/0/42240/coverbig.jpg?v=78b3c26deffae5f49dd7e136bdf339cd)
Warning: R-18. Not suitable for young readers. Read at your own risk. ________ Kapit sa patalim. Iyan ang ginagawa ng isang mahirap na katulad ko sa oras ng kagipitan. Mahirap. Nakakababa ng digninad. Wala na ngang pinag-aralan pinasok pa ang isang bagay na hindi makatarungan. Ngunit sa ngalan ng pamilya, pagmamahal,at sakripisyo,lahat kaya kong isugal maisalba lang ang buhay ng nanay ko. Pera kapalit ang dangal. Dangal na nawala para makasalba ng isang buhay. Ito ang mahirap para sa gaya kong isang mahirap ngunit wala kang pagpipilian kundi pasokin ito dahil ito lang ang naisip mong madaling paraan. "So, ano ang dahilan mo bakit sumama ka sa akin?" Mapang-akit niyang tanong sa mapusok naming halikan. "Pera," pa ungol na sagot ko sa sensasyon na nadarama. Dangal laban sa isang buhay na kailangan iligtas. Puri para sa perang inaasam. A one night mistake that changed my life forever that I can't escape.
Sa panahon ngayon kailangan mo mag doble kayod kung ikaw ay isang kahig isang tuka lamang. Huwag kang umasa sa grasya na darating, kailangan mo rin itong paghirapan. Huwag kang umasa sa iyong magulang kung kaya mo namang magtrabaho para magkapera. Pamilya nga diba? At ang pamilya nagtutulungan sa hirap man o sa ginhawa. At sa isang tulad kong mahirap, hindi lang doble, triple, ang pagkayod ko sa trabaho, hangga't kaya ko, hangga't may lakas ako hindi ako susuko para sa inay ko.
"Mag sulat na kayo ng title ng kanta na i-request ninyo kasi dalawang kanta lang ang kakantahin ko and the rest ay 'yong song request ninyo naman, " sabi ko at umayos ng upo.
Sinuyod ko ng tingin ang mga tao dito sa loob ng bar na kinakantahan ko. Karamihan sa kanila ay pamilyar sa akin ang mukha, every weekend yata sila dito at sa palagay ko ay mga college students sila.
"Miss L, dalawang kanta raw limang daan ang tip," ani ng lalaki at inabot sa akin ang papel kung saan nakasulat ang kantang ni request niya.
Tiningnan ko kung ano ang kanta na iyon, napangiti ako. " Sure, alam ko 'to. Paki sabi sa nag request maraming salamat."
Pinakita ko sa guitarist ang papel. "Wala kang babaguhin sa tono ha, baka magkamali ako."
"Sus. Ikaw pa, ang galing mo kaya, " pang uto ni Kuya Sen sa'kin.
Sinimangutan ko siya at muling humarap sa mga tao na nag-iinoman nang mag strum si kuya ng kanyang gitara.
Ito ang trabaho ko, isang singer sa bar tuwing gabi at isang taga lako ng pastel sa araw. Todo kayod ako sa trabaho kahit anong pagkakitaan basta kaya ay pasukin ko. Mahirap lang kami. At wala akong tatay na magtrabaho para may makain kami ni nanay. Ayoko naman na iasa kay nanay ang lahat, malaki na ako, nasa tamang edad na kaya kailangan kong magtrabaho para makatulong sa kanya.
Hanggang high school lang ang natapos ko, hindi na ako kayang pag-aralin ni nanay sa koleheyo. Gusto ko mang maging iskolar ngunit baka hindi parin kakayanin ni nanay ang ibang gastos dahil wala naman itong matino na trabaho.
Kaya nag doble kayod ako para makaipon sa pag-aaral ko ngunit lahat ng ipon ko ay naubos nang ma ospital si nanay. May bukol siya sa matres. At habang maliit pa dapat kailangan na iyon tanggalin. Ayoko siyang nakikita na nahihirapan sa tuwing dumadaing siya sa kanyang sakit. Namumutla narin siya at lumulubo na ang tiyan. Kaya triple kayod ako sa pagtrabaho para pang opera niya.
"Thank you. See you again next week."
Saad ko nang matapos akong kumanta. Hanggang tatlong oras lang ako dahil may ibang banda pa nasusunod na mag perform. Para sa akin kulang ang oras na iyon pero na kontento nalang at least kahit papano may kita ako.
"Limang daad lang ang akin, Liel, mas kailangan mo ang pera."
"Kuya naman," protesta ko. "Hatiin natin, hindi pwede iyang gusto mo. Kung wala ka hindi ako maka kanta."
Ginulo niya ang buhok ko. "Ano pa't naging tropa tayo. At saka," napakamot siya sa kanyang ulo. "Ayaw ni Stella na makihati pa ako sayo. Alam mo naman 'yong girlfriend ko. Ikaw kasi ayaw mo pa tanggapin ang tulong namin."
I sighed. " Problema namin ito, kuya. Pero salamat dahil nandiyan kayo handang tumulong sa akin. Huwag ho kayong mag-alala lalapit ako sa inyo kapag hindi ko na kaya. "
Kaya ko pa naman. At matagal pa ang operasyon ni nanay makapag-ipon pa ako. Malaking tulong na rin ang tatlong libo na talent fee namin ni Kuya Sen na bigay ni Madam Jinky hindi pa kasali ang tip na galing sa mga costumer. Kung ganito lagi ka laki ang makuha ko every weekend madali lang ako maka ipon ng pera.
"Una na ako kuya. Baka tulog na si nanay pagdating ko."
"Ingat ka."
Sumakay ako ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep. May kalayuan kasi itong bar ni Madam Jinky sa amin. Malaki ang ngiti sa labi ko na umuwi. Sana ganito lagi ka laki ang kita ko malaking tulong ito sa amin ni nanay.
"Nay! Nandito na ho ako."
Lumabas si nanay sa kanyang silid. Hirap itong lumakad, siguro sumasakit na naman ang puson niya. Inalalayan ko siya hanggang sa kusina at pina upo sa upuan sa harap ng mesa.
"Kumain ka na, Nay?"
"Hindi pa. Hinintay kita."
" Mabuti at maaga ako naka-uwi. "
Hinanda ko na ang pagkain namin. Kahit nahihirapan si nanay na gumalaw nagawa niya parin mag saing ng kanin at magluto ng ulam. Kahit ayaw ko na iwan siya dito sa bahay na mag-isa ngunit kailangan ko magtrabaho para magka pera. Hindi ko alam kung ano ang maging epekto ng sakit niya sa kanyang katawan basta hangga't maaga pa ay kailangan na itong maagapan. Siya lang ang mayroon ako. Hindi pa ako handa kung sakaling may mangyari na masama sa kanya.
" Sa next week, Nay, magpa check up ulit tayo, " saad ko sa gitna ng aming hapunan.
" Malaking gastos iyon anak, " nahihirapan na bigkas niya.
" Ang pera madali lang iyon makita, Nay. Pero ang buhay niyo. .ang kalusugan niyo mahirap kapag iyon na ang mawala. Gagawin ko ang lahat upang makaipon ng pera para sa operasyon ninyo. Gagaling kayo at maging malakas ulit. "
Hindi baleng mahirapan ako sa pagtrabaho basta makaipon lang ako nang pang opera niya. Hindi ko na kaya na makita siya araw-araw na nahihirapan sa pag-inda ng sakit niya.
Malungkot ang kanyang mukha na tumingin sa akin. " Pasensya ka na anak kung pabigat ako sayo ha. Nahirapan ka tuloy."
"Wala ito, Nay, sa lahat ng hirap at sakripisyo ninyo na buhayin ako na mag-isa. Binuhay mo ako na ikaw lang mag-isa. .at ngayon gagawin ko ang lahat ng paraan upang madugtungan ang buhay ninyo. .Mahal na mahal kita, Nay. "
Ang hirap at pagod ko ngayon wala ito sa kalingkingan ng pinagdaanan ni nanay. Mag isa siya habang pinagbubuntis ako hanggang sa ipinganak ako. Ang ama ko na siya dapat na kaagapay ni nanay sa lahat ay hindi man lang ito nagpakita sa kanya. Walang paramdam. Alam kaya niya na may anak siya? Marami akong tanong kay mama tungkol sa ama ko ngunit wala akong lakas na loob. Alam ko may dahilan ang lahat kung bakit hindi siya pinanagutan ng ama ko ngunit bilang isang anak nais ko rin malaman ang dahilan na iyon.
Twenty years. Kahit pangalan ng ama ko hindi ko alam. Kung ano ang itsura niya. Kung magka mukha ba kaming dalawa. Gamit ko ang apelyedo niyang Sandiego pero hanggang doon lang ang alam ko.
Hindi ko kinakahiya ang pagiging single mom ni nanay, kundi proud ako sa kanya dahil hindi niya ginawa ang dahilan na iyon upang hindi ako buhayin at palakihin ng maayos. Na iinggit lang ako minsan sa mga pamilya na nakikita ko. Buo at masaya. Habang kami masaya lang hindi buo. Pero ang pagmamahal ni nanay at pag-aruga subra pa iyon sa isang bata na may isang ama.
Hindi niya pinaramdam sa akin na wala akong ama. Na kulang ang pamilya namin. Kaya hindi na ako naglakas loob na tanongin siya tungkol sa aking ama dahil maging unfair iyon sa kanya. Siya ang nandiyan sa loob ng dalawampung taon tapos ganon ko lang kabilis na itanong sa kanya kung sino at nasaan ang ama ko? Dapat makuntento na ako dahil kung may pakialam ang ama ko sana noon pa siya gumawa ng paraan para hanapin kami.
Kung dumating man ako sa punto na magka-anak ako, gagawin ko ang lahat mabigyan lang ng maayos at kompletong pamilya ang anak ko.
"Matulog na tayo, Nay."
Hinatid ko siya sa kanyang silid at inalalayan na humiga. Nag half bath muna ako at tumabi ng higa sa kanya. Natawa siya ng yumakap ako at sumiksik ng yakap.
"Dalaga ka na tumatabi ka parin sa akin. Parang hindi ko napansin na natutulog ka sa sarili mong kwarto."
" Hanggat hindi ako nag-asawa hindi ako hihiwalay na tumabi sayo sa pagtulog. "
" Ipanalangin ko na sana magkaroon ka na ng nobyo at yayain ka kaagad ng kasal. "
" Nanay naman eh, " parang bata na reklamo ko at sumiksik pa ng yakap sa kanya.
Kailangan ko sulitin ang bawat sigundo na kasama kita, Nay. . kasi hindi ko alam kung hanggang kailan kita katabi sa pagtulog.
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Kailangan mong sanayin ang sarili mo na matulog na hindi ako katabi. .paano nalang kung mag-asawa ka? Ha? "
" Matagal pa ako mag-asawa, Nay. Bata pa ako. Tulog na po tayo. Stop na sa usapang asawa kinikilabutan ako, " I said jokingly.
Ayoko marinig ang mga sasabihin niya dahil parang nagpapahiwatig ito. Alam ko, paalala niya iyon sa akin pero hindi ko maiwasan na kabahan sa klase ng mga salita na binibitawan niya. Ayoko na ulit makarinig ng ganon, pakiramdam ko mawala siya sa'kin ano mang oras.
" Good night. Mahal ka ni Nanay. "
Mahal na mahal rin kita, Nay. Gagawin ko ang lahat mapahaba lang ang iyong buhay.
Being a wife of a Mafia Boss and Multi Millionaire Emmanuel Montefalco is every girl's dream, and it's the happiest moment that ever happened to your life. But it's not for me, instead it was a hell to me when I married the fucking bastard Emmanuel. He married me because he has a responsibility to me, which is I don't need to. Emmanuel's father forced him to marry me because for him, it is such a embarrassment to the clan of Montefalco to fuck a girl without marrying her. This is my fault and also because of those bullshit game why it did happen. But this is what I want, Emmanuel will notice me. My only mistake was I let my carnal desire consume me and didn’t think about what the consequences would be. Emmanuel doesn't know me. I’m just this head over heels on him, entangled by truth or dare. I chose dare and those crazy friends of mine dared me to seduce Multi Millionairs Emmanuel Montefalco in exchange for a prize of trip to Paris. I succeeded the challenge and not only attracted Emmanuel but he became my husband as well. But, how about my trip to Paris prize if I am now my husband's slave in bed?
Warning: Please be advised that this story contains TRIGGER WARNINGS, and POTENTIALLY OFFENSIVE LANGUAGE, VIOLENCE, SEXUAL HARASSMENT, SENSITIVE LANGUAGE ang MATURED THEMES, that not suitable for young audiences. I'm a rape victim. Dahil doon tinalikuran ako ng mga kaibigan ko na akala ko ay tunay silang kaibigan sa'kin at ang masakit pa pati ang boyfriend ko pinagtabuyan ako at iniwan na parang isang basura. Hindi niya ako tanggap at lalo na ang anak namin dahil ang akala niya bungan iyon ng taong gumahasa sa akin.Pati ang tita ko pinalayas ako sa sarili naming bahay dahil na buntis ako. Until, Edmund Javier Montefalco save my life. Pinakain. Inalagaan. Pinatuloy sa kanyang bahay at inako ang responsibilad na hindi naman dapat siya ang gumawa. Siya ang naging sandalan ko sa mga panahon na lugmok ako at hindi niya kami pinabayaan ng anak ko. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana dahil ang taong tumulong sa akin ay siya pala ang gumahasa akin. Gusto ko siyang maparusahan sa ginawa niya, ngunit sa anong paraan?Gayong sa puntong ito natutunan ko na siyang mahalin. Makayanan ko bang ipakulong ang taong mahal ko?Ang taong sumira sa buhay ko. Maibigay ko pa ba ang hustisya para sa sarili ko kung ang taong iyon ay parte na ng buhay ko o sabayan ko na lang ang laro ng tadhana sa aming dalawa?
It's been six years, pero hanggang ngayon siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip. Magpa hanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili saan ba ako nag kulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya nang minahal. Siguro, dahil bata pa ako noon at ganun lang kadali na sa kanya na sugatan ang puso kong walang alam.Na ganun lang ka dali sa kanya na ako ay pag laruan dahil minahal ko siya nang lubusan. Pinili mong iwan ako habang ikaw nalang ang mayroon ako. Ito ang mahirap tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain. Ito ang mahirap isipin dahil na dudurog ako sa tuwing naiisip kong baka hindi mo naman talaga ako minahal.Pagod na akong isipin ka, masakit pero kailangan kong tanggapin kahit pa unti-unti. Bakit ba kasi na sanay ako na lagi kang nandito. "Please, don't leave me." I begged. Subra ko siyang minahal sa wala ng natira sa sarili ko. Kahit pa ulit-ulit niya ako sinaktan kahit harap harapan niya akong niluko ay minahal ko parin siya. Kahit isang sumbat galing sa akin ay wala siyang narinig. Pero kahit gaano mo kamahal ang isang tao darating pa rin yong time na maiisip at masasabi mo sa sarili mong It's time to give up. Hindi dahil sa wala ka ng feelings kundi pagod dahil pagod ka nang umasa sa taong hindi ka naman kayang pahalagahan. Mahirap mag let go.Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag tutulakan kana niya.Masakit na ipag pilitan mo pa ang sarili mo sa taong ayaw na sayo.Ngunit wala na akong magagawa kundi ang tanggapin na wala na akong magagawa upang bumalik ka sa akin.Nakaka-iyak lang isipin na hindi ko alam kung kanino lalapit dahil hindi ako okay. "Ken,pwede ba tayong mag-usap?" I ask him trough chat. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko.Gusto kong sabihin sa kanya lahat nang hinanakit ko.Gusto kong masagot lahat ng tanong ko.At sana hindi pa huli ang lahat para sa kagustuhan kong maging akin siya ulit. For the last time, I begged him. "Come back to me, please."
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
Ang pagpapakasal ni Rosalynn kay Brian ay hindi ang inaasahan niya. Halos hindi umuwi ang asawa niyang si Brian. Iniwasan niya ito na parang salot. Ang masama pa, palagi siyang nasa balita para sa pakikipag-date sa maraming celebrity. Nagtiyaga si Rosalynn hanggang sa hindi na niya kinaya. Tumayo siya at umalis pagkatapos mag-file ng diborsyo. Nagbago ang lahat makalipas ang mga araw. Nagkaroon ng interes si Brian sa isang taga-disenyo na nagtrabaho nang hindi nagpapakilala sa kanyang kumpanya. Mula sa kanyang profile, masasabi niya na siya ay napakatalino at nakasisilaw. Huminto siya para malaman ang totoong pagkatao nito. Hindi niya alam na matatanggap niya ang pinakamalaking pagkabigla sa kanyang buhay. Kinagat-kagat ni Brian ang daliri sa panghihinayang nang maalala ang mga naging aksyon niya at ang babaeng walang kwenta niyang pinakawalan.
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Ang kanyang fiance at ang kanyang matalik na kaibigan ay nagtrabaho at nag-set up sa kanya. Nawala niya ang lahat at namatay sa kalye. Gayunpaman, muling isinilang siya. Sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, sinusubukan siyang sakalin ng kanyang asawa. Sa kabutihang palad, nakaligtas siya. Pinirmahan niya ang kasunduan sa diborsiyo nang walang pag-aalinlangan at handa na para sa kanyang miserableng buhay. Sa kanyang pagtataka, ang kanyang ina sa buhay na ito ay nag-iwan sa kanya ng malaking pera. Inikot niya ang mga mesa at naghiganti sa sarili. Naging maayos ang lahat sa kanyang karera at pag-ibig nang dumating sa kanya ang kanyang dating asawa.
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.