Aklat ni EarthaGreenLeafy
Pretty Colors; A Girl, Triplets, And One Other Guy
Si Amber ay lumaki nang hindi buo ang pamilya. Bata pa lamang siya ay hindi na niya nakita ang Ama. Alam naman niyang patay na ito dahil iyon ang sinabi ng nag-iisa niyang karamay sa buhay at kinikilala niyang ina. Unang araw ng pasukan niya sa baitang labing-dalawa, saka lang nalaman ng kaniyang ina kung saan at ano ang pangalan ng paaralang papasukan niya. Sa una ay nagalit pa ito ngunit wala na rin namang nagawa kaya hinayaan na lang. Umpisa pa lang, sinabi na ng kaniyang ina na ayaw niyang mag-aral siya roon. Hindi naman niya malaman ang dahilan dahil hindi iyon sinasabi sa kaniya ng kaniyang ina. Kaya dala ng kuryosidad ay mas pinili niya pa rin na roon mag-aral. Sa paaralang iyon, may nakikilala siyang mga taong makakapagparamdam sa kaniya ng inis, galit, sakit, saya, lungkot, kilig at marami pang iba. Isa na roon ang dati niyang kaklase na hindi niya alam ay muli niyang makakasalamuha sa tagal ng panahon. Ipinangako naman niya sa kaniyang sarili habang siya ay tumatanda na hindi na niya muling ipaparanas sa kaniyang sarili ang ganoong klase ng trato sa kaniya ng taong iyon. Ipinangako niya rin sa kaniyang sarili na tutulong siya sa mga taong makakaranas ng ganoong pangyayari. May ilan din siyang inpormasyong malalaman sa paaralang papasukan niya na konektado sa kaniyang pagkatao. Ang tanong . . . Makakayanan niya kayang tanggapin ang mga ito SYPNOSIS: Si Amber escaño ay dinukot noong sanggol pa lamang ng isang babaeng nagngangalang Cynthia na sa kaniyang paglaki nga ay kaniyang kinilalang magulang. Pinalaki niya itong mabait at responsable nang may pagmamahal. Parang tunay na anak ang kaniyang turing dito. Si Cynthia Escaño ay noon pang mayroon nang anak. May asawa rin ito na nagngangalan namang Walter Garcia. Hindi naniniwala si Cynthia sa sabay na pagkamatay ng dalawa sa isang aksidente. Ang sabi ay nabangga ito ng isang malaking truck na nawalan ng control ngunit naniniwala siyang hindi iyon isang aksidente. Dumating ang araw, nalaman niyang nagkaroon ng anak sina Mabel at Fredericko na kaniya namang pinaghihinalaan. Si Fredericko ay noon niyang nobyo. Nagkahiwalay sila nang dahil nawalan na ng pag-ibig si Cynthia rito. Nagkaanak sila ni Walter na kaibigan naman ni Fredericko. Dahil naman sa selos, nagawang ipapatay ito ni Fredericko kasama ang kanilang anak na ilang araw pa lang na nasisilayan ang araw. Tumagal ang panahon, lumaki na si Amber na tunay na anak nila Fredericko at Mabel. Si Mabel ay nagkaroon ng malalang sakit na maaaring makapagtapos ng kaniyang buhay sa kahit na anong oras. Ngunit hindi siya sumuko, ipinangako ng kaniyang asawa na si Fredericko na mahahanap nila si Amber. Isang araw, kung kailan ay unang araw na ng pasukan, saka lang nalaman ni Cynthia kung saan talaga mag-aaral si Amber. Sa una ay nagalit ito at nagtampo pa, ngunit wala na rin namang nagawa kalaunan. Palagi kasi nitong sinisiraan ang paalarang iyon, nagbabakasakaling mapangitan din si Amber kapag iyon ay kaniyang nalaman ngunit sa 'di inaasahan… nangyari ang kabaliktaran. Nang dahil pa rito kung kaya ay mas lalong nahikayat si Amber para mag-aral sa paaralang iyon. Napapaisip si Amber kung bakit ganoon na lang kung manira ang kaniyang kinikilalang Inang si Cynthia sa paaralang iyon dahilan para manaig sa kaniya ang kuryosidad. Sa unang araw ng kaniyang pasukan, saglit na naging maganda ang kaniyang pag-iisip tungkol sa loob nito. Makikita ang marami-raming puno at halaman na nagbibigay ng kulay at sariwang hangin sa loob nito. Ngunit sa ilang saglit na paglilibot ng kaniyang mata, muli niyang nakasalamuha ang noon nang nagpahirap sa kaniyang pag-aaral. Walang iba kun'di si Sandee Cuevas. Si Sandee Cuevas ay isa sa mga taong magpapahirap muli sa kaniya sa paaralang kaniyang papasukan. Magkakaroon ito ng mga kasabwat at isa na roon ang adviser ni Amber na si Sir Jed Dalton, pamangkin ng kaniyang Amang si Fredericko. Ibig sabihin, sila ay magpinsan. Unang araw pa lang ng pasukan ay alam na agad nito kung ano at kung sino si Amber. Pamilyar kasi sa kaniyang ang nasabing apelyido nitong Escaño na imbes ay Dalton. Nagtagal ang ilang araw at buwan, marami-rami nang nangyaring kamalasan sa pang-araw-araw na paggising ni Amber. Ngunit sa kabila nito, mayroon naman siyang loyal na kaibigang nagngangalang Fat at mayroon ding ilang kalalakihan ang sa kaniya'y magpapakilig. Isa na rito si Siexster Acheson. Tatlo silang magkakakambal. Kasama na rito si Landrix at gilmher ngunit ang dalawa ay hindi kilala ang pangatlo. Ang alam lang nila ay silang dalawa lamang dahil wala naman pang ibang nababanggit ang kanilang Ina. Ang dalawa ay hindi maaaring lumabas ng bahay kahit pa sa loob mismo nito. Tanging ang kanilang Ina lamang ang nakakaalam ng kanilang sitwasyon. Nanganganak pa lamang ang kanilang Ina na si Nilda sa pangalawang sanggol na si Siexster ay nawalan na ito ng malay dahilan para hindi na nito malaman kung ano na ang sumunod na nangyari. Sa kaniyang paggising, isa na lamang ang nakita niyang