Kunin ang APP Mainit
Home / Makabago / Captivasyon: Walang Gusto Kundi Ikaw
Captivasyon: Walang Gusto Kundi Ikaw

Captivasyon: Walang Gusto Kundi Ikaw

5.0
1 Kabanata/Bawat Araw
71 Mga Kabanata
366 Tingnan
Basahin Ngayon

Tungkol sa

Mga Nilalaman

Ang kanyang fiance at ang kanyang matalik na kaibigan ay nagtrabaho at nag-set up sa kanya. Nawala niya ang lahat at namatay sa kalye. Gayunpaman, muling isinilang siya. Sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, sinusubukan siyang sakalin ng kanyang asawa. Sa kabutihang palad, nakaligtas siya. Pinirmahan niya ang kasunduan sa diborsiyo nang walang pag-aalinlangan at handa na para sa kanyang miserableng buhay. Sa kanyang pagtataka, ang kanyang ina sa buhay na ito ay nag-iwan sa kanya ng malaking pera. Inikot niya ang mga mesa at naghiganti sa sarili. Naging maayos ang lahat sa kanyang karera at pag-ibig nang dumating sa kanya ang kanyang dating asawa.

Chapter 1 Muling Pagsilang at Diborsyo

"Rachel, ikaw, walang kuwentang babae ka. PUMUNTA KA SA IMPYERNO!"

Tila nakasuot ng maskara ng galit ang lalaki sa king-size na kama. Ang kanyang mga mata'y nagliliyab sa poot. Samantala, gigil na gigil ang kanyang mga ugat sa noo at bisig habang sinasakal ang payat na leeg ng babae.

Inaantok at wala pa sa ayos ang babae, ngunit nararamdaman niyang may mali. Hindi siya makahinga!

Napadilat si Rachel Bennet, pagod pa mula sa pagtulog. May isang pares ng kamay sa kanyang leeg, sinasakal siya hanggang sa mawalan siya ng buhay. Habang siya ay nalilito, nilalamon din sya ng takot at pagkataranta

Nang malapit nang maubusan ng hangin ang kanyang mga baga, nagising ang kanyang diwa at nagsimulang magsipa-sipa. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinilit na kumawala sa nananakit sa kanya.

Ngunit hindi niya maitulak man lang ang lalaki. Sa halip, nihigpitan pa nito ang hawak sa kanyang leeg na naging sanhi ng pagkamula at pagkalabo ng paningin ni Rachel.

Bam!

Bumukas ang pinto at mabilis na pumasok ang mayordomo. Namutla ang kanyang mukha sa kanyang nakita, ngunit hindi niya sinayang ang oras. Nagmadali siyang pumunta sa kama, hinawakan ang braso ng lalaki habang sumisigaw, "Mr. Sullivan! Mr. Sullivan! Bitawan mo siya! Mapapatay mo siya!"

"Karapat-dapat siyang mamatay!" Naglalaway at tila nasisiraan na ng bait ang lalaki habang nagsasalita.

Alam ng mayordomo na hindi niya mapipigilan ang lalaki sa pisikal na paraan, kaya't lumuhod siya sa tabi ng kama at nagmakaawa para sa buhay ni Rachel. "Mr. Sullivan, maawa ka! Kapag pinatay mo siya, magugulumihanan ang iyong lola sa kanyang libingan. Hindi siya makakapagpahinga nang payapa!"

Lola?

Nang marinig ang sinabi ng mayordomo, bahagyang lumuwag ang pagkakasakal ni Victor Sullivan.

Sinamantala ito ni Rachel upang makatakas sa kanyang pagkakahawak at gumapang palayo. Bumangga ang kanyang likod sa headboard at nanatiling nakayakap sa sarili. Nakatitig siya kay Victor, nanlalaki ang mga mata sa takot.

Nang makita ng mayordomo ang pagbabago sa kilos ni Victor, nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi. "Mr. Sullivan, huminahon ho kayo! Magiging opisyal na ang inyong diborsyo ngayong araw. Hindi mo na siya muling makikita! Pakiusap, maawa ka sa kanya, alang-alang sa kanyang ina. Siya ang nagligtas sa iyong lola nang minsan itong manganib, hindi ba? Kaya pakiusap, kumalma ka!"

Nakuha ni Victor ang punto ng mayordomo. Kaya't tumayo siya mula sa kama at tahimik na isinuot ang kanyang damit pantulog. Sunod, tumalikod siya kay Rachel at nagsalita gamit ang boses na kasing lamig ng yelo.

"Sasabihan ko si Ivan na ipadala rito ang mga papeles ng diborsyo. Pirmahan mo ito, at pagkatapos ay lumayas ka na. Ayaw ko nang makita pa ang iyong pagmumukha kailanman."

Pagkatapos niyang mag-iwan ng isang huling tingin na puno ng galit, umalis na siya sa silid kasama ang mayordomo.

Sumakit ang mga tainga ni Rachel sa ingay ng pagbagsak ng mga pinto. Tinakpan niya ang kanyang sarili ng kumot, nananatiling gulat na gulat. Namumutla ang kanyang mukha. Samantala, ang kanyang puso'y tila kumakalabog sa kanyang dibdib.

Yumuko siya at tiningnan ang kanyang katawan. Siya ay ganap na hubad, at puno ng maiitim na pasa ang kanyang walang kapintasang balat.

Dahil sa adrenaline na dumadaloy sa kanyang mga ugat, hindi siya nakaramdam ng kahit anong sakit o kirot hanggang ngayon. Ngunit ngayong nalampasan na niya ang paghihirap, naramdaman na rin niya ang pananakit ng buong katawan. Masakit ang lahat sa kanya.

Sinubukan niyang maghanap ng maisusuot pero wala siyang makitang anumang pambabaeng damit sa aparador. Tanging mga pang-lalaking kamiseta at itim na mga amerikana lamang ang laman nito.

Pinili niyang kumuha ng isang kamiseta at pares ng pantalon upang suotin. Dahil pang-lalaki ang laki ng pantalon, sumasayad ito sa sahig habang siya'y naglalakad.

Dagdag sa sakit ng kanyang katawan, naramdaman din ni Rachel ang paparating na matinding sakit ng ulo. Habang dumadaing ay pumunta sya sa sofa upang makaupo. Isinandal niya ang kanyang ulo at pumikit. Unti-unting pumasok sa kanyang isipan ang mga alaala na alam niyang hindi kanya.

Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang iminulat ang kanyang mga mata. Ang mga alaala na iyon ay pag-aari ng dating may-ari ng katawang ito, ang babaeng nagngangalang Rachel. Matapos niyang tahimik na intindihin ang mga bagay-bagay, sa wakas ay nakarating siya sa dalawang konklusyon.

Mula sa pagiging Shelia Davis patungo sa pagiging Rachel Bennet, siya'y muling isinilang.

Ang dating may ari ng katawang ito ay isang walang kwentang babaeng baliw na baliw kay Victor. Ang kanyang ina ay nagkasakit at namatay kamakailan lang, habang ang kanyang ama ay isang miserableng taong walang silbi.

Noong sandaling iyon, may kumatok sa pinto.

Naputol ang pagninilay-nilay ni Rachel. Isang malamig na tinig ang nagsalita mula sa labas ng kwarto. "Maaari ba akong pumasok?"

Agad itinaas ni Rachel ang laylayan ng kanyang pantalon at nagmadali upang buksan ang pinto. Nakatayo sa labas ang isang matangkad at nanlulumong lalaki. May hawak itong bungkos ng mga papel.

"Ivan." Mabilis na nahanap ni Rachel sa kanyang alaala ang pangalan ng lalaki.

Iniabot sa kanya ni Ivan Chaves ang mga dokumento at isang panulat. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. "Inutusan ako ni Mr. Sullivan upang ihatid ka palabas sa oras na pirmahan mo ang mga papeles ng diborsyo."

Tiningnan ni Rachel ang mga dokumento habang inaalala ang sinabi ng mayordomo kanina. Ngayon ang ikalawang anibersaryo ng kasal nila Victor at Rachel. Ngunit simula ngayon, ito rin ang magiging wakas ng kanilang pagsasama.

Naiplano ba ang kasunduan sa diborsyo ng wala pa sa isang oras? Talaga yatang kinamumuhian ni Victor si Rachel.

Kinuha niya ang kasunduan at inisa-isa ang bawat pahina, maayos na pumipirma ng "Rachel Bennet" kung saan kailangan. Natapos siya sa loob ng wala pang tatlumpung segundo.

"Heto na," sabi ni Rachel habang ibinabalik ang mga papel kay Ivan at kinlik ang bolpen.

Tiningnan siya ni Ivan, gulat at nakataas ang mga kilay. Hindi niya inasahan na magiging ganoon lang iyon kadali. Nang hilingin ni Victor na dalhin niya ang kasunduan, sinabihan siya nito na ayaw ni Rachel pumirma kaya baka kailangan niya itong puwersahin.

"Ayaw mo bang basahin muna ito?" tanong ni Ivan. Hindi pa rin niya kinukuha pabalik ang mga papel.

Tumaas ang kilay ni Rachel at walang pakialam na sinagot, "Huwag na."

"Hindi ka ba interesado sa kung ano ang makukuha mo mula sa diborsyong ito?" Nakakunot na ang noo ni Ivan, patindi nang patindi ang pagkalito.

Nakataas pa rin ang kilay ni Rachel habang inaayos ang kanyang pantalon. Binigyan niya si Ivan ng isang matamis na ngiti. "Hindi ko na iyan kailangan pang basahin. Alam ko na may dalawa lamang na maaaring mangyari. Una, malulubog ako sa utang at kaagad na mawawalan ng pera. Pangalawa, aalis ako sa kasal na ito na walang dalang pera. Sigurado ako na bumuo si Victor ng isang grupo ng mga natatanging abogado upang bumalangkas ng pinakamainam na opsyon para sa kanya."

Dumilim ang mga mata ni Ivan. Sa wakas, kinuha niya ang mga papel ng diborsyo at sinabing, "Hinihiling lamang ni Mr. Sullivan na umalis ka na walang dalang kahit ano mang ari-arian niya."

"Kung gayon, siguraduhin mong pasalamatan mo siya sa ngalan ko." Tunay na walang pakialam si Rachel. Ang nagmahal kay Victor ay ang dating may-ari ng katawang ito, hindi siya. Balewala sa kanya kung mamatay man o hindi ang lalaki.

Hindi naman niya gusto ang isang marahas na lalaking katulad ni Victor bilang asawa, isang lalaking kayang sakalin hanggang sa mamatay ang kanyang maybahay. Ngayon ay nagkaroon siya ng isa pang pagkakataon upang mabuhay, at balak niyang gamitin ito ng wasto.

Napatingin si Ivan sa leeg ni Rachel.

"Nais mo bang tumawag ako ng doktor para sa iyo?"

Panandaliang naguluhan si Rachel bago maalala ang mga pasa sa kanyang leeg. Itinaas niya ang kanyang kamay upang damhin ang mga ito. Nagbalik sa kanya ang pakiramdam na sinasakal siya at kinailangan niyang umiling para makalimutan ito.

"Huwag na. Salamat. Ayos lang ako. Hindi naman ganoon kasakit," sagot niya, sabay kibit-balikat.

"Kung gayon, paki-ligpit na ng iyong mga gamit." Bumalik sa normal ang tono ni Ivan: malamig at pormal.

Tumango si Rachel at umalis ng kwarto ni Victor nang nakapaa, patuloy pa ring hinihila ang kanyang pantalon. Mahaba-haba ang kanyang lalakarin bago makarating sa sarili niyang kwarto. Labis na kina-iinisan ni Victor si Rachel, kaya't ayaw na ayaw niyang makasalubong ito sa pasilyo. Dahil doon, nasa kabilang dulo ng malaking bahay na ito ang kanyang kwarto.

Kailangan niya ng halos dalawang minuto upang makarating doon.

Dating silid-imbakan ang kanyang kwarto. Ngunit hindi nagtagal matapos ang kanilang kasal ay lumipat na si Rachel dito. Itinulak niya ang pinto at mabilis na pumasok sa makitid na daanan.

Napakaliit ng kwarto. Mayroon lamang itong laman na isang kama at isang tokador. Masyado pang magkalapit ang mga ito, kaya't halos wala nang puwang para makalakad ng maayos.

Wala rin masyadong gamit na kailangang i-empake si Rachel. Maliban sa kanyang mga koloreteng nakakalat sa ibabaw ng mesa at ilang mga damit, wala na siyang ibang mga gamit. Nagpalit muna siya ng sariling damit bago isinilid ang iba sa isang maleta.

"Ayan, na-empake ko na ang lahat. Aalis na ako. Sana hindi na kita muling makita, Ivan! Paalam!" pahayag ni Rachel, malamig at tunog walang pakialam ang kanyang boses, habang hinihila ang kanyang maleta sa kahabaan ng pasilyo.

"Rachel, saan ka sa tingin mo pupunta?" Biglang bumukas ang mga pintuan ng elevator at lumantad ang isang babaeng naka-business suit. Rinig ang malutong at matalas na tunog ng kanyang mataas na takong sa bawat hakbang niya sa marmol na sahig. Akmang-akma ito sa kasing-talas niyang boses.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Kabanata 71 Magsama Sila Ng Anak Niya sa Hukay.   Ngayon00:06
img
35 Chapter 35 Ang Suwerte
28/03/2025
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY