/0/26596/coverbig.jpg?v=20220520163548)
Zeke Xavier Fuentares wants to fix his broken marriage with Alora Leigh Andrada. They both agreed staying in a same roof for a month. After that, they will decide if they will fix their marriage or legally separate. Handang gawin ang lahat ni Zeke para sa babaeng kanyang minamahal. Ngunit hanggang saan siya dadalhin ng wagas na pag-ibig kung ang lahat ay umiikot sa kasinunggalingan? Sa paglantad ng katotohanan, matatabunan ba nito ang umusbong na pag-iibigan?
Pagpasok ko pa lamang sa restaurant, agad nakuha ng napakapamilyar na mukha ang atensiyon ko. Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko siyang lapitan, yakapin at hagkan. Pero hindi naman kasi gano'n kasimple at kadaling gawin iyon.
"Wife," I uttered. Sapat lang ang tinig ko sa aking pandinig. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa kanya. At sa isang iglap, animo ay napako ako sa kinatatayuan ko. Labis akong kinain ng matinding pananabik.
Tama nga ang ibinigay na impormasyon ng private investigator. Nandito nga siya, dito sa lugar na hindi ko inaasahan.
Nakatayo siya malapit sa counter, bahagya siyang nakayuko at may hawak na papel. She's wearing a red blouse tucked with a black skirt. There is a small rectangular name plate pinned on the upper left part of her blouse. She looks decent. She's not as daring as before but she's still sexy in my eyes. Hindi naman siya baduy tingnan ngayon. Sakto lang. Tama lang since nasa trabaho naman siya.
Nakita ko siyang bahagyang ngumiti habang kausap ang isang waitress.
Parang sumikdo ang puso ko sa ngiti niyang iyon. Kasabay ng pagngiti ng labi niya ay ang pagkislap ng mga mata niya. Bilugan ang mga mata niyang may malantik na pilik mata. Her eyes were shouting innocence, contrary of her real personality. May katangusan ang ilong niya. Makinis ang mukha niya at makipot ang labi niya. Katulad pa rin siya ng dati. The only difference is she looks simplier today.
"Mister, kung wala kang planong pumasok, huwag haharang-harang sa daan!" mataray na wika ng babae mula sa aking likuran.
Agad akong napalingon sa kanya. Isang babae ang nakatayo sa likuran ko, nakapusod ang kanyang buhok at may suot na salamin. Naka-lipstick din ito ng matingkad na pula na bumagay sa kulay niyang sakto lang ang kaputian. Sa tantiya ko nasa mid-wenties ang edad niya.
Natigilan ako sa pagsuri sa kanya nang umarko ang kilay niya. Lalo tuloy siyang nagmukhang masungit pero 'di ako nagpatinag . Sinamaan ko siya ng tingin bago ako naglakad patungo sa isang bakanteng mesa.
Nang muli kong ibalik ang tingin ko sa kinatatayuan ng aking asawa, nakatalikod na ito at naglalakad papasok sa isang pintuan. Kung pwede ko lang siyang habulin, kanina ko pa sana ginawa pero ayoko namang gumawa ng eksena.
Four years have passed since she left me.
But after all what she did, I still love her. I want her back. I badly want her back. I wanna fix our marriage.
Martir ba? Niloko niya ako. Nabuntis siya ng ibang lalake. Iniwan niya ako tapos ako itong gago, mahal na mahal pa rin siya.
Nakakabuwisit ba ang katangahan ko? Go on, judge me! Kahit buong mundo pa ang manghusga sa'kin, hindi mababago ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit gaano pa kabigat ang kasalanan niya, buong puso ko parin siyang tatanggapin. Dahil kung totoong nagmamahal ka, napakahirap magalit at napakadali lamang ang magpatawad.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Ang tanong, after four years, may maaayos pa ba ako? O umaasa na lang ako sa wala? Kung anuman sa dalawa, ang mahalaga sa ngayon, makausap ko siya. After all, I am the legal husband. If we can't fix our marriage anymore then at least, we can have closure.
Closure! Iyon nga siguro ang kailangan ko.
Nag-order lang ako ng nag-order ng pagkain. Na halos 'di ko naman nagalaw. Since, hapon na rin naman, napagdesisyunan kong hintayin na lamang siya. Isinabay ko na rin ang pagbabasa ng mga e-mails sa aking phone para hindi ako mabagot.
Mahigit dalawang oras rin bago bumukas ang pintuang pinasukan niya kanina. Nang makita kong siya ang lumabas mula sa pinto, awtomatiko akong napatayo at binulsa ang phone ko.
Nakita kong may kinausap siyang isang crew, pagkatapos ay lumabas na siya.
Agad naman akong sumenyas sa waiter para sa bill ko.
Hinabol ko siya pero medyo nakalayo na siya kaya napagdesisyunan kong tawagin na lamang siya.
"Wife!" I almost shouted so she can hear me. Nabigo ako dahil hindi naman siya lumingon.
Stupid! Hindi naman kasi wife ang pangalan niya.
"Lei!" I called her.
Lumingon siya. Tumigil ang tingin niya sa'kin. Parang tumigil rin ang ikot ng mundo ko, para akong kinapos ng hininga. Tinitigan niya ako ng ilang sandali pero blangko ang expression ng mukha niya.
Ano yo'n? Bakit gano'n ? Hindi man lang siya nagulat? Wala man lang siyang naramdaman nang makita niya ang asawa niya?
Huminto ang isang taxi sa tapat niya. Walang anu-ano ay binuksan niya ito at 'di na ako tinapunan pa ng tingin.
Napakumpas na lamang ang kamay ko sa hangin. Matapos akong maghintay, gano'n lang pala ang mangyayari. Napapadyak akong umikot pero pagtalikod ko bumungad sa'kin ang nakatayong si miss sungit. Halos dalawang metro ang layo niya mula sa kinatatayuan ko pero hindi nakaligtas sa'kin ang nakaarko niyang kilay habang nakatingin sa'kin.
Mukhang nakita niya ang nangyari. Lalo tuloy nasira ang araw ko dahil sa ideyang iyon.
Sumimangot ako at saka humakbang upang lampasan siya. Ngunit naramdaman ko ang pagsunod ng titig niya. Lalo tuloy akong nainis kaya naman hindi na ako nakapagpigil upang lingunin siya kahit nalampasan ko na siya.
"Will you stop staring at me!" Call me rude, pero talagang naubos na ang pasensiya ko.
"Mister! Huwag kang assuming! Hindi ikaw ang tinititigan ko! Yo'ng ale doon oh," saad niyang ngumuso pa sa bandang likuran ko.
Agad ko namang liningon iyon. Totoo ngang may babae doon. May hawak itong kulay bughaw na mga rosas.
"Nanggaling siya kanina roon," sunod niyang turan dahilan para bumalik ang atensiyon ko sa kanya. Awtomatiko ring sinundan ko ang tingin niya. Medyo malapit lang iyon sa kinatatayuan kanina ng asawa ko.
Nagsasabi ba siya ng totoo?
"Huwag assuming, ha? Kaya tayo nasasaktan dahil assume tayo ng assume!" sunod niyang turan bago naglakad palayo sa'kin.
Napatanga na lamang ako.
Mali nga bang umasa na pwede pa kami ni Alora? Masasaktan lang ba ulit ako?
Napatingin ako sa likuran ng papalayong si Miss sungit.
Panahon na nga ba para mag-let go at ibaling na sa iba ang atensiyon ko?
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?