/0/64624/coverbig.jpg?v=67b00165ee9059a2891897bf40f7dffb)
Minsan nga lang tumibok ang puso. Doon pa sa taong hindi inaasahan. Si Cahaya Villarin, isang dalagang napilitan na lumayo. Matakasan lamang ang mga magulang na gusto siyang gawing pambayad utang. Napadpad sa isang liblib na lugar kung saan doon namuhay ng payapa. Malayo sa mga magulang at magulong syudad na kinagisnan. Pero ang payapang pamumuhay ay bigla na lamang nagbago at gumulo dahil sa lalaki na tinulungan. Ano ang dalang pagbabago ng lalaki sa buhay ni Cahaya? Ito ba ang magiging dahilan upang tuluyang makalimutan ang buhay na tikasan o ito ang magiging dahilan upang lisanin ang lugar na pinagtaguan.
"Magpapakasal ka, sa ayaw mo't sa gusto!" hasik ni papa.
Parang bomba na sumabog sa tainga ko ang salitang 'yon. Wala na akong marinig matapos ang nakabibinging katagang iyon.
Nadatnan ko kasi itong magagaling ko'ng mga magulang na kausap ang tauhan ng taong pinagkakautangan nila. Rinig na rinig ko ang pag-uusap nila. Ako bilang kabayaran sa pagkakautang nila.
Umalma ako pag-alis ng mga lalaking 'yon. At ito nga, sandamakmak na singhal ang inabot ko.
Lahat na yata ng kamalasan sa buhay ay nasalo ko. May mga magulang nga akong tinatawag, pero hindi ko naman maramdaman ang pagmamahal nila. Magulang lamang sila kong tawagin pero ang gampanan ang tungkulin nila bilang mga magulang ko ay hindi nila magawa.
"Mayaman ang mapapangasawa mo, Cahaya! Kaya tigilan mo na iyang kaartehan mo!" singhal ni Mama.
"Ano ngayon kung mayaman? Hindi naman iyon ang issue dito. Ginawa n'yo po akong pambayad utang."
Ang sakit, hindi na nga nila ako magawang mahalin. Ngayon naman ay basta na lamang nila akong ipapakasal sa lalaki na hindi ko naman kilala. Para saan? Para sa pansarili nilang interest.
"Bakit niyo ba ginagawa sa akin 'to? Lahat naman po ay ginagawa ko. Hindi ako nagrereklamo kahit hirap na hirap na ako. Iyong mga tungkulin nga na dapat kayo ang gumagawa. Inaako ko na pero ang gawing pambayad utang ako, kalabisan na po 'yon. Kaya kong tiisin lahat, ngunit ang magpakasal sa hindi ko kilala. Hindi ko po kaya, Ma, Pa."
Napahagulgol ako. Natiim ko ang mga mata. Maski kaunting awa o simpatya sa nararamdam ko, hindi ko makita sa hitsura nila.
"Ma, Pa, marami po ako'ng pangarap na gustong matupad. 'Wag n'yo naman po iyong sirain."
Masinsinan ko'ng kausap sa mga magulang ko. Baka sakaling matauhan sila at magbago ang isip nila. Maisip man lang nila ang sakripisyong ginagawa ko, matustusan lang ang pag-aaral ko. Ako lahat ang gumagawa ng mga bagay na sila dapat ang gumagawa para sa akin.
"Tigilan mo na iyang drama mo, Cahaya. Our decision is final. Bukas na bukas ay sasama ka na sa magiging asawa mo. Titigil ka sa kahibangan mong maging nurse. Pagsisilbihan mo ang magiging asawa mo!"
"Pa, ayaw ko!" hagulgol ko.
"Ma, please, ayoko po. maawa naman po kayo."
Sinubukan ko pa rin na magmakaawa kay Mama, pero ismid lang ang tugon niya.
"Anak n'yo po ba talaga ako?" yuko-ulo kong tanong.
Wala akong narinig na tugon. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong paligid. Mapakla akong tumawa.
"Ang tanga ko rin. Nagtanong pa talaga ako. Ramdam ko naman na hindi ko nga kayo totoong mga magulang."
Patakbo akong pumasok sa kwarto. Iniwan ang mga magulang ko na hindi na makapagsalita. Ang sakit-sakit, hindi man lang nila magawang sagutin kung totoong anak nga ba nila ako.
Ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila dahil sa mga lolo at lola ako lumaki. Sila ang nagmistulang mga magulang ko hanggang sa magkaisip ako. Sabi nila, bunga lamang ako ng kapusukan ng kabataan ng mga magulang ko. Sa murang edad, natali ang mga ito sa isa't-isa dahil na buo nga ako.
Naisip ko nga, sana hindi na lamang ako nabuhay. Hindi ko sana naranasan ang lahat ng kamalasan na dinanas ko ngayon.
Gusto kong tumakas pero nasa labas ang ibang tauhan ng mapapangasawa ko. Sinong babae ang gugustuhin na mapangasawa ang lalaki na hindi niya kilala. Ni anino nga nito hindi ko nakita.
Namaluktot akong nakahiga sa kama. Yakap ang unan na sumalo sa lahat ng sama ng loob ko. Tagapahid ng mga luha ko at taga-tanggap ng suntok ko.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano matakasan ang mga magulang ko. Pinahid ko ang mga luha. Umupo sa kama at naghanap sa phonebook ko ng maaring hingian ng tulong.
Pero lahat ng kaibigan ko ay kilala ng mga magulang ko. Pati nga manager ko at katrabaho ko ay kilala nila.
Sino ba ang hindi makakilala sa kanila. Panay dalaw nila akin sa trabaho para manghingi ng pera pansugal. Ako naman itong mabait na anak. Bigay lang ng bigay kahit wala nang matira sa akin.
Ang sakit lang, hindi pala nila nakikita ang mga sakrispesyo ko. Imbes na sila ang bumuhay sa akin, magpaaral, hindi nila magawa. Wala silang ambag sa buhay ko. Binuhay lamang nila ako para pahirapan at gawing gatasan sa bisyo nila.
Kahit nanghihina, muli akong tumayo at sumilip sa bintana. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas. Pero paano? Naka-alerto ang mga bantay na parang galing sa lamay dahil sa suot nila na puro itim lahat.
Yumugyog ang balikat ko na sumandal sa gilid ng bintana. Talagang walang pag-asa na makatakas ako. Talagang makakasal ako sa lalaking mapagsamantala sa kahinaan ng mga taong nagkakautang sa kaniya.
Hanggang sa matuon ang paningin ko sa maliit na bintana ng banyo. Napangiti ako. Kinalma ko ang sarili. Pinahid ang mga luha. Nagbihis ako ng kumportableng damit at naghanda ng mga gamit para sa gagawing pagtakas.
Matapos maihanda ang lahat. Maingat kong tinanggal ang jalousie blades. Mabagal ang naging galaw at ingat na ingat na hindi makagawa ng ingay.
Mapait na ngiti ang bumakas sa labi ko nang matanggal ko na lahat ang salamin. Pero hindi ako dumaan doon. Naiisip kong mas madali akong mahuli kung agad akong tatakas. Naka-alerto nga silang lahat.
Nagtago ako sa loob ng closet. Nagtiis sa madilim at maliit na espasyo, kasama ang gamit na dadaldin ko. Takip ang palad sa bibig at halos hindi na huminga. Huwag lamang ako'ng marinig ng mga magulang ko.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto.
"Carl! Si Cayaha tumakas!" tarantang sigaw ni Mama. Kasunod no'n ang mga yabag papunta sa silid ko.
"Buwesit talaga ang Anak mo'ng 'yon, Lara!" singhal ni Papa. Todo takip ng bibig ang ginawa ko. Muntik na kasing kumawala ang paghikbi ko.
"Anong ginagawa n'yo rito? Hanapin ninyo ang Anak ko sa labas. Sigurado ako'ng hindi pa iyon nakakalayo!" utos ni Papa sa mga bantay. Kasabay ng paghagulgol ni Mama ang nagmamadaling mga yabag paalis ng kwarto ko.
"Tumahimik ka nga Lara! Walang maitutulong iyang iyak mo!"
"Huwag mo ako'ng sigawan, Carl! Kung hindi dahil sa'yo, hindi mangyayari ang lahat ng ito!"
"Ano, nakita n'yo?!
"Wala rito!"
Kasabay ng pagtatalo ng mga magulang ko ay ang umalingawngaw na sigawan ng mga kalalakihang naghahanap sa akin.
"Wala talaga!" rinig kong sigaw mula sa likod-bahay.
"Saan ka pupunta, Carl?!" tanong ni Mama.
"Hahanapin ang suwail mong anak! Wala iyong ibang pupuntahan kun'di mga kaibigan niya!"
Kumawala ang mahina kong pag-iyak nang marinig ang papalayong mga yabag. Maya maya ay rinig ko na ang pag-andar at pagharorot ng dalawang sasakyan.
Maingat akong lumabas ng closet, sumilip sa bintana. Sinisiguro kong walang bantay. Bitbit ang backpack, patakbo ako'ng lumabas ng bahay.
Takbo na walang pupuntahan. Saan man ako dalhin ng mga paa ko, wala na akong pakialam. Makatakas lamang sa mga magulang ko na ginawa akong pambayad utang.
Si Vianna May Meranda, pinili na kalimutan ang masakit na alaala ng nakaraan. Kasama ang ina, namuhay ng masaya na wala ang bakas ng masakit na alaala. Nakatagpo ng pag-ibig, si Romeo Cordova dahil sa kan'ya naranasan niya ang mga bagay na akala niya ay hindi nangyayari sa totoong buhay. Ngunit ang pag-ibig na akala niya ay panghambuhay na ay unti-unting nagbago dahil sa pagbabalik ng taong naging parte ng nilimot na alaala. Si Diego Fabriano, kaklse, mabait na kaibigan, at higit sa lahat ang lalaking lihim na hinangaan noon. Umalis na walang paalam, ngunit nagbalik dala ang nilimot na alaala. Kwento ng paglimot at pag-ibig. Pag-ibig na hanggad ng bawat isa. Ano ang dalang pagbabago ni Diego, sa buhay nina Vianna May at Romeo? Ano at hanggang saan ang kayang nilang gawin, makuha lamang ang nais na pag-ibig.
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”