalamat?" Inosenteng tanong niya.
Umiling naman ako sa tinuran niya. "Hindi. Salamat sa pusa mo kasi nakita ko true love ko." Pagkasabi ko no'n ay isang pukpok sa ulo ang natanggap ko. Nang tingnan ko kung sino ang may kagagawan niyon ay ang matalim na mga mata ni Ate ang bumungad sa akin.
Patay!
WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. There are many of them and they come to him voluntarily, dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. But what about his father's reputation? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan if the woman he chose to marry for his father would bring shame to their family dahil hindi nila ito kauri? Is he willing to lose everything and this time stand up against his father whom he has always followed for the only woman who truly loved him despite him hiding to her his true identity? Where does a romance that started with pure lies lead?
WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita?
[WARNING: This story contains mature themes with profanities, hardcore graphical explicit sexual situations, and others. Strongly recommended for 18+ only. Otherwise, read at your own risk.] Bata pa lamang si Jack ay iniwan na sila ng kanyang ama. Ang tanging kasama lang niya ay ang maganda at napaka-bait niyang stepmom na si Marianne. They only have each other, through the good times and the bad times. Pero paano na lang kung biglang umamin si Jack na ang kaisa-isang taong gusto niyang makasama at mahalin ay walang iba kundi si Marianne? A love that overflows like magma - a love, so intense and hot that it burns in every touch. Sa mundong walang kasiguraduhan at puno ng tukso at pagkakamali, ang pag-ibig nga ba nila Jack at Marianne ay pang-walang hangganan? Paano na lang kung may mga taong patuloy silang pinaglalayo sa isa't isa? Jack once said to Marianne, "I don't care about anyone. I want you to be mine! At kahit masunog ako sa pagmamahal natin sa isa't isa, that's fine. Gustuhin at mahalin mo lang ako hanggang wakas, I am more than willing to be burnt to death."