/0/49466/coverbig.jpg?v=20231213111029)
Sa kanilang apat siya ang pinaka-babaero. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang anak ng babaeng pinakasalan ng Daddy niya, walang iba kundi si Louise na sa kalaunan ay narealized niyang ilang beses narin pala niyang nakatagpo. Hindi lang ang protective instinct niya ang pinukaw ni Louise kaya minabuti niya itong bakuran sa SJU. Kundi mas higit ang mailap na puso niya, dahil ang totoo hindi niya napigilan ang unti-unting mahulog at kalaunan ay mahalin ang dalaga. Gusto niya itong maging masaya, gusto niya itong protektahan. Lalo na kay Jane na alam niyang nakahandang gawin ang lahat makaganti lang sa kanya. Pero paano niya gagawin iyon kung siya mismo ay may sariling kinatatakutan?
END of the month. Kagaya nang mga nakalipas na, masayang nagtatakbo si Raphael sa lobby ng St. Joseph Medical Center patungo sa emergency room kung saan naroon ang kanyang Lola Pilar. Dahil pag-aari ng pamilya ng Lola niya ang pribadong pagamutang iyon sa bayan ng Mercedes, pinapayagan siyang makapasok doon.
Tuwing huling linggo ng buwan dinadala ang Lola niya sa ospital na para magpagamot. Ang sabi ng Daddy niyang si Ralph at Lolo niyang si Paeng, simple lang ang sakit ng Lola niya at gagaling rin daw ito. Naniniwala siya doon dahil madalas kapag nakikita niya ang Lola niya para namang okay ito at nakangiting tinatanggap ang mga pasalubong niyang rosas para rito.
Noon niya may kasabikang pinagmasdan ang hawak na bulaklak. Red rose, paborito iyon ng Lola niya. Malapit na siya sa silid nang makitang lumabas doon si Ralph. "P-Papa" anito sa kanyang Lolo.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Daddy, are you crying? Nasaan ang Lola?"
Tiningnan siya ni Ralph saka hinawakan ang kanyang balikat. "A-Anak, l-listen" anitong lumuhod pa paharap sa kanya.
Nakita niyang namuo ang luha sa gilid ng mga mata ni Ralph. Kahit minsan hindi pa niya nakitang umiyak ang ama. At kahit bata pa siya sa edad na sampu, alam niyang may hindi magandang nangyayari. Noon niya tinabig ang kamay ng ama at patakbong tinungo ang pintuan ng emergency room.
Mula sa awang ng pinto ay nakita niya ang Lola niyang nakahiga sa kama. Nang sumigaw ng clear ang doctor nakita niyang inilapat sa dibdib ng Lola niya ang isang aparato kaya umangat kasama ang katawan ng matanda. Ilang beses na inulit-ulit iyon. Sa pagkakaalam niya, ginagamit iyon para ibalik ang heartbeat ng isang pasyente. Nanlamig siya sa isiping iyon saka humigpit ang hawak sa hamba ng pinto.
"R-Raphael, a-anak" basag ang tinig ng ama niya. Nilingon niya ito, nakita niyang umiiyak. Ang Lolo niya, ganoon rin, ang kaba niya, nauwi na sa takot.
"Time of death 10:15 AM" ang narinig niyang iyon ay tama lang para mabitiwan ang hawak na bulaklak.
Parang itinulos na kandila siyang nanatiling nakatayo roon. Nakatitig sa mukha ng Lola niya, maputla na sa kalaunan ay tinakpan rin ng puting kumot ng isang nurse. Nagtaas-baba ang dibdib niya saka pinakawalan ang kanina pa pinipigilang luha. Ang alam niya gagaling ang Lola niya, ang sinabi nila sa kanya wala lang ang sakit nito. Pinaniwalaan niya iyon, pero bakit ganito? Bakit namatay ang Lola niya? Hindi ba ito kayang gamutin ng mga doktor? Ang mga katanungang iyon ang naglalaro sa isipan niya bago nilamon ng kadiliman ang kanyang paligid at tuluyang bumagsak sa sahig.
NINE YEARS LATER...
BAHAGYA pang napakislot si Raphael nang kalabitin siya ng katabing piyanista. Nilingon niya ito saka sandaling inialis ang paningin sa dalagitang sa tingin niya'y nasa pagitan ng trese hanggang katorse ang edad. Nakatayo ito sa may pintuan ng simbahan. Pinagtawanan niya ang sarili, iyon ang unang pagkakataon na natawag ng ganoon kabata ang pansin niya. Pero hindi maitatangging matangkad ito, at talagang napakaganda. Bagay na bagay rito ang suot nitong golden yellow na pang-abay dahil lalong tumingkad ang angkin nitong kaputian. Pero dahil hindi niya prefer ang ganito kabata, minabuti niyang alisin na sa dalagita ang pansin niya at sa halip ay ituon nalang sa ginawa.
Kaibigan ng Daddy niya ang groom ng kasalang iyon. Noon sandaling hinanap ng paningin niya si Ralph na namataan niyang kausap ang isang magandang babaeng mukhang hindi nalalayo ang edad rito. Ilang sandali pa ay inumpisahan na ang seremonya. At siya bilang wedding singer na most requested pa ng mga ikinakasal ay sinimulan ng awitin ang pinakapaborito niyang kanta sa song list ng ikinakasal. Ang Beautiful In White ng Westlife.
Nang mga sandaling iyon pakiramdam niya nasa ibang panahon siya. Sa unahan ng altar siya nakatayo habang nakangiting pinagmamasdan ang magandang paglakad palapit sa kanya ng isang babaeng napakaganda ng ngiti. Bagay na bagay rito ang suot na white dress na lalong nagpatingkad sa angkin nitong kagandahan. Ang babaeng iyon ay walang iba kundi ang dalagitang umagaw ng atensyon niya kanina at ngayon ay naglalakad sa aisle ng simbahan.
Mabilis niyang iwinala iyon sa isipan saka pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagkanta. Sumikdo ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanya nang nakangiting lumingon ang dalagita at humahangang pinanood ang kanyang pagkanta.
And if a daughter is what our future holds, I hope she has your eyes, finds love like you and I did. When she falls in love we'll let her go, and I'll walk her down the aisle, she'll look so beautiful in white...
"HIHINTAYIN kita sa kotse okay?" ang Mama ni Louise nasi Hildegarde.
Tumango siya. "Mabilis lang ako Ma, hindi ko na kasi kaya talaga."
Nasa resort parin sila kung saan ginanap ang reception ng kasal ng mga kaibigan ng Mama niya. Isa siya sa mga tumayong abay dahil ninang niya sa binyag. Si Rose, ang bride na childhood bestfriend ng kanyang ina. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang banyo. At dahil nga tila sasabog na ang kanyang pantog, mabilis niyang pinihit ang knob saka iyon itinulak pabukas para lang matigilan sa nabungaran.
Parang nagulat ring mabilis na itinigil ng dalawa ang ginagawa. Nanlaki ang mga mata niya sa nakitang ayos ng mga ito. Ang babae, nakilala niyang isa sa mga abay. Nakaupo ito sa mahabang banggerahan ng CR. Nakansandal sa malaking salamin habang ganado sa pakikipaghalikan sa lalaking hindi niya nakita ang mukha dahil nga nakatalikod at nakayuko pa. Pero napuna niyang naibaba na nito ang suot na dress ng babae dahil bahagya ng nahantad ang kaliwa at punong dibdib nito.
Nanlalamig niyang hinila pasara ang pinto saka sumandal sa dingding at sunod-sunod na huminga. Parang wala siyang lakas na kumilos at pakiramdam niya ay umatras yata ang ihi niya dahil sa nakita. Sa edad niyang fourteen ay hindi pa siya nagkakaboyfriend kaya wala pa siyang alam sa mga bagay na ginagawa ng mag-nobyo.
Napaigtad siya nang marinig na nagbukas ang pinto. Noon lumabas ang babae na walang anuman siyang sinulyapan saka nagtuloy ng naglakad. Kasunod nito ang lalaking noon lang niya ganap na namukhaan. Walang iba kundi ang wedding singer ng kasalan. Ilang sandali niya itong pinagmasdan at kahit hindi niya aminin parang naramdaman niyang biglang bumilis ang tahip ng kanyang dibdib. Para ngang naririnig pa niya ang maganda nitong boses habang inaawit ang kantang Beautiful In White. Noon wala sa loob siyang napangiti. Talagang maganda ang boses nito, at iyon ang dahilan kung bakit kanina sa simbahan ay hindi niya napigilan ang sariling nakangiti itong lingunin para panoorin. Bukod pa sa katotohanang napakagwapo nito, lalo na ang maiitim nitong mga mata.
Bahagyang tikhim ng kaharap ang tila humila sa kanya pabalik sa kasalukayan. "I'm sorry sa nakita mo, nakalimutan ko kasing i-lock ang pinto" mukhang totoo naman ang paghingi nito ng paumanhin dahil naramdaman niya iyon.
"Get a room next time" ang tanging naisagot niya saka na hinawakan ang knob ng pinto pero napigil ang pagpasok niya nang muli itong magsalita.
"I'm sorry, really. Hayaan mo magiging responsible na ako next time" ulit nito.
Tiningala niya ang lalaki saka nagkibit ng balikat at tuluyan na itong tinalikuran. Sa isip niya, lahat ba talaga ng gwapo, babaero? Sayang kasi crush pa naman kita. Aniyang pagkuwan ay kinikilig na napangiti.
Hindi naniniwala si Dave sa magic until dumating sa buhay niya ang babaeng dumanas man ng napakaraming mabibigat na pagsubok sa buhay ay nanatiling positibo at mababa ang loob. Walang iba kundi si Audace. Bulag nalang ang hindi hahanga kay Audace physically dahil sa perpektong kagandahang taglay nito. Pero siya, sa kauna-unahang pagkakataon nagawa niyang tingnan ang mas higit pa sa pisikal na kaanyuan ng isa babae. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, nagmahal siya ng buo, walang pag-aalinlangan. Ganoon daw ang tunay na pagmamahal. At kay Audace lang niya iyon naramdaman. At alam niyang sinuman ang humadlang sa kanila kaya niya itong ipaglaban.
Jose Victorino De Vera III, apo ng isa sa apat na founder ng pinakakilalang unibersidad sa bayan ng Mercedes. Gwapo, mayaman, playboy at sikat na actor ng SJU Theater Arts Guild na siyang gumanap sa role na Crisostomo Ibarra. Ang kaniyang leading man. Pero taliwas sa pagkakakilala ng iba sa binata na parang walang pakundangan kung magpalit ng nobya. Para sa kanya si JV ang pinaka-mabait na lalaking nakilala niya bukod sa kuya at tatay niya. Gentleman, romantic at kapag kasama niya ang binata ramdam niyang safe siya. Ilan lamang ang mga iyon sa dahilan kung bakit ang batang puso niya ay unti-unting nahulog ng lihim dito. Nasaktan siya nang aminin sa kanya ni JV na may ibang babae na itong nagugustuhan. Ngunit sa kabilang banda ay nagawa parin niya itong tulungan sa hiningi nitong pabor. Ang mag-pretend silang siya ang nililigawan ng binata. Gusto niya ang feeling at sa bawat gawin ng binata ay ramdam niyang parang siya ang totoong nililigawan nito. Huwag nalang sumagi sa isip niya ang katotohanan at naglalahong bigla ang kilig na nararamdaman niya. Until isang pangyayari ang nagbigay linaw sa lahat. At iyon ay dahil sa kagagawan ni Irene, ang ex ng binata. Bawal siyang magboyfriend, iyon ang kasunduan nila ng kuya niyang si Lloyd. Pero dahil mahal siya ni JV ay ito mismo ang nagsuhestiyon na ilihim muna nila ang tungkol sa kanila hanggang makagraduate siya. Happily ever after na sana, pero biglang umuwi si Lloyd. At hindi ito tumigil hanggang sa nalaman nito ang totoo. Pero siya ang mas higit na nagulat, at natakot siya dahil bukod sa pinag-usapan nila ng kapatid niya ay may mas malalim pa pala itong dahilan para ayawan si JV. Ngayon ay kailangan tuloy niyang mamili sa dalawa. Si Lloyd na kapatid at kadugo niya. O si JV na hawak ang puso at buhay niya?
Unlike his friends, naranasan na ni Lemuel ang magmahal ng totoo. Ang kaibahan nga lang, hindi niya nagawang aminin sa babaeng iyon ang totoong nararamdaman niya. Iyon ay walang iba kundi si Bianca, ang kanyang first love. Until dumating sa buhay niya si Careen na sa unang pagkikita palang ay nagkaroon na ng espesyal na lugar sa puso niya. Iyon ang dahilan kung bakit sa kabila ng katarayan nito ay hindi niya napigilan ang sariling halikan ito. Alam niyang natagpuan na niya ang pares ng mga labing hindi niya pagsasawaang halikan. Iyon ang dahilan kung bakit niya hiniling na sana ay muli silang magkita at agad rin naman tinugon ng langit ang dasal niya. Pero muli nanaman siyang sinorpresa ng pagkakataon sa pagbabalik ni Bianca. Alam niya kung sino ang matimbang sa puso niya. Pero paano niya gagawin iyon kung ang sinasabi ni Careen ang paniniwalaan niya? Na baka mapadali ang buhay ni Bianca kapag naging sila?
Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero sa kabila niyon ay nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Pero hindi madali ang lahat, dahil minsan kahit hawak mo na ang mundo kailangan mo parin itong bitiwan, hindi sa kung anumang kadahilanan kundi dahil pinili iyon ng tadhana. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusin ay posible rin namang masira?
Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Kaya naman sa muli nilang pagkikita, sinubukan ng binata ilapit muli ang sarili sa dalaga, pero parang bula itong bigla nalang nawala.Dalawang taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana. Mapatunayan ba ni Lawrence ang lahat ng nararamdaman nito para kay Anya? Na hindi siya napagod na mahalin ito kahit sa alaala lang niya ito nakakasama? Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba.
Higit pa sa inasahan niya ang nangyari nang sa ikalawang pagkakataon ay muling nakita ni Paul ang babaeng nagpaligalig ng puso niya. Si Jessica. At ang lahat ng pinagsaluhan nila nang gabing iyon ang nagbigay ng dahilan sa kanya para huwag na itong pakawalan. Pero paano ba niya tuturuan ang puso ng dalaga na muling magmahal kung ang tanging dahilan ng nangyayari sa kanila ay gusto lang nitong makalimot sa masakit nitong nakaraan? Mahal niya ang dalaga, pero hanggang kailan siya maghihintay para rito? At ano nga naman ang assurance niya na siya ang pipiliin nito kung sa pagbabalik nila ng Maynila ay naroon at naghihintay si Daniel? At nakahanda nitong gawin ang lahat mabawi lang ang dalaga.
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.