Get the APP hot
Home / History / Ang Pulang Kuwintas
Ang Pulang Kuwintas

Ang Pulang Kuwintas

5.0
61 Chapters
486 View
Read Now

About

Contents

Dichas, sol y amores (ligaya, liwanag at mga pag-ibig) Te esperare, señorita Toma unos cientos de anos En la primera reunion Te mirare de Nuevo (Maghihintay ako, binibini Abutin man ng ilang daang taon Sa unang tagpuan, Muli kita'y susulyapan) Sa inaakala mong tahimik na buhay, pa'no kung sa isang iglap ay maibalik ka sa nakaraan? 'Yong tipong hindi mo na nga sineryoso history subject mo tapos mapupunta ka pa sa panahon ni Diego Silang. Idagdag mo na rin ang mga kilos mong hindi mala-Maria Clara, saan na ngayon ang bagsak mo? Lalo na't wala ka nag iba pang pagpipilian... Ano ang gagawin mo? Kuwentong iikot sa nakaraan, pagmamahalang handing abutin ng siyam-siyam. Sa sugal ng pag-ibig, hanggang saan ang kaya mong itaya? Para sa pamilya, handa mo bang isuko ang lahat? Paano kung kinakailangan mo nang mamili? Vahlia Rex Medrano, ang babaeng babalik sa sinaunang panahon upang isakatuparan ang misyong hindi niya naman ginusto. Sa kan'yang paglalakbay, masasagot na kaya ang mga katanungang umiikot sa kan'yang isipan?

Chapter 1 Prologo

Tierra de oriente, 1872

(Lupain ng Silangan)

Sa kabisera ng bayan ng Oriente, mga taumbayan ay nagkukumpulan-mga nilalang na ibig makasaksi sa kahihinatnan ng pamilya Villamarquez.

Ngunit isang babae ang nakaaagaw pansin. Siya ay impit napapahikbi at ang kaniyang mga luha ay nag-uunahang bumabagsak habang kaharap ang lalaking may talukbong sa ulo. Mahinahon itong nakaupo at nakaamba ang garoteng tatapos sa kanyang buhay.

Unti-unting umiikot ang kamay ng orasan. Dahan-dahang dumadausdos ang bawat butil ng buhangin sa orasan, ang makulimlim na langit, ang nagbabadyang pagpatak ng nagbibigatang butil ng ulan na tila nakikisama sa malungkot na paligid.

Ngunit bago ikutin ang garote ay tumakbo papalayo ang binibining nakaitim na saya papunta sa ilog ng Tarok. Sa ilalim ng malaking puno , siya'y marahang lumuhod. Tuloy-tuloy na luha ang siyang walang tigil na kumawala mula sa kanyang mga mata.

"Pagsisising sa huli na lamang nang aking napagtanto. Oh, ilog na katha! Rumaragasa sa banayad na lupain ng Oriente. Kalinisa't dalisay na taglay ng tubig na umaagos, tagapangalaga ng napakarilag na likha, kita'y aking sinasamo!''

Ito ang bawat hinagpis na umaayon sa malungkot na panahon. Nag-angat siya ng paningin at nahagip nito ang isang binibining nasa isang simpleng saya. Sa isang tingin, nalalamang isa itong indio.

"Victoria Amore Esperanza, isang kahilingan ang aking ipagkakaloob sa iyo," anas ng misteryosong binibini.

Nakapandududa man ang akto nito ay walang alinlangang sumagot si Victoria.

"Nais kong maulit muli ang lahat, nais kong iguhit muli sa mga bituin ang aming kwento. Na... sa pangalawang pagkakataong iyon..... muli siyang iibig. Sa binibining itinakda para sa kanya, ang binibining masisilayan niyang muli sa tagpuang ito."

Kakaibang ngiti ang namutawi sa bibig ng indio bago naglabas ng makapal na libro.

"Handa ka ba sa magiging kapalit ng iyong hiling?"

"At ano naman ang nais mong kapalit ng aking hiling?"

Iniabot ng indio ang isang punyal sa binibini. Sandali itong tinitigan ni Victoria. Nahihinuha ang nais kapalit ng indio.

"Kung ako ang dahilan ng kanyang pagkamatay, mabuti yaring bawian na rin ako ng buhay... tatanggapin ko ang iyong inaalok," sagot ng binibini.

Muli ay ngumiti ang matandang indio at binuklat ang librong hawak nito. "Binibining Esperanza, hindi buhay ang nais kong kapalit. Dalisay na hangarin ang aking nais, ikaw ang siyang magiging tulay tungo sa iyong hiling." Nalilitong hinarap ni Victoria ang matanda.

"Anong ibig ninyong iparating?"

"Mula ngayon ay tatanggapin mo ang isang katungkulan kapalit ng hiling na iyong ninanais. Tatawagin ka bilang Mirasol, kalakip ng isang mahalagang tungkulin"

Tumila ang ulan kasabay ng pagsilip ng araw. Nagugulumihanan man sa mga ipinapabatid ng matanda, naroon pa rin ang kagustuhan niyang malaman ang punto nito.

"Ikaw ang magiging gabay ng pag-iibigang nasa magkaibang daan at tungkulin mong muli silang magtagpo." Inilabas ng matanda ang isang kuwintas.

Sing-pula ng mga rosas, kumikislap ito sa tuwing tumatama ang sinag ng araw. Sa pahabang korte nito ay napakagandang pagmasdan.

"Ang iyong hiling ang siyang unang layuning nararapat mong isakatuparan, tatanggapin mo ba... Mirasol?" diretsong sabi ng matanda kasabay ng pagkislap ng pulang kuwintas.

*****

Sa inaakala mong tahimik na buhay, paano kung sa isang iglap ay maibalik ka sa nakaraan? Yung tipong hindi mo na nga sineryoso yung history subject mo tapos mapupunta ka pa sa panahon ni Diego Silang. Idagdag mo na rin ang bawat kilos mong hindi mala-Maria Clara, saan na ngayon ang bagsak mo? Lalo na't wala ka nang ibang pagpipilian. Ano ang gagawin mo?

Isang misyon....

Hindi inaasahang pangyayari....

Panibagong paglalakbay....

Kuwentong iikot sa nakaraan, pagmamahalang handang abutin nang siyam-siyam.

Sa sugal ng pag-ibig, hanggang saan ang kaya mong itaya?

Para sa pamilya, handa mo bang isuko ang lahat?

Paano kung kinakailangan mo nang mamili?

Vahlia Rex Medrano, ang babaeng babalik sa sinaunang panahon upang isakatuparan ang isang misyong hindi niya naman ginusto. Sa kanyang paglalakbay, masasagot na kaya ang mga katanungang umiikot sa kanyang isipan?

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 61 Author’s Note:   06-30 00:00
img
1 Chapter 1 Prologo
22/04/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY