/0/49467/coverbig.jpg?v=9e10af429913d0766ee736dca80b544b)
Unlike his friends, naranasan na ni Lemuel ang magmahal ng totoo. Ang kaibahan nga lang, hindi niya nagawang aminin sa babaeng iyon ang totoong nararamdaman niya. Iyon ay walang iba kundi si Bianca, ang kanyang first love. Until dumating sa buhay niya si Careen na sa unang pagkikita palang ay nagkaroon na ng espesyal na lugar sa puso niya. Iyon ang dahilan kung bakit sa kabila ng katarayan nito ay hindi niya napigilan ang sariling halikan ito. Alam niyang natagpuan na niya ang pares ng mga labing hindi niya pagsasawaang halikan. Iyon ang dahilan kung bakit niya hiniling na sana ay muli silang magkita at agad rin naman tinugon ng langit ang dasal niya. Pero muli nanaman siyang sinorpresa ng pagkakataon sa pagbabalik ni Bianca. Alam niya kung sino ang matimbang sa puso niya. Pero paano niya gagawin iyon kung ang sinasabi ni Careen ang paniniwalaan niya? Na baka mapadali ang buhay ni Bianca kapag naging sila?
"ANONG akala mo sa akin Mia, namumulot ng pera?" nang makapasok sa kabahaya, iyon agad ang narinig ni Careen mula sa silid ng tiyahing si Annabelle. Galing siya sa SJU at kinuha ang mga classcards niya para sa unang semester ng school year na iyon.
"Five thousand lang ang hinihingi ko Ma, si Careen nga pamangkin lang ninyo pinag-aaral ninyo sa SJU pa" napabuntong hininga siya nang marinig ang katwiran ng pinsan.
Paaral siya ni Annabelle mula nang mamatay sa atake sa puso ang tatay niyang si Antonio. Sampung taong gulang siya noon at grade four sa Sta. Philomena Elementary School. Pero hindi iyon libre dahil kapalit ng pagpapa-aral nito sa kanya ay ang paninilbihan niya sa mag-ina. Mula kasi nang mabiyuda ang tiyahin niya limang taon narin ang nakalipas, hindi na ito kumuha ng kasambahay. Iyon ang naging kasunduan nila dahil sa kagustuhan niyang makapag-aral. Bunsong kapatid ng namayapa niyang ama si Annabelle. Manager ito sa isang banko sa San Jose.
Dating teacher at Music ang concentration ng kanyang ama, napakahusay nitong tumugtog ng gitara at kumanta. Sa katunayan ito ang nagturo sa kanya kung paano tumugtog ng gitara. Libangan rin nilang dalawa ang magvideoke dahil kagaya nito, marunong rin siyang kumanta. Paborito nilang kantahin, ang Please Be Careful With My Heart. Iyon raw kasi ang theme song nito at ng nanay niyang si Wilma na namatay kalahating oras matapos siyang ipanganak.
Hindi niya masasabing salbahe sa kanya ang tiyahin niya dahil tinatanaw niyang utang na loob dito ang pagkupkop nito sa kanya. Kaya kahit minsan nakakatikim siya ng masasakit na salita galing dito at maging kay Mia, hinahayaan nalang niya. Pamilya niya ang mga ito at kung hindi dahil sa mag-ina baka palaboy na siya sa lansangan. Sa ngayon ay nasa unang taon siya sa SJU at kumuha ng kursong Accountancy.
"Hindi! Nakikita mo enrollment nanaman! Ni hindi ko nga alam kung mabibigyan ko ng pag-enroll si Careen sa mahal ng gastusin dito sa bahay! Sana manlang naiisip mong bigyan ako ng pakunswelo kahit sa pamamagitan lang ng matataas na marka, kaso wala rin dahil puro barkada at gimik ang inaatupag mo. Kung hindi ka lang siguro lumabas sa akin iisipin kong hindi kita anak!" galit ng turan ni Annabelle. Malungkot siyang nagbuntong-hininga. Wala naman siyang magagawa kung ayaw na siyang pa-aralin ni Annabelle. Wala siyang karapatang mag-demand dahil kung tutuusin pamangkin lang siya nito.
"How could you talk to me like that? Kung buhay lang ang Papa siguradong hindi niya magugustuhan ang lahat ng sinasabi ninyo!" mataas ang tinig naring sabi ni Mia.
"Kung buhay lang ang Papa mo siguradong hindi iyon matutuwa sa pinaggagagawa mo!" ang galit na sagot ni Annabelle.
Hindi na sumagot si Mia, natigilan nalang siya nang galit itong lumabas ng silid at nang mamataan siya'y masama ang tinging ipinukol sa kanya bago tumalikod. Malungkot niyang sinundan ng tingin ang pinsan saka umakmang papasok narin sa kanyang silid.
"Nandiyan kana pala! Alam mong maraming trabaho dito sa bahay nagawa mo pang magtagal doon!" ang Tita niyang madilim ang mukhang hinarap siya.
Napigil ang mga hakbang niya. "Tita..." mahina niyang bigkas. "pasensya na po, na-late kasi ng dating iyong isang prof ko kaya natagalan ako."
"Tingnan ko nga ang mga grades mo?" parang hindi nito narinig ang paliwanag niya at sa halip ay iyon ang isinagot.
Blangko sa emosyon ang mukha ng tiyahin niya habang iniisa-isa ang kanyang classcards. Ganoon naman kasi ito palagi pagdating sa kanya, malamig. Siguro dala nalang din iyon ng stess at maraming alalahanin dahil kahit sabihin pang malaki nga marahil ang sweldo nito. Malaki rin naman ang lahat ng gastusin ni Annabelle, lalo at dalawa silang pinag-aaral nito sa parehong pribadong paaralan.
"Sige na, pag-iisipan ko muna kung ipa-e-enroll kita this sem. Mag-ko-kolehiyo narin si Mia sa isang taon at sa laki ng gastusin dito sa bahay hindi ko pa masabi kung kaya kong pareho kayong ituloy sa SJU. Pero sa inyong dalawa alam mo naman siguro kung sino ang uunahin ko" anitong ibinalik sa kanya ang mga classcards.
Malungkot siyang tumango. "M-magbibihis lang po ako" aniyang tumalikod na. Sa isip niya, kung sakali willing naman siyang mag-working student, ang importante ay makapag-aral siya. Pero ang bagay na iyon ay kailangan pa niyang ikonsulta sa tiyahin.
Hindi naniniwala si Dave sa magic until dumating sa buhay niya ang babaeng dumanas man ng napakaraming mabibigat na pagsubok sa buhay ay nanatiling positibo at mababa ang loob. Walang iba kundi si Audace. Bulag nalang ang hindi hahanga kay Audace physically dahil sa perpektong kagandahang taglay nito. Pero siya, sa kauna-unahang pagkakataon nagawa niyang tingnan ang mas higit pa sa pisikal na kaanyuan ng isa babae. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, nagmahal siya ng buo, walang pag-aalinlangan. Ganoon daw ang tunay na pagmamahal. At kay Audace lang niya iyon naramdaman. At alam niyang sinuman ang humadlang sa kanila kaya niya itong ipaglaban.
Jose Victorino De Vera III, apo ng isa sa apat na founder ng pinakakilalang unibersidad sa bayan ng Mercedes. Gwapo, mayaman, playboy at sikat na actor ng SJU Theater Arts Guild na siyang gumanap sa role na Crisostomo Ibarra. Ang kaniyang leading man. Pero taliwas sa pagkakakilala ng iba sa binata na parang walang pakundangan kung magpalit ng nobya. Para sa kanya si JV ang pinaka-mabait na lalaking nakilala niya bukod sa kuya at tatay niya. Gentleman, romantic at kapag kasama niya ang binata ramdam niyang safe siya. Ilan lamang ang mga iyon sa dahilan kung bakit ang batang puso niya ay unti-unting nahulog ng lihim dito. Nasaktan siya nang aminin sa kanya ni JV na may ibang babae na itong nagugustuhan. Ngunit sa kabilang banda ay nagawa parin niya itong tulungan sa hiningi nitong pabor. Ang mag-pretend silang siya ang nililigawan ng binata. Gusto niya ang feeling at sa bawat gawin ng binata ay ramdam niyang parang siya ang totoong nililigawan nito. Huwag nalang sumagi sa isip niya ang katotohanan at naglalahong bigla ang kilig na nararamdaman niya. Until isang pangyayari ang nagbigay linaw sa lahat. At iyon ay dahil sa kagagawan ni Irene, ang ex ng binata. Bawal siyang magboyfriend, iyon ang kasunduan nila ng kuya niyang si Lloyd. Pero dahil mahal siya ni JV ay ito mismo ang nagsuhestiyon na ilihim muna nila ang tungkol sa kanila hanggang makagraduate siya. Happily ever after na sana, pero biglang umuwi si Lloyd. At hindi ito tumigil hanggang sa nalaman nito ang totoo. Pero siya ang mas higit na nagulat, at natakot siya dahil bukod sa pinag-usapan nila ng kapatid niya ay may mas malalim pa pala itong dahilan para ayawan si JV. Ngayon ay kailangan tuloy niyang mamili sa dalawa. Si Lloyd na kapatid at kadugo niya. O si JV na hawak ang puso at buhay niya?
Sa kanilang apat siya ang pinaka-babaero. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang anak ng babaeng pinakasalan ng Daddy niya, walang iba kundi si Louise na sa kalaunan ay narealized niyang ilang beses narin pala niyang nakatagpo. Hindi lang ang protective instinct niya ang pinukaw ni Louise kaya minabuti niya itong bakuran sa SJU. Kundi mas higit ang mailap na puso niya, dahil ang totoo hindi niya napigilan ang unti-unting mahulog at kalaunan ay mahalin ang dalaga. Gusto niya itong maging masaya, gusto niya itong protektahan. Lalo na kay Jane na alam niyang nakahandang gawin ang lahat makaganti lang sa kanya. Pero paano niya gagawin iyon kung siya mismo ay may sariling kinatatakutan?
Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero sa kabila niyon ay nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Pero hindi madali ang lahat, dahil minsan kahit hawak mo na ang mundo kailangan mo parin itong bitiwan, hindi sa kung anumang kadahilanan kundi dahil pinili iyon ng tadhana. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusin ay posible rin namang masira?
Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Kaya naman sa muli nilang pagkikita, sinubukan ng binata ilapit muli ang sarili sa dalaga, pero parang bula itong bigla nalang nawala.Dalawang taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana. Mapatunayan ba ni Lawrence ang lahat ng nararamdaman nito para kay Anya? Na hindi siya napagod na mahalin ito kahit sa alaala lang niya ito nakakasama? Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba.
Higit pa sa inasahan niya ang nangyari nang sa ikalawang pagkakataon ay muling nakita ni Paul ang babaeng nagpaligalig ng puso niya. Si Jessica. At ang lahat ng pinagsaluhan nila nang gabing iyon ang nagbigay ng dahilan sa kanya para huwag na itong pakawalan. Pero paano ba niya tuturuan ang puso ng dalaga na muling magmahal kung ang tanging dahilan ng nangyayari sa kanila ay gusto lang nitong makalimot sa masakit nitong nakaraan? Mahal niya ang dalaga, pero hanggang kailan siya maghihintay para rito? At ano nga naman ang assurance niya na siya ang pipiliin nito kung sa pagbabalik nila ng Maynila ay naroon at naghihintay si Daniel? At nakahanda nitong gawin ang lahat mabawi lang ang dalaga.
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.