/0/34382/coverbig.jpg?v=e883ef748ea26c197e7aaa17f75fbe97)
To love is human nature. We love because of the heart, not because of the past, and the dilemmas around us. But, what does it take for us to live the reality?
The life here in Manila is simple and wild. Party dito, party doon. I never thought that I was chasing wrong things in my life. Until, everything falls apart. I got fired sa pinapasukan kong trabaho, ubos na ang pera at kailangan ko nang bumalik sa pinanggalingan kong probinsya.
"Felly, di ba sinabi ko naman sa'yong pwede kang tumira sa akin?" sambit ni Craig, kaibigan ko.
Aaminin ko, alam kong may nararamdaman siya para sa akin , hindi dahil siya mismo ang nagbabayad ng mga kinakailangan ko sa bahay simula noong nawalan ako ng trabaho. Kung hindi man iyon ang rason. Ngunit umamin siya sa akin na may nararamdaman siya at magkakaroon pa ako ng utang na loob sa kanya. At ayoko ng ganoon. I don't want to give wrong hopes through his motives towards me.
"Kailangan kong bumalik sa probinsya, ayaw ko namang makadagdag sa alalahanin mo. Atsaka, mali ko ito. I didn't manage my time properly. All I know is to party since i didn't experience being free and wild.
"I will pay for your trip at sa mga kakailanganin mo". -Craig
"Craig... napag-usapan na natin ito. Mayroon akong natitirang pera para sa mga kakailanganin ko sa pag-uwi."
"Okay fine, just let me assist you sa pagsakay mo ng barko". -Craig
I was fired because I didn't do my job. I was absent the whole month just because of my stupid life and reasons. I didn't know what to do in my life. I am very different from the Felly that my parents knew. Once I was free to roam here in Manila, I did everything just to satisfy my whims. I partied. It is because I didn't experience this life, so I keep chasing and embracing it. My parents we're very strict and that's because of their profession. My mom was a disciplinarian and my dad is a former navy. It is all there is. They can't do their job since matanda na sila para sa age limit ng trabaho.
"Sige, kung iyan ang nais mo. Salamat sa pagtulong sa akin."
Isang mainit na sikat ng araw ang humampas sa aking mukha. Kahit ganoon, ang hingin ay tila hindi umaayon sa panahon. Ang aking mahaba at maalon na buhok ay tinatangay ng hangin. Tila ito'y sumasayaw. Kami ngayon ay narito sa sakayan ng barko papunta sa aking probinsya. Ang La Carles. Aaminin ko, kailangan kong umuwi ngunit ayokong manatili doon pero alam kong wala akong magagawa dito sa Maynila. Because of my bad records, hindi ako tinatanggap sa trabaho. Hindi dahil sa ayoko ng buhay sa La Carles, kundi dahil sa ibang rason... Rason na hindi ko ine-entertain sa aking utak. Bagay na matagal ko nang iniiwasan ngunit paulit-ulit na gumagambala sa akin.
"Felly, buo na ba ang desisyon mo?" - Tanong ng may pagmamakaawa ni Craig
"Oo"- ang simple kong sagot, ngunit, ako man sa sarili ay nagdadalawang-isip.
"Kung ganoon, paalam. Mag-ingat ka." - Craig
At ayun nga ang nangyari. Nakatanaw ako sa malawak na dagat na makikita mula rito sa bintana. Papadilim na at tiyak kong konting oras na lang ay nasa isla na kami. Natatakot akong umuwi. Sa nakalipas na limang taon, pinilit kong umiwas sa isang taong nagwasak sa aking batang puso. Pinipilit kong iwasan ang aking nararamdaman. At ngayon, hindi ako mapakali. Hindi maganda ang aming huling pag-uusap at sa tingin ko'y wala akong nagawang tama sa panahong kasama ko siya. Lagi akong hindi komportable, naiinis ako sa mga babaeng naging kasintahan niya. Pinipilit kong itatak sa aking utak na dahil ito kanilang kasalanan sa aming pamilya. Na dahil sila ay mayaman sa aming probinsya at aming pinagkakautangan sa lupa at sa taniman ng palay sa kanilang planta.
"Kung hindi kayo magbabayad ng pera sa darating na Mayo, lahat ng ari-arian niyo ang ibabayad ninyo!" - sigaw ni Ayda, ang kalihim ng pamilyang Alvarez.
Ang pamilyang Alvarez ay kilala bilang isang mayaman at pangingikil sa mahihirap. Mandaraya sa pulitiko at sa mga nasasakupan nito.
"Tama na Ayda, hayaan mo na ang kanilang utang. Marami pa namang ibang lugar na mas may malaking lupa". -sambit ni Simon na mukhang kagagaling lang mula sa dulo ng plantang ito. Kami ngayon ay nasa planta at ang kalihim ay sinisigawan kami sa harap ng maraming mga trabahador. Ang kanilang mukha ay natatakot at naaawa para sa aming kalagayan.
Ngunit kahit ganoon, naiiba ang kanilang nag-iisang anak. Hindi maituturing na ito'y masama at sakim sa kapangyarihan. Si Simoun ay mabait at matulungin sa mga nangangailangan. Bata pa lang ako ay nakikita ko na siyang nagtatrabaho sa kanilang planta.
"O-opo Sir. Ipinag-utos po ito sa akin ng iyong ama. Pagagalitan po ako kung hindi ko nagawa ang pinapagawa sa akin." -ang natatakot na sambit ni Ayda.
"Bumalik ka na Ayda at ako na ang bahala dito. Kakausapin ko si Itay kapag ako'y natapos na dito." -ang may awtoridad na sambit ni Simon.
Kahanga-hanga. Lahat ng kanyang gawin ay nakabibighani para sa akin. Ang kanyang mga kilos ay nagpapahanga sa akin. Sa kanyang pagsasalita at isa sa mga pinaka- hinahangaan ko, ang kanyang pagtulong at pamamagitan sa mga naaapi. Iniisip kong may alam kaya siya sa pandaraya ng kanyang mga magulang? Kinukuha niya lang ba ang loob naming mga mahihirap? Nakapagtataka ang kanyang mga ginagawa, taliwas ito sa ipinapakita ng kanyang tindig. Ang kanyang pagkilos ay may awtoridad, ngunit ang kanyang pagsasalita ay puno ng kabaitan sa mga taong kanilang nasasakupan. He always has this menacing look. He looks very untamed, like a wild beast that is ready to fight. Ang kanyang katawan ay puno ng kakisigan. Ang kulay ng kanyang balat ay kayumanggi, ngunit ang kanyang mata ay kulay asul at malalim. Tila ba hindi kakikitaan ng takot at tanging alon ng dagat ang taglay ng mga ito. Alon na hindi titigil sa paghampas. He is always confident and not easy to understand.
"Salamat iho!" -sambit ng aking ama na puno ng pawis ang katawan.
Halos umismid ako sa harap ng aking mga magulang. Hindi dahil sa inis ako sa ginawang pagtatanggol ni Simon. Kundi dahil kasalanan ng magulang niya ito. Kung hindi sana sila nangingikil, malaya kaming makapagta-tanim dito at ang lupa ng aking mga ninuno ay hindi na kailangan pang bayadan dahil amin iyon. Hindi namin utang na loob iyon, kinuha lamang ng kanyang mga magulang ang lupain namin at pinagbabayad kami sa dapat ay hindi namin bayaran. How brilliant right? Stealing something that they didn't own at the first place. Making us suffer to pay what is ours.
"Salamat iho, napakabait mo talaga!". -si inay na siniko ako, isang senyales upang ako ay magsalita para magpasalamat.
Ngayon ay bumaling si Simon sa akin. Halos hindi ako makahinga dahil sa pagtama ng aming mga mata. As if he is waiting something for me to say. Bago pa man ako makapagsalita, ngumiti na si Simon at nagpaalam sa amin na siya'y babalik na sa kanyang ginagawa.
"Naku anak! Bakit hindi ka nagpasalamat?"
"Pasensya na po inay, ngunit atin naman ang lupa na iyon. Bakit pa kukunin ang sa atin?"
Bakas sa mukha ng aking mga magulang ang pagkataranta. Alam nilang alam ko ang nangyayaring ito sa aming pamilya. Marahil ay nasa murang edad pa lamang ako. Ngunit kahit ganoon, ako ay mayroong kamalayan sa nangyayari sa aking paligid.
"A-anak... hindi na sa atin ang lupa..." -inay
"Atin po yun inay, hindi sa nakaupo sa pamamahala. Lupa iyon ng ating mga ninu---"
Bago pa man ako natapos ay sumigaw ang aking ama na tila ba ay may masakit sa kanyang katawan. Dahilan ng pagkataranta namin ni inay at ng mga trabahador sa planta. Bumulagta sa sahig ang aking ama. Nagmamadaling inangat ng inay ang katawan ni itay. Ako naman ay mabilis na hinahagilap ang aking bag upang makita ang aking selpon.
" Felly, humingi ka ng tulong sa mga ibang trabahador dito!" - sambit ng umiiyak kong inay
Nasa ikatlong palapag ng damuhan na ako ng nakita ko sila Mang Kanor.
"Mang Kanor, tulong!"
Binabalot ng dugo ang noo ng aking ama. Sinakay siya sa ambulansya, kasama namin at mabilis na pinaharurot iyon. Fear encircled my system. Ang tanging nagawa ko na lamang ay aluin ang aking inay na umiiyak. Hindi ko alam ang nangyayari, walang sakit ang itay. Iyon ang aking palagay, dahil kung mayroon, ipapaalam sa iyon sa akin ng aking mga magulang. Hanggang sa nakarating na kami sa ospital.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa malamig na pader ng ospital. Hinihintay na lumabas ang aking doktor. My papa never told us. We never knew. He is suffering brain tumor na tinatawag na Acoustic Neuroma. Siya ay mayroong bukol sa utak.
"D-doc, anong mangyayari?" - sambit ni inay na puno ng luha ang mga mata.
"His brain tumor can grow quickly. It's growth rate will determine how it will affect the function of his nervous system. But don't worry, we assured you of proper medication and treatment."
"M-magkano po ang mga bayarin?"
"Aabutin ng humigit kumulang limang daang libo kung siya ay mananatili ng isang buwan o higit pa rito. Hindi kasama rito ang kanyang magagastos para sa gamot."
Sabay kaming lahat napalingon sa paparating. Si Simon iyon. Suot ang kanyang itim na boots, maong, at puting t-shirt.
"Magandang araw Simon!" -ang Doktor
"Magandang Araw po. Kamusta po si Mang Rogelio?"
"Siya ay may brain tumor. Acoustic Neuroma."
"Ako na ang bahala sa mga gagastusin, sagot ko ang aming mga trabahador sa planta."
Kung sa ibang pagkakataon ay magsasalita ang aking inay. Ngunit sa aming nararamdaman, minabuti nalang naming ikalma ang sarili.
It was a tragic year. The whole year, i spent my days sa paaralan tuwing umaga at sa hapon ay sa bahay nila Simon para mag-trabaho, kahit na ako'y ga-graduate pa lamang sa ika-labindalawang baitang. Kinakailangan mag-trabaho dahil walang aalalay sa amin ni inay. My mother said that we will pay Simon. We know that it is a great help but it's too much. Imagine, sustaining us for the whole progress of my papa's operation.
Tanaw ang loob ng bahay, puno ang kisame ng mga naggagandahang larawan ng mga kupido. Ang bahay ng pamilya Alvares ay malaki at puno ng karangyaan. Ang bawat sulok ay nababalot ng kumikinang na mga muwebles. Mayroong dalawang hagdan na nagtatagpo sa gitna. Sa gitna ng pinag tagpuan, nakasabit ang larawan ng kanilang pamilya. Si Mayor Gerry Alvarez, ang mukha nito ay nakangiti. Madam Tessie Alvares, ang kanyang mata ay chinita at balingkinitan ang katawan. Hindi aakalaing siya ay mayroon ng dalawang anak. Sa kaliwang bahagi ng larawan ay ang pangalawang anak. Si Alonzo Alvarez. Siya ay hindi nakangiti at ma-awtoridad ang tingin na iginawad. Sa kanang bahagi ng larawan, nandoon si Simon. Tulad ng kapatid, siya ay hindi rin nakangiti sa larawan. Ang kanyang katawan ay puno ng kakisigan. Ang kanyang mga mata ay tila nagpapahiwatig ng awtoridad at katapangan. He's very manly and beautiful in his hard features. The way his hair is styled, tila hindi niya ito pinaghirapang gawin. Lahat ng kanyang gawin sa kanyang buhok ay bumabagay sa kanya. His black coat embraces his body strongly. His eyes, as always, very deep, blue and ruling my mind like the waves. Ang kulay ng kanyang balat ay kayumanggi at ang paraan ng kanyang pagtindig ay nagbibigay ng pagkailang sa akin. He looks confident, authoritative, and untamed. While I'm different when he's near me.
"Tabi!" -ang sigaw ng isang kasambahay na nagpa-gising mula sa aking mga iniisip.
Hindi ko namalayan na kanina pa ako nakatingala sa kanilang larawan, partikular na kay Simon. Hindi ko tuloy napansin na abala na ang mga kasambahay! Ito lang unang araw ng aking pagtatrabaho dito. Sa katunayan, marami kaming baguhan sa pagtatrabaho dito. Si Simon ang nagrekomenda na dito kami mamasukan sa kanila bilang kasambahay. Marami kami at kahit pala hapon ay abala na ang mga kasambahay sa paglilinis.
"Ang mga bagong kasambahay, ang lilinisin ninyo ngayon ay ang pangalawang pasilyo. Kayong dalawa, sa kaliwang kwarto. Kayong dalawa ay sa kanan at kayong dalawa naman ay sa silid-aklatan." -utos ng Mayordoma.
Kay laki-laki ng bahay. Ang mga muwebles ay nagkikintaban at ang malaking glass window sa silid-aklatan ang nagbibigay ng magandang tanawin mula sa loob ng bahay. Agad akong lumapit sa bintana at sinilip ang kabuuan ng likod ng bahay ng pamilyang Alvares. Ang dagat na tanging pagmamay-ari ng pamilya ay umabot hanggang kabilang resort. Ang kulay ng buhangin ay puti na mapagkakamalang nyebe. Ang dagat ay nakakahalina, ang simoy ng hangin ay nakakagaan sa pakiramdam. Kung pwede lang, magpapalipas ako ng isang araw upang maranasan ang paraiso sa dagat na ito. Siguro'y masaya, masaya ang buhay kung ako ay nasa paraiso na tulad nito. Walang inaalala, tanging simoy ng hangin ang yakap sa akin at ang araw at buwan ang tanglaw, umaga man o dilim.
"Mang Neri, pakilagay nalang po diyan. Salamat."
Isang barakong boses ang nagpa-gising sa aking pagmumuni-muni. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang kanina pa ako pinagmamasdan ni Simon! Hindi ko alam na nariyan siya sa bandirilya! Tila ba ay namamangha siya sa kanyang nakikita. Namamangha dahil mukha akong wala sa ulirat na nakamasid dito? Sa kahihiyan, nagkunwari na lamang akong nagpupunas ng salamin ng mga binata at hindi na inulit pang muli ang pagpunta upang tumingin doon sa dagat. Hindi ko na alam ang kanyang naging reaksyon, ngunit kahit isang pagkagulat ay hindi bakas sa kanyang mukha. Tanging pagkamangha na ngayon ko lamang nasilayan sa kanya.
"Mang Neri, paki-iwan na lamang dito iyan. Dito ako maghahapunan para mamaya."
"Ikaw ang bahala sa pag kondisyon ng mga kabayo. Babalikan ko bukas ng hapon."
"Sige po, ingat po kayo."
"Salamat iho!"
"Felly, pagbutihin mo ang paglilinis ng mga libro sa bandang kaliwa. Maraming mga panauhin na gustong mamalagi upang magbasa dito at diyan naupo."
Halos mauntog ako dito sa salamin sa tinig ng Mayordoma! Kainis! Ano ba kasing mali? Bawal bang tumingin? Tiningnan ka lang, kabado ka na? Pano pa kaya kung makausap mo siya? Hays! Ano ba 'tong iniisip ko? Bakit ako kakausapin, eh kasambahay lang naman ako dito?
"Opo!"
Ganoon nga ang nangyari, linis dito, linis doon. Masaya naman, hindi mabigat ang mga gawain sa araw na iyon.
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?