/0/27283/coverbig.jpg?v=f991cfdad67c21927ec2b3cfdd6b1e42)
Dichas, sol y amores (ligaya, liwanag at mga pag-ibig) Te esperare, señorita Toma unos cientos de anos En la primera reunion Te mirare de Nuevo (Maghihintay ako, binibini Abutin man ng ilang daang taon Sa unang tagpuan, Muli kita'y susulyapan) Sa inaakala mong tahimik na buhay, pa'no kung sa isang iglap ay maibalik ka sa nakaraan? 'Yong tipong hindi mo na nga sineryoso history subject mo tapos mapupunta ka pa sa panahon ni Diego Silang. Idagdag mo na rin ang mga kilos mong hindi mala-Maria Clara, saan na ngayon ang bagsak mo? Lalo na't wala ka nag iba pang pagpipilian... Ano ang gagawin mo? Kuwentong iikot sa nakaraan, pagmamahalang handing abutin ng siyam-siyam. Sa sugal ng pag-ibig, hanggang saan ang kaya mong itaya? Para sa pamilya, handa mo bang isuko ang lahat? Paano kung kinakailangan mo nang mamili? Vahlia Rex Medrano, ang babaeng babalik sa sinaunang panahon upang isakatuparan ang misyong hindi niya naman ginusto. Sa kan'yang paglalakbay, masasagot na kaya ang mga katanungang umiikot sa kan'yang isipan?
Tierra de oriente, 1872
(Lupain ng Silangan)
Sa kabisera ng bayan ng Oriente, mga taumbayan ay nagkukumpulan-mga nilalang na ibig makasaksi sa kahihinatnan ng pamilya Villamarquez.
Ngunit isang babae ang nakaaagaw pansin. Siya ay impit napapahikbi at ang kaniyang mga luha ay nag-uunahang bumabagsak habang kaharap ang lalaking may talukbong sa ulo. Mahinahon itong nakaupo at nakaamba ang garoteng tatapos sa kanyang buhay.
Unti-unting umiikot ang kamay ng orasan. Dahan-dahang dumadausdos ang bawat butil ng buhangin sa orasan, ang makulimlim na langit, ang nagbabadyang pagpatak ng nagbibigatang butil ng ulan na tila nakikisama sa malungkot na paligid.
Ngunit bago ikutin ang garote ay tumakbo papalayo ang binibining nakaitim na saya papunta sa ilog ng Tarok. Sa ilalim ng malaking puno , siya'y marahang lumuhod. Tuloy-tuloy na luha ang siyang walang tigil na kumawala mula sa kanyang mga mata.
"Pagsisising sa huli na lamang nang aking napagtanto. Oh, ilog na katha! Rumaragasa sa banayad na lupain ng Oriente. Kalinisa't dalisay na taglay ng tubig na umaagos, tagapangalaga ng napakarilag na likha, kita'y aking sinasamo!''
Ito ang bawat hinagpis na umaayon sa malungkot na panahon. Nag-angat siya ng paningin at nahagip nito ang isang binibining nasa isang simpleng saya. Sa isang tingin, nalalamang isa itong indio.
"Victoria Amore Esperanza, isang kahilingan ang aking ipagkakaloob sa iyo," anas ng misteryosong binibini.
Nakapandududa man ang akto nito ay walang alinlangang sumagot si Victoria.
"Nais kong maulit muli ang lahat, nais kong iguhit muli sa mga bituin ang aming kwento. Na... sa pangalawang pagkakataong iyon..... muli siyang iibig. Sa binibining itinakda para sa kanya, ang binibining masisilayan niyang muli sa tagpuang ito."
Kakaibang ngiti ang namutawi sa bibig ng indio bago naglabas ng makapal na libro.
"Handa ka ba sa magiging kapalit ng iyong hiling?"
"At ano naman ang nais mong kapalit ng aking hiling?"
Iniabot ng indio ang isang punyal sa binibini. Sandali itong tinitigan ni Victoria. Nahihinuha ang nais kapalit ng indio.
"Kung ako ang dahilan ng kanyang pagkamatay, mabuti yaring bawian na rin ako ng buhay... tatanggapin ko ang iyong inaalok," sagot ng binibini.
Muli ay ngumiti ang matandang indio at binuklat ang librong hawak nito. "Binibining Esperanza, hindi buhay ang nais kong kapalit. Dalisay na hangarin ang aking nais, ikaw ang siyang magiging tulay tungo sa iyong hiling." Nalilitong hinarap ni Victoria ang matanda.
"Anong ibig ninyong iparating?"
"Mula ngayon ay tatanggapin mo ang isang katungkulan kapalit ng hiling na iyong ninanais. Tatawagin ka bilang Mirasol, kalakip ng isang mahalagang tungkulin"
Tumila ang ulan kasabay ng pagsilip ng araw. Nagugulumihanan man sa mga ipinapabatid ng matanda, naroon pa rin ang kagustuhan niyang malaman ang punto nito.
"Ikaw ang magiging gabay ng pag-iibigang nasa magkaibang daan at tungkulin mong muli silang magtagpo." Inilabas ng matanda ang isang kuwintas.
Sing-pula ng mga rosas, kumikislap ito sa tuwing tumatama ang sinag ng araw. Sa pahabang korte nito ay napakagandang pagmasdan.
"Ang iyong hiling ang siyang unang layuning nararapat mong isakatuparan, tatanggapin mo ba... Mirasol?" diretsong sabi ng matanda kasabay ng pagkislap ng pulang kuwintas.
*****
Sa inaakala mong tahimik na buhay, paano kung sa isang iglap ay maibalik ka sa nakaraan? Yung tipong hindi mo na nga sineryoso yung history subject mo tapos mapupunta ka pa sa panahon ni Diego Silang. Idagdag mo na rin ang bawat kilos mong hindi mala-Maria Clara, saan na ngayon ang bagsak mo? Lalo na't wala ka nang ibang pagpipilian. Ano ang gagawin mo?
Isang misyon....
Hindi inaasahang pangyayari....
Panibagong paglalakbay....
Kuwentong iikot sa nakaraan, pagmamahalang handang abutin nang siyam-siyam.
Sa sugal ng pag-ibig, hanggang saan ang kaya mong itaya?
Para sa pamilya, handa mo bang isuko ang lahat?
Paano kung kinakailangan mo nang mamili?
Vahlia Rex Medrano, ang babaeng babalik sa sinaunang panahon upang isakatuparan ang isang misyong hindi niya naman ginusto. Sa kanyang paglalakbay, masasagot na kaya ang mga katanungang umiikot sa kanyang isipan?
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!