Get the APP hot
Home / Young Adult / Deal with the President
Deal with the President

Deal with the President

5.0
20 Chapters
288 View
Read Now

About

Contents

After consecutive pains and tragedies, she has to face the reality of life. She has to stand up, continue living and recover fast. Peace, she's been longing for it, her whole life. Yena Castille practiced the life of pure coldness and despair. She's an excellently flawless person as her existence was horribly adored, delighted and raised very well by people around her. Until guilt, liability, regrets and cruelty around her, she just put herself in a prison, her emotions were jailed, she will never get out of it. Until a person came, the one who could beat her, the only person that could go against her. He was their class president, he's hard to deal with. Yet, he's here to warm her cold presence.

Chapter 1 Cute

"Narinig ko, dumating na daw yung sweldo natin," pag-kausap sa akin ni Reim na nasa counter habang nagpupunas ako ng mesa.

I was still a high school student back then, fourth year highschool na ako sa pasukan. Like those parents who want their child to have a promising future, they enrolled me in Meridian High. Nakapasa ako sa scholarship program nila doon. It was a smooth road, my grades were maintained well.

Dahil bakasyon pa rin, nag-summer job ako para sa dalawang buwan bilang panghanda sa nalalapit na pasukan. Meridian High isn't an ordinary school, mas mahal pa sa pagkatao ko ang scholarship doon. Kung pwede nga lang na huwag nang mag-aral at magtrabaho nalang.

What's the point of ambition when you can't even sustain yourself and your mother's needs? Hindi ba?

"Titignan ko mamaya," maikling sagot ko.

"Ano ba naman yan, Yena. Wala na bang ihahaba pa yan?" reklamo pa niya. Papalubog na araw at wala halos customer sa restaurant.

Nakibit-balikat ako. "Wala naman na akong ibang dapat sabihin. "

Nagkibit balikat nalang din siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. She just can't work quietly. Muli kong siyang tinignan at nahuli siyang nakangisi. I frowned.

"Believe talaga ako sayong bata ka. 'Diba mahirap yung entrance exam sa Meridian high? Paano ka nakapasa sa scholarship nila?"

Hindi na ako sumagot sa pagpuri niya dahil hindi ko naman alam ang isasagot. Tumingin ako sa wrist watch ko. "It's already 6:00 pm, aalis na ako," pag-iiba ko ng usapan.

"Sige, ingat!"

Pagka-labas ay dumiretso na ako sa malapit na bangko para kunin ang sweldo ko. Agad kong nilagay sa shoulder bag ko ang pera, medyo malaki ang sinuweldo ko ngayon dahil laging akong nagho-whole day.

"Aww!" Napasigaw ako nang bigla akong matalisod. Oh! Yung sintas ko lang pala. Bobo.

Tumingin muna ako sa paligid at tinignan kung may nakakita. Wala naman, dahan dahan akong lumuhod at inayos ang sintas ng sapatos ko.

"Hoy! Yung bag ko!" sumigaw uli ako nang may isang lalaking naka-gray na jacket na humablot sa shoulder bag ko. It's not a jacket but a hoodie. My mood suddenly freaked out from being lifeless, I worked for a month just to get that.

Unbelievable!

Hinabol ko siya nang mabilis hanggang sa makarating kami sa kabilang kalye. Maraming tao dahil nandito ang mga bilihan sa bayan. I sighed, pumikit ako nang mariin at napakagat sa labi. Hindi man lang naawa?

"HOY!" sigaw ko uli hanggang sa hindi ko na siya nakita dahil sa sobrang dami ng tao.

Lumingon-lingon ako sa mga tao. Napakagat ako sa ibabang labi ng makita yung lalaking naka-hoodie na kulay gray, mukhang normal na tao lang siyang naglalakad. My gaze became darker and darker. Who do you think you are?

Agad ko siyang nilapitan at nakipag siksikan sa mga nakapila sa isang bilihan. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sinuntok ko na sa mukha yung tao na iyon. Mabilis kong pinagpag ang nasaktan na kamao at may nakita pa na dugo roon.

"Arouch!"

"Give it back." Kinuwelyuhan ko siya, my stabbing gaze stilled on him with my lips slightly pursed. "Thief, I said give it back!"

"Magnanakaw?"

"Hindi, snatcher."

"Snatcher?" Kumunot yung noo ng lalaki sabay pagtaas ng kilay niya. Pinahiran niya ang dugo sa labi niya at saglit na umubo, mabilis kong nilihis ang mukha na natalsikan pa ng laway niya.

"Ehe!"

"Sorry, sorry!" he apologized. "Saglit lang, nagkamali ka yata." He showed me his bright smile, na medyo nangiwi dahil nasugatan ko yung gilid ng labi niya.

Lumuwag ang hawak ko sa kwelyo niya. Hinigpitan ko uli, hindi ako pwedeng magkamali, about 6ft tall, crumpled hair and plain gray hoodie, siya talaga 'yon...

"Anong gulo to, ha!" Natigilan ako nang may sumigaw, saka ko na lang napagtanto na napapalibutan na pala kami ng maraming tao.

Tinignan kami pareho ng pulis. "Sa presinto nalang kayo mag-usap."

"Eh, paano mo naman nasabing siya nga ang nang-snatch ng bag niyo?" tanong sa akin ng police.

Nanatiling walang emosyon ang mukha ko. "He's 6ft tall, naka-gray hoodie, pants and black sneakers, 'yon ang natatandaan ko. It's exactly the same," sagot ko.

Tumingin naman siya sa lalaking kaharap ko. "Totoo ba yung sinasabi niya?" Hindi naman siguro aamin yung magnanakaw na nagnakaw nga siya.

"Your memory doesn't seem to be wrong." Tumingin sa akin yung lalaki nakapatong pa sa ulo ang hoodie habang nakapamulsa sa jeans. Parang tanga na ginagalawgaw niya ang mga binti, ngumisi siya. Hindi ko alam kung talagang mahilig siyang ngumiti o talagang gusto lang mang-asar. "Pero hindi talaga ako yung taong nagnakaw ng bag mo po."

Napa-irap ako nang pasikreto. Malay ko ba kung may kasabwat siya at pinasa niya doon. Paano na yung bag ko? Isang buwan na sweldo ko iyon. I can't believe this...

"Lim?" Napatingin ako sa isa pang pulis na pumasok, napalingon naman ako sa lalaking tinawag niya.

"Kuya Christian, kamusta?" parang bata na sagot naman ng lalaking nakaupo sa tapat ko. Magkakilala sila?

"Anong meron?"

"Wala po, napagbintangan akong nag-snatch ng bag." Nakibit-balikat yung Lim. Tss.

"Ah miss, ako nga pala si PO2 Christian Bautista." Nakipag-kamay siya sa akin at marahan na nanlaki ang mga mata ko.

"Singer ka?"

The police man chuckled. "Hindi. Kilala ko kasi itong si Lim, guitarista siya ng simbahan namin. Hindi naman yan marunong magnakaw, hiya. Sinabi niya naman na hindi siya 'yon," malumanay na sinabi nito.

"But we could help you out. We'll check the CCTV footage."

"Eh miss, ano ba yung nakalagay sa bag mo? Don't worry, Iche-check pa naman namin yung CCTV sa lugar."

"My monthly income." Napabuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin. Nakatingin lang sa akin ang lalaking katapat ko, muli ko siyang tinignan at saglit na inirapan. He chuckled because of amusement.

"Nahuli na yung snatcher," singit ng isang pulis. "Nabundol siya ng kotse. Aaahahaha!" dugtong pa nito.

I frowned. "Ha?"

"Ito ba yung bag mo, kapatid?" Tumango ako nang makita yung bag ko na hawak niya. "Nasa kabilang kwarto yung snatcher, menor de edad pa, eh."

Hinyaan ko na iyon at dumiretso na sa labas ng police station. Natigilan ako nang mahagip ng paningin ko iyong lalaking napagbintangan ko. Nakaupo siya sa bench kaya nilapitan ko siya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa strap ng bag ko nang makalapit sa harap niya na nakayuko.

Tumikhim ako at tumingin sa paligid. "I may have great memories, my instincts were weak," pag-amin ko.

Nag-angat siya ng tingin at mabilis na napangisi. "Ayos lang. Go home, gabi na."

Hindi ako sumagot at hinalungkat sa bag ko. Inilabas ko room ang maliit na band-aid at tahimik na iniabot sa kanya.

Ngumuso siya. "Saan mo nakuha yan?"

"Sa bag ko," tipid kong sagot. "Get this, help yourself."

"Kanina halos magrap ka na nang nangangatuwiran ka."

Marami pa siyang dinaldal, mabilis kong inilabas ang maliit na alcohol sa bag at nilagyan ng kaunti ang kamay ko, marahan ko itong sinampal sa kanya. Agad siyang napangiwi.

"Arouch!"

Hindi na ako sumagot. These things are always in my bag. Wala si mama para gamutin ang sugat ko kaya lagi silang nasa bag. Yung mga braso ko puro gasgas halos.

"But you look cute," singit niya kaya tinignan ko siya nang masama.

Tumayo na ako at muling sinukbit ang bag. I stared at him. "I already cured your scar and I apologize for what happened. I'll go now."

"Let's meet each other again. Through God's will, I think."

Natigilan ako sa paglalakad at bahagyang kumabog ang dibdib. Huwag po. Ayoko.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 20 Forgiveness   03-06 11:55
img
1 Chapter 1 Cute
13/04/2022
2 Chapter 2 Forgive
13/04/2022
3 Chapter 3 Competition
13/04/2022
4 Chapter 4 Was That
13/04/2022
5 Chapter 5 I'm Sorry
13/04/2022
6 Chapter 6 Scared
13/04/2022
8 Chapter 8 Wife
13/04/2022
10 Chapter 10 Look At Me
13/04/2022
11 Chapter 11 Regrets
13/04/2022
12 Chapter 12 Control
13/04/2022
13 Chapter 13 That Way
13/04/2022
15 Chapter 15 His Voice
13/04/2022
16 Chapter 16 Mad
17/04/2022
18 Chapter 18 School ID
17/04/2022
19 Chapter 19 Too Late
17/04/2022
20 Chapter 20 Forgiveness
17/04/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY