Get the APP hot
Home / LGBT+ / Will You Love Me?
Will You Love Me?

Will You Love Me?

5.0
52 Chapters
132 View
Read Now

About

Contents

Anong gagawin mo kong isang araw ay bumalik ang isang dating kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita? Sa halip kasi na matuwa ay mas lalo pang nagalit si Kenan Rey Santos matapos makita sa harap ng bahay niya ang bestfriend na si Caleb Roy Tan. Dalawang taon niya itong hindi nakita matapos biglang umalis papunta sa ibang bansa. Sa anong dahilan? Nang sinadiya nitong sirain ang pangarap niya. Na mapasali sa basketball team ng school na siyang daan para makapasok sa gustong University. At sirain ang relasiyon na meron sila ng babaeng matagal na niyang gusto at nililigawan. Sa muling pagbabalik nito sa buhay niya. Ano kaya ang gagawin pa nito para lang muling sirain ang maayos at masaya niyang college life.

Chapter 1 Uno

KUMURAP ako nang medyo nanlalabo na ang paningin. Mukhang tinamaan na yata ako ng alak na iniinom kaya nilapag ko na ang hawak na baso sa table. Kumportable akong sumandal sa kinauupuan habang pumapadyak ang paa dahil sa naririnig na music. Sa ganda at sobrang sikat ngayon ng pinapatugtog ay nagsisitayuan na ang ibang bisita para sumayaw. Ang bongga ng birthday celebration na ito, sobra akong nag-i-enjoy.

"Ayos ka lang?" bulong ng katabi. Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ang hininga niya sa tenga ko. Bigla agad akong kinilabutan.

Hindi na ako sumagot at nag-thumbs-up na lang saka kinuha ang baso na may lamang alak.

"Oy, tama na 'yan. Lasing ka na," ang pigil niya sabay kuha ng baso.

Nairita ako nang ilayo niya pa para hindi ko makuha. "Hindi pa 'ko lasing! Nakikita ko pa nga nang malinaw ang mukha mo."

"Ang mas mabuti pa ay iuuwi na kita sa inyo." Sabay hawak sa braso ko para itayo.

"Nag-i-enjoy pa 'ko Felipe!" Nakipaghilahan pa ako sa kanya dahil gusto ko pang mag-stay.

"Ilang beses ko bang sasabihing 'wag mo 'kong tatawagin ng gan'yan. Ang bantot-bantot na nga ng Felix, mas lalo mo pang pinapabantot!"

Bigla ko siyang tinuro sa mukha. "Isusumbong kita sa Tatay mo." Ito kasi ang dapat niyang pangalan. Ang ama niya mismo ang nag-isip kaso hindi natuloy at sa huli ay naging Felix pero patuloy pa rin naman siyang tinatawag sa ganoong pangalan kapag nasa loob ng pamamahay nila. Kumbaga ay nickname niya ito pero ayaw na ayaw namang tinatawag ko siya sa ganoon.

"Lagi mo naman 'yang sinasabi." Pagkatapos ay hinila ako papunta sa gate. Hindi na lang ako nagpumiglas, kakapagod. Pero mayamaya ay bigla siyang nahinto, iyon pala ay may lumapit sa amin.

"Aalis na kayo?" ang tanong ng pamilyar na boses.

"Oo, mukhang lasing na kasi 'tong si Kenan," sagot ni Felix. Nasa kanya ang tingin ko kasi nakaharang siya kaya nang bahagya siyang tumabi ay tuluyan ko ng nakilala ang kausap niya.

Walang sabi-sabi ay lumapit ako. "Oy, Marlon. Sobrang thank you sa pag-invite sa 'min dito sa birthday party mo, nag-enjoy ako, sobra."

"Salamat din at nakapunta kayo pero 'wag muna kayong umalis. Nag-uumpisa pa lang ang kasiyahan, e."

Tinuro ko naman si Felix. "Gusto na akong iuwi, e." Ngumisi pa ko na parang binibigyan ng ibang kahulugan ang sinabi.

"Sira ka talaga," ang komento ni Marlon. "Dinudumihan mo utak ko." Pero nakikingisi rin sa akin.

"Matagal na 'yang madumi kaya 'wag ako."

"Tara na," singit naman ni Felix. "Sige, Marlon. Aalis na kami, baka bigla na lang 'tong sumuka ng kamanyakan."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Sinong manyak? Ikaw lang kaya 'yun," pagkatapos ay niyakap ang sarili na parang kino-comfort. "Ang linis-linis ko kaya," sinadya ko pang magboses nakakaawa.

"Oo na," ani Felix pero halata ang sarcasm. Inakbayan niya ako sabay hila palabas ng bahay.

Sayang, gusto ko pa sanang mag-stay at baka bihira na lang kami magkita. Sa ibang University kasi ito papasok pati ang iba kaya paniguradong hindi na madalas magkikita ang buong barkada. Tanging ako at si Felix lang ang papasok sa same University.

"Kaya mo pa?" ang tanong niya nang makasakay na sa motor. "Yumakap ka para hindi ka mahulog."

"Kaya ko, hindi naman ako lasing na lasing." Pero sinunod ko na lang ang sinabi niya matapos masuot ang helmet.

Mabilis niyang pinatakbo ang motor kaya mas lalo kong hinigpitan ang kapit. "Bagalan mo naman!" ang sigaw ko dahil sa lakas ng hangin na sumasalubong idagdag pa ang ingay sa makina ng motor. Buti na lang talaga at may suot akong helmet kundi ay baka hindi lang tenga ko ang nasasaktan kung hindi ay pati na rin ang mukha. Tapos nahihilo pa ako sa bilis niyang magpatakbo.

"Uwing-uwi na kasi ako!" sigaw niya pabalik para magkarinigan kami.

Hindi na lang ako nagreklamo at sa halip ay pumikit. Nakakadagdag ng hilo ang ilaw ng mga bahay na nadadaanan namin. Saka ko lang minulat ang mata nang hininto na niya ang motor. Nasa may kanto kami kung saan ay isang bahay na lang ang layo sa mismong bahay ko. Ni hindi ko man lang napansin na nandito na kami sa subdivision sa bilis niyang magpatakbo. Kulang na lang isipin ko ay lumipad kami pauwi.

"Nandito na tayo sa inyo," aniya kaya bumaba na ako sabay sauli ng helmet.

"Salamat, sa paghatid."

Tumango lang siya at saka na humarurot palayo. Nang mawala na sa paningin ay saka lang ako tumalikod para umuwi. Mukhang nawala ang tama ng alak dahil sa pagpapatakbo niya.

Bago tuluyang makauwi ay may madadaanan muna akong isang malaking bahay. Madalas akong tumitingin dito kapag pauwi na, kumbaga ay daily routine ko na ito. Sa parteng ito lang din ang may ilaw ng poste dahil nasira noong nakaraang araw ang ilaw sa side namin pero ayos lang dahil maaaninag pa naman ang gate namin.

Bubuksan ko na sana ang gate nang mapahinto. May napansin kasi akong parang anino sa may gilid na nakasandal pa sa pader ng gate. Mabilis akong napaatras sa gulat at muntik pang mapasigaw sa pag-aakalang maligno na ang nakita kung hindi lang ito nagsalita, "Ba't ngayon ka lang?"

Umatras ako at hinanda ang sarili kung sakaling masamang tao ang kaharap.

"Sino ka? Anong kailangan mo?"

"Past ten na pero ngayon ka pa lang uuwi at lasing ka pa."

Pilit kong inaaninag kung sino ba itong tao na kumakausap sa akin. Isama pa na parang pamilyar ang boses.

"Sino ka ba?!" ang singhal ko na malapit nang tumakbo papasok sa bahay.

Bigla itong gumalaw at unti-unting naglakad papunta sa poste ng ilaw at doon ay tuluyan ko itong nakilala. Ang buhok niyang ni minsan ay hindi ko nakitang nagulo. Ang ilong niya na noon ko pa kinaiinggitan dahil sa sobrang tangos. At ang mga mata niya na daan-daang babae ang nabibihag dahil sa ganda at kayumanggi nitong kulay.

Sa isang iglap ay biglang sumikip ang dibdib ko kasabay ng isang emosiyon na matagal ko ng hindi naipapakita. "Anong ginagawa mo rito?!" Nagngingitngit ang ngipin ko dahil sa galit.

"Hinihintay ka?" sarkastikong sagot niya.

Hinihintay ako?! At bakit?! Nakalimutan na ba niya ang kasalanan sa akin?!

Lumapit siya at tinabig ko nang malakas ang kamay niyang akmang hahawak sa balikat ko. "'Wag mo 'kong hahawakan!"

"Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin? Ang tagal na no'n, 2 years ago na."

Nagtagis ang bagang ko sa narinig. "Kahit ilang libong taon pa ang dumaan ay hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa 'kin!"

"How many times should I say sorry to hear your forgiveness?"

"Walang katumbas na sorry ang ginawa mo!" mahina pero ramdam ang galit sa boses ko.

"Alam mo, kulang na lang isipin ko na nag-iinarte-"

Sa isang iglap ay kinuwelyuhan ko siya. "Tang*na mo!" malutong kong mura sa pagmumukha niya.

Ang kalmado niyang mukha ay biglang nagdilim. "Kailan ka pa natutong magmura?"

"Wala kang pakialam!" Sabay tulak sa kanya. Tumalikod ako para pumasok sa gate pero mabilis niya akong hinila at isinandal sa may pader. Napadaing pa ako nang tumama ang likod ko rito.

"Hindi pa tayo tapos," aniya habang iniipit ako sa pader gamit ang lakas niya. "Tapos lasing ka pa."

"Hindi ako lasing!" Kahit anong pagpupumiglas ay hindi ko magawang makawala. Kailan pa siya naging ganito kalakas?

Napasinghap ako nang ilapit niya bigla ang mukha at saka ako inamoy-amoy malapit sa labi. Mayamaya pa ay mabilis na tinakpan ang ilong. "Amoy alak ka, kaya lasing ka nga."

"Umalis ka na nga sa harap ko!" ang sigaw sabay tulak nang malakas. "Ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit na kailan!"

"Dahil lang ba do'n kaya kung pagtabuyan mo-"

"Dahil lang 'do'n'?!" ang pag-uulit ko sa sinabi niya. "Alam mong gustong-gusto kong maging member dati ng team dahil 'yon lang ang tanging paraan para makapasok sa varsity team at sa pangarap kong University. Pero anong ginawa mo? Sinadya mong hindi ako makapaglaro sa try-out," dinuro-duro ko ang di*dib niya. "Sa tingin mo 'yun lang ang ginawa mo sa 'kin, ha? Matatanggap ko pa sana kung 'yun lang pero ano?! Pati ang babaeng gustong-gusto ko, inagaw mo."

"Bakit, gusto mo pa rin ba siya hanggang ngayon? Hindi na 'di ba? Kaya ba't ka nagagalit?"

Kumuyom ang kamao ko sa sobrang pagpipigil na masuntok siya sa mukha. "Oo, tama ka, wala na 'kong feelings sa kanya. At matagal ko ng g-in-ive up ang pangarap na University."

Pero hindi naman iyon ang ikinagagalit ko. Ang ikinasasama ng loob ko ay ang ginawa niya... nang niloko niya ako at pinagmukhang tanga. Hindi ako nakapag-try out noon dahil inuna ko siya at ipinagpalit ang pangarap ko pero ano?! Malalaman ko na lang na sinadya niya palang magkasakit ng araw na iyon?!

At kaya pala ako binasted ng babaeng nililigawan ko ay dahil inaagaw na pala niya mula sa akin. Pero anong ginawa niya? Nagkunwari siyang walang alam at nakuha pa akong i-comfort.

Mariin akong pumikit para pigilan ang namumuong luha sa mata. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naiisip ang mga ginawa niya sa akin ay nagkakaganito ako. Nagiging emosiyonal at sobrang nagagalit. Gustong-gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa.

Nang magmulat ay wala nang bakas ng kahit kaunting luha ang mga mata. "Uuwi na ko."

"Kailan mo 'ko patatawarin?"

Nahinto ako sa may gate pero hindi na siya nilingon. "Bakit, humingi ka ba ng sorry? Sa pagkakatanda ko kasi... wala kang ginawa. Basta ka na lang umalis."

Tama, bigla kang nawala, umalis ng walang sinabi at nag-aral sa ibang bansa. Ikaw ang may atraso pero bakit pakiramdam ko ay ako ang naghirap ng mga panahong iyon?

"Sorry."

"Two years late na 'yang sorry mo."

"It's better than late."

"Hindi pa rin kita mapapatawad."

"Hanggang kailan ka ganito sa 'kin?"

Napalunok ako at sinabi ang mga salitang dapat niyang marinig, "Hangga't hindi ko na naaalala ang kasalanan mo sa 'kin."

"Para mo na rin sinabing imposible."

"Exactly, kaya 'wag ka ng umasa."

"Pero, Kenan... miss na kita. Hindi ko kayang ganito na lang tayo habang-buhay."

Hindi ko alam kung bakit nang sabihin niya iyon ay parang may kung anong kumirot sa di*dib ko at nahirapang huminga nang maayos.

"Alam mong ikaw lang ang meron ako, kapag nahihirapan ako na makisalamuha sa ibang tao. Ikaw lang ang nakakaintindi sa 'kin. Lagi kang nasa tabi ko ano mang oras. Hindi ba pwedeng bumalik na lang tayo sa dati?"

Tumingala ako sa langit at saka napabuntong-hininga. Pagkatapos ay nilingon ko siya sabay iling. "Hindi mo na maibabalik pa ang 'dati', bestfriend." Matapos ay tuluyan nang pumasok at sinara ang gate. Tuloy-tuloy lang ako kahit ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko.

Ako lang ang meron siya? Kalokohan.

Kung ako lang talaga, hindi niya ako tatraydurin ng ganito. Sinira niya ang tiwala ko. Lagi akong nasa tabi niya ano mang oras?

Oo, tama siya. Pero noon iyon at hindi na ngayon.

Pagpasok sa kwarto ay nahiga agad ako sa kama. Matutulog na lang ako nang-!

Bigla akong napadilat nang makarinig nang mahinang kaluskos pero agad ring nawala. Naghintay ako nang ilang sandali at muling narinig ang kaluskos.

Bumangon ako nang matiyak na nagmumula ang ingay sa labas ng bintana. Dahan-dahan ay inalis ko ang nakatabing na kurtina pero wala naman akong nakita, kundi ang bahagi lang ng bahay nila Caleb.

Bibitawan ko na sana ang kurtina nang biglang sumulpot si Caleb. Nahigit ko ang hininga dahil sa gulat.

"Buksan mo naman 'tong bintana," aniya sabay turo sa lock ng bintana sa may gilid.

Muli kong tinabing ang kurtina at bumalik sa kama nang mag-umpisa siyang tawagin ang pangalan ko.

"Ano ba?! Magigising mo sila Mama." Nang balikan ko siya sa bintana.

"Papasukin mo muna ako, please?"

Tinaas ko ang middle-finger. "Asa ka."

"Tita!" sigaw niya bigla kaya mabilis pa sa alas-kuwatro kong binuksan ang bintana at hinila ang ulo niya para takpa ang bibig.

"Papapasukin kita kung hindi ka mag-iingay."

Tinaas niya ang kamay habang naka-'okay' sign at saka ko lang siya binitawan. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa kama at mabilis na hinampas sa kanya ang unan nang akmang uupo sa kama. "Sinabi ko bang tumabi ka sa 'kin dito?"

Dahan-dahan naman siyang umalis sa kama. "Dito na lang ako sa sahig," at naupo nga pagkatapos ay niyakap ang sarili. "Ang lamig-lamig naman dito, giniginaw ako."

"Sira, summer pero nilalamig ka?"

"D'yan na lang kasi ako sa kama."

"Subukan mo," nakahanda na agad ang unan ko para tumama sa kanya. Binalik ko naman sa ayos ang unan habang nakaturo sa kanya nang hindi na siya nagtangka. "Maramdaman ko lang na gumalaw 'tong kama, humanda ka talaga," ang banta ko at nahiga na. Tumalikod ako sa direksiyon niya.

"Sweet dreams, Kenan."

Huli kong narinig bago tuluyang nakatulog.

***<[°o°]>***

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 52 Epílogo   07-30 07:38
img
1 Chapter 1 Uno
13/04/2022
2 Chapter 2 Dos
13/04/2022
3 Chapter 3 Tres
13/04/2022
4 Chapter 4 Cuatro
13/04/2022
5 Chapter 5 Cinco
13/04/2022
6 Chapter 6 Seis
13/04/2022
7 Chapter 7 Siete
13/04/2022
8 Chapter 8 Ocho
13/04/2022
9 Chapter 9 Nueve
13/04/2022
10 Chapter 10 Diez
13/04/2022
11 Chapter 11 Once
13/04/2022
12 Chapter 12 Doce
13/04/2022
13 Chapter 13 Trece
13/04/2022
14 Chapter 14 Catorce
13/04/2022
15 Chapter 15 Quince
15/04/2022
18 Chapter 18 Dieciocho
15/04/2022
19 Chapter 19 Diecinueve
15/04/2022
20 Chapter 20 Veinte
15/04/2022
21 Chapter 21 Veintiuno
15/04/2022
22 Chapter 22 Veintidós
15/04/2022
23 Chapter 23 Veintitrés
15/04/2022
25 Chapter 25 Veinticinco
15/04/2022
26 Chapter 26 Veintiséis
15/04/2022
27 Chapter 27 Veintisiete
08/05/2022
28 Chapter 28 Veintiocho
30/07/2022
29 Chapter 29 Veintinueve
30/07/2022
30 Chapter 30 Treinta
30/07/2022
40 Chapter 40 Cuarenta
30/07/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY