/0/26598/coverbig.jpg?v=caed827a53099444b672af62376cea9c)
After one steamy night, Engr. Anastasia Veda Sullivan was fenced by the billionaire, Xeonne Sage Monteverde.
| ANASTASIA |
"Sa 'kin ang proyektong 'yon, Dad. Ako ang nagpanalo ng bidding. Handa na rin ang lahat. In fact, magsisimula na ang clearing ng site sa Lunes," paliwanag ko pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ni Daddy.
"Nagtatrabaho ka sa ilalim ng Sullivan Incorporated. Technically, the project is owned by SI and not by you, Anastasia. Ako ang namamahala sa kompanya kaya ako ang magdedesisyon kung kanino mapupunta ang proyekto," depensa niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
"Pero naasikaso ko na lahat. Pinaghirapan ko 'yon, Dad," giit ko.
Pinagpuyatan ko 'yon, pinag-isipan, nilaanan ng oras.
"Hindi naman mapupunta sa wala ang sinimulan mo dahil kapatid mo naman ang magpapatuloy nito. Besides I have a new project for you." May kinuha siyang folder sa loob ng drawer ng desk niya at inilahad ito sa 'kin.
Kinuha ko ito at tiningnan. Napaismid ako sa nakita. "Seriously, Dad? Housing project? Sa 'kin? Hindi ba dapat kay ate mo ibigay 'to?"
"You don't have the right to tell me what to do, Anastasia Veda Sullivan," bawat salita ay binanggit niya nang may diin.
Judging by his tone and the way he called me, I could tell he's pissed off.
"Pero, Dad! Kakapasa lang ni Ate sa board exam last month! Ni wala pa siyang experience. Giving her a twenty-storey hotel as her first project is a bad idea." Pilit kong pinapaliwanag sa kanya ang sitwasyon.
"Kaya ka nga nandito para gabayan siya. Ituro mo sa kanya lahat ng nalalaman mo-"
Hindi ko siya pinatapos at malakas na ibinagsak ang folder sa mesa niya.
"What am I? Her stuntman? Nagpakahirap ako ng ilang taon habang siya nagpakasaya sa ibang bansa bitbit ang Hermes bags niya tapos siya ang paparangalan? Parang pinag-aral niyo lang ako para turuan siya ahh. Edi sana education na lang ang kinuha ko at hindi engineering." Huminga ako nang malalim para kontrolin ang galit at inis ko. "Dad, naman... nagtrabaho ako ng tatlong taon sa kompanyang 'to at nagsimula sa pinakamababa. Why don't you let her do the same?"
"Hindi siya nagpakasaya lang sa ibang bansa, Anastasia. Your sister was depressed. Alam mo naman ang pinagdaanan niya. She graduated magna cum laude yet she failed the board exam. She didn't handle the humiliation," pagtatanggol niya kay ate.
She graduated magna cum laude in the university we both attended. She also graduated valedictorian in both elementary and highschool. She bagged all the recognitions that was supposed to be mine. Sino ba naman kasi ako? Isa lang naman akong anino ng pinakamamahal nilang Ella.
Kinagat ko ang ibabang labi. Umiinit ang mga mata ko dahil sa bumabadyang pag-agos ng mga luha ko.
"Bakit parang kasalanan ko, Dad? Was it my fault that she chose to hangout with random guys instead of reviewing-"
Napahawak ako sa pisnge pagkatapos bumagsak ang palad ni Daddy dito. Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa lakas ng pagkakasampal niya.
"How could you talk ill about her? She's your twin sister!" Dumagundong ang boses ni Dad sa buong silid.
"And I am also your daughter!" Sandali akong tumingala para pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. "Am I?" dagdag ko.
Kinalkal ko ang bag at pinatong sa table niya ang resignation letter ko. Tumalikod ako paalis at saka lamang nagsiunahan sa pagbagsak ang mga luha ko.
Mabilis kong pinahid ang mga luhang patuloy sa pag-agos pababa ng pisnge ko. Dumiretso ako sa Construction and Design Department para iligpit ang mga gamit ko. Laking gulat ko nang matagpuang magulo at walang ingat na pinasok sa kahon ang mga ito.
"Sino ang gumalaw ng mga gamit ko?" Umalingawngaw ang boses ko sa buong kuwarto ngunit walang ni isa sa kanila ang nangahas na sumagot. "Sino?!" pag-uulit ko.
"Ako!" sagot ng babaeng kakapasok lang bitbit ang kanyang pinakamamahal na Hermes bag.
She was wearing an LV heather effect choker dress and a platinum two-band stilettos that has diamond encrusted circles at top of foot and a platinum band crossing over the toes. It's Stuart Weitzman Diamond Dream stilettos which costs half a million dollars.
"Bakit mo pinakialaman ang gamit ko?" malamig kong saad.
"Sissy!" matinis niyang sigaw sabay yakap sa 'kin. "I missed you so much!" wika n'ya na nanggigigil at hinigpitan ang yakap. Inilapit niya ang labi sa tenga ko. "I got the project you've been working hard for. Next will be your fiance," bulong niya. Pakiramdam ko ay nakangisi s'ya ngayon.
Kumalas ako sa pagkakayakap at bahagya s'yang tinulak palayo. Napangiwi ako nang lumagapak siya sa sahig. Hindi naman ako kasing lakas ni Hercules sa pagkakaalala ko.
"Didn't you miss me?" mangiyak-ngiyak niyang usal habang nakaupo sa sahig. "Are you mad because dad gave me the project? Don't worry I'll talk to him." Tumayo s'ya at pinagpagan ang damit.
Why would I even help her? Hindi ko na kasalanan kung may pagkalampa s'ya.
"Ayaw kong magkakalamat ang relasyon natin dahil lang sa proyektong masmahal pa ang sapatos ko," aniya at naglungkot-lungkutan saka lakad-takbo na umalis.
Napaismid ako sa inasta n'ya. Hindi niya ako maloloko. Simula pagkabata namin ay santa santita, bida-bida at pa-victim na s'ya.
Binaling ko ang atensyon sa mga gamit ko. Habang inaayos ang mga ito ay nakarinig ako ng bulungan mula sa mga kasama ko sa team.
"Akala ko talaga mabait s'ya."
"Siguradong pinaplastik n'ya lang tayo. Mismong kambal nga n'ya binastos n'ya. Tayo pa kaya?"
"Halos apat na taon din silang hindi nagkita tapos ginano'n n'ya lang?"
"Pakitangtao talaga."
"Sabi ko sa inyo una pa lang eh..."
Ramdam ko ang pagsulyap nila sa direksyon ko. Bumusangot ang mukha ko. Kaya naman pala. Ang bruhang 'yon ginawa akong masama sa paningin ng mga katrabaho ko!
Napabuntong hininga ako. Katrabaho ko sila ng tatlong taon. Nakisama ako nang maayis sa kanila, hindi ko sila pinagmalupitan at naging maluwag ang pamumuno ko tapos ako pa ang pakitangtao? Ang galing!
Napahawak ako sa dibdib nang may kung anong bumagsak sa tabi ko. Binagsak ni Reneigh ang kahon ng gamit niya sa desk ko.
"Tara na," aya n'ya sa 'kin nang nakangiti. "Kung saan ka, doon din ako," dagdag n'ya.
"Reneigh..." naluluhang sambit ko at niyakap s'ya. "I appreciate it, Reneigh, pero 'di mo 'to kailangang gawin." Kinuha ko ang box n'ya at ibinalik sa desk n'ya. "You're the breadwinner of your family. Pinapaaral mo pa ang mga kapatid mo." Isa-isa kong binalik ang mga gamit n'ya.
"Will you be alright, Tasia?" Puno ng pag-aalala ang mga mata n''ya.
"I will." I gave her a small smile.
Muli n'ya akong niyakap bago ako umalis dala ang mga gamit ko. Taas-noo akong lumabas ng gusali.
I topped the Civil Engineering Licensure Exam, I am a Sullivan, and I have a three years experience. Siguradong madali lang para sa 'kin ang makahanap ng trabaho.
Pinatong ko sa balakang ko ang kahon at hinawakan ito ng isang kamay habang kinakalkal ko ang sling bag ko para hanapin ang cellphone. Napatampal ako sa noo nang maalala kung saan ko ito nilagay. Kinuha ko ang cellphone sa likurang bulsa ng pantalon ko at tinawagan si Zander. Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi siya sumasagot.
Napatanga ako nang may bastos na lalaking bumangga sa kamay ko kaya nabitawan ko ang kahon. Nagkalat ang mga gamit ko sa lapag. Tumigil ang lalaki at sandali akong sinulyapan saka nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko s'ya namumukhaan dahil sa suot nitong salamin at itim na facemask. Sumunod naman ang dalawang malaking lalaking nakaitim na suit sa kanya.
"Hoy!" Binulsa ko ang cellphone at mabilis s'yang sinundan. "Bastos!" Pinikot ko ang tenga n'ya.
"F*ck!" mura n'ya dahil sa ginawa ko. "Let me go, lady, or else- f*ck!" Hinigpitan ko ang pagpikot sa tenga n'ya.
"Aba! Pinagbabantaan mo pa ako ah..." Hinila ko ang taenga n'ya kaya wala s'yang nagawa kundi ang sumunod sa 'kin.
Umaktong susugod ang dalawang lalaki sa 'kin ngunit tiningnan ko sila pareho nang masama.
"Sige... subukan n'yo at mapipigtas 'tong taenga ng alaga n'yo," banta ko nang hindi inaalis ang matalim na tingin sa kanila.
"Don't you dare move," he warned his men.
Nagtinginan ang dalawa at nanatili sa kanilang puwesto. Hinila ko s'ya pabalik sa mga gamit ko. Pinagtitinginan na kami at pinag-uusapan ng mga tao pero wala akong pakialam.
"Ibalik mo nang maayos ang mga gamit ko sa loob ng kahon," utos ko nang hindi binibitawan ang tenga n'ya.
Yumuko siya para damputin ang mga gamit ko at maingat na nilagay sa kahon ang mga ito.
"Engr. Anastasia Veda Sullivan," bigkas n'ya sa buo kong pangalan. Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa paraan niya ng pagbigkas. It was unusual with a hint of amusement.
Lumaki ako mga mata ko sa narinig. "Kilala mo ako?"
Madali n'yang iwinaksi ang kamay ko kahit na may kahigpitan ang pagkakahawak ko sa tenga n'ya. Napakagat ako sa ilalim na labi nang mapansin ang pamumula ng tenga n'ya.
Tumuwid s'ya ng pagkakatayo at pinakita sa 'kin ang employee ID ko. Hinablot ko ito pero mabilis n'yang naiwas.
"Engr. Anastasia Veda Monteverde sounds better," aniya sabay tanggal ng suot na salamin at facemask. Mabilis na lumapit ang isa sa mga lalaking nakaitim at kinuha sa kanya ang salamin at facemask.
"S'ya ang nag-iisang taga pagmana ng Monteverde 'di ba?"
"Ang guwapo!"
"Naku lagot ka ngayon babae..."
He's quite popular especially among the ladies pero 'di ko s'ya kilala. Though familiar ang Monteverde.
Pinulot n'ya ang kahon at binigay sa 'kin bago umalis sa harapan ko.
"I won't say sorry. I already gave your things back appropriately." Hindi n'ya inaalis ang tingin sa 'kin.
Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako. Kung makatitig s'ya sa 'kin ay daig pa n'ya ang fiance ko. Uminit bigla ang magkabilang pisnge ko sa naisip. Napatingin ako sa kanya nang mahina siyang tumawa.
"Xeonne, Huebert Sullivan is waiting for you," paalala ng isa sa mga guwardya niya.
Tumango s'ya saka tinungo ang entrada ng gusali.
"Hoy! Ang ID ko!" sigaw ko sabay padyak ng paa.
Lumingon s'ya at nginisihan ako. "I'll keep this one, Engr. Monteverde." Sinuot niya ang ID ko bago tuluyang pumasok ng gusali.
Napabuntong hininga ako at hinayaan na lang siya. Hindi ko naman na kailangan ang ID na 'yon dahil kusa na akong umalis sa kompanyang pagmamay-ari ng pamilya namin.
Tinawagan ko ulit si Zander, fiance ko, pero hindi pa rin nito sinasagot ang mga tawag ko. Wala akong nagawa kundi ang pumara ng taxi. Habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalye ay napadpad ako kay Google. I searched Xeonne Monteverde. I immediately look for his information and didn't bother to look at his picture. He is the only heir of the Monteverde's the wealthiest family in the city, CEO of Mont de Corp., and a billionaire.
No wonder he's popular. Nagkibit-balikat na lamang ako at tinuon ang tingin sa labas.
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.