Get the APP hot
Home / Romance / Mapaglarong Tadhana
Mapaglarong Tadhana

Mapaglarong Tadhana

5.0
41 Chapters
1.1K View
Read Now

About

Contents

Warning: Please be advised that this story contains TRIGGER WARNINGS, and POTENTIALLY OFFENSIVE LANGUAGE, VIOLENCE, SEXUAL HARASSMENT, SENSITIVE LANGUAGE ang MATURED THEMES, that not suitable for young audiences. I'm a rape victim. Dahil doon tinalikuran ako ng mga kaibigan ko na akala ko ay tunay silang kaibigan sa'kin at ang masakit pa pati ang boyfriend ko pinagtabuyan ako at iniwan na parang isang basura. Hindi niya ako tanggap at lalo na ang anak namin dahil ang akala niya bungan iyon ng taong gumahasa sa akin.Pati ang tita ko pinalayas ako sa sarili naming bahay dahil na buntis ako. Until, Edmund Javier Montefalco save my life. Pinakain. Inalagaan. Pinatuloy sa kanyang bahay at inako ang responsibilad na hindi naman dapat siya ang gumawa. Siya ang naging sandalan ko sa mga panahon na lugmok ako at hindi niya kami pinabayaan ng anak ko. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana dahil ang taong tumulong sa akin ay siya pala ang gumahasa akin. Gusto ko siyang maparusahan sa ginawa niya, ngunit sa anong paraan?Gayong sa puntong ito natutunan ko na siyang mahalin. Makayanan ko bang ipakulong ang taong mahal ko?Ang taong sumira sa buhay ko. Maibigay ko pa ba ang hustisya para sa sarili ko kung ang taong iyon ay parte na ng buhay ko o sabayan ko na lang ang laro ng tadhana sa aming dalawa?

Chapter 1 MS1. MT

"HOY! JANICE! HINDI PORKET NAGLULUKSA KA SA PAGKAMATAY NG MGA MAGULANG MO AY HUMILATA KA LANG DYAN SA KAMA MO BUONG MAGHAPON! LUMABAS KA AT MAGLUTO NG MAY SILBI KA DITO SA BAHAY! ABA! HINDI KITA PINATIRA DITO PARA MAG FEELING PRINSESA!"

Napabangon ako sa lakas ng sigaw ni tita Fely sa labas ng silid ko, pinokpok niya pa ang pintuan ng kwarto ko ng hindi ako sumagot sa kanya. Nagmadali na inayos ko ang aking higaan at na nanakbo palabas ng silid ko.

"Agh!"

Mahinang daing ko ng marahas niyang hinila ang buhok ko at kinaladkad papuntang kusina. Pabalya niya akong binitawan sa harap ng lababo kaya napapikit ako sa sakit ng tumama ang tagiliran ko sa semento.

"Iyan ang pagtuonan mo ng pansin! Hindi ang namayapa mong magulang dahil kahit anong iyak mo hindi na sila babalik! Naintindihan mo! " Singhal niya sa akin at dinuro ako sa sintido.

"Bilisan mo dyan at hindi lang iyan ang trabahong naghihintay sayo!" Saad niya pa bago ako talikuran.

Tikom ang bibig at tahimik akong umiiyak habang sinimulang hugasan ang nakatambak na mga hugasin. Isang buwan na mula noong sabay na namatay sa car accident sina mama at papa. Pumunta sila sa University na pinapasukan ko upang sunduin ako para sabay kaming pupunta sa Sagada ngunit sa kasamaang palad nabunggo ang sasakyan nila ng isang ten wheeler truck sanhi ng pagkamatay nilang dalawa. Sinisi ko ang sarili ko. Kung sana hindi lang ako nagpumilit na pumunta ng Sagada sana buhay pa sila ngayon. Kasama ko parin sila. Kasalanan ko kung bakit sila nawala. Kasalanan ko kung bakit mag-isa lang ako ngayon.

"BILISAN MO RIYAN JANICE, MAMALENGKE KA PA!"

Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi at inayos ang sarili ng marinig ko ang sigaw ni Tita. Patakbo akong lumabas sa kusina at nanginginig na lumapit sa kanya sa sala.

"Ayan ang listahan ng bibilhin mo. Kung ano ang nakalista iyan lang ang bilhin mo. Huwag mo ng tangkain na mangupit dahil alam ko ang presyo ng lahat ng mga iyan."

"Opo, Tita. "

" Umalis kana. Bilisan mo at nagugutom na ako. "

Hindi na ako nakapagpalit ng damit at lumabas nalang ng bahay baka saktan na naman ako. Araw-araw ganito lagi ang eksina ng buhay ko mula nang tumira ako sa poder ni Tita Fely. Bunsong kapatid siya ni mama. Walang asawa at siya lang ang malapit sa amin kung kaya sa kanya ako iniwan ng mga magulang ko kahit alam ko na ayaw pala sa akin ni Tita. Wala siyang choice kundi ang kupkopin ako dahil ayon sa sulat ni mama siya lang ang pwedeng magkupkop sa akin. Kaya lang hindi ko inaasahan na ganito ang trato niya sa akin, kulang nalang ay palayasin ako sa bahay niya. Pero, ayos lang hanggat kaya titiisin ko. Hindi ko naman alam ang dahilan ni Tita kung bakit niya ako sinasaktan. Siguro dahil sa responsibilad kaya niya iyon nagawa, hindi nga siya nag-asawa para wala siyang bitbitin na responsibilidad tapos dumating pa ako sa buhay niya .

"Tita, nandito na ho ako. Ano po ang lulutoin ko?"

Hinablot niya ang pinamili ko. "Ang tagal mo! Isda at gulay lang ang pinabili ko inabot kana ng isang oras! Umalis ka nga sa harapan ko!"

Napa-atras ako ng bunggoin niya ako sa braso. Napahawak ako sa laylayan ng damit ko upang pigilan ang namumuong luha sa mata ko at lumabas ng bahay. Huwag kang umiyak Janice. Hindi ka pa ba sanay? Araw-araw ganito ang nangyayari sayo kaya dapat sanay ka na sa Tita mo. Paalala ko sa sarili. Huminga ako ng malalim at tumingala sa kalangitan. Nakataas ang kanang kamay at tinapat sa araw.

"Ma, Pa miss ko na kayo," bulong ko sa araw. "Nakikita niyo ba ako ngayon? Nakikita niyo ba ang sitwasyon ko ngayon? Sana sinama niyo nalang ako Ma,Pa kasi ang hirap po na wala kayo."

Nag-iisang anak lang ako. Si Papa nagtatrabaho sa isang bangko at si Mama sa bahay lang nag-aasikaso sa amin. Simple lang ang buhay namin dito sa Lamiangan pero masaya dahil kompleto kami. Nangako ako sa magulang ko na magtatapos ako sa koleheyo at ako naman ang magtatrabaho para sa kanila pero isang taon palang ako sa koleheyo iniwan na nila ako. Hindi nila hinintay na makatapos ako sa pag-aaral. Hindi nila ako binigyan ng pagkakataon na makabawi sa kanilang mga sakripisyo para sa akin. Nag-iisang anak na nga ako nagawa pa nila akong iwanan at kasalanan ko yon. Kasalanan ko ang lahat kung bakit sila namatay. Pinatay ko sila. Pinatay ko ang mga magulang ko.

"Besty."

Lalo akong naiyak ng makita ko si Ella, ang best friend ko. Nakatanaw sa labas ng bahay namin gaya ko umiiyak rin siya. Naging magkaibigan kami noong first year high school at hanggang ngayong college na kami. Lumapit siya sa gate at ganon rin ang ginawa ko. Hindi siya pwedeng pumasok dahil ayaw ni Tita kaya sa ganitong paraan kami nagkikita at nag-uusap.

"Don't blame your self, Janice. Hindi mo kasalanan . Kasalanan yon ng driver ng truck, " pag-aalo niya sa akin.

Umiling ako sa kanya . "Kasalanan ko Ella," humihikbi na saad ko. "Kung hindi ako nagpumilit na pumunta ng Sagada hindi sana iyon nangyari. Kasalanan ko Ella. Kaya sila namatay. "

" Please, stop blaming yourself, best. Hindi yan magugustuhan nina Tito at Tita."

Nagpapasalamat ako at naging kaibigan ko si Ella. Lagi siyang nandiyan para damayan ako. Lagi niyang sinasabi na nandyan lang siya palagi kapag kailangan ko ng tulong . Kapag malungkot ako lagi siyang nasa tabi ko upang pasayahin ako pero hindi sapat, may kulang parin.Masakit parin. Sa araw-araw na paggising ko lalong naging mahirap para sa akin ang sitwasyon. Kahit gumagaan ang pakiramdam ko kapag nariyan siya ngunit hindi nababawasan ang bigat,sakit at hirap na nararamdaman ko. Pagod na ako hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Sabay tayong pumasok sa lunes ha?"

Tumango ako bilang sagot at nagpa-alam sa kanya dahil tinatawag ako ni Tita.

"Kauting tiis pa Janice, malampasan mo rin ang lahat ng ito." Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob ng bahay.

Sa mga araw na lumipas walang pababago sa trato sa akin ni Tita naging malala pa dahil umpisa na ng klase ko. Kaunting oras lang na late pag-uwi halos ingudngod na niya ako sa galit. Ang hirap. Pero wala akong pagpipilian kundi ang magtiis. Sa kanya ako binilin ng mga magulang ko kaya pagtiisan ko hanggang sa makapagtapos ako ng koleheyo. Minsan,nagpapasalamat nalang ako kapag may lakad siya at hindi maka-uwi ng bahay dahil payapa ang buong sistema ko kapag wala siya. At kapag nasa school ako. Minsan, gusto ko ng huwag umuwi ng bahay at magdahilan nalang na may group project pero dahil si Tita iyon, hindi yon madaling maniwala. So, no choice again kundi ang umuwi sa impeyernong bahay kasama siya.

Tuwing gabi nagdadasal ako na sana kahit kaunti ay may magbago sa pakitungo sa akin ni Tita kasi pamangkin niya ako. Kapatid niya si mama pero sa tuwing makita niya ako kita ko sa dalawang mata niya ang galit. Galit na hindi ko alam kung saan nanggaling, saan nagsimula. Sa tuwing sasaktan niya ako, nanginginig siya na para bang gigil na gigil siya. Nagtataka ako. Bakit ganon si Tita sa akin? May galit ba siya sa akin. Sa pamilya ko? Kay mama? Gusto ko malaman kasi wala naman akong nakita na mabigat na rason para saktan ako ng physical. Kung ang responsibilad niya sa akin ang basehan, ang babaw naman niya hindi naman ako batang paslit na alagaan pa niya. Malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Ang gusto ko lang ngayon ang bahay na matirhan.

"JANICE!!!!"

Nagulantang ako sa pag sigaw ni Tita ng pangalan ko. Nagmadali akong bumaba kung nasaan siya at halong mangantong ang tuhod ko ng makita ang galit na mukha ni Tita. Hinanda ko ang sarili sa maaring gawin niya sa akin, napa-igik ako ng marahas niyang hablutin ang braso ko at ramdam kong bumaon ang matulis na kuko nito.

"Simpleng trabaho hindi mo pa magawa! Hindi kita pinatira dito para maging buhay prinsesa ka! Gawaing bahay na nga lang ang gagawin mo rito wala ka pang silbi!" Nanggalaiti sa galit na singhal niya sa akin.

"Sorry po Tita, inuna ko po kasi ang project ko, kailangan na kasi bukas-,"

Pabalya niya akong binitawan. Yumuko nalang ako at kinagat ang loob ng pisngi ko upang pigilan ang maiyak.

"Ayan! D'yan ka magaling sa pagrason! Mana ka sa nanay mong walang silbi!" Galit na sigaw niya sa mukha ko at dinuro ang sintido ko. "Mga wala kayong silbi!"

Bakit? Bakit niya nasabi iyon sa nanay ko? Sa namayapa kong ina? Sa kapatid niya? Bakit Tita? Ano ang dahilan?

"USER!!"

Muli niyang sigaw sa akin at tinalikuran ako. Gusto kong malaman kong saan nanggaling ang galit mo sa akin at kay Mama,Tita kahit ang kapalit non ay araw-araw mo akong sasaktan.

Note: hindi ko na ho uulitin ang warning sa bawat chapter na mayroong hindi ka aya-ayang paksa. May warning sign na ho ako.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 41 Epilogue   04-17 14:31
img
1 Chapter 1 MS1. MT
07/11/2022
2 Chapter 2 MS1. MT
07/11/2022
3 Chapter 3 MS1. MT
07/11/2022
4 Chapter 4 MS1. MT
07/11/2022
5 Chapter 5 MS1. MT
07/11/2022
6 Chapter 6 MS1. MT
07/11/2022
7 Chapter 7 MS1.
07/11/2022
8 Chapter 8 MS1. MT
07/11/2022
9 Chapter 9 MS1. MT
07/11/2022
10 Chapter 10 MS1. MT
07/11/2022
11 Chapter 11 MS1. MT
07/11/2022
12 Chapter 12 MS1. MT
07/11/2022
13 Chapter 13 MS1. MT
07/11/2022
14 Chapter 14 MS1. MT
07/11/2022
15 Chapter 15 MS1. MT
07/11/2022
16 Chapter 16 MS1. MT
07/11/2022
17 Chapter 17 MS1. MT
07/11/2022
18 Chapter 18 MS1. MT
07/11/2022
19 Chapter 19 MS1. MT
07/11/2022
20 Chapter 20 MS1. MT
07/11/2022
21 Chapter 21 MS1. MT
07/11/2022
22 Chapter 22 MS1. MT
07/11/2022
23 Chapter 23 MS1.
07/11/2022
24 Chapter 24 MS1. MT
07/11/2022
25 Chapter 25 MS1. MT
07/11/2022
26 Chapter 26 MS1. MT
07/11/2022
27 Chapter 27 MS1. MT
07/11/2022
28 Chapter 28 MS1. MT
07/11/2022
29 Chapter 29 MS1. MT
07/11/2022
30 Chapter 30 MS1. MT
07/11/2022
31 Chapter 31 MS1. MT
07/11/2022
32 Chapter 32 MS1. MT
07/11/2022
33 Chapter 33 MS1. MT
07/11/2022
34 Chapter 34 MS1. MT
07/11/2022
35 Chapter 35 MS1. MT
07/11/2022
36 Chapter 36 MS1. MT
07/11/2022
37 Chapter 37 MS1. MT
07/11/2022
38 Chapter 38 MS1. MT
07/11/2022
39 Chapter 39 MS1. MT
07/11/2022
40 Chapter 40 MS1. MT
07/11/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY