Nang matapos si Camille sa collage ay pinadala na kaagad siya ng kaniyang mga magulang sa America upang i-handle ang kompanya nila doon. Mahigit limang taon niya iyong hinandle. Sa limang taon na iyon ay puro trabaho lang siya, ang akala ng mga magulang niya ay kapag pinadala nila ang kanilang anak sa America ay makakahanap ito ng mapapangasawa, pero nag-kakamali sila. Hanggang sa isang ideya ang pumasok sa kanilang isipan. Pinakasundo nila ang kanilang anak na si Camille sa anak ng business partner ng ama niya. Hindi siya tumutol at pumayag na lamang sa kagustuhan ng mga magulang niya. Ano kaya ang magiging kalagayan niya gayong mag-kakaroon siya ng asawa na inosente? At paano kapag ang asawa niya ay may tinatagong malaking sekreto?
In Laws
"MA'AM Camille nandiyan na po ang magulang ng mapapangasawa niyo."
Napabuntong hininga ako at inayos ang sarili. Ayokong matali ng maaga dahil marami pa ako'ng misyon na gagawin, pero wala e, gusto ng mga magulang ko. Ko'ng ano ang gusto nilang mangyari sa buhay ko ay sinusunod ko nalang. Tutal, sila naman palagi ang tama. Kapag mag-dedesisyon ako para sa sarili ko ay wala namang kwenta. Oo, alam ko na ang gusto lang nila ay mapabuti ang buhay ko, pero mali naman kasi ang paraan nila. Dapat hinahayaan na nila ako'ng mag-desisyon sa sarili ko dahil malaki na ako. Hindi na ako kinder na kailangan pang pag-sabihan ko'ng ano ang dapat gagawin.
Nasasakal na ako sa mga ginagawa nilang lahat. Palagi nalang sila ang nasusunod. Paano naman ako? Paano naman ang mga bagay na gusto ko'ng gawin? Katulad ng trabaho na gusto ko talaga. Noon pa man ay pinapangarap ko na talaga na maging secret agent, pero hindi natupad dahil sa kagustuhan ng mga magulang ko na ako ang mag-handle ng business namin kapag nakatapos ako.
Pero laking papasalamat ko dahil may Tito ako'ng secret agent. Tulad niya, tinago ko ang pagiging secret agent sa pamilya ko para walang gulo. Ganoon 'din si Tito Alace. Siya ang tumulong sa akin upang makapasok roon. At talagang nag-papasalamat ako dahil fiancee niya ang boss namin kaya mabilis rin ako'ng nakapasok.
Minsan nga ay mag-kasama kami sa isang misyon. Isa siya sa mga nag-mamayari ng sikat na kompanya dito sa pilipinas. Ko'ng hindi ko siya Tito o kakila ng husto ay iisipin ko'ng mahal na mahal niya ang kaniyang trabaho dahil napalago niya ito ng mabuti. Pero kapag nalaman mo na ang pagiging secret agent pala ang gusto niya ay magugulat ka nalang talaga.
Gayong mag-kakaroon na ako ng asawa ay iisa lang ang hinihiling ko. 'Wag niya sanang pakialam ang buhay ko. Dahil baka tatamaan siya sa baril ko.
Subukan niya lang talaga.
"Pababa na po ako." Mahinang ani ko at muling tinignan ang sarili sa salamin.
Nang maayos na ako ay binuksan ko na ang pintuan ng aking kwarto at nakitang wala na doon si Manang. Siguro'y bumaba na siya. Huminga ako ng malalim bago kinakabahan na bumaba. Pakiramdam ko tuloy ay madudulas ako dito sa hagdan tulad ng mga nakikita ko sa pelikula. Pero pinapanalangin ko na sana ay hindi dahil baka mas lalo pa ako'ng makaramdam ng hiya.
"Woah, you're so pretty, Camilla! " Puri sa akin ng magandang babae'ng nag-hihintay sa akin sa ibaba. Ngumiti ako ng mapakla sa kaniya at pinagpatuloy ang pag-baba habang ang mga atensiyon ay na sa hagdan. Kinakabahan talaga ako, ako iyong tipo ng tao walang alam pag-dating sa mga damit at sa nakikita ko sa magiging mother-in-law ko ay maganda ang taste niya sa mga damit.
"Thanks Tita." Ani ko sa mahinang tinig. Hindi ako sanay na pinupuri ng mga tao.
Tumawa siya ng mahina at nilapitan ako. Mahina pa ako'ng napa-atras dahil baka may gagawin siya sa akin. "Mommy nalang, hija."
Naiilang ako'ng ngumiti. "Okay po."
"Siya, siya, kumain na tayo. May kailangan ka pang aasikasuhin hindi ba? Sinabi sa akin ng Tito Alace mo."
Napakunot ang noo ko, ano ang aasikasuhin ko? Ang naalala ko ngayong araw ay wala ako'ng appointment dahil gusto ko'ng mag-pahinga muna. Masyadong maraming misyon ang tinanggap ko ngayong buwan, kailangan talagang bumawi ng katawan ko.
"Sige po. Tatawagan ko lang po saglit si Tito." Ani ko.
"Sure." At nauna na siyang nag-lakad papunta sa dining area namin. Ako naman ay mabilis na kinuha ang cellphone upang malaman ko'ng ano ang kailangan ko'ng aasikasuhin.
Hindi naman ako nag-rereklamo sa trabaho ko dahil ito ang gusto ko at masaya ako pero kailangan ko talaga ngayon na mag-pahinga. Nakatatlong ring pa bago sinagot ni Tito.
"Agent Dragonesa, may bago kang misyon."
Napatampal ako sa noo. "Tito, pwede ba na mag-pahinga muna ako sandali? Pagod na pagod ang katawan ko, kailangan ko munang kumuha ng lakas at Agent Dragon ang pangalan ko, hindi Dragonesa."
Bakit ba gustong-gusto nito na tawagin ako sa maling pangalan? "Pfft. Just joking, Oh I heard na mag-aasawa kana. Ngayon ko lang nalaman na may boyfriend ka na pala. Naunahan mo pa kami."
Napairap ako dahil sa kaniyang sinabi. "Fixed marriage lang 'yon, Tito Alace. Hindi ko nga siya gusto."
May halong katotohanan iyon dahil hindi ko pa siya nakikita. Pero sigurado naman ako na babaero siya dahil kadalasan sa mga lalaki ngayon ay babaero, hindi nakukuntento sa iisang babae. Siguro'y gusto 'rin siyang ipakasal ng kaniyang mga magulang dahil baka ito lang ang tanging paraan para mag-tino siya.
"You sure? Baka kapag nakita mo siya malalaglag panty mo?"
"Adik ka ba, Tito?!" Gulat ko'ng sigaw.
Ako? Malalglag ang panty ko kapag nakita ko siya? Hindi 'yan mangyayari dahil hindi naman ako bumabase sa itusura lang. Dapat sa kaniyang ugali na 'rin.
Ano naman ang silbe ng pagiging gwapo niya kung pangit naman ang kaniyang ugali?
"Pfft. Kita nalang tayo sa Al's cafe. See you, take care pamangkin."
"You too Tito." Sagot ko at binaba ang tawag.
Pag-kababa ko ay pumasok na ako sa dining area. Nag-simula na silang kumain lahat. Ako naman ay lumapit na sa katabing pwesto ng kapatid ko'ng babae dahil 'yon nalang ang bakante.
"Ate, pansit po." Malambing nitong sabi sa akin.
Nilagyan ko ang plato niya ng pansit at carbonara. Iyon ang mga paborito niya, minsan naman ay bola-bola o 'di kaya'y lumpia.
Hanga 'din ako sa kapatid ko na ito dahil hindi siya mapili sa pag-kain. Hindi 'rin siya gaanong nag-papabili ng mga laruan kay Daddy. Simple lang siya, parang ako lang. Ko'ng ano ang ibibigay mo ay tatanggapin niya ng buong puso. Siguro ay nag-mana kaming dalawa kay Mommy. Laking probinsiya siya at hindi sanay sanay sa mga pag-kaing pang-yayaman.
Maalaga siya sa amin. Ayaw niya na hindi kami kumakain sa tamang oras. Kapag naman ay mag-kasakit kami todo alaga siya. Ganiyan niya kami ka mahal. Walang duda ko'ng bakit siya ang pinili ni Daddy. At nag-papasalamat ako dahil siya ang naging Mommy namin.
"'Nak, damihan mo, papasok ka pa sa work mo mamaya." Paalala niya sa akin.
"You too baby, may gagawin pa tayo mamaya." Makahulugan na sabi ni Dad at kinindatan si Mommy. Napailang nalang ako at nag-simulang kumain. Tahimik lang ako at nakikinig sa usapan nila Tito at Daddy tungkol sa business. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang naiisip ang mga kinukwento sa akin ni Daddy tungkol sa pag-ka-kaibigan nila ni Tito Zacker. Simula grade school ay mag-kaibigan na silang dalawa hanggang ngayong may sarili na silang pamilya.
Nakailang subo na ako ng pag-kain nang biglang nag-salita ang mother-in-law ko.
"So, kailan ang kasal?" Nakangiti niyang tanong sa amin.
Nag-katinginan kami nila Daddy. Kailan nga ba? Teka, bakit naman wala dito ang magiging soon to be husband ko? Di'ba dapat ay nandito siya kasama sa pag-plano di'ba? Paran ang unfair naman ata nu'n?
"Hindi ba pupunta ang anak mo?" Tanong ni Mommy.
"Oh, he's kinda busy mare. He's watching cartoons."
Wala sa oras ako'ng napaangat ng ulo at tinignan si Tita Hiale. Cartoons? Di'ba ang mga bata lang ang nanonood niyan? I mean, kadalasan. Ilang taon na ba siya? Seventeen? Fifteen? Hindi ako pumapatol sa bata. Baka makasuhan ako.
"Ka-edad mo lang siya hija. So you don't have to worry about that. Mabait naman siya, may pag-ka clingy nga lang."
Tumango nalang ako at hindi na sumali sa usapan nila. Bahala na silang mag-plano diya'n. Kailangan ko pa palang pumunta sa Al's cafe.
"Oh, you're done?" Pansin sa'kin ni Tita.
"Yes po. Ah, aalis na po muna ako. May pupuntahan pa po ako." Paalam ko. Pinunasan ko ang aking labi gamit ang tissue at tumayo. Nakangiti ako sa kanilang lahat.
"Sure, go ahed."
"Ingat 'nak ha."
"I will po." Ani ko at lumabas na ng dining area. Kailangan ko'ng makarating ng maaga sa Al's cafe.
"ANG ibig mo bang sabihin ay babantayan ko ang prinsesa ng spain hanggang sa makulong ang mga miyembro ng Black Ace?" Paninigurado ko at sumimsim ng kape.
"Yes." Nakangiting turan ni Tito.
Bumuntong hininga ako. Babawi nalang siguro ako next month. Kailangan matapos ko 'to kaagad para kaagad na makapag-pahinga.
"Nasaan siya ngayon?"
"Headquarter's. Kailangan mo siyang sunduin bukas, pero ayos lang kapag hindi. Kailangan muna nating pag-planuhan kung saan mo siya itatago."
Sila ang pinakahigpit na kaaway namin. Noong hindi pa ako nag-simula sa pagiging secret agent ay marami na ako'ng narinig na masasamang balita tungkol sa kanila. Pag-bibibta ng druga, pag-ra-rape ng mga inosenteng tao, pag-ki-kidnap ng mga anak ng mayayaman at pag-patay ng mga inosenteng tao.
Ni isa sa amin ay hindi makapasok dahil nalalaman kaagad nila na siya ay isang espiya. Labis nga ang pag-tataka namin ko'ng bakit nakilala kaagad, kahit na ang mga bagohang miyembro.
"Saan ko siya papatirahin? Tito, hindi naman pwede na isasama ko siya sa magiging bahay ko at ng asawa ko." Ani ko.
"Kaya nga 'yan ang pag-uusapan natin,"
Inubos ko ang kape at nag-slice ng cake. Masa-sarap ang mga pag-kain dito, lalo na sa kabila. Ang Al's restaurant. Mag-katabi lang sila since ito at gusto nila Tito Al at Tita Al.
"May isa ka pa'ng bahay di'ba? Doon nalang." Suhestiyon niya.
Umiling ako. "Malayo sa Alabang. Hindi ko siya mababantayan ng maiigi."
"Saan ba ang magiging bahay mo at ng asawa mo?"
"Sa Alabang nga. Si Kuya Eros ang nag-handle."
Engineer si Kuya Eros slash secret agent. Siguro ay nasa lahi na namin ang mag-tago ng sekreto. Noong nakaraang buwan ko palang nalaman na isa siyang secret agent. Pa'no, siya ang partner ko noon. Halos hindi nga ako makapaniwala dahil tutok na tutok siya sa kaniyang trabaho.
"Pwede naman siguro natin palagyan ng underground ang bahay niyo. Tutal si Eros naman ang engineer doon at alam naman niya ang tungkol sa misyon mo. Mas maganda kapag nasa malapit lang ang prinsesa. Para hindi siya mawala sa paningin mo." Mahabang turan niya.
Napahawak ako sa baba at nag-iisip sa sinabi niya. Pwedeng-pwede namang mangyari 'yon, ang kaso nga lang ay matatagalan pa. At baka malaman ng mga Black Ace na nasa amin ang prinsesa.
"Matatagalan pa 'yon Tito. Baka mag-taka sila." Ani ko.
"Hey, 'wag masyadong seryoso."
Dumating si Tita Al na may dalang coffee. Ngumiti siya sa akin at nilapag sa mesa ang dalawang coffe na para sa amin ni Kuya. Siya 'yong tinutukoy ko na boss namin.
"Mahal," Malambing na tawag niya.
Napairap nalang ako dahil sa ginawa niya. Mabuti pa talaga si Tito. Naiingit ako sa ko'ng paano nila kamahal ang isa't-isa. Bumuntong hininga ako at pumasok na naman sa isip ko ang tungkol sa kasal. Kapag ba mag-sasama na kami ng magiging asawa ko ay ganoon 'rin ba kami?
Paano kapag may iba pala siyang gusto tapos ay napipilitan lang siya dahil 'yon ang gusto ng mga magulang niya? Paano kapag aabusuhin niya? Sasaktan? Makakaya ko namang lumaban so walang magiging problema doon, lalabanan ko siya kapag may ginawa siya sa akin na masama.
"How's the plan?" Tanong ni Tita Al at umupo sa tabi ni Tito.
Nag-kibit balikat ako at ininom ang kape na bago niyang dalawa. Masarap, saktong-sakto ang timpla.
"Just think about it later." Saad ko.
Ngumiti silang dalawa at tumango-tango. Ang plano ko talaga ay dalhin muna ang prinsesa sa tagong bahay ni Kuya Eros. Doon, mas safe habang hindi pa napalagyan ng underground ang bahay namin. Hindi ako mababahala dahil hightech ang bahay niya.
"Pumunta ka nalang sa headquarters bukas, katulad ng sinabi ko ay pwede 'rin na sa susunod na araw nalang. Mukhang nasasarapan si Kiel sa presensiya ng prinsesa." Natatawang saad niya. Kahit ako ay natawa dahil sa sinabi niya.
"All right, see you tommorow." Paalam ko.
"Bye, take care."
"You too."
"Invite me on your wedding huh!" Pahabol na sigaw niya.
Natawa lang ako at tumango. Syempre naman, hindi naman pwedeng mawala si Tita Al doon. Isa siya sa mga pinakamahalagang bisita sa kasal ko. Masaya ako'ng nag-lalakad palabas nang biglang may bumangga sa akin. Dahil sa lakas ng impact ay napaupo ako sa sahig, nag-kalat ang mga laman ng bag ko sa paligid.
"Ano ba! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan m-" Nanlaki ang mata ko nang masilayan ko ang mukha niya.
Nakangiwi siya habang napakamot sa kaniyang noo. Yumuko siya at pinulot ang mga gamit ko saka binalik sa bag, tinulungan niya ako'ng tumayo at siya na mismo ang nag-pagpag sa suot ko'ng dress. Ang inosente ng mukha niya, animo'y hindi tumanda dahil batang-bata ang mukha niya. Dahan-dahan niyang binigay ang bag ko at ngumiti ng malapad.
"So-sorry, nagagandahan kasi ako sa'yo kaya naisipan kitang banggain para mapansin mo ako."
A-anong sinabi niya?!
Napakurap ako ng tatlong beses. Nakuha ko pang sampalin ang pisngi ko para bumalik ako sa reyalidad. Seryoso ba siya sa kaniyang sinabi?! Kaya niya ako binangga dahil nagagandahan siya sa akin?! Ano'ng klaseng rason 'yan? Sira ba ulo ng lalaking ito?
"I-It's okay! Ayos lang!" Natataranta ko'ng sabi.
Pero wala ng makakapigil sa lakas ng tibok ng puso ko no'ng ngumiti siya sa akin. Ang ganda ng ngiti niya, para ako'ng na hyptonize dahil sa ganda ng ngiti niya.
"Are you sure po?" Paninigurado niya.
"Y-yes!"
Hindi ko aakalaing naging ganito ako karupok dahil sa kaniya. Dapat galit ako di'ba dagil nabangga niya ako? Dapat galit ako!
"All right. See you when I see you po. Take care."
Nag-lakad na siya papasok sa Al's cafe. Nakatutok lang ako sa kaniyang likod hanggang sa makapasok siya. Kitang-kita ko ko'ng gaano kaganda ang hubog ng kaniyang katawan. May pandesal kaya siya?
Palagi ba siyang nandito? Ko'ng ganoon ay palagi ako'ng pupunta dito para masilayan ang hubog ng kaniyang katawan, ang magandang ngiti niya at ang maamong mukha niya.
Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang napahawak sa sarili ko'ng bibig.
Ako ba talaga ito?
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...