BLURB: Hindi lahat ng sakit, kayang tiisin. Hindi lahat ng pagsubok, kayang pagdaanan. Hindi lahat ng pag-ibig, puwedeng ipaglaban. Kagaya sa buhay, hindi lahat, nagtatagal. May mauuna, may mahuhuli. Pero, laging tatandaan na ang buhay ay parang isang karera. Nakikipag-sabayan ka man sa mga kalahok, pero hindi kayo pare-parehas ng layunin. Kagaya kay Anton at Crisanta, nadapa man sila sa umpisa. Pero, hindi nila pinagsisihan iyong pagka-dapa sa pagkakamali na iyon. Dahil, ito ang nagsilbing aral sa kanila. At ito rin ang nagbigay ng dahilan, para ipagpatuloy nila ang kanilang mga nasimulan.
MC PROLOGUE
"Uhmm, sige pa!" Bawat pag-ulos ng sandata niya ay napapa-ungol ako. Kahit na, wala akong maramdaman bukod sa sakit na nasa pagitan ng hita ko.
Ka-siping ko ngayon ang First Boyfriend ko, na si Renson. Ito ang First time namin mag-Sex. Hindi nga namin halos alam ang gagawin, mabuti na lang ay nasasarapan ako kahit papaano, sa ginagawa niya.
"F*ck! oooh! aahh!" rinig kong ungol ni Renson. Napangiti ako, dahil alam kong nasa-satisfy siya sa ginagawa namin. Ito lang naman kasi ang hiling ko. Gusto ko sumaya ang taong mahal ko, sa aking piling.
Pumikit ako nang mariin, nararamdaman ko ang paghihigpit ng kaselanan ko. Napamulat din ako agad, nang maramdaman ang kaniyang halik sa aking noo.
Ngumiti kami sa isa't isa ni Renson. Pero napawi iyon, nang bigla niya hinugot ang kaniyang ari sa akin.
"Lalabasan ka na?" gulat na tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya, at pumunta sa banyo na nasa gilid lang ng higaan ko.
'Bakit ang bilis?'
Kinuha ko na ang panty ko, para suotin dahil nahihiya ako na makita niya ang ari ko.
'Seriously, santa?'
Ngayon mo lang na-realize iyan, Pagkatapos may mangyari sa inyo. Napabuntong hininga ako at saka tumayo, para mag-ayos. Wala dapat ako pagsisihan sa nangyari sa amin, dahil totoong ginusto ko rin ito.
Wala pa kaming isang buwan na magka-relasyon ni Renson. Pero nai-bigay ko na sa kaniya ang aking sarili.
"Mag-bihis ka na, para makauwi ka na sa tanay." Sambit ni Renson.
Oo nga pala, last day na ngayon ng December at mamayang hating gabi, sasapit na ang bagong taon. Masaya ako, dahil makakasama ko si Renson sa pagsapit ng bagong taon. Hindi pa ako nakakakilos, kaya naman si Renson na ang dumampot ng short ko, para i-suot sa akin.
"Ang bagal kumilos," reklamo ni Renson. Tumawa ako nang pagak sa kaniya at sinamaan naman niya ako nang tingin.
"Sorry po ha? Masakit pa kasi e," sabi ko.
Nabahala naman ang kaniyang mukha, nang makitang umigik ako sa sakit. Tinulungan niya ako sa pagaayos ng mga dadalhin ko sa tanay.
Doon kasi kami magce-celebrate ng bagong taon. Kung dati, sa Pineda lang kami nag ce-celebrate. Ngunit, na-demolish ang dating tinitirhan nila Tita sa Pasig. Nalipat sila sa Tanay, at ito ang pangalawang taon na magce-celebrate kami roon. Binigyan nila kami ng papeles, para may chance na magkaroon din kami ng bahay roon. At under processing pa lang ito.
"Tara na!" aya sa akin ni Renson. Ni-lock ko muna ang pintuan ng bahay at siniguradong naka-patay ang fouse ng kuryente.
"Okay na?" tanong pa ulit ni Renson. Tumango ako, atsaka kami naglakad palabas ng Compound na inuupahan namin sa Makati.
Ramdam ko ang tinginan ng mga kapit-bahay namin, sa akin at sa kasama ko. Gusto ko mabahala, pero hinawakan ni Renson ang kamay ko kaya kumalma ang naghu-hurimentado kong puso sa kaba. Napansin niya siguro ang hindi mapakaling ayos ko.
Hindi kasi alam ng papa ko ang tungkol dito. Nauna sila sa tanay, at hindi na nila ako hinintay dahil alam naman nilang susunod ako. Tinapos ko muna kasi ang trabaho ko sa Kapitolyo, para makuha ang sahod ko para sa buwan ng Disyembre.
"Magpapaka-bait ka roon ah?" napangiti ako sa bilin ni Renson.
"Ikaw rin ah? Huwag ka masyadong magli-ligalig doon sa pasay. Baka matamaan ka ng ligaw na bala," bilin ko rin sa kaniya. Tumawa siya nang mahina at niyakap ako papalapit sa kaniya.
'Ang sweet niya talaga!'
Habang nakasakay kami ng jeep ni Renson. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa puso ko. Tumingin ako kay Renson, na diretso lang ang tingin sa labas.
'Para saan ba itong nararamdaman kong kaba?'
"Ingat ka pauwi," paalam sa akin ni Renson. Saka niya ako hinalikan sa labi. Sumakay na ako sa train, papuntang Edsa Shaw. Naroon kasi ang sakayan, nang papuntang pa-Tanay.
To Babe: Nakasakay na po ako ng van.
Chat ko kay Renson at pinindot ang Send. Naghintay ako nang sandali sa Reply niya, pero umasa lang ako hanggang sa i-seen niya ito. Pinatay ko na lang ang phone ko, at hinayaan tangayin ng antok ang sarili ko. Pagising-gising rin ako dahil sa Van na humihinto, tuwing may sasakay at bababa.
Nasa bandang teresa na kami at pinilit kong huwag masuka, kahit na ramdam ko na sa lalamunan ang pagbabaliktad ng sikmura ko. Paliko-liko kasi ang daanan dito, hindi pa ako sanay sa mga mahahabang biyahe.
"Ayos ka lang?" tanong ng katabi ko. Naka all black Outfit siya at naka facemask, hindi ko siya kilala at parang ngayon ko lang nakita ang kaniyang mukha. Tumango ako at umayos ng upo.
Hindi naman na ako pinansin ng lalaki, tumingin ito sa labas ng bintana at pinagmasdan ang madilim na tanawin. Siya kasi ang nasa tabi ng bintana, habang pinaggi-gitnaan nila ako ng isa pang pasahero na babae. Maya-maya ay nakatulog ulit ako at nagising lang, nang maramdaman na may nag-ayos ng ulo ko. Pagdilat ko ng mata ko ay nahiya ako sa posisyon ko.
'Naka-sandal ako sa balikat ng lalaki habang tulog!' Nakakahiya!
"Hala, Sorry po!" paghingi ko ng pasensya. Tumango lang naman ang lalaki, at nagayos na ng kaniyang gamit. Saka ko lang napansin na tatlo na lang kaming pasahero.
Dalawa kami nitong katabi ko, at isa sa harapan katabi ng Driver. Umurong ako nang kaunti, para naman hindi na masyado nakakahiya sa kaniya. Nasa bayan na pala kami ng Tanay at i-didiretso na lang sa babaan doon sa terminal.
Pagkababa namin sa paradahan ng Tricycle ay nakaramdam ako nang panghihinayang, dahil wala na ang lalaking nakasabay ko kanina sa byahe. Umiling ako, pero iyong hindi mapapansin ng ibang tao.
'Bakit kailangan ko manghinayang? May boyfriend ka Crisanta! Mag-tigil ka!'
"Oh Waray! Waray! Isa na lang," rinig kong tawag ng Driver. Pumunta ako rito para sumakay. Umusog ang katabi ko sa likod, hindi ko naman ito pinansin at umupo na lang sa gitna ng pasahero at ng Driver.
"Saan ka ineng?" Tanong ng Driver.
"Block 8 po," sagot ko rito. Sunod naman niyang tinanong ang katabi ko sa likod, na siyang nasa dulong parte nitong upuan.
"Block 9 kuya, katapat ng Block 8," naramdaman ko ang paningin ng lalaking sumagot sa akin. Tumingin ako sa harapan, para makita ko siya sa Peripheral view ko.
At tama nga ang pakiramdam kong nakatingin siya sa akin. Napakapit ako nang mahigpit sa hawakan, dahil mabilis ang pagharurot ng Tricycle. Hindi ako mapakali, bukod sa titig na naka-direkta sa akin ay, hindi ako sanay na mabilis ang pagharurot ng Tricycle.
"Ayos ka lang?" nanlambot ang braso kong nakahawak sa bakal, nang marinig ko ang boses na iyon. Ulit....
"Humawak ka nang mahigpit," bulong nito sa mismong tainga ko. Tumaas ang buong balahibo ko, at tuluyan ko na nga nabitawan ang hawak ko sa bakal.
"Tsk!" asik niya. Mabuti at hindi ako nahulog, dahil sa pagkakabitaw ko sa bakal. At saka ko lang napansin ang kamay niya ay, nakapulupot na sa bewang ko. Tumingala ako sa kaniya at ganoon na lang ang gulat ko, dahil tama ang hinala ko.
'Siya iyong lalaki na nakatabi ko sa Van!'
Ilang beses ako lumunok, habang nasa byahe. Hindi ko siya pinapansin o kahit na tignan lang ng kaunti. Pero ramdam na ramdam ko pa rin, ang pagkatitig niya sa akin.
"Block 8, Block 9!" sigaw ng Driver. Pagkahinto nang Tricycle sa mismong tapat ng bahay. Nagbayad lang ako at saka tumalikod na.
'Letse! Kapit-bahay ko pa yata ang lalaki!'
Ayoko malaman, kung saan nakatira ang lalaking nakasabay ko kanina. Iba ang pakiramdam ko sa tuwing magkadikit kami. At hindi pwedeng maaari iyon. For sure, Renson will get hurt if he knows about this. I should forget this feeling, I should buried this! This can't be! But, What is the meaning of this feeling?
"PA!" tawag ko kay Papa. Sinalubong ko ito ng yakap. At saka ko binigay, ang kalahati ng pinagsahuran ko.
"Mabuti naman ligtas kang nakauwi," ngiting sabi ni Papa. At saka ginulo ang buhok ko na dahilan, kung bakit napasimangot ako. Binati ko lang sila Tita at Tito, at saka ako lumabas ng bahay.
Tumingin ako sa orasan at isang oras na lang pala, bago sumapit ang bagong taon. Sinubukan ko tawagan si Renson, at cannot be reached ang numero nito. Napaisip ako kung bakit?
Inalis ko ang Bad vibes sa isipan ko, at pinalitan na lang ng isang ngiti sa labi ko.
Nakita ko ang pinsan ko na si Kuya Oscar. Kumakaway sa akin ito, parang pinapalapit ako sa pwesto nila. Narito kasi ako sa kabilang Highway at sumasagap ng Signal.
"Papunta na ako riyan!" sigaw ko kila kuya Oscar. Akmang hahakbang na ako papunta sa kabilang kalye, nang mapahiyaw ako sa bumuhat ng buong katawan ko sa ere.
Nakapikit pa ako at matindi ang kapit sa braso, nang humahawak sa akin. Napadilat lang ako, nang muli kong marinig ang parehas na boses at tanong.
"Ayos ka lang?" napatingala ako sa may-ari ng boses. Wala na siyang facemask, at kitang kita ko na ang buo ng kaniyang mukha.
Malinis, walang kahit isang pimples.
Napalunok ako, at umalis sa pagkakahawak niya sa bewang ko. Tumayo siya nang nakatindig, at mahinang tumikhim. Umiwas siya ng tingin, kinuha ko naman iyon na pagkakataon, para makaalis sa tabi niya at pumunta na sa pwesto nila tita.
"Mag-iingat ka nga sa mga kilos mo! Huwag ka na lumayo malapit na magsimula ang pailaw sa taas," bili ni tita.
Tumango na lang ako at sumunod sa sinabi niya. Umilaw ang Cellphone ko at nakitang tumatawag doon, si Renson. Ngumiti ako at nagmadaling sagutin ang tawag.
"Hello?" unang bati ko.
"Happy New Year!" sigaw niya sa kabilang linya. Ramdam ko ang kasiyahan niya at ganoon din ako kasaya para sa sarili ko.
Simula nang mamatay si Mama, hindi na ako nakaramdam pa na kahit anong saya sa tuwing sasapit ang bagong taon. Ngayon na lang ulit, and it's because of Renson. I should be thankful, that he was there for me.
"I love you, Jane." rinig kong sabi ni Renson. Ngumiti ako at napatitig sa harapan. I'm sure that he's smilling right now.
"I love you too," I answered. Pero ang tingin ko ay napako sa lalaking nakatayo, sa hindi kalayuang pwesto.
Kinabukasan, naunang umuwi sila Papa sa bahay roon sa Makati.
Naiwan ako kila Tita dahil gusto ko pa maggala sa Tanay.
"So mamaya paguwi ko, hintayin mo ako sa Guadalupe." bilin ko kay Renson na katawagan ko.
"Crisanta, kumain kana." masungit na utos ni Tita sa akin.
Pababa ako ng hagdan, nang maabutan ko sila kuya Oscar at si Lionel. At iyong lalaking kasabay ko kahapon sa Van! Napapailing na lang ako, nang muli ko nanaman siya makita. Kailangan ko na yatang tanggapin, na magiging kapit-bahay namin sila.
"Happy New Year!" bati sa akin ni Lionel. Ang kababata ko, na hindi ko naman masyadong Close.
"Happy New Year din!" bati ko pabalik. Napatingin ako sa maliit na lamesang nasa gitna nila. May isang pitsel dito at isang gin bilog.
Kumunot ang noo ko, nang tuloy-tuloy lang sa paglagok ang lalaking nakasama ko sa Van.
"Ang aga-aga niyo uminom," sita ko sa kanila.
"Huwag kang makikisali," natigilan ako nang may magsalita sa kabilang linya. Naka-kunekta pa pala sa kabilang linya ang tawag. Napangiti ako at saka nag-focus ang atensyon sa katawag. Pero may kumalabit sa akin at tinignan ko ito.
"Bakit?" tanong ko kay Lionel.
"Ako kakausap diyan sa Jowa mo. Kumain ka muna" sambit niya.
Sinabi ko naman kay Renson ang nais ni Lionel. Binigay ko kay Lionel ang cellphone ko, at siya na ang bahala kumausap kay Renson. May tiwala naman ako kay Renson, dahil Extrovert ang ugali niya. Kasalungat sa ugali kong Introvert. Panigurado ay makakasundo niya agad si Lionel.
"Kamusta yung pagkain? masarap ba?" tanong nang nakasabay ko sa Byahe kagabi. Tinignan ko siya at tango lang ang sinagot ko. Tumabi siya sa akin dito sa lamesa, habang si Lionel ay nasa tapat ni Kuya Oscar.
Kumakain kasi ako ng kanin, na may ulam na Caldereta. Galing daw ito, sa kapit-bahay sabi ni Tita.
"Ako ang nagluto niyan," mahihimigan ang pagmamalaki sa boses niya. Nilunok ko ang nasa loob ng bunganga ko, at saka kumuha ng tubig para malunok ang nabara sa lalamunan ko.
"Oy, Anton! May Jowa yan," pagbabantang sabi ni Lionel at saka binigay sa akin ang Cellphone ko.
Natawa ako sa sinabi niya at pinagpatuloy na ang pagkain.
Tinanong ako ni Tita, kung sasabay na raw ba ako umuwi sa kanila. Sinabi kong sasabay na ako sa kanila, pero natigilan ako nang makita ulit si Anton. Iyon pala ang pangalan niya.
Tapos na sila maginuman sa bahay nila Tita, at ngayon ay nasa labas na siya habang si Lionel. Hindi ko alam doon, kung nasaan siya. Pero, nakakapagtakha na hindi pa lasing itong si Anton.
Naghahanda na ako para sa byahe, nang lumapit ulit si Anton.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
Ngumiti siya sa akin, kaya naman nakita ko ang dimple niya sa kanang pisngi niya. Bubuhatin ko na sana ang bagahe ko, para ilagay sa Tricycle na naarkila ni Tita. Nang unahan niya ako sa pagbubuhat.
"Gusto mo bang Ihatid na kita sa Bayan?" mahinang tanong ni Anton. Umiling ako at ngumiti, nang malumanay sa kaniya.
"Anton, hindi magugustuhan ng boyfriend ko ang pagiging caring mo sa akin." Pag-prangka ko sa kaniya. Tumango siya at nagkamot sa batok niya. Umiwas siya ng tingin at saka umalis sa harapan ko.
Nakaramdam ako ng pagdaan ng sakit sa puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit kailangan ko maramdaman ito.
Naguguluhan ako simula kahapon, dahil sa maliit na oras na nagkasama kami ni Anton. Pero ganoon na ang epekto sa akin, nang mga kilos niya. Para akong kinikilig, para akong nagka-crush.
"Ano bang papel mo sa buhay ko?"
WARNING: R[18]: STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Dahil bawal ang kanilang pagmamahalan naisipan nina Vincent at Isla na magpakasal ng lihim upang hindi na magkalayo kailanman. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang isang insidente na kahit sa panaginip ay hindi nila inasahang pwede pa lang mangyari. Gamit ang pera nito ay binayaran ng ina ni Vincent ang ama ni Isla upang ilayo ang dalaga sa binata isang araw bago ang kanilang kasal. Gumuho ang mundo ni Isla dahil sa nangyari. Pero muli silang nagkita ni Vincent, at kahit suklam ito sa kaniya sa hindi niya malaman na kadahilanan ay sinabi sa kaniya ng binata na sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya itong pakasalan, kung hindi ay mawawala sa kaniya si Matthew, ang kanilang anak.