Mga Aklat ni Erlyn
Between the Mafia's and the Agent's
“Bakit sumunod kayo rito?" tanong n'ya sa mga kaibigan n'ya. “Nandito ang bagong misyon natin kaya pinapunta kami ni Boss dito." sagot ni Via sa kan'ya. "Sino?" tanong ko kay Via. “Ang pamilya Lazardo." sagot naman ni Fritzie. “The hell! Ang pamilya ni Franz,?" gulat kong tanong sa kanila. “Kilala mo ang mga Lazardo?" tanong naman ni Mau. “Guys, naalala ninyo iyong lalake na nakabangga ko sa Hongkong?" tanong ko sa kanila. “Anong kinalaman ng lalake na 'yon sa misyon natin?" tanong ulit ni Mau. “Puta naman oh! Ano question and answer portion ba ito ha Pia?" naiinip na tanong ni Cassy. “Ang nakabangga ko sa Hongkong na lalake at ang tinutukoy ninyo na pamilya Lazardo ay related sa isa't-isa. Siya lang naman ang panganay na anak nina tita Victoria at tito Mauro." mahabang paliwanag ko sa kanila. “So iyong lalake na tinutukoy mo ang mas dilikado ang buhay dahil s'ya ang tagapagmana ng isang Mafia Boss." sabat ni Via sa usapan. “What the hell!? Ibig sabihin si tito Mauro ay isang Mafia Boss! Kaya pala no'ng kaarawan ni tita Vicky ay may nagtangka sa buhay nila, mabuti nalang at matalas ang pakiramdam ko kaya nakita ko kaagad ang tatlong lalake na balak sanang maglagay ng lason sa mga baso ng mga Lazardo," mahaba kong paliwanag sa kanila. “Pero ang pinaka punterya nila ay iyong lalake dahil s'ya ang tagapagmana sa lahat kaya mas dilikado ang buhay n'ya." saad ni Mau. “Kaya lumapit ang mag-asawa kay Boss upang humingi ng tulong para maproteksyonan ang mga anak nila." sabi naman ni Via. "At nabalitaan namin na may mga ibang grupo na ang 'andito na sa probinsya kaya kami napasugod kaagad dito." dagdag pa ni Via. “Isa pa best, hindi alam no'ng lalake na may nagbabantay sa kanila na mga agents. Ayaw daw nang lalake dahil kaya naman daw n'yang protektahan ang sarili n'ya at pamilya n'ya." sabi ni Fritzie sa amin. Paano pagnalaman ni Franz na ang babaeng nasa likod ng maskara at ang babaeng pinakamamahal n'ya ay iisa?
The Fearless Girl
Lady M ang school kung saan pumapasok si Mia at ang tatlo n'yang kaibigan. Napapalingon ang mga kalalakihan kapag dumadaan si Mia sa harap nila. Pero si Mia ay kinakatakutan sa paaralan nila.Tingin pa lang kabahan ka na. Mia is a very dangerous woman dahil isa lang naman s'yang leader sa grupo. She is an assassin/agents. “Hoy Mia! Hindi lang pala masama ang ugali mo dahil isa ka ring mang-aagaw ng boyfriend." Galit na sigaw ni Rica kay Mia sabay hablot sa buhok ni Mia habang nakatalikod ito sa kan'ya. “Fuck!" sabi ni Marco. “The hell!" sabi rin ni Rico. “Patay!" sabay na sabi nina Rose at Santi. “Bitaw!“ sabi ni Mia kay Rica na kalmado ang boses. “At sino ka sa akala mo na kakatakotan ko? Tapos na ang pagpapakitang tao ko sa harap mo Mia. Total inagaw mo na rin naman ang boyfriend ko sa akin, ipapakita ko sayo ang tunay na ako." singhal ni Rica habang hawak pa rin ang buhok ni Mia. “Stop it Rica!" awat ni Gabby rito. “No Gabby! She deserves it. Inagaw ka n'ya sa akin!" “Isa, dalawa, pagsisisihan mo Rica kapag hindi mo bibitiwan ang buhok ko! Im warning you Rica. “Girl, bumitaw ka na kung ayaw mong matulog ng mahaba-haba," sabay tawa ni Rose. “Ayaw mo talaga ha!“ Umikot si Mia kay Rica sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Rica na may hawak ng buhok n'ya at hinawakan nito ang leeg ni Rica. “Aray! Bitaw! Bitaw na Mia!" pagmamakaawa nito kay Mia. “Next time Rica kilalanin mo muna ang kakalabanin mo,!" sabay bitaw sa leeg ni Rica. “Shit! Bakit nahimatay si Rica?" tanong ni Marco “Two weeks pa ang gising n'yan kapag sa Hospital n'yo dinala." natatawang sabi ni Santi. “Pero kapag sa Clinic n'yo lang dadalhin iyan———tigok yan." segunda ni Rose. “Walang gamot ang Clinic natin dito sa ginawa ni Mia na lason. Adios guys." Pahabol na sabi ni Rose sabay talikod nila ni Santi sa mga lalake. Bakit nga ba naging isang assassin si Mia? Ang Ama n'ya ay isang Mafia Boss at ang Ina n'ya ay isang magaling na agent. Magkakaroon kaya ng lakas ng loob si Gabby upang aminin ang nararamdaman n'ya kay Mia kong s'ya mismo ay takot rito?