Minsan nga lang tumibok ang puso. Doon pa sa taong hindi inaasahan. Si Cahaya Villarin, isang dalagang napilitan na lumayo. Matakasan lamang ang mga magulang na gusto siyang gawing pambayad utang. Napadpad sa isang liblib na lugar kung saan doon namuhay ng payapa. Malayo sa mga magulang at magulong syudad na kinagisnan. Pero ang payapang pamumuhay ay bigla na lamang nagbago at gumulo dahil sa lalaki na tinulungan. Ano ang dalang pagbabago ng lalaki sa buhay ni Cahaya? Ito ba ang magiging dahilan upang tuluyang makalimutan ang buhay na tikasan o ito ang magiging dahilan upang lisanin ang lugar na pinagtaguan.
"Magpapakasal ka, sa ayaw mo't sa gusto!" hasik ni papa.
Parang bomba na sumabog sa tainga ko ang salitang 'yon. Wala na akong marinig matapos ang nakabibinging katagang iyon.
Nadatnan ko kasi itong magagaling ko'ng mga magulang na kausap ang tauhan ng taong pinagkakautangan nila. Rinig na rinig ko ang pag-uusap nila. Ako bilang kabayaran sa pagkakautang nila.
Umalma ako pag-alis ng mga lalaking 'yon. At ito nga, sandamakmak na singhal ang inabot ko.
Lahat na yata ng kamalasan sa buhay ay nasalo ko. May mga magulang nga akong tinatawag, pero hindi ko naman maramdaman ang pagmamahal nila. Magulang lamang sila kong tawagin pero ang gampanan ang tungkulin nila bilang mga magulang ko ay hindi nila magawa.
"Mayaman ang mapapangasawa mo, Cahaya! Kaya tigilan mo na iyang kaartehan mo!" singhal ni Mama.
"Ano ngayon kung mayaman? Hindi naman iyon ang issue dito. Ginawa n'yo po akong pambayad utang."
Ang sakit, hindi na nga nila ako magawang mahalin. Ngayon naman ay basta na lamang nila akong ipapakasal sa lalaki na hindi ko naman kilala. Para saan? Para sa pansarili nilang interest.
"Bakit niyo ba ginagawa sa akin 'to? Lahat naman po ay ginagawa ko. Hindi ako nagrereklamo kahit hirap na hirap na ako. Iyong mga tungkulin nga na dapat kayo ang gumagawa. Inaako ko na pero ang gawing pambayad utang ako, kalabisan na po 'yon. Kaya kong tiisin lahat, ngunit ang magpakasal sa hindi ko kilala. Hindi ko po kaya, Ma, Pa."
Napahagulgol ako. Natiim ko ang mga mata. Maski kaunting awa o simpatya sa nararamdam ko, hindi ko makita sa hitsura nila.
"Ma, Pa, marami po ako'ng pangarap na gustong matupad. 'Wag n'yo naman po iyong sirain."
Masinsinan ko'ng kausap sa mga magulang ko. Baka sakaling matauhan sila at magbago ang isip nila. Maisip man lang nila ang sakripisyong ginagawa ko, matustusan lang ang pag-aaral ko. Ako lahat ang gumagawa ng mga bagay na sila dapat ang gumagawa para sa akin.
"Tigilan mo na iyang drama mo, Cahaya. Our decision is final. Bukas na bukas ay sasama ka na sa magiging asawa mo. Titigil ka sa kahibangan mong maging nurse. Pagsisilbihan mo ang magiging asawa mo!"
"Pa, ayaw ko!" hagulgol ko.
"Ma, please, ayoko po. maawa naman po kayo."
Sinubukan ko pa rin na magmakaawa kay Mama, pero ismid lang ang tugon niya.
"Anak n'yo po ba talaga ako?" yuko-ulo kong tanong.
Wala akong narinig na tugon. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong paligid. Mapakla akong tumawa.
"Ang tanga ko rin. Nagtanong pa talaga ako. Ramdam ko naman na hindi ko nga kayo totoong mga magulang."
Patakbo akong pumasok sa kwarto. Iniwan ang mga magulang ko na hindi na makapagsalita. Ang sakit-sakit, hindi man lang nila magawang sagutin kung totoong anak nga ba nila ako.
Ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila dahil sa mga lolo at lola ako lumaki. Sila ang nagmistulang mga magulang ko hanggang sa magkaisip ako. Sabi nila, bunga lamang ako ng kapusukan ng kabataan ng mga magulang ko. Sa murang edad, natali ang mga ito sa isa't-isa dahil na buo nga ako.
Naisip ko nga, sana hindi na lamang ako nabuhay. Hindi ko sana naranasan ang lahat ng kamalasan na dinanas ko ngayon.
Gusto kong tumakas pero nasa labas ang ibang tauhan ng mapapangasawa ko. Sinong babae ang gugustuhin na mapangasawa ang lalaki na hindi niya kilala. Ni anino nga nito hindi ko nakita.
Namaluktot akong nakahiga sa kama. Yakap ang unan na sumalo sa lahat ng sama ng loob ko. Tagapahid ng mga luha ko at taga-tanggap ng suntok ko.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano matakasan ang mga magulang ko. Pinahid ko ang mga luha. Umupo sa kama at naghanap sa phonebook ko ng maaring hingian ng tulong.
Pero lahat ng kaibigan ko ay kilala ng mga magulang ko. Pati nga manager ko at katrabaho ko ay kilala nila.
Sino ba ang hindi makakilala sa kanila. Panay dalaw nila akin sa trabaho para manghingi ng pera pansugal. Ako naman itong mabait na anak. Bigay lang ng bigay kahit wala nang matira sa akin.
Ang sakit lang, hindi pala nila nakikita ang mga sakrispesyo ko. Imbes na sila ang bumuhay sa akin, magpaaral, hindi nila magawa. Wala silang ambag sa buhay ko. Binuhay lamang nila ako para pahirapan at gawing gatasan sa bisyo nila.
Kahit nanghihina, muli akong tumayo at sumilip sa bintana. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas. Pero paano? Naka-alerto ang mga bantay na parang galing sa lamay dahil sa suot nila na puro itim lahat.
Yumugyog ang balikat ko na sumandal sa gilid ng bintana. Talagang walang pag-asa na makatakas ako. Talagang makakasal ako sa lalaking mapagsamantala sa kahinaan ng mga taong nagkakautang sa kaniya.
Hanggang sa matuon ang paningin ko sa maliit na bintana ng banyo. Napangiti ako. Kinalma ko ang sarili. Pinahid ang mga luha. Nagbihis ako ng kumportableng damit at naghanda ng mga gamit para sa gagawing pagtakas.
Matapos maihanda ang lahat. Maingat kong tinanggal ang jalousie blades. Mabagal ang naging galaw at ingat na ingat na hindi makagawa ng ingay.
Mapait na ngiti ang bumakas sa labi ko nang matanggal ko na lahat ang salamin. Pero hindi ako dumaan doon. Naiisip kong mas madali akong mahuli kung agad akong tatakas. Naka-alerto nga silang lahat.
Nagtago ako sa loob ng closet. Nagtiis sa madilim at maliit na espasyo, kasama ang gamit na dadaldin ko. Takip ang palad sa bibig at halos hindi na huminga. Huwag lamang ako'ng marinig ng mga magulang ko.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto.
"Carl! Si Cayaha tumakas!" tarantang sigaw ni Mama. Kasunod no'n ang mga yabag papunta sa silid ko.
"Buwesit talaga ang Anak mo'ng 'yon, Lara!" singhal ni Papa. Todo takip ng bibig ang ginawa ko. Muntik na kasing kumawala ang paghikbi ko.
"Anong ginagawa n'yo rito? Hanapin ninyo ang Anak ko sa labas. Sigurado ako'ng hindi pa iyon nakakalayo!" utos ni Papa sa mga bantay. Kasabay ng paghagulgol ni Mama ang nagmamadaling mga yabag paalis ng kwarto ko.
"Tumahimik ka nga Lara! Walang maitutulong iyang iyak mo!"
"Huwag mo ako'ng sigawan, Carl! Kung hindi dahil sa'yo, hindi mangyayari ang lahat ng ito!"
"Ano, nakita n'yo?!
"Wala rito!"
Kasabay ng pagtatalo ng mga magulang ko ay ang umalingawngaw na sigawan ng mga kalalakihang naghahanap sa akin.
"Wala talaga!" rinig kong sigaw mula sa likod-bahay.
"Saan ka pupunta, Carl?!" tanong ni Mama.
"Hahanapin ang suwail mong anak! Wala iyong ibang pupuntahan kun'di mga kaibigan niya!"
Kumawala ang mahina kong pag-iyak nang marinig ang papalayong mga yabag. Maya maya ay rinig ko na ang pag-andar at pagharorot ng dalawang sasakyan.
Maingat akong lumabas ng closet, sumilip sa bintana. Sinisiguro kong walang bantay. Bitbit ang backpack, patakbo ako'ng lumabas ng bahay.
Takbo na walang pupuntahan. Saan man ako dalhin ng mga paa ko, wala na akong pakialam. Makatakas lamang sa mga magulang ko na ginawa akong pambayad utang.
Si Vianna May Meranda, pinili na kalimutan ang masakit na alaala ng nakaraan. Kasama ang ina, namuhay ng masaya na wala ang bakas ng masakit na alaala. Nakatagpo ng pag-ibig, si Romeo Cordova dahil sa kan'ya naranasan niya ang mga bagay na akala niya ay hindi nangyayari sa totoong buhay. Ngunit ang pag-ibig na akala niya ay panghambuhay na ay unti-unting nagbago dahil sa pagbabalik ng taong naging parte ng nilimot na alaala. Si Diego Fabriano, kaklse, mabait na kaibigan, at higit sa lahat ang lalaking lihim na hinangaan noon. Umalis na walang paalam, ngunit nagbalik dala ang nilimot na alaala. Kwento ng paglimot at pag-ibig. Pag-ibig na hanggad ng bawat isa. Ano ang dalang pagbabago ni Diego, sa buhay nina Vianna May at Romeo? Ano at hanggang saan ang kayang nilang gawin, makuha lamang ang nais na pag-ibig.
WARNING: R[18]: STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Dahil bawal ang kanilang pagmamahalan naisipan nina Vincent at Isla na magpakasal ng lihim upang hindi na magkalayo kailanman. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang isang insidente na kahit sa panaginip ay hindi nila inasahang pwede pa lang mangyari. Gamit ang pera nito ay binayaran ng ina ni Vincent ang ama ni Isla upang ilayo ang dalaga sa binata isang araw bago ang kanilang kasal. Gumuho ang mundo ni Isla dahil sa nangyari. Pero muli silang nagkita ni Vincent, at kahit suklam ito sa kaniya sa hindi niya malaman na kadahilanan ay sinabi sa kaniya ng binata na sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya itong pakasalan, kung hindi ay mawawala sa kaniya si Matthew, ang kanilang anak.