Get the APP hot
Home / Young Adult / Pretty Colors; A Girl, Triplets, And One Other Guy
Pretty Colors; A Girl, Triplets, And One Other Guy

Pretty Colors; A Girl, Triplets, And One Other Guy

5.0
99 Chapters
865 View
Read Now

About

Contents

Si Amber ay lumaki nang hindi buo ang pamilya. Bata pa lamang siya ay hindi na niya nakita ang Ama. Alam naman niyang patay na ito dahil iyon ang sinabi ng nag-iisa niyang karamay sa buhay at kinikilala niyang ina. Unang araw ng pasukan niya sa baitang labing-dalawa, saka lang nalaman ng kaniyang ina kung saan at ano ang pangalan ng paaralang papasukan niya. Sa una ay nagalit pa ito ngunit wala na rin namang nagawa kaya hinayaan na lang. Umpisa pa lang, sinabi na ng kaniyang ina na ayaw niyang mag-aral siya roon. Hindi naman niya malaman ang dahilan dahil hindi iyon sinasabi sa kaniya ng kaniyang ina. Kaya dala ng kuryosidad ay mas pinili niya pa rin na roon mag-aral. Sa paaralang iyon, may nakikilala siyang mga taong makakapagparamdam sa kaniya ng inis, galit, sakit, saya, lungkot, kilig at marami pang iba. Isa na roon ang dati niyang kaklase na hindi niya alam ay muli niyang makakasalamuha sa tagal ng panahon. Ipinangako naman niya sa kaniyang sarili habang siya ay tumatanda na hindi na niya muling ipaparanas sa kaniyang sarili ang ganoong klase ng trato sa kaniya ng taong iyon. Ipinangako niya rin sa kaniyang sarili na tutulong siya sa mga taong makakaranas ng ganoong pangyayari. May ilan din siyang inpormasyong malalaman sa paaralang papasukan niya na konektado sa kaniyang pagkatao. Ang tanong . . . Makakayanan niya kayang tanggapin ang mga ito SYPNOSIS: Si Amber escaño ay dinukot noong sanggol pa lamang ng isang babaeng nagngangalang Cynthia na sa kaniyang paglaki nga ay kaniyang kinilalang magulang. Pinalaki niya itong mabait at responsable nang may pagmamahal. Parang tunay na anak ang kaniyang turing dito. Si Cynthia Escaño ay noon pang mayroon nang anak. May asawa rin ito na nagngangalan namang Walter Garcia. Hindi naniniwala si Cynthia sa sabay na pagkamatay ng dalawa sa isang aksidente. Ang sabi ay nabangga ito ng isang malaking truck na nawalan ng control ngunit naniniwala siyang hindi iyon isang aksidente. Dumating ang araw, nalaman niyang nagkaroon ng anak sina Mabel at Fredericko na kaniya namang pinaghihinalaan. Si Fredericko ay noon niyang nobyo. Nagkahiwalay sila nang dahil nawalan na ng pag-ibig si Cynthia rito. Nagkaanak sila ni Walter na kaibigan naman ni Fredericko. Dahil naman sa selos, nagawang ipapatay ito ni Fredericko kasama ang kanilang anak na ilang araw pa lang na nasisilayan ang araw. Tumagal ang panahon, lumaki na si Amber na tunay na anak nila Fredericko at Mabel. Si Mabel ay nagkaroon ng malalang sakit na maaaring makapagtapos ng kaniyang buhay sa kahit na anong oras. Ngunit hindi siya sumuko, ipinangako ng kaniyang asawa na si Fredericko na mahahanap nila si Amber. Isang araw, kung kailan ay unang araw na ng pasukan, saka lang nalaman ni Cynthia kung saan talaga mag-aaral si Amber. Sa una ay nagalit ito at nagtampo pa, ngunit wala na rin namang nagawa kalaunan. Palagi kasi nitong sinisiraan ang paalarang iyon, nagbabakasakaling mapangitan din si Amber kapag iyon ay kaniyang nalaman ngunit sa 'di inaasahan... nangyari ang kabaliktaran. Nang dahil pa rito kung kaya ay mas lalong nahikayat si Amber para mag-aral sa paaralang iyon. Napapaisip si Amber kung bakit ganoon na lang kung manira ang kaniyang kinikilalang Inang si Cynthia sa paaralang iyon dahilan para manaig sa kaniya ang kuryosidad. Sa unang araw ng kaniyang pasukan, saglit na naging maganda ang kaniyang pag-iisip tungkol sa loob nito. Makikita ang marami-raming puno at halaman na nagbibigay ng kulay at sariwang hangin sa loob nito. Ngunit sa ilang saglit na paglilibot ng kaniyang mata, muli niyang nakasalamuha ang noon nang nagpahirap sa kaniyang pag-aaral. Walang iba kun'di si Sandee Cuevas. Si Sandee Cuevas ay isa sa mga taong magpapahirap muli sa kaniya sa paaralang kaniyang papasukan. Magkakaroon ito ng mga kasabwat at isa na roon ang adviser ni Amber na si Sir Jed Dalton, pamangkin ng kaniyang Amang si Fredericko. Ibig sabihin, sila ay magpinsan. Unang araw pa lang ng pasukan ay alam na agad nito kung ano at kung sino si Amber. Pamilyar kasi sa kaniyang ang nasabing apelyido nitong Escaño na imbes ay Dalton. Nagtagal ang ilang araw at buwan, marami-rami nang nangyaring kamalasan sa pang-araw-araw na paggising ni Amber. Ngunit sa kabila nito, mayroon naman siyang loyal na kaibigang nagngangalang Fat at mayroon ding ilang kalalakihan ang sa kaniya'y magpapakilig. Isa na rito si Siexster Acheson. Tatlo silang magkakakambal. Kasama na rito si Landrix at gilmher ngunit ang dalawa ay hindi kilala ang pangatlo. Ang alam lang nila ay silang dalawa lamang dahil wala naman pang ibang nababanggit ang kanilang Ina. Ang dalawa ay hindi maaaring lumabas ng bahay kahit pa sa loob mismo nito. Tanging ang kanilang Ina lamang ang nakakaalam ng kanilang sitwasyon. Nanganganak pa lamang ang kanilang Ina na si Nilda sa pangalawang sanggol na si Siexster ay nawalan na ito ng malay dahilan para hindi na nito malaman kung ano na ang sumunod na nangyari. Sa kaniyang paggising, isa na lamang ang nakita niyang

Chapter 1 First

"Hoy, gising na, aba! Anong oras na, Amber! Baka ma-late ka pa. Unang araw pa naman ng pagpasok mo sa eskuwelahan ngayon."

Napaungol na lamang ako sa aking paggising nang marinig ko si Mama na nagsasalita habang ginagalaw-galaw ang aking paa. Hindi ko pa naididilat ang aking mga mata, muli na namang inulit ni Mama ang paggising sa akin. Kaya naman, wala na akong magawa kun'di ang sundin ang kaniyang sinasabi. Pagkadilat ko, napakurap-kurap pa ako at sunod na nagtanggal ng muta mula sa aking mga mata. Nauna nang bumaba si Mama, lumabas ng aking kwarto. Bago ako sumunod sa kaniya, napa-stretch ako sa sariling katawan at saka na bumaba.

"Oh, kain na! Nakahanda na ang lahat para minamahal kong anak. Oh!"

Hindi pa man din ako tuluyang nakauupo sa upuan, sinimulan na akong sandukan nito ng makakain. Sinangag na kanin, itlog at iilang hatdog ang nakahain sa lamesa. Habang nasa gilid naman nito ay ang dalawang tasa na naglalaman ng maiinit na kape. Pagkaupo ko, sabay kaming nagdasal. At nang matapos ay saka lang nagsimulang sumubo. Umaga na. Nakatalikod ako sa bukas na pintuan dahilan para may magkorteng anino ko sa aking harapan. Ilang saglit na binalot ang aming pagitan, may kaniya-kaniyang mundo.

Maya-maya, kung kailan ilang subo na lang ay mauubos ko na ang laman ng aking plato, saka lang nagsimulang magsalita at magbigay ng ilang katanungan si Mama. Tahimik lang ako sa unang salitang iginawad niya sa akin.

"Ikaw, ayusin mo ang pag-aral mo, huh? Naku, sinasabi ko talaga sa'yo. Huwag na 'wag kang gagaya sa akin, hirap akong maghanap ng trabaho ng dahil diyan. Hmm... Alam mo naman, 'di ba? Hindi ako nakapagtapos kaya kahit ikaw na lang, huh? Baby ko, halika nga rito! Damulag ka na talaga!" usal sa akin ni Mama.

"O-oh!"

Niyakap niya ako ng mahigpit dahilan para mapahinto ang sa pagkain. Napangiti na lamang ako at niyakap siya sa kaniyang kamay na nakabalot sa aking bandang leeg. Nanatili lang akong tahimik. Hindi naman nagtagal ang paglalambing sa akin ni Mama. Bumalik siya sa mula sa pagkakaupo at saka ipinagpatuloy ang pagkain. Ilang saglit lang ay tumayo na ako nang matapos mabusog habang bitbit ang pinagkainan. Iniwan ko iyon sa lababo at sunod na bumalik sa kwarto. Inihanda ko ang aking damit na susuotin, pagkatapos ay pumasok na ako sa kubeta ng sariling kwarto upang maligo. Hindi rin naman ako nagtagal dito at mabilis lang na natapos. Pagkalabas ko ay agad kong isinuot ang damit saka sunod na nag-ayos sa sarili.

Nang matapos na ang lahat ng klaseng paghahanda ko sa sarili, sunod ko namang inayos ang loob ng aking gagamiting bag. Isinilid ko ang lahat ng bagay na sigurado namang aking gagamitin. Makaraan ang mahigit limang minuto, naisipan ko nang lumabas mula sa kwarto. Pababa pa lamang ako ng hagdan, nasilayan mulin ng aking mata si Mama na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa pagkain dahil sa pagiging busy nito sa kaniyang hawak na gadget.

Bago lumabas... "Ma!" Tawag ko ng kaniyang atensyon. "Papasok na po ako!" Paalam ko. "Nga pala, ma, hindi talaga ako nag-enroll sa sinasabi mong paaralan, s-sa Campo Alli ako mag-aara--"

"A-ano?! Talaga 'tong batang 'to!"

Tumakbo na ako palabas ng bahay bago pa man ako nito mahaabutan. Mabilis at malalawak ang aking hakbang dahilan para mabilis akong makalayo sa kaniya. Kabado ako sa kaniyang naging reaksyon. Naisip ko kung may uuwian pa ba akong bahay mamayang uwian. Nang masiguro ko na ang aking malayong distansya mula sa kaniya, lumingon ako. Hindi ko masyadong makita ng malinaw ang kaniyang mukha ngunit nakikita ko naman kung paano ang naging postura nito. Parehong nakadikwatro ang magkabilaan niyang mga kamay sa kaniyang beywang. Kumaway pa ako bago ako tuluyang makaliko ng daan.

Hindi ko na masyadong inisip ang aking dadanasin mamaya sa aking pag-uwi. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa sakayan at babaan ng mga sasakyan. Hindi ako nagtagal sa pag-aantay. Ilang saglit lang ay nakasakay na agad ako kasama ang ilang mga pasaherong nakasabay ko rin sa pag-aantay. Agad kong sinabi kung saan niya ako maaaring ihatid.

Naging tahimik naman ang buong byahe dahil hindi naman kami magkakakilala ng mga ito dahilan para walang makausap. Napasandal na lamang ang aking uluhan pati na rin ang aking likuran sa may kalambutan na upuan. Makaraan ang ilang minuto, paunti-unti na kaming nababawasan hanggang sa maya-maya nga lang ay ako na ang sumunod na bumaba. Nagbayad ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Napatingala ako, nakatingin sa itaas ng malaking gate ng paaralang aking papasukan. Makikita rito ang pangalan ng eskuwelahang ito. Napangiti ngunit agad lang ding nawala nang biglang mapaisip.

Campo Alli Matapang Agoncillo, National School. Bakit kaya ayaw ni Mama na rito ako mag-aral?

Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip na tanong. Napatingin ako sa aking harapan at sunod na binagtas ang daan. Pagpasok ko sa malaking gate ng eskuwelahang ito, halos manlaki ang aking mga mata at mapayakap sa sarili ng madama ko ang lamig ng sariwang hangin. Nagpalinga-linga ako, binibigyan ng tig-iilang segundong tingin ang bawat sulok na makikita rito sa loob. Hindi ko maiwasang mapamangha sa ganda ng loob nito. Malawak ang daanan sa gitna at mahaba. Sa gilid nito ay may mga silid, taas at baba. Sa kabila naman ay may makikita pang malawak na daanan kung saan sa gilid pa nito ay may malalaking silid din na magkapatong. Hindi naman nakapagtataka kung bakit ganoon na lang ang lamig ng hangin dahil sa unahan pa lamang nito ay may makikita nang iilang mga puno pati na ang marami-raming mga halaman.

Napahinto ako sa mabagal na paglalakad. Naisipan kong singhutin ang sariwang hangin na siya namang naging dahilan ng aking pagkalma. Pakiramdam ko ay gaganahan akong pumasok sa araw-araw kung ganito palagi ang aking madadatnan. Lumawak ang aking mga ngiti sa aking labi at akmang magbibigay na ng isang hakbang ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon...

"Aray! Hindi kasi tumitingin sa daanan, eh!"

Una ay napakunot ang buo kung mukha sa kaunting kirot na naramdaman kasabay ang pagsapo sa kanang balikat kung saan ako nabangga. Napalingon ako sa aking gilid nang may marinig na pamilyar na tono ng papanalita.

Ha...

"O-oh, teka. Amber? Ikaw na ba 'yan?" Ngumiti ito nang nakakainis at sunod na inikutan ng tingin ang aking kabuuan. "Hmm... okay, okay. Nakakakita naman ako ng kaunting pagbabago sa'yo. Hindi ka na tulad ng dati na nagmumukha kang matanda sa pananamit mo, pero... okay. Approved!"

"S-salama--"

"Huwag kang magpasalamat, hindi kita pinupuri. Anyways." Maarteng pagkakasabi nito. "Magpapakilala ako ulit since matagal-tagal na rin tayong hindi nagkita. Hello! I'm Sandee Cuevas. I can ruin your day if i want to. Ikaw naman." Nanatili akong tahimik dahilan para mapansin ko ang pagkainip nito. "Ano ba, ikaw naman sabi, eh!"

"A-ako si A-amber. Amber E-escaño." Nauutal kong pagkakasabi.

"Hanggang ngayon pala may pagkamasunurin ka pa rin pala, ano? Hays, anong oras na ba?" Napatingin ito sa kaniyang hawak na cellphone. "Okay, sige. Basta 'wag kang mag-e-expect na wala akong inihandang bagay para sa'yo. Do you still remember what i've said before? I am always ready. Kaya dapat ikaw rin. Sige na, babush!"

Ano ka ba naman, Amber! Kumilos ka! Magsalita ka! Hindi ba ipinangako mo sa sarili mong hindi ka na makakaranas ng ganoong klase ng trato kailanman? Ano na? Bili! Magsalita ka!

"S-sandali!"

"Huh? Tinawag mo ba ako?" Nagtatakang tanong nito.

Nanlaki ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng aking dugo patungo sa aking utak. Naging kabado ako sa aking nasabi. Hindi ko aakalain na magagawa ko ang aking naiisip. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at para bang hindi ko na maramdaman ang sarili dahilan para hindi ako makagalaw.

"A-ah, w-wala."

Hindi ito nagsalita. Tumalikod ito at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Napanood ko pa itong makalayo mula sa aking pwesto. Nang mawala na ito sa aking paningin, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Marahan akong naglakad palapit sa isang mahabang upuan na makikita sa gilid ng daan. Umupo ako roon habang nakahawak sa dibdib. Saglit akong napatulala. Napasabunot ako ng mahina sa sariling buhok dahil sa naramdamang inis.

Ano ba naman kasing iniisip mo, Amber! Sinasabi ko naman sa'yo na 'wag kang feeling bida sa isang palabas! Akala mo siguro na may hihila sa'yo palayo sa sitwasyong iyon? Aishh! Tumigil ka nga, Amber!

Matapos ang ilang saglit na pakikipag-usap sa sarili, naisipan ko nang tumayo at maglakad-lakad para hanapin ang aking silid. Gaya ng kanina, habang binabagtas ko ang daan, nagpalinga-linga ako, tinitingnan ang mga palatandaan papunta sa aking building. Nagtagal ako sa paghahanap ng halos kalahating oras. Late na ako. Kaya naman, mas lalo ko pang binilisan ang mga sumunod na hakbang.

Pagkaakyat ko papuntang second floor ng building na ito, alam ko na kung saan ang aking silid. Nakita kong nagtatawanan ang lahat ng nasa loob nito. Sa palagay ko ay nagsimula na ang kanilang klase. Kita ko na rin sa harap ng pisara ang isang may itsurang lalaking guro na nagsasalita habang may suot na malalawak na ngiti. Nagkukuwentuhan sila kaya naman kinakabahan ako kung ako na lang mag-isa ang pipigil sa kanilang masayang pagkukwentuhan. Bago pumasok, gusto ko maging magalang. Kaya naman, naisipan ko munang kumatok bilang pagpapaalam. Naghanap ako saglit ng mauupuan pagkapasok at saka umupo nang may makita na.

"Hmm, new student?" tanong ng guro.

Napahinto ang lahat sa pag-iingay at sabay-sabay na napatingin sa akin dahilan para ako ay manginig. "A-ah, o-opo." sagot ko.

"Oh, relax ka lang! 'Wag kang kabahan, ako lang 'to!" usal niya na siya namang naging dahilan ng malakas na tawanan ng mga kaklase ko. "Anong pangalan mo? Para kasing... wala na akong makita rito, eh,"

"A-amber Escaño po,"

Diretso itong napatingin sa akin habang may seryosong mukha. Agad niyang inalis ang ganoong klaseng reaksyon at mabilis na pinalitan ng matamis na ngiti. Muli siyang humarap sa hawak niyang attendance notebook at sunod na hinanap muli ang aking pangalan.

"A-ah, nandito lang pala. Okay, class! Bukas na ako magsisimulang magbigay ng lesson, sa ngayon kasi puro pagkilala lang sa mga magaganda't mga gwapo kong mag-aaral lang muna ang aking gagawin. So, uulitin ko, sa mga hindi pa nakakarinig! My name is Jed Dalton, ayan." Turo niya sa pisara kung saan nakasulat ang kaniyang pangalan. "So, i guess, that will be all for today, goodbye!" Paalam niya.

Bago pa man din ito tuluyang makalabas ng silid, nagpaalam ang lahat sa kaniya pati na ako. Wala pa namang ilang saglit ay may sumunod na agad na guro. Unang araw ng klase ay nagpasulat siya. At nang matapos, may panibago na namang muling guro ang pumasok. Nagpakilala ito at agad na nag-discuss.

Maya-maya, breaktime na. Marami-rami na ang nakalabas. Ako naman ay nagdadalawang-isip pa. Nang dahil nga sa babaeng iyon ay nangangamba akong gumawa siya ng gulo kapag nakita niya ako.

"H-hello! Pwede bang m-magpabili?" tanong ko.

Tiningnan ako nito ng paulit-ulit mula ulo hanggang paa ng mabilis dahilan para mas lalo akong makaramdam ng hiya. Mabilis na nagbago ang kaniyang mukha, ngumiti ito sa akin at saka sunod na inilahad ang kaniyang kamay. Natuwa naman ako sa kaniya at mabilis na nawala ang hiya. Agad kong ibinigay sa kaniya ang pera pambili at saka sinabi kung anong pagkain ang aking gusto.

Napaupo naman ako sa sariling upuan nang siya ay makaalis. Ngayon ay ako lang mag-isa sa malaking silid na ito. Nagpalibot-libot ang aking tingin sa kabuuan nito. Sa aking gilid, makikita mo na ang likod ng building na ito dahil sa malaking bintana. Makikita rin sa bandang unahan na hindi naman kalayuan sa aking pwesto ang maraming books na nakaayos na ang lagay sa lalagyanan. Bukod pa rito, simple lang ang silid. Wala masiyadong disenyo ngunit malinis at maaliwalas tingnan. May sariling aircon ang silid na ito ngunit hindi nakabukas. Kahit naman hindi ito gamitin ay mararamdaman pa rin ang lamig ng hangin. At dahil nga ito sa maraming mga punong nakapaligid dito.

"Oh, eto na! Sige, alis na 'ko, ha. Pupuntahan ko pa ang bunso kong kapatid!" Nakangiti nitong pagkakasabi.

Hindi naman na ako sumagot. Sa halip ay binigyan na lang siya ng matamis na ngiti at walang halong plastik. Ngayong umalis na siya, mag-isa na naman ako ngunit hindi naman ako malungkot dahil kung tutuusin, mas gusto ko ang ganito. Matapos naman ang ilang saglit, binuksan ko na ang aking pagkain at akmang susubo ngunit hindi natuloy nang may biglang pumasok.

Mabilis itong umupo sa isang upuan at may kung anong ginawa mula roon. Hindi ko na ito naisipan pang guluhin. Sa halip ay itinuloy ko na lang ang aking pagkain kahit na nakakaramdam na naman ako ng kaunting pagkahiya.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 99 Ninety-nineth   07-05 23:20
img
1 Chapter 1 First
10/04/2022
2 Chapter 2 Two
10/04/2022
3 Chapter 3 Third
10/04/2022
4 Chapter 4 Fourth
10/04/2022
5 Chapter 5 Fifth
10/04/2022
6 Chapter 6 Sixth
10/04/2022
7 Chapter 7 Seventh
10/04/2022
8 Chapter 8 Eighth
10/04/2022
9 Chapter 9 Ninth
10/04/2022
10 Chapter 10 Tenth
10/04/2022
11 Chapter 11 Eleventh
14/04/2022
12 Chapter 12 Twelfth
14/04/2022
13 Chapter 13 Thirteenth
14/04/2022
14 Chapter 14 Fourteenth
14/04/2022
15 Chapter 15 Fifteenth
14/04/2022
16 Chapter 16 Sixteenth
14/04/2022
17 Chapter 17 Seventeenth
14/04/2022
18 Chapter 18 Eighteenth
14/04/2022
19 Chapter 19 Nineteenth
14/04/2022
20 Chapter 20 Twentieth
14/04/2022
30 Chapter 30 Thirtieth
20/04/2022
40 Chapter 40 Forthieth
22/04/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY